You are on page 1of 29

Mga Konseptong

Pangdiskurso
FILIPINO 1
ANO ang KWENTO MO?
ni Lourdes Tongohan Tejada
Kulang ka ba sa ganda?
Kulang ka ba sa pera?
Kaunting kembot, kaunting luhod
Kailan ka ba sasahod?
Kulang ba ang penitensya
Kahit araw ng iyong pahinga
Kayod ka nang kayod Luhod ka nang luhod
Walang palya sa pagsisimba
Magkamal lang ng salapi at pagsinta
Ito ba ang kapalaran nitong sangkatauhan
Lagi na lamang nakikipagsapalaran
Sa hamon ng buhay na di mapigilan
Kapag nagbiro si tadhana ikaw ay mapag-iiwanan.

Kuwento kahit walang kuwenta


Pinagpipistahan ng mga tsismosa,
Bakit nga ba sila pag kuwento kahit duda ka maeksena
Ginawang Isyu ang ibang persona
Nabenta sa Quiapo maging sa Ermita

Ikaw ano ang Kuwento mo?


Kapag puno ng stress idaan sa kuwento
Baka pag di mo mailabas sisihin mo ang mga santo
Mas mabuti pang i-kwento mo na ang totoo.
Sisikat ka malay mo ma-Trending ito.
Ngunit minsan ingat mga katoto
Ang kuwento ni Kurdapya nagkakatotoo
Sa mga Milennial patok na patok ito
Ginagawan ng blog at Komentaryo.

Paalala ko lang sana may aral na makukuha tayo


Hindi basta kuwento ng kung sino-sino
Sapagkat bawat kwento buhay mo ang taya rito
Ikaw rin ………INGAT at HWAG MAGPAPALOKO
Ang sabi nga ng iba-
ANG MANIWALA SA SABI-SABI WALANG TIWALA SA SARILI. IKAW ANO ANG
KWENTO MO?
Tiktanong
1. Ano ang layunin ng may-akda sa tula?
2. Anong paniniwala mayroon ang may-akda ng tula?
3. Ano ang tunay na Kuwento sa Tula?
4. Anong Uri ng Tekstong Diskurso ang pinapahiwatig ng tula?
5. Paano binigyang kahulugan ng may-akda ang salitang Kuwento?
6. Anong konsepto ng pagpapakahulugan sa Teksto ang binibigyang diin
sa tula?
7. Ilahad ang iba’t ibang kwento ng buhay ng tao sa tula.

Mahalaga ba ang kwento nang buhay ng isang tao? Pangatwiranan.


Diskurso
Kahulugan
ng Diskurso
Dr. Dolores Tanawan
Ayon sakanya sa pakikipagpalitan ng ideya ng isang tao,
hindi lamang sapat na alamin lamang niya ang gramatika
ng isang wika kundi mahalaga ring malaman niya kung
paano pagsasama-samahin ang mga ito upang makabuo
ng isang mahusay na diskurso na siyang daan upang
maipahayag ang naiisip, nadarama at mga pangarap.
Ang wika ang pinakainstrumento ng tao sa pakikipag-unawaan
sa kanyang kapwa.
Sa maraming pagkakataon, labis ang pasasalamat ng tao sa
pagkakaroon ng wika sapagkat naihahayag niya ang kaniyang
saloobin, naiisip, at nadarama. Bagama’t hindi sa lahat ng
pagkakataon ay wika ang ginagamit ng tao sa “pagpapahayag”,
matitiyak nating sa 100% ng kaniyang kakayahang
makapagpahayag ay 70% ang gumagamit ng wika; at ang 30%
ay gumagamit ng pamaraang hindi nakasalig sa wika kung hindi
sa kahulugang nais ipahayag. (Carpio , 2016. )
Noah Webster
ang Diskurso ay katulad ng Komunikasyon na ginagamitan ng
berbal na komunikasyon. Bahagi ng komunikasyon ang
Diskurso. Halimbawa sa pasalitang diskurso ay pag-uusap tulad
ng pagkukuwentuhan, debate, at kumustahan samantalang ang
pasulat naman ay natutunghayan sa palitan ng liham at
korespondensiyang nangangailangan ng tugon (De Vera 2010
sa aklat nina Nuncio Rhoderick V.,Ph.D, et.al)
DISKURSO
Ito ang tawag sa paggamit ng wika bilang paraan ng
paghahatid ng mensahe at pormal o sistematikong
eksaminasyon ng isang paksa pasalita man o pasulat.
Ang salitang diskurso ay nagmula sa Middle English na
“discours” na mula sa Medieval at Late Latin na “discursus”
at “kumbersasyon.”
Ito ay mga yunit ng linggwistik na bumubuo ng iba’t ibang
pangungusap . Sa ibang salita ay Sali-salitaan (conversation)
, argument o pananalita (speeches).
Diksyonaryo ni Leo James English (2007)
ang kahulugan ng diskurso ay may kinalaman sa pagsasalita at
pagtatalumpati. Marapat lamang na sabihin na ang diskurso ay isang
pagbibigay ng pagtalakay sa iba’t ibang paksa, pasulat man o pasalita.
Dahil sa diskurso, maraming nalaman ang tao mula sa mga taong
nagsipagsulat ng kani-kanilang mga akda at gayundin sa mga taong
nakipagpalitan-tugon sa pamamagitan ng pagsasalita sa kanilang mga
kausap.
https://baclaranphenomenon.wordpress.com/2018/05/17/father-leo-jamesenglish-c-ss-r-the priest -who-wrote the
dictionary.
Diksyunaryo Ingles-Filipino (1984)
ito ay nangangahulugang magsulat at magsalita nang may katagalan o
kahabaan. Sa Webster’s New World Dictionary (1995), ito ay isang
pormal na pagtalakay sa isang paksa, pasulat man o pasalita.
Ito rin ay pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o anumang paraan ng
pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa.
Diksyunaryo Ingles-Filipino (1984)
ito ay nangangahulugang magsulat at magsalita nang may katagalan o
kahabaan. Sa Webster’s New World Dictionary (1995), ito ay isang
pormal na pagtalakay sa isang paksa, pasulat man o pasalita.
Ito rin ay pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o anumang paraan ng
pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa.
Malayang nasasabi ng tao ang kanyang saloobin, kaisipan o ideya kahit
anumang lahi ng tao sa mundo. Kaya mahalaga ang pakikipagdiskurso sa
buhay ng tao. Sa makalumang kahulugan naman ,ito ay tumutukoy sa
kakayahan ng pagsasaayos ng kaisipan, pamamaraan o pagiging
makatwiran ng isang tao.
Ang Diskurso ay itinuring na isa sa apat na sistema ng wika, kasama
ng bokabularyo, balarila at ponolohiya.
Marami itong kahulugan katulad ng pagtingin dito bilang isang piraso
ng pinalawig na wika, nakasulat o sinasalita, na may kaisahan,
kahulugan at layunin

. (https://www.teachingenglish.org.uk/article/discourse(retrieved,2016 mula sa aklat nina Maranan,


Mario H. et.al.)
Ang diskurso ay isang paraan na kung saan ang wika ay ginagamit sa
lipunan upang maipamalas ang malawak na pinag-ugatan ng kabuluhan
nito. Ito ay wika na tinutukoy ang kondisyong panlipunan ng gamit nito,
sino ang gumagamit nito at sa ilalim ng anong kondisyon. Sa kabuuan
ang wika ang naguugnay sa ating personal at sa mundo o lipunang ating
ginagalawan (pananaw nina Frances at Henry 2002 mula sa aklat nina
Maranan, Mario H. et.al.).
Ang salitang diskurso ay “discours” , salitang nagmula sa Middle Engish, na mula
naman sa Medieval at Late Latin na “diskursus” na nangangahulugang “argument”
at “kumbersasyon” . Sa sinaunang pagtingin, tumutukoy ang diskurso sa
kakayahan ng pagsasaayos ng kaisipan, pamamaraan o pagiging makatwiran ng
isang tao.”(mula sa aklat Carpio, 2016 ).
Mula naman sa aklat nina Carpio, Perla S., et.al. na binanggit ni Slembrouck (2000)
sa kanyang artikulo, na ang diskurso ay “wikang ginagamit sa mga salita ,
pangungusap o pahayag kaugnay ng lipunang ginagalawan ng tao na ang tuon ay
ang kanyang pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.” Binibigyang-diin sa
kahulugang ito na ang diskurso ay hindi ang mga salitang ginagamit
sapagpapahayag, bagkus ito ang kahulugang ipinaaaabot ng tao sa kanyang
kapuwa layon ang makapamuhay nang matiwasay at payapa.
Jorgensen at Phillips (2002)
Ayon naman sa aklat nila na binanggit sa aklat nina Carpio, 2016) ang
salitang diskurso ay naging gamitin sa loob ng mahabang panahon.
Sa mga debate at mga siyentipikong pag-aaral, ang salitang ito ay
madalas gamitin nang hindi ipinaliliwanag ang kahulugan. Naging Malabo
ang konsepto ng salita sapagkat palitang ginagamit nang may
karaniwang kahulugang mga pahayag o nakatuon sa mga kahulugan ng
pahayag. Ano’t anoman, ang diskurso ay ipinagpapakahulugang wikang
nakaayon sa iba’t ibang paderno na inaangkupan ng pagpapahayag ng
tao batay sa kinabibilangan nilang lipunan. Nangangahulugan lamang na
ang diskurso ay ang pag-aangkop ng tao sa lipunang kanyang
kinabibilangan gamit ang kanyang kahusayan sa pagpapahayag.
Kahalagahan
ng Diskurso
Sa pamamagitan ng diskurso naipaparating ang mensahe ng
isang tao sa kanyang kapuwa upang siya ay lubusang
maunawaan.

Ito ang nagsisilbing hudyat sa pagtugon na nakabatay sa lipunang


kinabibilangan ng isang tao.
TANDAAN:
Ang diskurso ay fanksyunal sapagkat sa pamamagitan nito ay
nagkakaroon ng ugnayan sa pagitan ng tagapagsalita ,tagapakinig,
at ng manunulat at mambabasa.
Sa pamamagitan ng diskurso lubusang nagiging matagumpay ang
pagunawa kung ito’y naipararating ng malinaw, maayos ang
mensahe sa isang tao.
Ang mga sumusunod ay mga dapat tandaan upang maging makabuluhan
ang Diskurso (ayon sa aklat nina Pena 2012 na sinipi nina Carpio, 2016) :

1. PAKSA- ito ang lunsaran sa pagbuo ng mga ideyang ilalahad sa isang


sitwasyong pandiskurso. Makatutulong ang pagbuo ng balangkas o
outline upang maisaayos ang paghahanay ng mga ideya at malaman kung
papaano maipaliliwanag ang bawat bahagi. Nagkakaroon tayo ng tiwala sa
sarili kapag bihasa tayo o kabisado natin ang paksang tatalakayin.
Nagiging magaan ang atmospera sa pakikipagdiskuro sa panahong
nahimay nang mabuti ang mga ideya sa paksa.
2. LAYUNIN – ito ang nagtatakda ng saklaw at hangganan, gayundin ng
tunguhin ng ideya. Sa mga diskurso, madaling malaman ang tinutumbok
ng isang kaisipan kung nakilatis agad ang layunin ng usapan. Maaaring ang
layunin ay manghikayat, magpabatid, magmulat at iba pa. Makatutulong
ang tanong na “Bakit” upang malaman ang layunin ng isang diskurso.
3. PAGLALAPAT SA WIKA – ito ang pinakamahirap na bahagi sa
pakikipagdiskurso, ang paglalapat ng ideya. Maaaring napakaraming
kaalaman ang umiikot sa ating isipan subalit hindi natin maibahagi
sapagkat nagkukulang tayo sa mga talasalitaang maaaring kumatawan sa
mga kaisipang nais iparating ang kaalamang pangwika ay may malaking
gampanin sa pagbuo ng ideya. Ang wika ang mahalagang kasangkapan sa
pagpapahayag at dapat tingnan ang punto ng paggamit nito sa anyo ng
diskurso upang maisaalang-alang ang antas ng wikang gagamitin.
4. MGA TAUHAN- dapat alamin kung sino-sino ang kasangkot sa palitan
ng mensahe sa isang sitwasyong pandiskurso upang maiangkop ang
mabubuong ideya sa magiging daloy ng usapan. Pakatatandaang ang
pagpapahayag sa anumang uri ng diskurso ay palaging kinasasangkutan
ng mga tauhan, kaya marapat alamin ang mga salik na may kinalaman dito
tulad ng edad, panlipunang estado, edukasyong natamo, hilig at kultura.
Makatutulong ang mga tanong na “sino ang maghahayag at para kanino
ang ideyang ipahahayag”.
LAYUNIN NG DISKURSO
https://www.slideshare.net/abigailcabanzadayrit/filipino-reportdiskurso

* Makalikha ng imahe sa isipan ng mambabasa upang maging sila ay


maranasan din ang naranasan ng manunulat.
* Pagbibigay ng malinaw na imahe ng isang tao, bagay, pook, damdamin
o teorya upang makalikha ng isang impresyon o kakintalan.
* Makahikayat ng tao sa isang isyu o panig.
* Makapagbigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag sa isang
isyu o panig upang makahikayat ng mambabasa o tagapakinig.
LAYUNIN NG DISKURSO
https://www.slideshare.net/abigailcabanzadayrit/filipino-reportdiskurso

* Makalikha ng imahe sa isipan ng mambabasa upang maging sila ay


maranasan din ang naranasan ng manunulat.
* Pagbibigay ng malinaw na imahe ng isang tao, bagay, pook, damdamin
o teorya upang makalikha ng isang impresyon o kakintalan.
* Makahikayat ng tao sa isang isyu o panig.
* Makapagbigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag sa isang
isyu o panig upang makahikayat ng mambabasa o tagapakinig.

You might also like