You are on page 1of 18

IBA’T IBANG MGA

MATALINGHAGANG
PAHAYAG
Panimula
Ang mga makata, mga mamamahayag
pampanitikan ang kadalasa’y gumagamit
sa panulat ng mga matalinghagang
pahayag. Ang uri ng mga pahayag na
binabanggit ay karaniwang gamit sa pang
araw-araw na pagsusulat maging sa
pagsasalita kayat inilalabas lamang sa
Maihahambing ito sa mga pagkaing
nakaimbak sa loob ng refregirator na
kukunin sa panahong kailangan na ayon
nga kay Martin Joas sa panulat ni Austero
(1999), ang wika ay may estilong frozen.
Katumbas nito’y mga salitang nasa loob ng
ating utak na inilalabas o inaalala sa
panahong sadyang kailangan.
Ito ang panahong tayo’y sumusulat o
nagpapahayag at lubhang nararapat na
gamitan ng matatalinghagang salita kung
ang nais ay mabisa, malinaw, kaakit-akit
at epektibong kaisipan na ibabahagi sa
madlang mambabasa.
MGA KAISIPANG
ANGKOP SA
PAGPAPAHAYAG
Ayon kay Pagkalinawan (2004), ang wika
ay salamin ng kaisipan at saloobin ng
tao. Sa pagpapahayag ng tao, pasulat
man o pasalita, wika ang gamit. Piling
mga salita ang dapat at yaong malapit
sa kalooban ng manunulat. Nararapat
ang piniling mga salita upang ang
matamo ay indayog sa pagpapahayag.
Ayon kay Trudgill, ang wika’y di lamang
sa pakikipagtalastasan o pagbibigay
inpormasyon, manapa ang pahayag ay
ginagamit upang mapanatili ang
magandang ugnayan, pagkakaisa at
pagkakaunawaan ng mga mambabasa.
Ayon kay Dr. Ofelia Silapan at Prop. Ligaya
Rubin (1999), “ang kalinawan, kawastuan at
katiyakan sa pagsusulat at pagsasalita ay
natutupad kung sapat ang talasalitaan sa
pagpapahayag.” Sa lawak ng talasalitaan ng
manunulat, nagagamit at nagagawa niyang
maiangkop ang mga salitang ito sa anumang
isinusulat o sinasabi
Ayon kay Badayos (1999), ang paggamit ng
mga tayutay ay nagsisilbing panghimok sa
mga mag-aaral sa pagbibigay ng masining
na paghahambing ng mga bagay o
pangyayari. Tayutay ang kadalasang
gamit upang mapaganda ang anumang
pahayag, pasulat man o pasalita dahil
itinatago nito ang tunay na diwa ng
salitang pahayag.
Ayon kay Sebastian (1956) sa panulat nina
Tanawan et.al (2003), ang pahayag
retorika ay tumutukoy sa mga batas ng
malinaw, mabisa at maayos na
pagpapahayag. Ang kawastuan at
kalinawan ng pahayag ay nakikita’t nag-
iibayo kung kasabay nito ang wastong
pananalita at tamang gramatika.
Iba’t Ibang Daluyan ng
Matatalinghagang
Pahayag
Salawikain
•Ayon kay Lope K. Santos, sa aklat ni
Tanawan (2003), ang salawikain ay
karunungang napag-aralan ng tao, hindi
sa mga kasulatan na nailimbag kundi sa
mga aklat ng karanasang nalaman mula
sa bibig ng mga matatanda
Ang salawikain ay nakasulat sa anyong
patula kayat may sukat at tugma.
Mayaman ito sa kagandahang asal at
nagsisilbing panggising sa mga taong
natutulog sa kasamaang asal.
Maituturing na matalinghaga dahil
magkaminsan di tahasang sinasabi ang
tunay na kahulugan.
Halimbawa:
1. Aanhin mo ang bahay na bato kung
ang nakatira’y kuwago, mabuti pa ang
bahay-kubo na ang nakatira’y tao.
•Ibig sabihin mabuti pa ang taong
mahirap na ang tirahan ay aba kaysa
mayaman nga ngunit masama ang asal.
Nais tukuyin na higit daw na marunong
ng kagandahang asal ang taong wala
kaysa mga taong mayroon.
2. Ang hindi marunong lumingon sa
pinanggalingan ay hindi makararating sa
paroroonan.
•Ibig sabihin matuto tayong lumingon o
tumanaw ng utang na loob sa mga taong
tumulong sa atin. Mahirap magtagumpay
sa buhay ang taong di marunong umalala
sa mga pinagkakautangan niya ng loob.
Sawikain
•Ito ay nagsasaad din ng kagandahang asal ngunit
di kasinlalim ng ipinahahayag ng salawikain.
Kumbaga tanging mga paalala ito sa taong
nakakalimot kayat mababaw lamang ang aral
na ibinibigay. Tulad din ng salawikain hindi
diretsong ipinahahayag nito ang kahulugan ng
pahayag bagamat sa karaniwang takbo ng
buhay sa araw-araw ang ipinahahayag.
•Nagagamit din ito sa pagpapaalala sa mga
nakakalimot ng tamang asal.

Halimbawa:
1. Magpakahaba-haba man ang prusisyon sa
simbahan din ang tuloy.

You might also like