You are on page 1of 17

GAMIT NG WIKA

SA LIPUNAN
Ayon kay Ferdinand de Saussure,sa paggamit ng wika,
kailangang maikintal sa isipan na ang bawat salitang
ginagamit ay makabuluhan at magkakaugnay. Sinumang
gumagamit ng wika ay nakababatid na may kaalaman
siya sa wikang ginagamit ng kanyang kausap sapagkat
napag- uugnay- ugnay niya ang bawat salita upang
mabuo ang kaisipan at ang diwa ng pangungusap.
Ayon naman kay Emile Durkheim (1985)- “Ama
ng Makabagong Sosyololohiya” ang lipunan ay
nabubuo sa pamamagitan ng mga taong
naninirahan sa isang pook o lokalidad at ang bawat
isa ay may kanya- kanyang papel na ginagampanan
PANG- INSTRUMENTAL
Ito ang gamit ng wika upang matugunan ang mga
pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag- usap sa iba
lalo na kung may katanungan na kailangang sagutin;
pagpapakita ng patalastas tungkol sa isang produkto na
nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto; paggawa ng
liham- pangangalakal; liham sa patnugot, at iba pa.
PANREGULATORI

Tumutukoy ito sa pagkontrol ng ugali o asal ng ibang


tao. Saklaw ng gamit na ito ang pagbibigay ng
direksiyon gaya ng pagtuturo kung saan matatagpuan
an bisang particular na lugar; direksiyon sa pag-
inom ng gamut; direksiyon sa pagsagot sa pagsusulit;
at direksiyon sa paggawa ng anumang bagay.
PANG- INTER- AKSIYONAL

Ang gamit na ito ay makikita sa paraan ng


pakikipagtalakayan ng tao sa kanyang kapwa;
pakikipagbiruan, pakikipagtalo tungkol sa particular
na isyu; pagsasalaysay ng malulungkot o masasyang
pangyayari sa isang kaibigan o kapalagayang loob;
paggawa ng liham- pangkaibigan, at iba pa.
PAMPERSONAL

Naipahahayag sa gamit na ito ang sariling pala-


palagay o kuro- kuro sa paksang pinag- uusapan.
Kasama rin dito ang pagsulat ng talaarawan o
journal. Dito rin naipahahayag ang pagpapahalaga
sa anumang anyo ng panitikan.
PANGHEURISTIKO
Ang gamit na ito ay tumutukoy sa pagkuha o
paghahanap ng impormasyon na may kinalaman sa
paksang pinag- aaralan. Kabilang dito ang pag-
iinterbyu sa mga taong makasasagot sa mga tanong na
kailanagan sa paksang pinag- aaralan; pakikinig sa
radyo; panonood sa telebisyon; at pagbabasa ng
pahayagan at mga aklat. Nakakukuha tayo ng mga
impormasyon sa mga nabanggit na sanggunian.
PANG- IMPORMATIBO

Ito ay may kinalaman sa pagbibigay ng mga


impormasyon sa paraang pasalita at pasulat.
Kabilang dito ang ulat, pamanahong papel,
tesis, disertasyon, panayam, at pagtuturo sa
klase.
PANG- IMAHINASYON
Tumutukoy ito sa malikhaing guniguni ng isang tao sa
paraang pasalita o pasulat. Karaniwang mababasa ang
imahinasyong nilikha ng isang tao sa mga akdang
pampanitikan gaya ng tula, maikling kwento, dula, nobela,
at sanaysay. Dito ay magagamit ang mga tayutay, idyoma,
sagisag, at simbolismo. Makikita ang pagiging malikhain ng
isang tao sa pagsasalaysay man o paglalarawan at
pagsasalita sa paraang ito.
TUNGKULIN NG WIKA (Jacobson)
1. PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN ( emotive)- Ginagamit ang wika upang
palutangin ang karakter ng nagsasalita.
Halimbawa:
Nakikiisa ako sa mga adhikain ng ating pamunuan.
2. PANGHIHIKAYAT ( conotive)- Ginagamit ang wika upang mag- utos,
manghikayat, o magpakilos ng taong kinakausap.
Halimbawa: Magkaisa tayong lahat upang maging ganap ang katahimikang ating
ninanais.
3. PAGSISIMULA NG PAKIKIPAG- UGNAYAN
(phatic) – Ginagamit ang wik bilang panimula ng isang
usapan o pakikipag- ugnayan sa kapwa.
Halimbawa: Ikinagagalak kong makasama ka sa aming
mga krusada.
4. PAGGAMIT BILANG SANGGUNIAN (referential)- Ginagamit ang
wikang nagmula sa aklat at iba pang babasahin bilang sanggunian o batayan
ng pinagmulan ng kaalaman.
Halimbawa:
Ayon kay Don Gabor sa kanyang aklat na Speaking Your Mind in 101
Difficcult Situation, may anim na paraan kung paano magkakaroon ng
maayos na pkikipagtalastasan.
5. PAGBIBIGAY NG KURO- KURO (metalingual)-
Ginagamit ang wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng
komentaryo sa isang kodigo o batas.
halimbawa: Itinatadhana nang walang pasubali sa Batas ng
Komonwelt blg. 184 ang pagkakatatag ng Surian ng Wikang
Pambansa na ngayon ay Komisyon sa Wikang Filipino.
6.PATALINGHAGA- Ginagamit ang wika sa masining
na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa,
sanaysay, at iba pa.
Halimbawa: Isa- isa mang mawala ang mga bituin sa
langit, hindi pa rin niya maikakaila na nananalaytay sa
kanyang mga ugat ang dugong naghasik ng lagim sa
puso ng bawat Pilipino noong panahon ng digmaan.
Final output

LUMIKHA NG MGA SITWASYONG


NAGPAPAKITA NG 5 GAMIT NG
WIKA . IPAKITA ITO SA
PAMAMAGITAN NG VIDEO
PRESENTATION.

You might also like