You are on page 1of 11

GAMIT NG WIKA

Ulat ni: Fia Leslie Tulagan


Ayon kay Josefina Mangahis et al., (2008), mahalagang instrumento sa pakikipagkomunikasyon
ang wika. Nag-uugat ang tungkulin nito sa umiral na sistema ng isang kultura ayon sa
pamantayan ng paniniwala, tradisyon, pag-uugali, at kung paano nakikisalamuha ang mga tao sa
lipunang kanilang ginagalawan.

Ayon sa pahayag ng isang functionalistna si Ferdinand de Saussure, higit na kailangan pagtuonan


ng pansin ang anyo at paraan ng wikang ginagamit ng isang nagsasalita sa halip na ang
kahulugan ng salita. Karamihan sa mga gumagamit ng wika ang higit na nagbibigay-pansin sa
kahulugan sa halip na sa anyo kung paano ipinahahayag ang wikang ginagamit, ngunit sa
katunayan, ang kahulugan ng sinasabi ng nagsasalita ay nababatay sa anyo at paraan ng
pagsasalita.

Ayon pa kay Saussure, sa paggamit ng wika, kailangang maikintal sa isipan na ang bawat
salitang ginagamit ay makabuluhan at magkakaugnay. Sinumang gumagamit ng wika ay
nakababatid na may kaalaman siya sa wikang ginagamit ng kanyang kausap sapagkat napag-
uugnay-ugnay niya ang bawat salita upang mabuo ang kaisipan at ang diwa ng pangungusap.
MGA GAMIT
NG WIKA SA
LIPUNAN
1.INSTRUMENTAL
Ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan. Nagagamit sa pakikipag-
usap o pag-uusap.
HALIMBAWA:
Paki-abot mo naman ang folder na nasaibabaw ng mesa.
Maari ko bang malaman kung gaano katagalbago matapos ang
proyektong ito?
Ano-anong departamento ang kailangan kongdaanan bago makarating
sa tanggapan ngkagalang-galang na gobernador?
2.REGULATORI
May kakayahang maka-impluwensiyaat mag control sa pag-
uugali ng iba.
Sa madaling sabi, ito ang pagsasabi kung ano ang dapat at hindi
dapat gawin.

HALIMBAWA:
Pagbibigay ng direksyon
Paalala o babala
Pag ayon at pagtutol
3.INTERAKSYONAL
Ito ay ang nagpapakita ng grupo ng mga tao na nakikipag-usap sa
isat isa at nagpapalitan ng impormasyon.

HALIMBAWA:
Kumusta? Hi o Hello Magandang araw,
Magandang gabi, o Magandangumaga
Anong pangalan mo? Ako nga pala si…
Makikiraan po.
Nakikiramay ako o ikinalulungkot ko…
Tao po! Saan po ang daan patungong…
Tara, kain tayo!
4.PERSONAL
Gamit ng wika para ipahayag ang katauhanng isang tao, alam ng bawat isa na bahagi
ng kanyang katauhan ang wika.
May “tinig” o kinalaman ang mga tao sanangyayari kanila. Malaya silang mag bukas
ng bibig o hindi, magsabi ng marami o magsawalang-kibo kung nais nila pumili ng
kung paano sasabihin ang kanilang sasabihin.
HALIMBAWA:
Pagsigaw Pagrekomenda
Pagmumura Pagpapahayag ng galit
Pag hingi ng paumanhin
5.HEURISTIKO
Wikang ginagamit ng tao upang matuto at magtamo
ng mga tiyak na kaalaman tungkol sa mundo, sa mga
akademikoat/o propesyunal na sitwasyon.

Halimbawa:
Pagtatanong, Pagsasagot, Pagkatuto, Pagbibigay
konklusyon, Pag unawa, Pananaliksik
6.IMADYINATIB/IMAHINATIBO
/PAGKAMALIKHAIN
Ginagamit ito sa pagpapahayag ng
imahinasyon sa malikhaing paraan.
Halimbawa:
Pagbabasa ng obra tulad ng tula,dula,
kuwento, nobela at iba pa.
7.IMPORMATIBO/
REPRESENTATIBO
Nagbibigay ng impormasyon o datos para mag-
ambag sakaalaman ng iba.
Halimbawa:
Pag-uulat, Pagtuturo, Pagsusulat ng tesis o
pamanahong papel, Pagpapaliwanag
MARMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like