You are on page 1of 2

Gamit ng wika sa lipunan

Ang wika ay may iba't ibang gamit sa lipunan na nakatutulong sa tao upang makipag-
ugnayan sa kapwa. Ito ay tumutukoy sa pangangailangan ng tao para makipag-ugnayan
at makapagpahayag ng detalye tungkol sa isang bagay. Ayon kay MAC Halliday sa
kaniyang Explorations in the Functions of Language na inilathala noong 1973, na ang
mga tungkuling ginagampanan ng wika sa ating buhay ay kinategorya.

Instrumental

Sa gamit ng wika ay ginagamit upang tumugon sa pangangailangan. Pangunahing


instrumento ang wika upang makuha o matamo ng tao ang kaniyang pangangailangan.
ng maayos at matalinong paggamit ng wika ay nagbubunga nang malawakang kaayusan
sapagkat hindi lamang nito nagagawang magpaunawa kundi pumukaw ng damdamin at
kaisipan. Hal. Maaari ko bang malaman kung gaano katagal bago matapos ang
proyektong ito. Pakiabot mo naman ang folder na nasa ibabaw ng mesa.

Regulatori

Ang regulatori naman ay wika rin ang kumokontrol o gumagabay sa kilos at asal ng tao.
Hal. Huwag gumamit ng ballpen sa pagsagot, gumamit ng lapis. Basahing mabuti ang
pangungusap bago mangatwiran.

Interaksyunal

Interaksyonal ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag at pagpapanatili


ng relasyong sosval sa kapwa. May panlipunang gampanin na pag-ugnayin ang isang tao
at ang kaniyang kapwa sa paligid.

Personal

Ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sailing damdamin o opinion.

Imahinatibo

Ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing


paraan.

Heuristik
Ang tungkulin ng wikang ginagamit sa paghahanap o paghihingi ng impormasyon.

PARAAN NG PAGBABAHAGI NG WIKA

PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN O EMOTIVE- Pagpapahayag ng damdamin o saloobin.

PANGHIHIKAYAT O CONATIIVE- Panghihimok at pag-iimpluwensya sa iba sa


pamamagitan ng pag-utos at pakikiusap.

PAGSISIMULA NG PAKIKIPAG-UGNAYAN (phatic)- Pakikipag-ugnayan sa kapwa at


pagsisimula ng ugnayan

PAGGAMIT BILANG SANGGUNIAN (REFERENTIAL)- Gamit ng wikang nagmula sa aklat at


iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang maiparating ang mensahe at
impormasyon

PAGGAMIT NG KURO-KURO- Lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay


ng komento sa isang kodigo o batas.

MATALINHAGA O POETIC- Masining na paraan ng pagpapahayag ng panulaan, prosa,


sanaysay at iba pa.

You might also like