You are on page 1of 3

Aralin

Gamit ng Wika sa Lipunan

4
Gamit ng Wika sa Lipunan

1. INSTRUMENTAL

Ang wika ay maituturing na instrumental dahil natutugunan nito ang


pangangailangan ng tao tulad ng sumusunod:

• Pagpapahayag ng damdamin kaugnay sa pasasalamat, pag-ibig, galit


kalungkutan, pagpapatawad, sigla, pag-asa, at marami pa;\
• Panghihikayat upang gawin ng kausap ang nais tupdin o mangyari;
• Direktang pag-uutos; o
• Pagtuturo at pagkatuto ng maraming kaalaman at karunungang kapaki-
pakinabang.

2. REGULATORYO o Regulatori

Ang regulatoryong bisa ng wika ay nagtatakda, nag-uutos, nagbibigay-


direksyon sa atin bilang kasapi o kaanib ng lahat o ng alinmang industriyang
nabanggit.

Masasabing regulatoryo ang wika kung mayroon ito ng mga sumusunod:

1. Batas o kautusan na nakasulat, nakikita, nakalimbag, o inuutos nang pasalita


2. Taong may kapangyarihan o posisyon na nagpapatupad ng kautusan o batas
3. Taong nasasaklawan ng batas na sumusunod dito
4. Konteksto na nagbibigay-bisa sa batas o kautusan tulad ng lugar, institusyon,
panahon, at taong sinasaklawan ng batas.

Gamit ng Wika ayon sa Regulatoryong Bisa nito

1. Pagpapatupad ng batas, kautusan, at tuntunin sa pamahalaan at iabng


institusyong panlipunan.

2. Pagpataw ng parusa sa susuway sa mga batas, kautusan at tuntunin.

3. Partisipasyon ng mamamayan sa paggawas ng tuntunin.


4. Pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa mga komunidad at ugnayan ng
mamamayan.

5. Pagtatakda ng polisiya, batas, at kautusan para sa kaunlaran at masaganang


kabuhayan ng lahat para sa pantay na oportunidad; pahkilala sa karapatan
ng iba’t-ibang uri at katayuan ng mamamayan sa bansa.

3. INTERAKSIYONAL

Bahagi ng ating sosyal na pamumuhay ang pakikipag-ugnayan at


pakikisalamuha. Gamit ang wika, nakapaghahatid tayo ng mensahe at
nauunawaan natin ang mensahe ng iba. Ang pakikipag-usap sa isa o higit pang
tao ay interpersonal na komunikasyon. Ang interpersonal na komunikasyon ay
ang pagpapalitan ng imposrmasyon ng dalawa o higit pang mga tao. Bunga nito,
umuunlad an gating kakayahan at nadaragdagan an gating kaalaman at
kahusayan sa pakikipagkomunikasyon.

Sa aklat na Explorations of Function of Language ni M. A. K. Halliday (1973)


binigyang-diin na ang pagkakategorya ng wika ay batay sa tungkuling
ginagampanan nito sa ating buhay. Isa rito ang interaksiyonal na wika na ang
tungkulin ay tulungan tayong makipag-ugnayan at bumuo nga sosyal na
relasyon sa ating pamilya, kaibigan, o kakilala.

4. PERSONAL

Sa konsepto ng wika higit pa sa bilang at salita ang sinasaklaw nito sapagkat


maging ang damdamin ng kaluluwa, pahiwatig o senyas ay itinuturing na wika.
Ayon kay Zeus Salazar (1982), ang kaluluwa ay tumutukoy sa buong pagkatao,
itinuturing itong pinakabuod ng isang tao. Samakatwid, ang kaluluwa, ay wala
sa labas, ito’y nasa kalooban ng isang tao. Sa pamamagitan ng wika na
naipakikita sa labas, nadadamitan ng wika an gating kaluluwa o pagkatao. Sa
tuwing ikaw ay may problema at hindi mo masabi sa iyong kaibigan, paano mo
sinasagot ang kaniyang tanong na “ Ano ba ang problema mo?” hindi ba
sasabihin mong “ Wala ‘yon, personal kasi.” Kapag nagpasalamat ang iyong
kapitbahay sa pagtulong mo sa kaniya, hinsi ba’t babanggitin niyang “Salamat,
ikaw pa ang personal na nagdala.” Ilan lamang ito sa pagpapakahuliugan na ang
ibig sabihin ng “personal” ay ang iyong sarili o kaakuhan. Tulad ng mga personal
na sikreto at personal na gusto, tanging ang iyong sarili lamang ang nakaaalam.

Ang “personal” ay mula sa salitang personalidad. Nabubuo ang personalidad ng


isang tao habang siya’y nagkakaisip at nagiging bahagi ng isang lipunan. Ayon
sa sikolohiya, ang personalidad ay kaugnay ng mga pangunahing teorya kabilang
ang pag-uugali, psychodynamic pangkatauhan, biyolohikal, asal, ebolusyon, at
perspektibo sa kaalamang panlipunan.

5. IMAHINATIBO

Ayon kay Halliday (1973), ang imahinatibong wika ay ginagamit sa paglikha,


pagtuklas, at pag-aliw. Imahinatibo ang tungkulin ng wika kapag ginagamit ito
sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing pamamaraan. Ang ganiotong
tungkulin ng wika ay ginagamit sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula,
nobela, maanyong sanaysay, at malikhaing katha. Maging ang pulikula ay
ginagamitan imahinatibong wika.
Ilan sa mga halimbawa ng daluyan ng imahinasyon ay blog at wattpad. Ang
Wattpad ay isang pakikipag-ugnayan sa pagsusulat na ang gumagamit ay
maaaring mag-post ng artikulo, fan fiction, at tula tungkol sa kahit anong
paksa, online man o gamit ang Wattpad application. Sa kasalukuyan, ang mga
kuwento mula rito ay ginagawa nang pelikula o di kaya’y serye sa telebisyon.
Isang halimbawa nito ang “She’s Dating The Gangster” na tinangkilik ng
kabataan.

6. HEURISTIKO AT REPRESENTATIBO

Tanong at sagot.Pag-iimbestiga. Pag-eeksperimento kung tama o mali. Natuto


tayo sa ganitong proseso ng pagtuklas sa ating paligid at sa pagkuha ng luma at
bagong kaalaman. Heuristiko ang bisa ng wika sa ganitong sitwasyon.

Kung nais nating ipaliwanag ang datos, impormasyon, at kaalamang ating


natutuhan o natuklasan at kung nais nating iulat ang mga ito sa pibliko o kahit
kanino, representatibo naman ang bisa ng wika sa ganitong pagkakataon. Dito
ipinapamalas natin ang ating galing o kahusayan sa paggamit ng modelo,
estadistika, teknolohiya, mapa, o larawan upang ipakita ang representasyon
natin ng mundo o n gating realidad at lipunang ginagalawan.

7. Impormatibo
Ang tungkulin ng wika na ginagamitsa pagbibigay ng impormasyon
Hal:
-Pag uulat
- Pagtuturo
- Pagpapasa ng pamanahong papel
- Pagkukwento ng malulungkot o masasayang pangyayari
- Paggawa ng liham pangkaibigan

You might also like