You are on page 1of 52

KONTEKSTUWALISADONG

KOMUNIKASYON
SA FILIPINO
Unang Semestre, Taong Panuruan 2021-2022

DIVINA SHEILA L. DE LOS ARCOS, MAFLT


Instructor
ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG
PAMBANSA SA MAS MATAAS
NA ANTAS NG EDUKASYON
WIKA: Kahulugan at
Kahalagahan batay sa
Sitwasyong Pangwika sa
Pilipinas
Ang bawat galaw ng at pakikipag-
ugnayan ng isang indibidwal ay
nangangailangan ng isang
instrumentong gagamitin sa kanyang
pakikitungo sa lipunan.
Dito ginagamit ang wika bilang daan ng
patuloy niyang pakikipagtalastasan sa
kanyang kapwa dahil ang wika ay isang
arbitaryong sistema ng mga tunog o
ponema na ginagamit ng tao.
Ayon kay Grace de Guna (2013)
sa kanyang aklat na Speech: It’s
Function and Development,” Men
do not speak simply to relieve their
feelings or to air views but to
awaken a response in their fellows
and to influence their attitudes and
acts.”
Hindi likas na bahagi ng pisikal
na buhay natin ang wika. Isa itong
instrumentong hiwalay sa ating
katawan, isang kontruksyong
panlipunan na kinagisnan nating
nariyan na.
Samakatuwid, ang kamalayan
natin bilang indibidwal ay
karugtong ng kamalayan ng iba sa
lipunan na ating ginagalawan.
Batay kay Clyde Kluckhon
(1978), isang lingwistang
antropologo, ang wika ay isang
uri ng ugaling pangkultura. Ito’y
kasalaminan ng kultura ng isang
lahi maging ang kanilang mga
naging karanasan.
Kapansinpansin na nabibigyang
tuon dito ang sosyolinggwistika kung
paano pinag-aaralan ang epekto ng
ano man at lahat ng aspekto ng
lipunan, kasama ang pamantayang
kultural, ekspektasyon at konteksto
sa gamit ng wika.
Ang wika ang
pinakamakapangyarihang
sandata sa lahat ng
pagkakataon sapagkat ito ang
simula ng pagkakabuo ng
sanlibutan ayon sa bibliya na
matatagpuan sa John 11:5.
Wika ang instrumento ng tao sa
pagpapahayag ng kanyang mga ideya,
opinyon, reaksyon at pagpapakahulugan
mula sa kanyang pakikisalamuha sa
lipunan at tanging ang wika ay may
ginagampanang tungkulin sa buhay ng tao
ayon nga kay Halliday (1975), (Bernales,
et. Al., 2011) ( Bigyang tuon ang pitong
tungkulin ayon kay Halliday)
Gayumpaman nakasalalay
ang wika kung paano ito
ginagamit ng tao sa kanyang
kapwa, sa kapaligiran at
maging sa kanyang sarili.
Instrumento

Kapwa
Galaw TAO WIKA LIPUNAN Karanasan
kilos Kamalayan
sosyolinggwistik
KONSEPTO NG WIKA
1. Mula sa kamalayan at damdamin ng
tao. Bawat pagkilos ng tao ay
kaalinsabay nito ang kanyang
pagmamasid sa kanyang paligid at sa
bawat kanyang pagtugon ay kaakibat nito
ang kanyang nararamdaman mula sa
kanyang kapaligiran. Ang pagbibigay
reaksyon sa pagtugon sa isang
pangyayaring naganap ay isang
indikasyon ng pagkagising ng kanyang
kamalayan at pagpapahayag ng saloobin.
2. Simbolo ng Nagtatanong
Bilang indibidwal nangangailangan
mapalawak ang sarili niyang kaalaman
sa pamamagitan ng pananaliksik sa mga
bagay na makakatulong sa kanyang
sarili. Sa tulong ng pagtatanong nagiging
daan ito upang ang kanyang mga
katanungan ay maging sandigan ng
kanyang kaalaman tungo sa
pagpapaunlad ng kanyang kakayahan.
3. Buhay na Rasyonalisasyon
- Ang tao ay isinilang na rasyunal
samakatuwid, alam niya kung paano
ipaliwanag ang isang bagay o iniisip
kung ito ay makakabuti o makakasama
sa kanyang sarili at ginagawa.
4. Pook ng Tunggalian
Ang wika ay siyang daan upang
ang bawat isa ay magkaroon ng
ugnayan sa kanyang lipunan. Saan
mang pook ay gamit ang wika bilang
bahagi ng kaniyang pakikiisa.
5.Nagtuturo ng Pag-ibig
Ang wika ang siyang gamit
sa pagpapahayag ng kanyang
iniisip, nadaramang damdamin
sa kanyang kapwa. Ito ang
nagsisilbing bigkis ng mga
taong nagkakaisa ang puso at
isipan.
6. Nagpapalaya
Ang wika ang nagsisilbing daluyan natin sa ating
sarili, kapwa at sa ating kapaligiran. Ito ang nagiging
sandata ng bawat isa upang maipahayag ang
kanyang ideya at saloobin mula sa kanyang namasid
sa kanyang kinalalagyan. May kasabihan nga na kung
ano ang namumutawi sa iyong labi ay depinisyon ng
iyong sarili. Wika ang tagapagpalaya sa mga taong
nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan.
7. Sagradong Simbolo
ang wika ay nagmumula mismo sa ating
sarili. Ito’y nanalaytay sa buong katawan
natin na siyang templo ng ating pagkatao.
Tayo ay hinugis ng Panginoon na kanyang
kawangis, samakatuwid ang ating sarili ang
templo ng Diyos na may likha sa atin na
dapat nating ingatan at pangalagahan.
8. May Mitolohiya
Lahat ng bagay na nilikha dito sa
mundo ay may pinagmulan at dahil dito,
ang wika ay may pinanggalinganna hindi
natin maitatatwa sapagkat ito ay
nakasulat sa banal na kasulatan kung
paano nagsimula ang wika.
9. May Adaptasyon
Dahil sa patuloy na pagpaimbulog ng
ating wika at dala na rin ng ating
kasaysayan mula sa mga sumakop sa
ating kung kaya ang ating mga salita ay
naging mayabong. Bawat pangyayari sa
ating kasaysayan ay kasabay nito ang
pagsulpot ng iba’t ibang salita na sa
kasalukuyan ay nagpapayaman ng ating
talasalitaan.
10. May kapangyarihan
Paano nga ba naipapamamalas ang
kapangyarihan ng wika? Simple lang
sapagkat kasabay nito ang pagpapakilos sa
tao batay sa relasyon niya sa kanyang
kapwa at estado ng buhay. Bawat katag o
sallita ay may nakabalot na kahulugan na
siyang nagiging mensahe upang
mauunawaan ng kanyang kausap ayon sa
kalagayan nito sa buhay sa lipunan.
Kahalagahan ng
Wika
Kahalagahan ng wika
Batay kay Archibald Hill, ang wika ay
simbolikong gawaing pantao, sentral na
elemento sa lahat ng ating gawain. Hindi
magiging normal ang pagkilos ng tao kung
wala ang wika. Ito ang prinsipal na
midyum na nagbibigkis sa mga tao hindi
lamang sa komunikasyon kundi maging sa
pagkilala ng kultura ng iba’t ibang lipunan.
• Dahil sa wika, nagiging posible ang mga
gawaing gusto natin gawin, nasasabi natin
ang ating mga naiisip at maging sa
pagsunod sa mga kautusang nasusulat.
Nagiging malawak ang ating kaalaman ng
dahil sa wika na siyang nagsisilbing daan
sa pakikipag-ugnayan natin sa ating
lipunan sa paraang pasulat at pasalita.
Dahil sa wika tayo ay nakakakilala ng
mga tao sa loob at labas ng ating bansa,
maging sa balita ito ang nagsisilbing
tagapagbigay ng mga impormasyong
nagpapalawak sa ating kaalaman sa
tulong ng mga makabagong
teknolohiyang ginagamit natin sa
pakikipag-komunikasyon.
SITWASYONG PANGWIKA
NG PILIPINAS
Sitwasyong Pangwika ng Pilipinas

Muli nating balikan ang batas at batayan ng


pagiging legal ng ating wika mula sa
konstitusyon ng Pilipinas. Masakit mang
aminin na tayo mismo ay hindi natin alam
ang ating karapatan kung paano
ipagtatanggol ang sarili nating wika at
hinahayaan nating pagsamantalahan ang
ating kahinaan ukol sa ating karapatan ng
mga taong naghaharing uri sa lipunan.
Malinaw na isinasaad sa ating konstitusyon 1987, mula sa
Artikulo XIV seksiyon 6 hanggang 9 ang ganito:

Seksyon 6
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino
samantalang nililinang ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa
iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-aayon sa
nararapat na maaaring ipasya ng Kongresyo, dapat
magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang
ibunssod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino
bilang middyumm ng opisyal na komunikasyon at bilang
wika ng panturo sa sistemang edukasyon.
Seksyon 7
Ukol sa layunin ng komunikasyon at
pagtuturo, ang wikang opisyal ng Pilipinas
ay Filipino at hangga’t walang ibang
itinadhana ang batas, Ingles
Seksyon 8
Ang konstitusyong ito ay dapat ipahayag
sa Filipinas at Ingles, at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at
Kastila.
Seksyon 9
Dapat magtatag ang Kongreso ng isang
Komisyon ng wikang pambansa na
binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang
mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik sa
Filipino at iba pang mga wika para sa
kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap
at pagpapanatili.
Linawin din natin ang pagkakaiba-iba ng TAGALOG,
PILIPINO at FILIPINO upang maging tiyak ang inyong
pagkakaunawa batay sa Wikang pambansa ng Pilipinas

TAGALOG
Isa sa mga dayalekto o wikain sa Pilipinas
na sinasalita sa mga lalawigan. Isa itong
wikang natural na mula sa wikang Tagala na
may katutubong tagapagsalita. Isa ring
particular na wika na sinasalita ng isa sa
mga etnolinggwistikong grupo sa bansa.
PILIPINO
Tawag sa mga mamamayan ng bansang
Pilipinas, isang monobase language sa
taong 1959 ayon sa kautusang
pangkagawaran bilang 7 at ito ang piniling
salita bilang representasyon ng mga wika sa
Pilipinas na naging ugat satin upang
kilalanin natin ang pagsisikap ni kalihim
Jose Romero na ating kalihim ng
Kagawaran ng Edukasyon mula sa isang
Kautusang Pangkagawaran Bilang Pito (7).
FILIPINO
Ito ay hindi Tagalog, galing sa Ingles na
Filipino bilang katawagan sa internasyunal
na pagkakakilanlan. Sumasagisag sa
akomodasyong pampolitika at palatandaan
ng isang umuunlad na bansa tungo sa
modernisasyon. Lingua Franca ng Pilipinas
ang wikang Filipino na nagsisilbing
pangalawang wika ng higit na nakakarami
sa buong bansa.
Dapat na itanim sa isipan ng mag-aaral
na ang pag-aaral ng Ingles ay bahagi ng
pagtatangka nating matuto sa larangan ng
teknolohiya at hindi kailanman bilang
bahagi ng pagpapailalim sa Imperyalismong
U.S. sa sitwasyon natin ngayon.
Malaki ang naging hamon ng wikang Filipino
maging sa mga gurong nagtuturo ng
asignaturang ito sa kasalukuyan dahil sa
pagpasok ng K-12 kurikulum sapagkat naging
malaking kalituhan sa kolehiyo kung ano ang
ituturo batay na rin sa pagbaba ng asignaturang
Filipino sa Senior High. Matatandaan na noong
1996 batay sa Memorandum blg. 59 ayon sa
CHED.
Taong 2013 nang opisyal na ipatupad ng
Commisssion on Higher Edducation ang CHED
memorandum Order 20, s 2013 na naglalaman ng
bagong listahan ng mga kursong General Education
Curriculum (GEC) sa kolehiyo. Ang pagdaragdag ng
dalawang taon sa batayang Edukasyon ng K12
curriculum kung kaya binago din ang mga asignaturang
itinadhana ng CHED. Mula sa 60 yunits na lamang.
Matatandaan na sa dating CMO no. 4, s. of 1993 anim
hanggang siyam na yunits ng Filipino ang ipinapatupad.
Ngunit hindi nagpatinag ang mga
samahang nagmamahal sa sariling wika kung
kaya sarisaring hamon ang kinakaharap nito
para lamang pagyamanin ang wika.
Bunsod ng pagbabago ng panahon at pagtugon
sa tinatawag modernisasyon kinakailangan ding
sumunod ang paggamit ng wika batay sa
pagbabago sa sitwasyon ng polisiyang pangwika sa
edukasyon at sa iba pang aspekto ng lipunan.
Naging mapanuri ang bawat samahan gayundin ang
mga nagtataguyod sa sariling wika kung paano ito
higit na mapapaunlad. Kung kaya isa sa naging
masigasig nito ay ang samahang TANGGOL WIKA.
Ito ngayon ang naging dahilan kung bakit ang
sitwasyong ng ating wika ay nanganganib na
mawala sa kolehiyo. Dahil dito, ang samahan ng
mga propesor sa iba’t ibang unibersidad, mga
mag-aaral ay nagkaisa sa ilalim ng Tanggol Wika,
isang alyansa na tumututol na tanggalin ang
wikang Filipino ay nagpetisyon sa Korte Suprema
laban sa pagtatanggal ng CHED sa asignaturang
Filipino sa Kolehiyo.
handa na ba kayo?
Tara na. . .
sukatin natin ang iyong
kakayahan!
pasulit tayo!
Panuto: Ipaliwanag ang pahayag na nasa
ibaba. Ilagay ang sagot sa isang malinis na
papel ang sagot sa bawat katanungan (short
bond paper) na hindi bababa sa 200 salitang
pangnilalaman.
__________________________

1. Bakit makapangyarihan ang


Wika. Ngunit walang angking
superyor?
2. Ano ang kahalagahan ng
paggamit ng sarili nating wika
sa pag-unlad ng ating bansa?
3. Bilang mag-aaral, paano mo
mabibigyang-buhay ang pagiging
isang Pilipino sa paggamit ng
wikang Filipino?
4. Patotohanan kung gaano kahalaga
ang wika.
SA SARILI SA KAPWA SA LIPUNAN
5. Ipaliwanag.

Busugin mo ng magagandang
pangaral na may kaakibat
na aktwal na pagsasagawa,
asahan mo’t ito ay magiging
mabuting mamamayan ng
kanyang lipunan.
Hanggang sa muli …

You might also like