Professional Documents
Culture Documents
medelynmolinomontenegro0222@gmail.com
____________________________________________________________
________
INTRODUKSYON
Napakahalaga ng wika sa sangkatauhan, masasabing napakahalaga
ng wika dahil instrumento ito ng komunikasyon. Ang wika ay mahalaga sa
pakikipag-ugnay ng tao sa kanyang kapwa dahil tayong mga tao ay mga
nilikhang panlipunan. Upang magkaroon ng saysay ang isang wika,
kailangang ito’y gamitin bilang kasangkapan sa komunikasyon kapag ang
wika’y hindi na ginagamit, ito’y unti-unting mawawala.
Ang paggamit ng iisang wika ay nagbubuklod sa mga mamamayan
na ito ay gagamit ng dalawang wika. Ang pagtalakay na ito ay gagamit
bilang kasangkapan sa komunikasyon kapag ang wika’y hindi na ginagamit
ng dalawang pananaw: Una, mula sa mikrolinggwistika, at pangalawang
pananaw, mula sa makrolinggwistika.
Sa sangay ng mikrolinggwistika, tinatalakay ang wika bilang
kabuuang sistema na nahahati sa ponolohiya, morpolohiya at sintaksis,
samantalang sa makro-linggwistika napapailalim ang sikolohikal at sosyal
na aspekto kaugnay ng paggamit ng wika sa komunikasyon. Sa
sikolinggwistika tinatalakay ang paksang wika at lipunan.
Ang wika ay paraan ng pananagisag ng mga tunog na ginagawa sa
pamamagitan ng mga sangkap ng katawan sa pagsasalita upang ang
isang tao ay makaunawa ng iba. (Tumangan, Sr. et al., 1986). Natural na
nagbabago ang wika upang patuloy na magtugunan ang pangangailangan
ng mga taong gumagamit nito. Ang wika ay hindi isang abstraktong bagay
na binubuo ng mga nakapag-aral o ng gumagawa ng diksiyonaryo kundi ito
ay bunga ng gawain, pangangilangan, ugnayan, damdamin at panlasa ng
maraming henerasyon ng mga tagapagsalita nito-nasa ordinaryong
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
Teoryang Nabuo
Ang wikang Cantilangnun ay wikang katuwang ( auxillary language ) ng
mga Cantilangnon sa madaling pag-unawa ng Wikang Filipino..
.
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
METODOLOHIYA
Ang pangunahing pamamaraan na gagamitin sa pag-aaral na ito ay
ang deductive approach.sa pamamagitan ng focus group discussion ( FGD
).
Kapaligiran ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pag-uusap ng
mga piling
respondenteng nakatira sa Cantilan, Surigao del Sur. Ang paksa ng
kanilang usapan ay tungkol sa isyung akademiko, politikal, at sosyal. Ini-
rekord ng mananaliksik ang kanilang usapan at itinala ito. Nang naitala na,
isinalin ng mananaliksik sa wikang Filipino ang usapang Cantilangnun
upang matalos ang kaibahan at pagkakatulad ng dalawang wika partikular
sa pangungusap na walang pandiwa at pangungusap na may pandiwa.
Itinala ng mananliksik ang mga pangungusap na walang pandiwa at
pangungusap na may pandiwa sa Tandaganon at isinalin sa Filipino upang
suriin ang pagkakatulad at pagkakaiba sa kayarian ng dalawang wika.
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
Populasyon ng Pag-aaral
Nilalaman. Ang pokus ng pag-aaral na ito ay pagsusuri ng mga kayariang
pangwika ng Cantilangnun at Filipino ayon sa sintaksis, isang
pangsasaling-wika. Ito ang napiling suliranin ng mananaliksik upang
malaman ang kaibahan at kaugnayan ng dalawang wika sa pamamagitan
ng paggamit ng oral diskors. Napakahalaga nito sa mga mag-aaral upang
malinang ang kanilang kakayahan sa pakikipagtalastasan sa iba’t ibang
wikang umiiral sa kanilang paligid.
Panahon. Ang pag-aaral na ito ay itinakda sa loob ng taong panuruan
2017-2018, isang taong kinakailangan ng mananaliksik, sapat upang
maisakatuparan ang pag-aaral nito.
Pook. Sinasaklaw sa pag-aaral na ito ang mga piling respondenteng
nakatira sa Cantilan, Surigao del Sur.
Instrumentong Gagamitin
ibabatay ang pagsusuri sa kayariang pangwika ng Cantilangnun at
Filipino ng mga usapan o dayalogo, na naglalaman ng mga pagsusuri sa
dalawang wika. Bigyang tuon ng mananaliksik ang pangungusap na
walang pandiwa at pangungusap na walang pandiwa.
Sa hangaring matiyak ng lubusang ang kawastuhan ng pag-aaral na
ito: ang instrumentong gagamitin ay mula sa usapang ini-rekord ng
mananaliksik. Mula sa usapang, tatlong paksa ang ginagamit ng wikang
Cantilangnun at wikang Filipino, ang isyung pang-akademiko, isyung
pampulitikal at isyung pang-sosyal. Ang tatlong isyung ito ay pinag-
uusapan ng mga mamamayang nakatira sa Cantilan at pagkatapos
malikom ng mananaliksik ang usapan, ito’y kanyang isinalin sa wikang
Filipino upang masuri ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang wika.
RESULTA/ PALIWANAG
Lumabas sa pag-aaral na ito, na magkakatulad ang kayariang pangwika ng
Cantilangnun at Filipino sa pangungusap na walang pandiwa, walang makabuluhang
pagkakaiba ang kayariang pangwika ng Cantilangnun at Filipino ayon pangungusap na
walang pandiwa, magkatulad ang kayariang pangwika ng Cantilangnun at Filipino ayon
sa pangungusap na walang pandiwa, magkatulad ang kayariang pangwika ng
Cantilangnun at Filipino ayon sa pangungusap na may pandiwa, at may makabuluhang
pagkakaiba ang dalawang wika sa mga pangungusap na may pandiwa, at mga
kabuluhang pagkakaiba ang dalawang wika sa mga pangungusap na may pandiwa.
Natutuklasan din ng mananaliksik na sa pagsasalin ay kailangang maging
pinakamalapit sa diwa, isipan at damdaming taglay ng orihinal. Maaaring hindi
makuhang buong-buo ang isipan o diwa sa pagsasalin ngunit pakapiliting huwag
malayo, at masama na, kung maiba pa.
Natuklasan din niya na kung may bahagi ng maaaring isalin ng literal, lalung-lalo na ang
mga salita, pararila o pangungusap na may isa lamang diwa o kahulugan ay naisasalin
ng literal.
Napag-alaman din ng mananaliksik na tunay na may salitang Ingles na mahirap tapatan
ng katumbas sa Filipino, lalo na ang mga katawagang tekniko at pang-agham.
Gayunman, ang mga ito’y malalapatan sa pamamagitan ng panghihiram sa iba’t ibang
wikain sa Pilipinas, sa kastila o sa Ingles.
Samakatuwid, wikang Cantilangnun ay magiging auxiliary language ng mga
Cantilangnun sa madalinng pag-unawa ng wikang Filipino. Ang bawat wika ay may
kanya-kanyang paraan ng paglalahad. May pagkakahawig subalit walang wika na
talagang magkatulad na magkatulad. Dahil dito madaling makita ang pagkakaisa at
pagkakaiba ng dalawang wika kung magkakaroon ng siyentipikong pag-aaral ang guro
at ang mag-aaral. Ang mga gurong nagtuturo ng wikang Filipino sa kanyang mga
estudyanteng mga Cantilangnun ay hindi ganoong mahihirapan sa pagtuturo ng wikang
Filipino bagkus pa ngang masisiglahan sapagkat kakaunti lamang ang pagkakaiba sa
kayarian ng pangungusap. Ang mga magtuturo ng wikang Filipino ay lalo pang
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
KONGKLUSYON/ REKOMENDASYON
Walang wika na talagang magkatulad sa alin mang bahagi nito. Ang kahirapan
sa pagkatuto ng mga mag-aaral ng Cantilangnun sa wikang Filipino ang maipapalagay
sa mga hulwarang anyo na inangkin ng unang wika. Ang Cantilangnun at Filipino ay
magkakaiba sa larangan ng Sintaktika dahil sa pagkakaiba ng kayariang pangwika gaya
ng panlapi at aspekto ng pandiwang ginagamit sa pangungusap. Masasabi nating
walang wikang higit na mabisa kaysa ibang wika, ang lahat ng wika ay may sariling bisa
at kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng sariling kulturang
kinabubuhulan nito.
Ang layunin sa pagtuturo ng wikang Filipino ang dapat maipaliwanag nang mabuti.
Dapat isali ang tungkulin at layuning pangkalinangan, na maaaring mailalarawan ayon
sa paglinang ng kaalaman sa wikang Filipino na bibigyan-diin ang pag-aaral ng
Ponolohiya, Morpolohiya, Sintaksis upang makatulong ito sa paglinang ng mga
kasanayang dapat gawin gaya ng pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat,
panonood at ang pagpapahalaga ng wikang Filipino bilang isang wikang Pambansa.
May tungkulin ang bawat guro sa Filipino na linangin ang kaisipan ng mga mag-aaral sa
magandang ugali at pag-unawa ng wikang Filipino. Ang pagkakalantad ng isang mag-
aaral sa wika ay hindi katiyakan na may alam na siya sa wika. Ito ang maaaring
mapayayaman sa pamamagitan ng paggamit at pagsasalita nito araw-araw. Kaya dapat
magpakita ang guro ng maraming pagsasanay at katapatan ng pagtuturo upang
mahikayat ang mga estudyanteng mag-aaral.
Upang mas lalong mabisa, makabuluhan at kapakipakinabang sa mga mag-aaral at
komunidad ang pag-aaral na ito, itinala ng mananaliksik ang iba’t ibang mahahalagang
salita na ginamit sa usapan at isinalin sa wikang Filipino na ito’y tinatawag na glosaryo
sa wikang Cantilangnun upang mas madali nilang maintindihan at magsisilbing gabay
nila sa anumang bagay na nanaisin sa larangan ng komunikasyon.
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph