You are on page 1of 2

Ang proseso ng pagsulat ay hindi lamang nakapokus sa akto ng pagsulat.

Kasangkot dito ang mga


manunulat sa pag-iisip, pagtalakay, pagbabasa, pagpaplano, pagsulat, pag-eedit at pagsulat muli ng
nabuong sulatin. Ang pagsulat ay isang prosesong paulit-ulit na pagsulat at pagkatapos ay pagsulat
muli hanggang sa mabuo ang sulatin.

Sa pagsulat natin ng teksto ay nagsisimula tayo sa isang blankong papel patungo sa isang
kumpletong sulatin. Kaya lang, nagkakaroon tayo ng suliranin kung paano at saan kukuha ng mga
kailangang impormasyon na siyang pupuno sa mga pahina. Sinasabing mahirap ang magsulat lalo
na kung hindi natin alam ang ating isusulat.

Ang Pagkuha ng Paksa

Sa pagsulat, walang taong magtatangkang sumulat kung walang plano sa dapat isusulat. Dapat
isaisip at planuhin ang susulatin sa gayon kailangan ang pagkokolekta ng mga impormasyon
kaugnay sa nabuong ideyang isusulat. Dapat tandaan sa pagsulat ang magiging epekto ng akda sa
mambabasa.

Hindi madaling magsimula ng susulatin dahil kaharap mo ang isang blankong papel. Naghihintay ka
sa pagdaloy ng isip o talagang wala kang maisip. Ito ang karaniwang nasusumpungan ng mga
manunulat lalo na ang mga baguhan.

Ang isang manunulat ay maaaring makakukuha ng mga ideya o paksa sa: (a) iba’t ibang uri ng
babasahin tulad ng mga magazine, pahayagan, peryodikal; (b) ,midya – radyo, telebisyon, internet;
(c) mga pelikula o dokumentaryo; (d) mga sining biswal; (e) mga panaginip o alaala; (f) diskusyon at
palitang-kuro; (g) pagsasatao at pagsasadula; (h) pananaliksik; (i) interes ng sarili o ng klase.

Mga Yugto ng Pagsulat

Hindi lahat ng manunulat ang nakabubuo ng magandang sulatin sa isang upuan lamang. Ang isang
magandang sulatin ay dumadaan sa ilang yugto ng pag-unlad mula sa burador hanggang sa pinal
na papel.

Isang hamon sa mga estudyante ang mga gawaing pasulat. May mga estudyante na nahihirapan sa
gawaing ito sapagkat hindi nila nakasanayan, nakakatamaran, o hindi nila nakakahiligan  ang
pagsulat. Ang mga katuwirang ito ay maaaring palagay lamang. Ang totoo nito, magagawa natin ang
pagsulat nang maayos kung susundin natin ang pagsulat na isang proseso at hindi isang gawain na
dala lamang ng pangangailangan.

Bilang isang proseso, ayon kina Graves (1982), Murray (1985), at Arrogante (2000), ang pagsulat ay
binubuo ng mga sumusunod na hakbang: (A) Bago Sumulat; (B) Pagsulat ng Burador; (C)
Pagrebisa; (D) Pag-eedit; at (E) Paglalathala.

A.      Bago Sumulat (Prewriting)

-          Ito’y isang estratehiya tungo sa pormal na pagsulat. Ito ang unang hakbang na isasagawa sa
pagpapaunlad ng paksang isusulat. Ang gawaing ito ay maaaring ginagawa nang isahan o nang
pangkatan.

B.      Pagsulat ng Burador (Draft Writing)

-          Ito’y aktuwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na hindi isinasaalang-alang ang maaaring pagkakamali.
-          Ang mga kaisipan at saloobin tungkol sa paksang sinusulat ay malayang ipinahahayag ng
estudyante.
-          Ang guro ay nakaantabay sa maaaring maitulong o tanong na maaaring hingin ng mag-aaral kung
nasa klasrum ang gawain.
-          Matapos maisagawa, maaaring balikan at suriin ng estudyante ang natapos na sulatin upang
maaayos at malinaw ang ginagawang paglalahad.

C.      Pagrebisa

-          Ito’y pagbabago at muling pagsulat bilang tugon sa sagot sa mga payo at pagwawasto mula sa
guro, kamag-aral, editor o mga nagsuri.
-          Pangunahing konsern ng rebisyon ang pagpapalinaw sa mga ideya. Ginagawa ito upang suriin ang
teksto at nilalaman para matiyak ang kawastuhan, kalinawan at kayarian ng katha na madaling
maunawaan ng babasa.
-          Sa bahaging ito, iniwawasto ang mga inaakalang kamalian, binabago ang dapat baguhin at
pinapalitan ang dapat palitan.

D.      Pag-eedit

-          Ang bahaging ito ay pagwawasto sa gramatika, ispeling, estruktura ng pangungusap, wastong


gamit ng salita at mga mekaniks sa pagsulat.
-          Sa bahaging ito pinapakinis ang papel upang matiyak na ang bawat salita at pangungusap ay
naghahatid ng tamang kahulugan. Sa pag-eedit, ang mga di-magkaugnay na pangungusap ay
muling isinusulat upang higit na maipakita ang kaugnay na mga ideya.

E.       Paglalathala

-          Ang paglalathala ay pakikibahagi ng nabuong sulatin sa mga target na mambabasa. Kabilang sa


gawaing ito ang mga sumusunod:

1.       Paglalathala ng mga piling sulatin sa pahayagang pangkampus


2.       Pagbabasa sa harap ng klase at pakikinig sa pagbasa ng iba
3.       Paggawa ng isang buklet, album o portfolio ng mga naisulat
4.       Eksibit o pagdidispley sa buletin bord ng mga naisulat

Mga Uri ng Pagsulat sa Iba’t Ibang Layunin

Nagsusulat tayo ng samu’t saring uri ng sulatin sa iba’t ibang dahilan o layunin at uri ng
mambabasa. Ito ay kapakioakinabang sa iba’t ibang panahon, lugar, paraan at pangangailangan:

A.      Pagsulat para matuto at makaunawa


-          Pagtatala (note taking)
-          Brainstorming at quickwriting
-          Semantic mapping
-          Venn diagram
-          Graphic organizer
-          Dyornal

B.      Pagsulat para makipagkomunikasyon


-          Liham
-          Talambuhay
-          Ulat o report

C.      Imahinatibong pagsulat
        -  Mga akdang pampanitikan (kuwento, tula, sanaysay, atbp.)

You might also like