You are on page 1of 28

COLEGIO DE STA.

TERESA DE AVILA
School of Education
6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines

Modyul sa
Malikhaing
Pagsulat
MODYUL sa
Malikhaing Pagsulat
COLEGIO DE STA. TERESA DE AVILA
School of Education
6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines

Pamagat ng Kurso: MALIKHAING PAGSULAT

Deskripsyon ng Kurso:
Sumasaklaw ang kursong ito sa pag-aaral sa mga simulan,
pamamaraan at proseso ng malikhaing pagsulat sa Filipino at ang aplikasyon
ng mga ito sa pagbubuo ng masining at malikhaing anyo ng sulatin.

Pangkalahatang Layunin:
Ang kursong ito ay nakalaan para magbigay sa mga mag-aaral ng
makabuluhang karanasan sa pagkatuto sa Malikhaing Pagsulat.

Espisipikong Layunin
● Makapagpaliwanag ng Konsepto at halaga ng Malikhaing Pagsulat
● Matutunan ang mga simulain,pamamaraan at proseso ng pagsulat.
● Makabuo ng mga likhang sining sa pamamagitan ng pagsulat.
● Magkaroon ng aplikasyon sa anumang kasanayang natutunan sa
pagsulat bilang paglikha ng ideya.

1
MODYUL sa
Malikhaing Pagsulat

Talaan ng nilalaman
Aralin 1: Ang Pagsulat----------------------------------------------------------------- 1
Iba pang kahulugan ng Pagsulat ayon sa mga dalubhasa--------------- 2
Kahulugan ng Pagsulat-------------------------------------------------------- 3
Layunin ng Pagsulat----------------------------------------------------------- 4
Apat na Dibisyon ng kasaysayan ng Pagsulat------------------------------ 5
Mga kailangan sa Pagbuo ng Sulatin---------------------------------------- 6
Mahahalagang Sangkap sa Pagsusulat------------------------------------- 7
Aralin 2. Proseso ng Pagsulat-------------------------------------------------------- 8
Imbensyon o Pag-asinta------------------------------------------------------- 9
Pangngangalap ng Impormasyon o pagtatanong at pag-usisa--------- 10
Pala-Palagay-------------------------------------------------------------------- 11
Pag-oorganisa------------------------------------------------------------------ 12
Pagsulat ng Borador---------------------------------------------------------- 13
Pagrerebisa--------------------------------------------------------------------- 14
Proof reading o Pagwawasto Basa------------------------------------------ 15
Pinal na Papel------------------------------------------------------------------ 16
Aralin 3. Bahagi ng Pagsulat------------------------------------------------------- 17
Aralin 4. Mga Pamantayang Dapat Sundin sa Pagsusulat-------------------- 18
Aralin 5. Mga Anyo ng Pagsusulat------------------------------------------------- 19
Mga Uri ng Pagsulat--------------------------------------------------------- 20
Uri ng Sulatin----------------------------------------------------------------- 21
Sulatin na Nangangailangan ng Pagsusuri sa Pormat,Nilalaman,
Pananalita at Layunin------------------------------------------------------- 22
Aralin 5. Ang Pagtuturo ng mga kasanayan sa Pagsulat---------------------- 23
Aralin 6. Ang Programa sa Pagsulat Kurikulum-------------------------------- 24
Ang Pagsulat sa Elementarya---------------------------------------------- 25
Ang Pagsulat sa Sekundarya----------------------------------------------- 26
Ang Pagsulat sa Tersarya---------------------------------------------------- 27
Aralin 7. Mga Yugto sa PAgkatuto sa Pagsulat---------------------------------- 28
Aralin 8. Mga Simulain ng unti-unting Pagbabawas ng Kontrol------------- 29
Kontroladong Pagsulat------------------------------------------------------- 30
Ang Pinatnubayang Pagsulat----------------------------------------------- 31
Ang Malayang Pagsulat------------------------------------------------------ 32
Aralin 9.Mga mungkahing Patnubay sa Pagtuturo ng Pagsusulat----------- 33
Pagtugon sa/at Ebalwasyon ng mga Sulatin/Komposisyon----------- 34
Iba’t-Ibang Paraan ng Ebalwasyo------------------------------------------- 35
Aralin 10. Malikhaing Pagsulat: Tula--------------------------------------------- 36
Ang Tula------------------------------------------------------------------------ 37
Makata-------------------------------------------------------------------------- 38

2
MODYUL sa
Malikhaing Pagsulat

ARALIN 1: ANG PAGSUSULAT

Ang Pagsulat ay isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t


ibang layunin. Pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang kamay sa
pagsulat sa papel, o sa pagpindot ng mga keys ng tayprayter o ng keyboard
ng kompyuter. Ginagamit din sa pagsulat ang mata upang imonitor ang anyo
ng writing output kahit pa ito ay handwritten lamang o rehistro sa monitor ng
kompyuter o print -out na.
Pagsulat Ito ay isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t
ibang layunin. Pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang kamay sa
pagsulat sa papel, o sa pagpindot ng mga keys ng tayprayter o ng keyboard
ng kompyuter. Ginagamit din sa pagsulat ang mata upang imonitor ang anyo
ng writing output kahit pa ito ay handwritten lamang o rehistro sa monitor ng
kompyuter o print -out na.
Iba pang kahulugan ng Pagsulat ayon sa mga dalubhasa
Ayon kina Xing at Jin: “ang pagsulat ay isang komprehensib na kakayahang
naglalaman ng wastong gamit,talasalitaan,pagbubuo ng kaisipan,retorika at
iba pang mga elemento.”
Sinabi ni Badayos: “ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay
na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito'y pagsulat sa unang
wika o pangalawang wika man.”
Ayon kay Keller: “ang pagsulat ay isang biyaya,isang pangangailangan at
isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.”

3
MODYUL sa
Malikhaing Pagsulat
Ayon kay Donald Murray: “Writing is rewriting”. Paglalarawan ni Murray sa
mabuting manunulat – “A good writer is wasteful”. Metapora ni Murray: He
saws and shapes and cuts away,discarding wood… The writer cannot build a
good strong piece of writing unless he has gathered an abundance of fine raw
materials.
Ayon kay Donald Murray: “ang pagsulat ay isang eksplorasyon- pagtuklas sa
kahulugan,pagtuklas sa porma at ang manunulat ay nagtatrabaho nang
pabalik- balik nagtutuon sa isa sa mga batayang kasanayan sa bawat
panahon nang kanyang matuklasan kung ano ang kanyang isusulat at kung
paano niya iyon maipapahayag nang episyente.”
Ang paglalarawan naman nina Peck at Buckingham sa pagsulat: “Ang
pasulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa
kanyang pakikinig,pagsasalita at pagbabasa.”

KAHALAGAHAN NG PAGSULAT
ayon kay ARROGANTE(2000)
1. Kahalagahang Panterapyutika
Mahalaga ang pagsulat sapagkat nagiging daan ito upang maihayag
ng indibidwal ang kanyang mga saloobin. Sa pamamagitan ng
pagsulat, ang hindi natin masabi sa bibig ay naibabahagi natin ng
maayos sa iba. Nakakatulong ito sa ibang tao sapagkat ito ang
kanilang ginagawang paraan upang naiibsan at mailabas ang
mabigat nilang nararamdaman.
2. Kahalagahang pansosyal
Likas na sa ating mga tao ang pakikihalubilo at pakikipagpalitan ng
impormasyon sa ating kapwa. Mahalaga ang ginagampanan ng mga
sulatin sa ating lipunan. Nakakatulong ito upang magkaroon ng
interaksyon ang mga tao kahit na malayo ang kanilang mga kausap.
Halimbawa na lamang nito ay ang pagpapadala natin ng mga sulat sa
mga mahal natin na buhay na nasa ibang bansa. Sa modernong
panahon, ang pagsulat ay nahaluan na ng teknolohiya kung kaya’t
mas napabilis at napadali pa ang ating komunikasyon. Nakakatulong
din ang pagsulat upang makapagpalaganap ng impormasyon tungkol
sa nangyayari sa kapaligiran tulad ng pagbabalita gamit ang mga
dyaryo at gamit ang social media.
3. Kahalagahang pang-ekonomiya
Alam mo ba na nakakatulong din ang pagsusulat sa pagpapalago ng
ekonomiya ng bansa? Ang pagsulat ay maari ding ituring bilang isang
propesyonal na gawain. Sa pagkakaroon ng mataas na kaalaman at
kasanayan sa pagsulat, nagagamit ito ng isang indibidwal upang
matanggap sa mga trabaho. Maraming pwedeng pasuking propesyon
ang mga manunulat tulad ng pagiging journalist, script writer sa mga
pelikula, pagsulat sa mga kompanya at iba pa na na maaring
makatulong upang magkaroon ng kita.

4
MODYUL sa
Malikhaing Pagsulat
4. Kahalagahang Pangkasaysayan
Isa sa mga paraan upang mapangalagaan ang kasaysayan ay ang
pagtatala at pagdodokumento dito. Ang mga nailimbag na mga libro
at mga naisulat na balita sa kasalukuyang panahon ay maaring
magamit na reperensiya sa hinaharap.

GAWAIN 1: PAGPAPAKAHULUGAN
May malaki bang impluwensya ang Pagsulat sa iyong buhay bilang
Pilipino? Paano mo ito pinapahalagahan? Subukin mong sa mga tanong
sa pamamagitan ng pagbuo ng Akrostik mula sa salitang PAGSULAT.

P-______________________
A-______________________
G-______________________
S-______________________
U-______________________
L-______________________
A-______________________
T-______________________

Ang sagot mo sa naunang gawain ay makatutulong upang mapaunlad natin ang


iyong kaalaman mula sa ilang impormasyon sa Araling ito. Iminumungkahi ko
na sa pagtatapos ng pag-aaral mo ay balikan mong muli ang iyong sagot,
nang-sagayo’y maiwasto natin kung mayroon ka mang maling naisagot.
Ipagpatuloy mo lang ang pag-aaral.

5
MODYUL sa
Malikhaing Pagsulat
Layunin ng Pagsulat
● Ang layunin ng pagsulat ay magpahayag ng mga guni-guni, makulay,
matayutay, matalinghaga at masimbolong mga pangyayari na batay sa
mayamang imahinasyon ng may-akda.
● Layunin nitong makaakit, mapaniwala at mapasang-ayon ang
mambabasa batay sa ideya na ipinahayag sa teksto.
● Ang layunin ng pagsulat ay maglahad, magbigay impormasyon at
magbigay linaw o paliwanag sa paksa sa isang teksto.
● Ang layunin ng pagsusulat ay makikita sa daloy ng paghahanay ng mga
ideya o kaisipan sa isang teksto.
Apat na Dibisyon ng Kasaysayan ng Pagsusulat
Ang Ekspresib na Pagsulat Kognitib na Pagsulat
- Nakapokus sa - Tumitingin sa pagsulat
pangangailangan ng bilang isang pag-iisip at
manunulat na malayang isang kompleks na gawain.
maipahayag ang kanyang May makalayuning
sariling gamit sa sariling oryentasyon at
pamamaraan. Walang naniniwalang ito’y isang
ginagamit na teorya ngunit pabalik-balik na gawain.
nakakaimpluwensya sa
inobasyon sa pagtuturo ng
pagsulat
Sosyal na Antas ng Komunindad na Diskurso
Pagsulat - Nadevelop mula sa
- Ang mga manunulat ay paniniwalang ang pagsulat
hindi lamang kumikilos ay isang gawaing sosyal.
nang nag-iisa kundi bilang Ang pagkaunawa ng
kasapi ng isang sosyal at mambabasa at ang genre
kultura na pangkat na ay napakahalaga rito. Ang
nakakaimpluwensya sa atensiyon ay nakatuon sa
kung ano at paano sila pantersaryang pagsulat
sumulat. kung saan kailangan
makasulat sila ng
katanggap-tanggap sa
akademik na komunidad.

6
MODYUL sa
Malikhaing Pagsulat

GAWAIN 2: Pagkakaiba at Pagkakatulad


Sa gawaing ito ay iyong tutukuyin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
Ekspresib na Pagsulat at Kognitib na Pagsulat sa pamamagitan ng
pagsasagot sa VennDiagram. Ilagay ang pagkakaiba sa bawat loob ng
bilog at sa gitna naman ay ang pagkakapareha nito.
Ekspresib na Pagsulat Kognitib na Pagsulat

Mga kailangan sa pagbuo ng sulatin


1. PAKSA- Kailangan ng isang sulatin ang sapat na kaalaman o
impormasyon sa paksang sulatin. Ang mga kaalaman o
impormasyon ay maaring galing sa mga sangguniang aklat,
dyournal at iba pa.
2. LAYUNIN- Dapat na malinaw sa isipan ng manunulat ang dahilan
kung bakit sya nagsusulat. Malaki ang magiging epekto nito sa
kanyang paraan ng pagsulat. Kaya ang kaibahan sa anyo o
porma ng isang sulatin ay nakabatay nang malaki sa layunin.
3. INTERAKSYON AT ISANG PAGBUO SA KAMALAYAN NG
AWDYENS- Dapat isaisip ng isang manunulat na may nagaganap
na interaksyon sa pagsulat. Kung minsan, ang manunuklat ay
nag-iinterak sa kanyang sarili, halimbawa, kapag nagsulat sya ng
dyornal pero sa maraming pagkakataon ang interaksyon ay sa
ibang tao. Kailangan linangin din ng isang manunulat ang
kanyang kasanayang interpersonal. Dapat na alamin niya kung
sino ang sinusulatan, ano ang maaring gusto nyang malaman,

7
MODYUL sa
Malikhaing Pagsulat
ano ang lawak ng kanyang pang-unawa at anong uri ng wika ang
angkop na gagamitin.
4. WIKA- Ang isang manunulat ay kailangang mayroong kaban ng
wikang maaaring gamitin ayon sa pangangailangan. Dapat alam
niya ang istilo ng wikang angkop na gagamitin sa lahat ng
pagkakataon.
5. KONBENSYON- Dapat isaalang-alang ang mga kombensyon sa
pagsulat na tinatangkilik sa isang pamayanan. Halimbawa may
sariling pormat ng adbertisment na kaiba sa pagsulat.
6. MAY KASANAYAN SA PAG-IISIP- Ang isang manunulat ay dapat
magtaglay ng iba’t-ibang kasanayan sa pag-iisip. Kailangan may
taglay siyang kasanayan sa pagtanggi ng mga bagay at
pangyayari upang madesisyonan niya kung alin ang mahalaga o
hindi; kailangan din niya ang kaalaman sa lohikal upang
makapangatwiran siya nang mabihsa; kailangan alam din niyang
pagalawin ang kanyang imahinasyon at maging malikhain para
sa kawili-wiling paglalahad; kailangang mayroon din siyang
kakayahan sa pagbibigay ng sariling pagpapasiya at iba pa.
7. KASANAYAN SA PAGBUBUO- isa sa mga tunguhin ng manunulat
ang makabuo ng maayos na talataan na naglalahad ng malinaw
na ideya at mga pansuportang detalye. Nagagawa rin ng isang
mahusay na manunulat na lohikal na mailahad ang
pagkakasuno-sunod ng mga ideya sa pagbuo ng isang
magkakaugnay na teksto sa pamamagitan ng paggamit ng mga
angkop na pang-uugnay.
8. SARILING SISTEMA NG PAGPAPAHALAGA- Dapat isaalang-alang
ang mga pagpapahalagang pinanaligan ng isang manunulat at
handa siyang panindigan ang mga ito. Binibigyan pansin niya sa
pagsulat ang mga sumusunod:
a. Ano ang mahalaga sa paksa?
b. Ano ang maganda o mahusay na pagsulat?
c. Ano ang angkop na paraan ng pakikipagtalastasan sa isang
taong may edad kaysa sumulat?
d. Sino ang awdyens o pinaglalaanan ng sulatin?

Mahalagang Sangkap sa Pagsusulat


1. Manunulat- Nagpapadala ng mensahe o encoder kung tawagin.
2. Teksto- Nakasatitik na mensahe na pinoprodus ng manunulat
3. Mambabasa- Nag-iinterpreta at ang umiintindi sa teksto o decoder
kung tawagin.

8
MODYUL sa
Malikhaing Pagsulat

GAWAIN 3: PAGSAGOT SA KATANUNGAN


Sa gawaing ito ay dapat mong sagutan ang hinihingi ng bawat
katanungan base sa mga naunang napag-aralan. Isulat sa patlang
ang iyong sagot na makikita sa bawat dulo ng katanungan.
1. Ito ay isa sa kaylangan ng sulatin na kung saan ng isang
manunulat ay kailangang mayroong kaban ng wikang maaaring
gamitin ayon sa pangangailangan._____________
2. Ito ay nagiging daan upang maihayag ng indibidwal ang kanyang
mga saloobin. Sa pamamagitan nito, ang hindi natin masabi sa
bibig ay naibabahagi natin ng maayos sa iba._________________
3. Ito ang nagpapadala ng mensahe sa mambabasa o encoder kung
tawagin.___________
4. Sino ang nagsabi ng “Ang pasulat ay ekstensyon ng wika at
karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang
pakikinig,pagsasalita at pagbabasa.”?_____________________
5. Ito ay tumitingin sa pagsulat bilang isang pag-iisip at isang
kompleks na gawain._________________

GAWAIN 3.1: WORD SEARCH


Humanap ng mga salitang makikita sa loob ng kahon sa
pamamagitan ng paghihighlight ng salita o letra.
K O N B E N S Y O N
P A V B H K Y G H P
A E A W D Y E N S A
K Y M A F T B X D G
S T G W I K A P A S
A E H J L O Y T Z U
E K S P R E S I B L
R S A V P A B O P A
Q T Y G H O C A T T
Q O E L A Y U N I N

9
MODYUL sa
Malikhaing Pagsulat

GAWAIN 3.2 : PILIIN ANG TAMANG SAGOT


Piliin ang titik ng tamang sagot sa mga katanungan at isulat ito sa
patlang na makikita sa gilid ng bawat bilang.
_______1. Ito ay tunguhin ng manunulat na makabuo ng maayos na talataan
na naglalahad ng malinaw na ideya at mga pansuportang detalye.
a. Wika
b. Konbensyon
c. Kasanayan sa Pagbuo
d. Sariling sistema ng Pagpapahalaga
_______2. Ang isang manunulat ay kinakailangang mayroong kaban ng
wikang maaaring gamitin ayon sa pangangailangan.
a. Wika
b. Konbensyon
c. Kasanayan sa Pagbuo
d. Sariling Sistema
_______3. Binibigyan pansin nito sa pagsulat ang mga sumusunod
kahalagahan ng paksa,ganda o husay ng paksa,sino ang awdyens at ibpa.
a. Kasanayan sa Pagbuo
b. May kasanayan sa pag-iisip
c. Sariling sistema ng pagpapahalaga
d. Wala sa nabanggit
_______4. Dapat isaisip ng isang manunulat na may nagaganap na
interaksyon sa pagsulat. Alin sa mga Kailangan sa Pagbuo ng Sulatin ang
tinutukoy?
a. Interaksyon at Isang pagbuo sa kamalayan ng awdyens
b. Wika
c. Sariling Sistema
d. Konbensyon
_______5. Ito ay ang dahilan kung bakit sya nagsusulat.
a. Konbenson
b. Paksa
c. Layunin
d. Wika
_______6. Ito ay isa sa sangkap ng pagsulat na kung saan tinatawag itong
encoder.
a. Tagapakinig
b. Mambabasa
c. Taga ulat
d. Manunulat
_______7. Ito ay ang pinoprodus ng manunulat.
a. Sulatin
b. Paksa
c. Teksto
d. Mensahe

10
MODYUL sa
Malikhaing Pagsulat

ARALIN 2: PROSESO NG PAGSULAT

Ang proseso ng pagsulat ay hindi lamang nakapokus sa akto ng pagsulat.


Kasangkot dito ang mga manunulat sa pag-iisip, pagtalakay, pagbabasa,
pagpaplano, pagsulat, pag-eedit at pagsulat muli ng nabuong sulatin. Ang
pagsulat ay isang prosesong paulit-ulit na pagsulat at pagkatapos ay pagsulat
muli hanggang sa mabuo ang sulatin.
Sa pagsulat natin ng teksto ay nagsisimula tayo sa isang blankong papel
patungo sa isang kumpletong sulatin. Kaya lang, nagkakaroon tayo ng
suliranin kung paano at saan kukuha ng mga kailangang impormasyon na
siyang pupuno sa mga pahina. Sinasabing mahirap ang magsulat lalo na
kung hindi natin alam ang ating isusulat.
Ang Pagkuha ng Paksa
Sa pagsulat, walang taong magtatangkang sumulat kung walang plano sa
dapat isusulat. Dapat isaisip at planuhin ang susulatin sa gayon kailangan
ang pagkokolekta ng mga impormasyon kaugnay sa nabuong ideyang
isusulat. Dapat tandaan sa pagsulat ang magiging epekto ng akda sa
mambabasa.
Hindi madaling magsimula ng susulatin dahil kaharap mo ang isang
blankong papel. Naghihintay ka sa pagdaloy ng isip o talagang wala kang
maisip. Ito ang karaniwang nasusumpungan ng mga manunulat lalo na ang
mga baguhan.

11
MODYUL sa
Malikhaing Pagsulat

Ang isang manunulat ay maaaring makakukuha ng mga ideya o paksa sa: (a)
iba’t ibang uri ng babasahin tulad ng mga magazine, pahayagan, peryodikal;

(b) ,midya – radyo, telebisyon, internet; (c) mga pelikula o dokumentaryo; (d)
mga sining biswal; (e) mga panaginip o alaala; (f) diskusyon at palitang-kuro;
(g) pagsasatao at pagsasadula; (h) pananaliksik; (i) interes ng sarili o ng klase.

PAGSASANAY
Lumikha ng tatlong (3)paksa na nais mong talakayin sa iyong
sulatin at ipaliwanag ang mga ito kung bakit ito ang nais mong
maging paksa. Maaring ito ay hango sa iba’t ibang babasahin, midya, sariling
karanasan atbp. Isulat ang iyong sagot sa patlang at sa kahon naman ay ang
iyong paliwanag.
1. _________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. _________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

3. _________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

12
MODYUL sa
Malikhaing Pagsulat

Mga Yugto ng Pagsulat


Hindi lahat ng manunulat ang nakabubuo ng magandang sulatin sa isang
upuan lamang. Ang isang magandang sulatin ay dumadaan sa ilang yugto ng
pag-unlad mula sa burador hanggang sa pinal na papel.
Isang hamon sa mga estudyante ang mga gawaing pasulat. May mga
estudyante na nahihirapan sa gawaing ito sapagkat hindi nila nakasanayan,
nakakatamaran, o hindi nila nakakahiligan ang pagsulat. Ang mga
katuwirang ito ay maaaring palagay lamang. Ang totoo nito, magagawa natin
ang pagsulat nang maayos kung susundin natin ang pagsulat na isang
proseso at hindi isang gawain na dala lamang ng pangangailangan.
Bilang isang proseso, ayon kina Graves (1982), Murray (1985), at Arrogante
(2000), ang pagsulat ay binubuo ng mga sumusunod na hakbang:
A. Bago Sumulat (Prewriting)
Ito’y isang estratehiya tungo sa pormal na pagsulat. Ito ang unang hakbang
na isasagawa sa pagpapaunlad ng paksang isusulat. Ang gawaing ito ay
maaaring ginagawa nang isahan o nang pangkatan.
B. Pagsulat ng Burador (Draft Writing)
Ito’y aktuwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na hindi isinasaalang-alang ang
maaaring pagkakamali. Ang mga kaisipan at saloobin tungkol sa paksang
sinusulat ay malayang ipinahahayag ng estudyante. Ang guro ay
nakaantabay sa maaaring maitulong o tanong na maaaring hingin ng
mag-aaral kung nasa klasrum ang gawain. Matapos maisagawa, maaaring
balikan at suriin ng estudyante ang natapos na sulatin upang maaayos at
malinaw ang ginagawang paglalahad.
C. Pagrebisa
Ito’y pagbabago at muling pagsulat bilang tugon sa sagot sa mga payo at
pagwawasto mula sa guro, kamag-aral, editor o mga nagsuri. Pangunahing
konsern ng rebisyon ang pagpapalinaw sa mga ideya. Ginagawa ito upang
suriin ang teksto at nilalaman para matiyak ang kawastuhan, kalinawan at
kayarian ng katha na madaling maunawaan ng babasa. Sa bahaging ito,
iniwawasto ang mga inaakalang kamalian, binabago ang dapat baguhin at
pinapalitan ang dapat palitan.
D. Pag-eedit
Ang bahaging ito ay pagwawasto sa gramatika, ispeling, estruktura ng
pangungusap, wastong gamit ng salita at mga mekaniks sa pagsulat. Sa
bahaging ito pinapakinis ang papel upang matiyak na ang bawat salita at
pangungusap ay naghahatid ng tamang kahulugan. Sa pag-eedit, ang mga

13
MODYUL sa
Malikhaing Pagsulat
di-magkaugnay na pangungusap ay muling isinusulat upang higit na
maipakita ang kaugnay na mga ideya.
E. Paglalathala
Ang paglalathala ay pakikibahagi ng nabuong sulatin sa mga target na
mambabasa. Kabilang sa gawaing ito ang mga sumusunod:
1. Paglalathala ng mga piling sulatin sa pahayagang pangkampus
2. Pagbabasa sa harap ng klase at pakikinig sa pagbasa ng iba
3. Paggawa ng isang buklet, album o portfolio ng mga naisulat
4. Eksibit o pagdidispley sa buletin bord ng mga naisulat
Mga Uri ng Pagsulat sa Iba’t Ibang Layunin
Nagsusulat tayo ng samu’t saring uri ng sulatin sa iba’t ibang dahilan o
layunin at uri ng mambabasa. Ito ay kapakioakinabang sa iba’t ibang
panahon, lugar, paraan at pangangailangan:
A. Pagsulat para matuto at Pagtatala (note taking)
makaunawa Brainstorming at quickwriting
Semantic mapping
Venn diagram
Graphic organizer
Dyornal
B. Pagsulat para Liham
makipagkomunikasyon Talambuhay
Ulat o Report
C. Imahinatibong Pagsulat Mga akdang pampanitikan
Kuwento
Tula
Sanaysay

BALIKAN NATIN
I. Ibigay ang mga kailangang sundin sa pagbuo ng sulatin at
bigyan ito ng sariling pagpapakahulugan.

14
MODYUL sa
Malikhaing Pagsulat

II. Pagtambalin ang mga salita Hanay A at ang mga kahulugan nito ay
makikita sa Hanay B. Isulat ang tamang titik ng tamang sagot sa
patlang.

HANAY A 9. Ang atensiyon ay nakatuon


1. Ito ang unang hakbang na sa pantersaryang
isasagawa sa pagpapaunlad pagsulat.____
ng paksang isusulat.____ 10. isang sosyal at kultura na
2. Walang ginagamit na teorya pangkat nakaimpluwensya sa
ngunit nakakaimpluwensya kung ano at paano sila
sa inobasyon sa pagtuturo ng sumulat._____
pagsulat._____
3. Ito’y aktuwal na pagsulat
nang tuloy-tuloy na hindi HANAY B
isinasaalang-alang ang A. Paglalathala
maaaring pagkakamali.______ B. Pagsulat ng Burador (Draft
4. Isang pisikal at mental na Writing)
aktibiti na ginagawa para sa C. Pagrebisa
iba’t ibang layunin.______ D. Pag-eedit
5. Pakikibahagi ng nabuong E. Bago Sumulat (Prewriting)
sulatin sa mga target na F. Ekspresib na Pagsulat
mambabasa._____ G. Sosyal na Antas ng Pagsulat
6. Ginagawa ito upang suriin H. Kognitib na Pagsulat
ang teksto at nilalaman para I. Komunindad na Diskurso
matiyak ang kawastuhan.___ J. Pagsulat
7. Tumitingin sa pagsulat bilang
isang pag-iisip at isang
kompleks na gawain._____
8. Pangunahing konsern ng
rebisyon ang pagpapalinaw
sa mga ideya._____

TAKDANG ARALIN:
Humalaw ng limang (5)kilalang manunulat sa bansa at tukuyin ang
kilalang akda ng mga ito. Isulat sa loob ang iyong sagot.
1. ____________________________________________________________
2. ____________________________________________________________
3. ____________________________________________________________
4. ____________________________________________________________
5. ____________________________________________________________

15
MODYUL sa
Malikhaing Pagsulat

.
ARALIN 3: BAHAGI NG PAGSULAT

Ang Pagsulat ay binubuo ng tatlong bahagi:


Simula o Introduksyon
- Itinuturing na mukha ng
sulatin ang bahaging ito. Ito ang
nagsisilbing batayan ng
mambabasa kung itutuloy ba o
hindi ang pagbabasa. ang
pinakamukha ng sulatin. Kailangan itong maging kaakit-akit upang
maganyak ang mambabasang basahin ang buong katha. Ito ay
maaaring pangungusap o talata. Ito ay dapat ibagay sa haba ng katha.
- Ito’y dapat maging malinaw, maintindihan, makaapekto at mabisa dahil
maaasahan ang atensyong ibibigay ng mambabasa. Mahalaga ang
pagsisimula sa pagsulat ng makabuluhang komposisyon. Nakasalalay
dito ang pagtatagumpay ng isang sumusulat ng komposisyon na
maakay ang kanyang mambabasa upang tuluyang basahin ang akda.
- Ang haba ay ibagay sa haba ng komposisyon. Kung maikli lamang ang
komposisyon, ang isang talataan o maging isang pangungusap ay sapat
nang introduksiyon.

16
MODYUL sa
Malikhaing Pagsulat

Gitna o Katawan
- Pinakamahabang bahagi ng
sulatin. Dito ipinapaliwanag
ng manunulat ang kahulugan
ng pahayag na inilalahad sa
simula. Ang mga talata nito ay
kinapapalooban ng mga pangunahing kaisipan at mga pantulong o
pansuportang detalyeng maayos ang pagkasunod-sunod tungo sa
malinaw na ikapaliliwanag ng paksa. Sa pagbuo ng bahaging ito ng
komposisyon, alalahaning dapat na mapanatili ang kawilihan ng mga
mambabasa. Ang nakalilito at malabong pagpapahayag ng mga ideya
ay makababagot sa mga mambabasa.
Wakas o konklusyon
- Wakas o
Kongklusyon Kung dapat
isaalang-alang sa pagsulat
ng isang makabuluhang
sulatin ang wastong
pagsisimula, nararapat
ding pagtuunan ng pansin ang maayos na pagwawakas. Mawawalan ng
saysay ang kagandahan ng komposisyon kung ang sumulat nito ay
nakalimot sa katangian ng isang maayos na pagwawakas. Ang maayos
na pagwawakas ay lumalagom sa mga kaisipang inilahad sa
komposisyon. Ang wakas ay dapat na maikli dahil kung ito’y
pahahabain, di na ito mabisa at di kasiya-siya. Ito ang pangkalahatang
palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at mga
katwirang iniisa-isa sa gitnang bahagi.
PAGSASANAY :
Tukuyin kung alin sa larawan ang nagpapakita ng SIMULA, GITNA at
WAKAS sa pamamagitan ng paglalagay label sa itaas ng mga ito. Bigyan
din ng pagpapakahulugan kung bakit ito naging simula, gitna at
wakas. Isulat sa patlang ang iyong kasagutan.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

17
MODYUL sa
Malikhaing Pagsulat

Mga Pamantayang Dapat D. Kailangang may sapat na


sundin sa pagsulat kaalaman sa wika, gramatika at
retorika.
A. Kailangan ang kaisahan,
kaugnayan, kawilihan at wastong E. Dapat na may lubos na
pagbigay-diin sa pahayag. kabatiran sa mga mekanismo sa
pagsusulat gaya ng:
B. Kailangang malinaw, pagbabaybay, pagbabantas,
makatwiran at maayos ang paggamit ng malaking titik,
pagkakasunod-sunod ng mga paggamit ng italika, pagsulat ng
kaisipan. tambilang at papapaikli ng mga
salita at talata.
C. Kailangan maingat ang susulat
sapagkat ang anuman kamalian ay
nakikita ng Bumabasa.
Talataan – lipon ng mga pangungusap na paunlad na binubuo at
nagpapahayag ng isang buong diwa o kaisipan. Ang isang talata o
magkakasunod na talata ng isang akda ay may kaisahan, kaugnayan at
kaanyuan.
1. KAISAHAN - Upang matawag na talata ang
pangkat ng mgga
pangungusap, kailangang ito’y
umikot sa iisang pangkalahatang
ideya. Kailangang may pangungusap
na pampaksana siyang nagsisilbing
giya o patnubay sa pagbuo ng
susuportang mga pangungusap.

2. KAUGNAYAN - Kailangang magkakaugnay ang


mga pangungusap upang
magpatuloy ang
daloyng diwa buhat sa simula
hanggang sa dulo ng pahayag.
Kailangan nakaayos sa
pagkakahanay ang mga pangyayari
o ang diwang ipinahayag upang
maging maliwanag ang
pagkakaugnay.
● Pamantayan sa Kaugnayan
Paggamit ng tradisyonal na
mga salitao mga pangatnig
gaya ng: at, kapag, disin sana,

18
MODYUL sa
Malikhaing Pagsulat
dahil sa, sapagkat, ngunit,
bagaman, samantala, ngunit,
bagaman, samantala,
anupa’t,kung gayon,
samakatuwid, gayon pa man,
sa kabila noon at marami
pang iba.
● Paggamit ng Panghalip
Kung pangngalan ang ginamit
sa unang pangungusap o
sugnay, panghalip ang
maaringg gamiting kahilili ng
pangalang nabangit. Sa mga
sumusunod na pangungusap.
Ginagawa ito upang hindi
ulit-ulitin ang atensyon ng
bumabasa ay magbalik sa
tinutukoy na panghalip.
● Pag-uulit ng Salita
upanaMagbigay-diin at
Mag-ugnay-diwa.
● Paralelismo o Paggamit ng
Magkakatulad na Balangkas
Panggramatika.

3. KAANYUAN O KABUUAN - Ang mabuting talata ay


naglalaman ng kumpletong
kaisipan. Maypagbigay-katuturan,
paliwanag, pangangatwiran, at
patotoo. Gumagamit ng ilustrasyon,
halimbawa, pagwawangis,
pagtuttulad at pag-iiba,
pagsususuri, mungkahi, tagubilin,
talinghaga, mahahalagang sipi at iba
pang pamamaraan upang maging
buo o ganap. Ang isang akda ay may
panimulang talata, makakapanunod
na talata (Transitory) at may
pangwakas na talata.

19
MODYUL sa
Malikhaing Pagsulat

F. Mga Anyo ng Pagsulat


Anyong Pangangatwiran o Argumentasyon
Layuning bigyang-paliwanag ang paksa, kasysa sa bigyan-
panlunas, para Makita at mapakilalang mabuti ang particular na bagay na
tinatalakay sa
pamamagitan ng mgapruweba’t patunay, sa gayon, malinawan at
maintindihan nang walang pagpapasubali ang pinagmamatuwirang posisyon
o pahayag.
Isang pahayag na mapagtatalunan.
Anyong Klasipikasyon o Pag-uuri-uri
Pinararaan ang mga ito sa iba-ibang sistema ng pag-uuri, at walang ibang
pinakabasehang magagawa kundi ang paghahanap na kategorya na
napagsama-sama ang mga bagay na maaaring magkakahiwalay at
mapagbubuklud-buklod ang mgamagkakaiba.
Anyong Pagsusuri o Analisis
Isang pagtataya sa nilalaman ng akda angpagsusuri. Dalawang importanteng
gampanin ang kailangan isakatupara: una, pagmamasid at pangalawa,
pasulat ng mganaobserbahan. Ang pagsulat sa anyong pagsusuri ay hindi
lamang isang pag-uulat ng mga naobsrebahan kundi isang kasanayan sa
pagmamasid.
Anyong Pasalaysay
Pagpapahayag na naglalayong maghayag nang sunod-sunod ng isang
pangyayari, mga tauhan at may tagpuan.
Halimbawa: maikling kuwento, talambuhay, dyornal, kasaysayan,
kathangisip.
Anyong Paglalarawan
Pagpapahayag na naglalayong magsaad ng larawan ng kabuuan ng isang
bagay, pangyayari o magbigay ng isang biswal na konsepto nga mga
bagay-bagay, pook, tao o pangyayari.
Anyong Panghihikayat
Pagpapahayag na naglalayong mahikayat ang mambabasa na makiayon o
tanggapin ang pananaw ng manunulat.
Halimbawa: adbertisment at sanaysay.
Anyong Eksposisyon
Pagpapahayag na may tungkuling ipaliwanag ang pangyayari, opinion,
kabatiran at mga kaisipan.
Anyong Ekspresyon

20
MODYUL sa
Malikhaing Pagsulat
Pagpapahayag ng saloobin para mapagaan ang loob bilang isang positibong
pagbuhos ng emosyon.
Anyong Refleksyon
Nilalaman ang sarili ng distansya at inilalagay sa perpektibong malinaw na
masukat ang sariling pagkatao. Tinutuklas ditto ang kahalagahan ng mga
karanasang nagdaan at ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan sa
buhay.
Anyong Direksyon o Panuto
Naipapakita ng manunulat ang kanyang pag-intindi sa mga mambabasa,
gayundin, naipasusunod niya ang tamang pagsasaayos ng mga bagay-bagay
sa proseso ayon sa mga tuntuning dapat gabayin
G. Mga Uri ng Pagsulat
Akademik – formal ang istraktura. Maayos na inihahanay ang mga
pangungusap upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya.
Kadalasang seyoso,
nakabatay sa sinaliksik na kaalaman. Ang pagbuo ng ganitong uri ng kritikal
na pagsulat
ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal. Ang mga
pamanahaunang-
papel, tesis, disertasyon, suring-basa,panunuring pampanitikan, malikhaing
pagsulat
oanumang sulating may [aksang pag-akademik ay nabibilang sa uring ito.
Jornalistik – Ang mga salitang hango sa mga pahayagan gaya ng balita,
editorial, lathalain at mga balitang isports ay halimbawa ng jornalistik na
pagsulat.
Teknikal – panglibrong pang-akademiko.
Referensyal – Ang pagtatala ng mga sangguiniang gagamitin ay nakatutulong
nang malaki sa pagpapadali ng gagawing pagsulat. Maaring ang mga ito’y
mulasa mga
aklat, pahayagan,magazine, on-layn sorses, diksyunaryo, jornal, tesis at
disertasyon.
H. Uri ng Sulatin
Malikhain- ang tawag sagenreng may kaugnay sa malikhaing pagsusulat. Ito
ay may dalawang
uri:
Tuluyan o komposisyong nagsasalaysay ng watong pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari na lagi nang may tauhan, tagpuan atpaksa.
May iba’t ibang uri ito:
Maikling kwento - isang akdang nagsasalaysay ng mga pangyayari na
kadalasan nang may suliraning nilulutas ng pangunahing tauhan, may
tagpuan, kasukdulan at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Nababasa sa sangdaling panahan lamang.

21
MODYUL sa
Malikhaing Pagsulat

Kwento ng Katutubong Buhay – ang binibigyang


pagpapahalaga ay ang tungkolsa uri ng pamumuhay, kapaligiran,
hanapbuhay at pananamit.
Kwento ng Madulang Pangyayari – ang mga kapana-panabik
na pangyayari na nakapagbabago sa katauhan ng tauhan ang binibigyang
linaw sa nasabing kuwento.
Kuwento ng Pakikipagsapalaran – ang matinding interes at
kawilihan ay nasa balangkas at walasa mga tauhang nagbibigay kulay sa
kuwento.
Kuwentong Kababalaghan – ang mga di-kapani-paniwalang
pangyayari at ang katatakutan ang nilalaman ng kwento.
Kuwento ng Tauhan – ang interes nito ay nakasalalay sa
pangunahing tauhan.
Kuwento ng Sikolohiya – mangilan-ngilan lamang ang
sumusulat ng kuwentong ito sa kadahilanang may kahirapan ilarawan ang
pag-iisip ng isang tao. Ang higit na kakailanganin ay maipadam sa mga
bumabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari.
Kuwento ng Katatawanan – ang magpatawa at bigyang aliw ang
mga bumabasa ang tanging layunin ng nasabing kuwento.
1. Nobela- isang akdang naiiba, higit na marami ang mga tauhan, may
masalimuot na mga
pangyayari at may kahabaan ang sakop na panahon. Kadalasang nahahati sa
mga kabanata.
Nobela ng Pangyayari – ang mahalagang kinakatawan ay ang
pagkakasulat o pagkakagawa ng nasa pangyayari ng nobela.
Nobela ng Tauhan – ang kahalagahan ay ang pangunahing
tauhan at hangarin ng mga tauhan.
Nobela ng Romansa- ang binibigyang halaga rito ay ang pag-
iibigan.
Nobela ng Pagbabago – ang mga ibig manyaring pagbabago sa lipunan o
pamahalaan na kanyang kinabibilangan ang hangad ng may-akda.
Nobela ng Kasaysayan – ang binibigyang halaga ng may-akda ay ang
kasaysayan n gating pinagmulan at ang paglalarawan ng mga bayaning may
malaking ambag sa pagtatanggol sa bayan.

22
MODYUL sa
Malikhaing Pagsulat
Talambuhay- isang akdang nagsasalaysay tungkol sabuhay na pinagdaanan
ng isang kilalang tao.
Dula- isang uri ng akda na nagsisimula sa tula o sa tuluyang pagnugnusap
na naglalarawan ng buhay o ugali sa pamamagitan ng mga usapan at kilos
ng mga tauhang tumutupad upang itanghal sa dulaan.
Anekdota- isang uri ng akdang tuluyan na karaniwang kakatwa, maikli,
subalit nag-iiwan ng aral.
Talaarawan- isang kalipunan ng mga salaysay opangyayaring naranasan ng
mayakda.
Sanaysay- ito ay isang akdang tumatalakay sa isang mahalaga aat
napapanahong usapin sa lipunan.Malawak ang saklaw nito dahil anumang
bagay tungkol sa pagbabagong ekonomika, pulitika, sosyal, kultural at
maging personal ay maaaring talakayin.
Talumpati- isang akdang pasalita na naglalayong talakayin ang isang
napapanahong isyu sa lipunan.
Pabula-ang mga karakter ay mga hayop, naglalayong gisingin ang isipanng
mga bata sa mgapangyayaring makahuhubog ng kanilang ugali.
Parabola-mga hango sa bibliya na tulad ng anekdota ay nagbibigay aral sa
mga mambabasa.
2) Patula – isang akdang pampanitikan na nagpapahayag ng tiyak na diwa’t
damdamin na kaugat sapagkatanaw at pagkaunawa ng makata sa mga
karanasan niya sa buhay. Maaaring may sukat o tugma o di kaya’t Malaya.
Tulang pasalaysay – nag lalarawan ng makhulugang mga tagpo sa buhay.
Epiko – nagsasalaysay ng mga kabyanihang halos hindi mapaniwalaan
pagkat nauukol sa nga kababalaghan.
Awit at korido – may mga paksang hango sa pangyayaring tungkol sa
pagkamaginoo at pakikipagsapalaran at ang mga tauhan ay mga hari’t reyna,
prinsipe at prinsesa. Ang awit ay may sukat na 12 pantig at inaawit
nangmabagal sa saliw ng gitara o bandurya samantala, ang korido ay may
sukaat na walong pantig at binibigkassa kumpas ng martsa.
Balad – Himig na awit dahil ito ay inaawit habang may
nagsasayaw. Ito ay nilikha noong unang panahon. Sa kasalukuyan ito ay na
sa mga tulang
kasaysayan na may anim hanggang walong pantig.
Tulang Pandamdamin – Nagpapahayag ng damdaming maaaring sarili ng
sumulat o ng ibang tao, o kaya’y likha ng maharaya o mapangaraping
guniguni ng makata na batay sa karanasan. Karaniwang maikli, likas at
medaling maunawaan.
Awiting Bayan – karaniwang paksa ay pag-ibig, kawalang pag-asao
pamimighati, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan.

23
MODYUL sa
Malikhaing Pagsulat
Soneto – May labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan, may
malinaw na batiran ng likas na pagkatao, at sa kabuuan, ito’y naghahatid ng
aral sa mambabasa.
Elehiya – Nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o
kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao.
Dalit – Awit ng pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtattaglay ng
kaunting pilosopiya sa buhay.
Pastoral – naglalayong maglarawan ng tunay na buhay sa bukid.
Oda – nagpapahayag ng papuri, panaghoy o iba pang masiglang damdamin,
walang tiyak na binibilang na pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang
saknong.
Tulang Pandulaan – Ang tulang ito’y karaniwang itinatanghal sa isang dulaan
o entablado. Ang usapan ng mga gumaganap ay patula.
Komedya – Ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahing tauhan ay may
layong pukawin ang kawilihan ng manonood. Nagwawakas nang Masaya, ang
tunggalian ay karaniwang nagtatapos sa pagkakasundo ng mga tauhan na
siyang nakapagpasiya ng damdamin ng manonood.
Melodrama –Karaniwang para sa musical, kasama na ng opera, ang sangkap
ay malungkot, ngunit aksiya-siya ang katapusa para sa pangunahing tauhan
ng dula.
Trahedya – Tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi o pagkwasak ng
pangunahing tauhan ng dula.
Parsa – naglalayong magpasiya sa pamamagitan ng mga kawing-kawing na
pangyayaring nakatatawa.
Saynete – paksa ay mga karaniwang pag-uugali ng tao o pook.
Tulang Patnigan – karaniwan ng may pantig ang bawat taludturan at
tumatakay sa isang paksang pinagtatalunan.
Karagatan – batay sa alamat ng sensing ng isang prinsesa na naihulog niya
sa dagat sa hangaring makapang-asawa ang kasintahang mahirap. Ang
makakuhkuha ng singsing ay pakakasalan siya.
Duplo – humahalili sa karagatan, paligsahan ng husay sa pagbigkas at
pangangatwiran nang patula. Ang pangangatwiran ay hango sa Bibliya, sa
mga sawikain at sa mgakasabihan. Karaniwang nilalaro upang aliwin ang
namatayan.

24
MODYUL sa
Malikhaing Pagsulat
Debate o Balagtasan – isang pagtatagisan ng katuwiran sa anyong pasalita
ukol sa isang paksa o usapin pinag-uusapan. Kaiba naman ang balagtasan
sa debate bagamat isa ring pagtatalo ngunit ang mga pangangatwiran ditto ay
kailangang may sukat at Tugma.
Teknikal – Ito ay genre na may layuning magbigay ng impormasyon sa
anyong
transaksyunal, prosidyural, pag-uulat, ekspositori at panghihikayat.
Transaksyonal – ito ay teknikal na genre na ginagamit sa anumang
transaksyon o
komunikasyong nangangailangan ng pagtugon o tuwirang sagot.
Halimbawa:
E-Mail, Liham, Pagbati, imbitasyon, text message at pakikipanayam
Liham – ito ay pagbibigay ng mensahe o impormasyon sa pamamagitan ng
pagsulat
Bahagi ng Liham
Pamuhatan
Patunguhan ng Sulat
Bating Panimula o Pambungad
Ang Katawan ng Liham
Bating Pangwakas
Istilo ng Pagsulat
Istilong Blak
Istilong semi-blak
Istilong nakabitin o baligtad
Uri ng Liham
Liham-pangkaibigan
Liham Pangangamusta
Liham Pasasalamat
Liham Paanyaya
Liham Pagbati
Liham Paghingi ng Payo
Liham Pakikiramay
Liham Paumanhin
Liham Pangangalakal
Liham Pagpapakilala
Liham Aplikasyon
Liham Pamimili
Liham Subskripsyon
Liham Pagrereklamo
Prosidyural- teknikal na genre na naglalahad ng proseso sa pagsasagawa ng
isang bagay o kilos o Gawain.
Halimbawa: recipe, pagsunod sa direksyon at panuto.

25
MODYUL sa
Malikhaing Pagsulat
Ulat – teknikal na genre na naglalayong magbigay ng impormasyon batay sa
isinasagawang pananaliksik o pag-aaral, pagmamasid, pagbabasa, pakikinigg
sa paraang pasalit o pasulat.
Halimbawa: ulat ng media, deskriptiv, imbestigasyoon, rebyu at grap o tsart.
Pagsusulat ng Ulat
Kombensyunal na Pamamatnubay – ito ay karaniwang sumasagot sa mga
tanong na: sino, ano, bakit, kalian, saan at paano.
Di-kombenyunal na Pamamatnubay – isang uri ng patnubay kung saan ang
mga reporter ay taal na di sumusunod o lumilihis sa pamatnubay.
Ang mahalagang mga impormasyon, kapag nakuha ito, ay isulat kaagad.
Ang katumpukan o pagkatotoo sa paraang pagpapahayag ay higit na
kailangan.
Iwasan ang pagbibigay ng sariling opinion, ideya o lohika, maligoy na
pananalita, sa
kadahilanang ang pagdududa ay mananatili sa kanilang isipan.
Ekspositori – genre naglalayong magbunyag o maglabas ng kinalabasan ng
isang pag-aaral, maglahad ng nasasaisip, magbabahagi ng natutunan at
magbigay ng kasagutan sa katanungan.
Halimbawa: press release, lektyur, talakayan sa klase, sarbey at artikulo.
Panghihikayat – genre na naglalayong hikayatin ang taong sumuporta o
maniwala sa isang bagay o pagkilos. Nilalayon nitong pumanig ang tao sa
mga argument at balakin ng isang tao o grupo.
Halimbawa: advertisement, proposal, editorial at argument.

Sulatin na Nangangailangan ng Pagsusuri sa Pormat, Nilalaman, Pananalita


at Layunin
Memorandum : karaniwang tinatawag na memo o paabot-ulat, pasulato
limbag na nakikita araw-araw sa opisina na karaniwang may tiyak na
mensahe o nagtatanong.
Agenda ng Pulong : pag-uusapan o tatalakayin ang isang sulatin na ginagawa
ng mga kapisanan o organisasyon sa buwanang pulong batay sa
napagkasunduan ng mga pinuno.
Katitikan o Minits ng Pulong: ito ay pabuod na pinaguusapan sa nakaraang
mga pulong batay sa agenda. Malaki ang papel na ginagampanan ng kalihim
sapagkat siya ang kumukuha ng mga tinatalakay habang nagpupulong. Ito
ay may lagda ng pangulo. Ito ay babasahin muli bago magsimula ang
susunod na pulong. Pinagtitibay ito ng mga nasa pulong. Kung may
pagwawasto, ipahahayag ang pagtatama bago pagtibayin.
Paanyaya sa isang kapulungan o seminr: mahalaga ang mga kumprehensya
sapagkat dito
nabibigyan ng kaukulang aksyon o solusyon ang hangarin ng isang proyekto.

26
MODYUL sa
Malikhaing Pagsulat
Tamang Ulat ng isang Kompanya (Statement of Condition): ito ay isang
sulatin na
karaniwang ginagawa ng mga kompanya, katulad ng bangko, kooperatiba,
Insurrance Company. Dito isinasaad ang assets, pananagutan o liabilities,
gastusin o equity. Huling araw ng Disyembre ginagawa ang ulat.
Proposal (Pagbabalak ng Gawain): ang sulating ito ay makatutulong sa
pagsasakatuparan ng balak na proyekto na nais magawa

27

You might also like