You are on page 1of 15

SHS

FILIPINO
(Piling Larang-Sining at Disenyo)
Unang Markahan-Modyul 2:
Pagkilala sa Iba’t ibang Anyo
ng Sulatin sa Sining at Disenyo

May-akda: John Paul R. Cain


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.

 Aralin – Pagkilala sa Iba’t ibang Anyo ng Sulatin

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa mo ang


sumusunod:
A. nasasagot ang mga tanong sa binasa; at
B. nakikilala ang iba’t ibang anyo ng sulatin sa sining at disenyo
ayon sa layunin, gamit, katangian, anyo at target na gagamit

Subukin

Bago tayo magsimula, isagawa muna ang gawaing ito: Piliin mula
sa hanay ng mga salita ang wastong sagot para sa bawat pahayag. Isulat
ito sa patlang matapos ang bawat pahayag.

LAYUNIN MANUNULAT
TARGET NA GAGAMIT
KATANGIAN KABISAAN

1. Sila ang nagsisilbing tagatanggap ng mga sulatin/babasahin. Sa


kanila rin madalas nagmumula ang ilang feedback sa pamamagitan
ng pagsulat nila ng mga panunuring pampanitikan.
_______________________
2. Tao na regular na nakasusulat o regular na sumusulat ng artikulo,
salaysay, aklat at iba pang mga sulatin. ________________

1
3. Ito ang habol/ nais ng isang indibiduwal na magtatangkang magsulat.
___________________
4. Ito naman ang pangunahing isinasaalang-alang ng isang
magtatakang magsulat nang sa gayon ay hindi masayang ang
kaniyang pagpapagal sa pagsusulat. ____________________
5. Ito ang bagay na ikinaiiba o ikinakatampok ng isang sulatin sa iba
pang sulatin. ____________________

Pagkilala sa Iba’t ibang Anyo


Aralin
ng Sulatin sa Sining at Disenyo

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagkilala sa iba’t ibang anyo ng


sulatin sa sining at disenyo ayon sa layunin, gamit, katangian, anyo at target na
gagamit. Malilinang ito kung matapat mong maisasagawa ang mga gawain.

Balikan
Bago tayo tuluyang pumalaot sa modyul na ito, magbalik-tanaw muna
tayo sa kahulugan ng pagsulat. Sa iyong palagay, ano ang pagsulat? Ano ang
maidudulot nito sa mga magtatangkang gawin ang gawaing ito?

#ShareKoLang
2
Tuklasin

A. Panimula

Nasubukan mo na bang magsulat ng isang sulatin? Ano-ano ang


mga isinaalang-alang mo para rito? Para kanino ang iyong sulatin? May
pagkakataon ba na nakatanggap ka ng feedback mula sa iyong isinulat?
Ngayon ay dumako naman tayo sa paksang-aralin. Handa ka na ba?
Umpisahan natin ito sa pamamagitan ng pagbabasa ng ilang blog.
Mangyaring paki-click ang bawat link o kaya’y i-type ito sa inyong
giniagamit na search engine (para sa mga nakatanggap ng printed copy
ng modyul na ito).

B. Pagbasa
Puntahan ang link sa ibaba para sa akdang BENTE (Screenplay) ni
John Diaz
https://www.facebook.com/notes/john-diaz/bente-sample-
script-para-sa-short-film/10152016678721877/
Pagkaraan ay sagutin ang mga inihandang tanong.

C. Pag-unawa sa binasa

1. Tungkol saan ang paksa ng iskrip?


2. Ano-ano sa tingin mo ang layunin ng iskrip?
3. Ano-ano ang mga katangian ng iskrip na nabasa mo sa iba pang
mga sulatin?
4. Sino-sino sa tingin mo ang mga “target” na mambabasa (para sa
script) o “Target” na manonood (kung ito ay isasapelikula) ng iskrip?

3
5. Bakit mahalaga para sa isang manunulat ang pagsasaalang-alang
ng layunin, katangian at target na mambabasa ng isang sulatin?
Ipaliwanag.

Suriin

Ang siping binasa ay halimbawa ng iskrip ng isang screenplay.


Ang screenplay at dula ay kapuwa kilala sa mas popular na
terminolohiyang script o iskrip. Ngunit kung sisipating maigi, may
malaking pagkakaiba ang dalawang ito. Bagaman parehong gumagamit
ng script o iskrip ang screenplay at dula, ang screenplay ay gumagamit
ng maraming lokasyon upang mabuo ang isang pelikula habang ang
dula naman ay iisang tanghalan o entablado ang ginagamit para sa lahat
ng eksena.
Screenplay man o dula, isa sa mahalagang elemento ng mga
panoorin/pagtatanghal na ito ay ang script o iskrip. Kaya naman,
maaring sabihin na ang utak ng screenplay at dula ay walang iba kundi
ang manunulat nito.
Ngunit paano nga ba magsulat? Ano-ano ang mga isinasaalang-
alang ng isang manunulat sa paglikha niya ng kaniyang obra?
Ayon kina Bernales et al., 2001, Ang pagsulat ay pagsasalin sa
papel o sa anomang kasangkapang maaring magamit na mapagsasalinan
ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasiyon ng isang tao o mga tao sa
layuning maipahayag ang kaniyang/ kanilang kaisipan.
Nangangahulugan lamang ito na ang pagsulat ay parehong pisikal
at mental na gawain. Pisikal dahil ginagamit natin ang ilan sa bahagi ng
ating katawan partikular ang mga mata at kamay sa pagsulat. Mental
dahil ang pagsulat ay ginagamitan ng utak upang maayos na maihanay
ang mga konsepto na nais ihayag sa bawat sulatin. Sa puntong ito,

4
mahalaga na malaman ninyo na dapat isaalang-alang ang mga
sumusunod sa pagsusulat ng mga sulatin nang sa gayon ay mas maging
mabisa ito para sa inyong mga mambabasa.
Unang dapat isaalang-alang ay ang layunin. Bakit ka ba
nagsusulat? Ano ang mga nais mo para sa iyong sulatin? Ano ang mga
nais mong ibahagi sa iyong mga mababasa? Anoman ang iyong maging
layunin, mahalaga na maunaawaan ang pagiging “multi-dimensiyonal”
ng pagsulat. Dalawa ang pangunahing dimensiyon ng pagsulat: Ang Oral
na Dimensiyon kung saan dapat ay nakaugnay ang layunin ng
manunulat sa proseso ng pakikipag-usap ng manunulat sa mambabasa.
Mahalaga na maisaalang-alang ng manunulat ang dimensiyong ito
upang maging tugma ang mga layunin niya para sa kaniyang mga
mambabasa. Habang ang Biswal na Dimensiyon naman ay ang
pagsasaalang-alang ng mga lenguwaheng gagamitin ng isang manunulat.
Dahil dito, kailangan na ang manunulat ay maging maalam sa mga
panununtunang pangwika nang sa gayon ay mas maihatid niya ang
kaniyang nais na nakaayon pa rin sa kaniyang mga layunin.
Dagdag pa rito, inuri nina Bernales et al., (2001) ang mga layunin
sa pagsulat: Ang Impormatib na sulatin ay naglalayong makapagbigay ng
impormasyon sa mga mambabasa. Kaakibat ng pagbibigay ng layunin ay
ang paglalahok ng mga makatotohanang impormasiyon o batayan upang
maging makatotohanan ang mga impormasyong ilalagay sa sulatin.
Panghihikayat sa mambabasa naman ang layunin ng isang
Mapanghikayat na sulatin. Sa sulating ito ay inilalabas ng manunulat
ang mga impormasiyon na maaring magkumbinsi sa mga mambabasa
niya. Habang pagpapahayag ng mga kathang-isip naman ang layunin ng
Malikhaing pagsulat. Bilang manunulat, mahalaga na maisaalang-alang
ang iyong layunin at dimensyon sa pagsulat. Sa ganitong paraan ay mas
magiging mabisa o epektibo ang iyong sulatin.

5
Pangalawang dapat isaalang-alang ng manunulat ay ang target
nitong mambabasa. Sa ganitong aspekto, lilitaw ang tanong na “Sino ba
ang babasa ng mga isinulat ko?”. Mahalaga na isaalang-alang ito nang
sa gayon ay makapili ang manunulat ng mga lengguwahe na kaniyang
gagamitin sa kaniyang sulatin. Ang susi upang basahin ka ng iyong
mambabasa ay ang kaangkupan ng iyong isinusulat sa hinihingi ng
kanilang isip.
Panghuli na dapat ay maisaalang-alang ng isang magtatangkang
magsulat ay ang gamit ng kaniyang sulatin. Ito ay magdudulot ng tanong
na “para saan ba ang isinusulat ko?” Sa puntong ito, masasabi na
mabisa ang isang sulatin kung ito ay nakararating sa dapat nitong mga
mambabasa at hindi ang pananatili nito sa folder ng iyong computer. Sa
madaling salita, dapat ay nagagamit at kapaki-pakinabang ang isang
sulatin. Malalaman na mabisa ang isang sulatin kung ito ay nagagamit
sangayon sa layunin nito.
Bilang pangwakas, walang sinoman ang ipinanganak na bilang
manunulat. Lahat ay dumaraan sa proseso ng pagkatuto. Ang susi pa
rin ay ang patuloy na pagbabasa at pagsasanay sa pagsusulat nang sa
gayon ay matamo ang kasanayang ito.

Pagyamanin

Ngayon naman ay palawakin natin ang iyong kaalaman at kamalayan


hinggil sa Layunin, Gamit at Target na mambabasa ng isang sulating pang
Sining at Disenyo. Punthan ang mga link sa susunod na pahina. Basahin at
unawain ito. Pagkatapos ay ibigay ang mga hinihinging impormasyon.

6
1. Pasko ng Pag-asa ni Jhay Tehada
https://www.academia.edu/34937620/PASKO_NG_PAG-ASA-
_short_and_sweet_play_script_FILIPINO_Add_me_on_facebook_ht
tps_www.facebook.com_JhayKingHan2412?auto=download

Layunin ng
Manunulat

Gamit ng
sulatin

Target na
Mambabasa

2. Liblib na Nayon ni Rene Boy Abiva


https://hronlineph.com/2018/10/10/tula-sa-liblib-na-nayon-ni-
rene-boy-abiva/

7
Layunin ng
Manunulat

Gamit ng
sulatin

Target na
Mambabasa

Pamantayan Puntos Komento ng guro


Kaangkupan ng mga 25
sagot
Pagbibigay paliwanag sa 25
bawat sagot
Kabuoan 50

8
Isaisip

Gamit ang Concept Map, ibuod ang iyong mga natutuhan. Itala sa
bawat kahon ang hinihinging impormasyon. Ibigay ang sariling
paliwanag hinggil rito.

Gabay na Tanong: Bilang isang magtatangkang magsulat ng sulating pang


Sining at Disenyo, ano-ano ang mga dapat mong isaalang-alang?

LAYUNIN

Gamit

9
Target na Mambabasa

Pagkakapareho

Pamantayan Puntos Komento ng guro


Paglalatag ng 25
impormasiyon at
paliwanag sa bawat
konsepto
Pagbibigay paliwanag 25
hinggil pagkakapareho
ng dalawang konsepto
Kabuoan 50

Isagawa
Sa bahaging ito, Ilalapat mo naman sa tunay na buhay ang iyong
mga natutuhan. Mangalap ng ilan pang mga sulatin (Maaring iskrip
mula sa isang screen play, blog at iba pa. Sagutan ang talahanayan sa
bahaging ito. Huwag kakaligtaang ilagay ang link ng inyong nahanap na
sulatin.

10
Para sa mga hindi opsiyon ang “online”: Imbis na link ang ilagay,
mangyaring pangalan na lamang ng komiks/pahayagan o kahit anong
sulatin na hindi manggagaling “online” na inyong kukunin bilang
reperensiya. Itala ang petsa kung kalian ito nailimbag/ nailathala.

Link/

Pangalan ng

Pahagan

Anyo

Layunin

Target na

Mambabasa

Buod ng

balita

Reaksiyon

hinggil sa

nabsang

kolum/ balita

Pamantayan Puntos Komento ng guro

Kaangkupan ng mga ibinigay 25


na impormasiyon
Paglalapat sa tunay na 25
buhay/ sitwasiyon ng bansa
Kabuoan 50

11
Tayahin

Ngayong ganap mo nang naunawaan ang ating aralin, Subukang


gumawa ng isang blog/ kolum. ito sa hiwalay na papel at ipasa sa iyong
guro ayon sa napagkasunduang iskedyul ng pasahan.

Pamantayan Puntos Komento ng guro

Konstruksiyon ng akda 25
(Pagsunod sa mga
tuntuning pang-
gramatika)
Pag-uugnay nito sa 25
tunay na buhay/
sitwasiyon ng bansa
Kabuoan 50

Karagdagang Gawain

Para naman sa gawaing ito, mangyaring makipag-ugnayan sa


iyong mga kamag-aral. Magpalitan kayo ng inyong mga gawa (sa
bahaging “Tayahin.” Basahin ito at magpalitan ng kuro-kuro/ opinyon
hinggil sa inyong mga gawa. Gamitin ang talahanayan sa ibaba hinggil
sa pagsusuri ng sulatin ng iyong kamag-aral.

Pangalan ng
may akda
Paksa/
Pamagat
Layunin ng
sulatin

12
Reaksiyon
sa nabasang
akda

Balikan ang inyong ginawa sa bahaging “Pagyamanin.” Pumili ka


ng isa sa mga nasuri mo. Ipakita ito sa iyong kamag-aral at hingiin ang
kaniyang saloobin tungkol sa ginawa mo. Itala mo ang kaniyang mga
naging tugon sa iyong kuwaderno. Humanda para sa pagbabahagi nito
sa klase.

Susi sa Pagwawasto
Subukin

1. Target na gagamit
2. Manunulat
3. Layunin
4. Kabisaan
5. Katangian

Sanggunian

13
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: John Paul R. Cain (Guro, SEHS)


Mga Editor: Romeo A. Pilongo (Guro, SEHS)
Feliza P. Muňoz (Pang. Punong Guro, MHS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat:
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa LRMS

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

SDO-Marikina City-Curriculum Implementation Division (CID)

2nd Floor, SDO-Marikina Bldg. Shoe Avenue, Sta. Elena,


Marikina City

Telefax: 682.3989

Email Address:

You might also like