Professional Documents
Culture Documents
“Sa totoo lang, ang isang manunulat ay nagsusulat upang matuklasan at maunawaan nang
lubos ang sarili…” - Alfred Kazin (1915-1998)
ANG PAGSUSULAT
Makasusulat ka, subukin mo. Bago mo pa man ilapat ang lapis sa papel, subukin mo munang
suriin ang konteksto ng pagsulat at lumikha ka na sa isipan ng mga impormasyong kakailanganin. Ang
mga gawaing ito ang iyong magiging mga tuntungang-bato sa iba pang yugto na kakaharapin sa pagsulat.
Hindi ito tuwirang isinagawa nang isa-isa. Sa katunayan, magkasabay itong ginagawa at ang kapupunan
ng isa ang sinusuportahan ng nauna.
Ang pagsulat ay isang anyo ng komunikasyon. Ang magaling sa pagsulat ay makatutulong nang
malaki upang lubusang maunawaan ng iyong target na awdyens ang mga ideya o kaisipang nais
ipahayag. Nakatala sa ibaba ang ilang mungkahi para sa mabisang pagsulat.
2. Piliin ang mga paksang may taglay kang kaalaman o di kaya'y may nais kang alamin.
3. Isaalang-alang ang maraming teknik sa pangangalap ng mga ideya bago isulat ang draft.
4. Tiyakin ang target na awdyens para sa iyong sulatin at lagi itong isaisip habang nagsusulat.
5. Tiyakin din ang layunin sa pagsulat at ano ang gustong matamo sa sulatin. Magbigay ba ng
impormasyon? Manghikayat at magbigay lugod? Mangatwiran?
6. Isaisantabi muna ang mga detalye sa unang draft. Sikaping mailapat muna sa papel ang lahat ng
iyong mga ideya.
7. Paulit-ulit na basahin ang mga naisulat. Obhetibo itong basahin na parang hindi ikaw ang sumulat
at isaisip na nakita mo lamang ito sa unang pagkakataon.
9. Huwag matakot magdagdag, magbawas o maglipat ng mga ideya sa iba't ibang bahagi ng sulatin.
10. Kapag maayos na ang paglalahad ng mga ideya, Iwasto ang pagbabalarila, bokabularyo, ispeling
at pagbabantas upang makatiyak sa kawastuhan at kadalisayan ng buong sulatin.
Ang Tagabasa/Tagapakinig, Layunin at ang Paksa. Bago pa man ilapat ang lapis sa papel,
kailangang pag-isipan na ng isang manunulat ang kanyang paksa, tagabasa/tagapakinig at layunin.
Ang tagabasa/tagapakinig: sino ang magbabasa?
Mahalaga ang tagabasa/tagapakinig sa pagsulat. Kung agad na matitiyak kung sino ang iyong
tagabasa/tagapakinig, madali kang makabubuo ng mga palagay kung sino siya, ano ang hindi niya alam
at ano na ang kanyang alam. Laging isaisip na ang isang sulatin ay may nakalaan na tagabasa.
Ang pagtalakay sa anumang paksa ay naaayon kung sino ang iyong tiyak o target na
tagabasa. Sa isang pagsulat, mahalagang tukuyin agad kung sino ang iyong mga tagabasa: mga kamag-
aral, ang iyong titser, mga kaibigan, mga taong hindi mo kIlala, oV&risgt 2 g
Kung mayroon kang malinaw na kamalayan sa tagabasa, matitiyak mo agad kung ano ang mga
impormasyon ang ipapaloob sa iyong susulatin. Kaya kung isang kamag-aral ang susulatan, hindi na
kailangang ilarawan pa ang pinalalagay mong alam na niya. Sa kabilang dako, kung hindi mo kakilala ang
susulatan, kailangan ang maikling pagpapaliwanag na hindi mo gagawin kung siya ay isang kakilala o
kaibigan.
Totoong napakahalaga ng tagabasa sa pagsulat. Kung agad mong matutukoy kung sino ang
target na tagabasa, madali kang makabubuo ng mg palagay kung sino siya, ang hindi niya alam at ano
ang kanyang alam tungkol sa paksang susulatin. Ang mga kabatirang ito ay makatutulong sa iyo upang
magdesisyon agad kung anu-anong detalye ang isasama sa isang sulatin, gaya ng sumusunod:
1. Anong pagpapaliwanag ang kailangang sulatin upang maging malinaw ang mga ideya o kaisipang
ilalahad sa target na tagabasa?
2. Paano mo bubuuin ang iyong mga pagpapaliwanag? Pormal ba o impormal ang magiging tono ng
iyong pagsulat?
Isa pang mahalagang bagay na dapat isaisip habang nagsusulat ay ang dahilan ng pagsulat at ang
layunin kung ano ang gusto mong ipaalam sa iyong tagabasa. May dalawang pangunahing dahilan sa
pagsulat; una- upang maipahayag ang niloloob at nadarama at ikalawa- upang makipagtalastasan sa
ibang tao.
May dalawang pangunahing dahilan sa pagsulat. Una, upang maipahayag ang niloloob at
nadarama (bagamat hindi ibig sabihin na nakahihigit ang una) at ikalawa, upang makipagtalastasan.
Ang pagbuo ng mga tanong sa sarili gaya ng mga inilahad sa ibaba ay makatutulong nang malaki
sa pagtiyak ng layunin sa pagsulat.
1. Pinagsisikapan ko bang bigyan ng impormasyon ang aking tagabasa tungkol sa paksa na hindi niya
alam ngunit naroon ang pagkagusto niyang malaman ito?
2. Pinagsisikapan ko bang ipakilala sa aking tagabasa ang kakaibang paraan ng pagtanaw sa paksa na
hindi pa niya naiisip kahit na sa hinagap man lamang.
3. Pinagsisikapan ko bang himukin ang aking tagabasa na makiayon sa mga pananaw na inilahad sa
paksang isinusulat?
4. Pinagsisikapan ko bang ipabatid sa aking tagabasa na alam ko ang paksang aking isinusulat?
Ang pagtiyak ng layunin ay isang mahalagang component sa pagsulat. Alam mo na ito, di ba?
Imposible ang pagsulat kung wala kang dahilan. Kahit ang dahilan mo ay maliit na bagay lamang gaya ng
paalalahanan ang sarili na may layunin kang tatapusin o may bibilhin kang aklat sa Linggo. Iba-iba ang
pagsulat - magbigay ng impormasyon, magbigay aliw o lugod, manghikayat.
Maaari ring magkaroon ka ng higit sa isang layunin kapag sumusulat. Gumagamit ka rin ng iba't
ibang teknik upang maisakatuparan ang layunin: nagpapatawa ka, kumakatok sa damdamin,
nangangatwiran o maaaring kombinasyon ng mga ito. Hindi lamang ang tagasulat ang dapat makaalam
ng layunin ng pagsulat. Mahalaga ring mabatid ng tagabasa ang layunin ng isang sulatin o komposisyon.
Ano ang naiisip mo kung sakaling hindi nagustuhan ng bumabasa o nakikinig ang iyong sulatin?
Lamukusin ang papel? Itapon ang lapis? Sumuko? Huwag, kaibigan. Tuklasin ang dahilan. Maaaring ang
dahilan ay hindi kawili- wili ang paksa. Saan makakukuha ng paksa? Ang paksa ay nasa paligid-ligid
lamang lalo na iyong kawili-wili at napapanahong paksa.
Halimbawa:
May napansin ka ba sa mga paksa? Tama! Malawak ang sakop at mahirap talakayin kung
gagawan ng isang sulatin. Ano ang nararapat? Limitahan paksa upang matiyak ang nais ilahad sa
komposisyong isusulat.
Ang proseso sa pagsulat ay binubuo ng mga gawain tungo sa paglikha ng isang sulatin. May mga
yugto o proseso ang pagsulat: bago sumulat, unang draft, pag-e-edit, pagrerebisa, pinal na draft at
paglalathala. Karaniwang hindi isinasagawa nang sunud-sunod ang mga prosesong inilahad. Ilan sa mga
gawain ay nagsasanib o di kaya ay binabalik-balikan. Tandaan, ang pagsulat ng draft ay isang hakbang
lamang sa proseso ng pagsulat.
Totoong kompleks, masalimuot at misteryoso ang pagsulat. Ang pag-iisa ng proseso sa pagsulat-
ang paghahati-hati ng akto sa malilit na hakbang a makatutulong nang malaki upang kahit paano ay
mabawasan nang unti-unti ang misteryong nakalukob dito.
Bago Sumulat
Kasama rito ang anumang ginagawa mo bago ang pagsulat. May tala kang ihahanda tungkol sa
paksa. Magbabasa o di kaya ay may panonoorin kang may kaugnayan sa paksa. Minsan naman ay sa
simpleng pakikipag-usap lamang sa ilang kamag-aral, ang paksa ay siguradong lilitaw. May mga
pagkakataon sigurong hindi mo rin ito napapansin kaya kailangang ikaw ay listo. Ang guro naman ay
umiisip ng iba't ibang gawain upang ang inyong mga guniguni ay gisingin at ang isipan ay pukawin upang
gumana at paandarin ang isipan ninyong mga mag-aaral. ponelan
Ito ay parang pinagsasanayang kopya ng iyong komposisyon. Dito inilalapat ang produkto ng
mga gawain bago sumulat. Kung ang mga ideyang nakalap ay nag-aanyo ng mga pangungusap at
patalata nang maisusulat bunga nito ay unang draft. Kailangang seryoso ka na sa pagsulat ng unang
draft, ngunit di mo ito dapat ulitin nang ganap kung sakali man may pagkakamali ka sa iyong pagsulat.
Markahan lamang ang iyong mga mali at harapin mong muli ang pagsulat.
Ang Pagrerebisa
Kasangkot sa gawaing to ang kaukulang pagbabago o pag-aayos ng kabuuang sulatin. Sa
yugtong ito ng pagsulat, maaaring ulitin ang pag-e-edit ng kamag-aral. Humiling din ng ilang puna a
mungkahi para sa ikagaganda ng sulatin. Ang ibang mag-aaral ay gumagawa ng pangalawang draft bago
isulat ang pinal na draft.
Ito ang pinal na sulatin/komposisyon na maayos at malinis ang pagkakasulat. Maaari na itong
ipasa sa guro
Ang Paglalathala
Hindi ito pagpapalimbag ng iyong naisulat. Ito ang pagbabahagi sa iba ng sulatin. Maaari itong
basahin ng iyong guro o isang kamag-aral sa harap ng klase. Maaari rin namang idikit ito sa paskilan o
ilathala sa pahayagan ng paaralan.
May kasabihan tayo na upang manatili sa alaala ng iba, kailangang nagpakita ng kakaibang
dating ang pagsulat. Upang magkaroon ng impact, kailangang masapo mo agad ang kawilihan at interes
ng makikinig o babasa.
Hindi kailangan ang maligoy na introduksyon o panimula ng anumang isusulat. Lagi lamang
isaisip ang iyong tagapakinig o tagabasa. Tiyak hindi ka maliligaw. Upang mailahad nang maayos ang
introduksyon ng iyong sulatin, subukin ang mga pamamaraang nakalahad:
1. Magbahagi ng isang katotohanan. Ang pagsisimula ng isang talata sa isang nakawiwiling patotoo ay
magpapaisip sa iyong tagapakinig o tagabasa para sabihin niyang may gusto pa akong malaman sa
paksang iyan. Halimbawa, ang isang di pangkaraniwang ulat-kaalaman tungkol sa paniki ay maaaring
makahikayat nang lubos sa mga inaasahang tagapakinig o tagabasa ng iyong sulatin na hindi kilala.
Halimbawa:
Marami ang nagsasabi na ang mga paniki ay nakapandidiri. Mapapawi lamang ang kaisipang ito kung
mababatid na ang isang kawan ng mga paniki ay nakakakain ng mahigit sa 99 na libra (pound) ng
mapanirang insekto sa loob ng isang gabi. Sa kabila ng kanilang nakatatakot na mukha at lang
nakakapanindig balahibong mga kuwento, maituturing na malaking tulong ang mga paniki sa tao.
2. Maglahad sa tulong ng isang paglalarawan. Sino ang hindi masisiyahan sa isang panimulang malinaw
at makulay? Nadarama mo tuloy na parang totoo ang binabasa o pinakikinggan.
Ang mga detalyeng inilahad sa ibaba ay nagbibigay, ng angkop na panimula para sa isang talakay
hinggil sa kabutihang dulot ng agham at teknolohiya.
Halimbawa:
Mabilis, malaganap at patuloy ang pagbabago sa ating kapaligiran. Ano moog ng matatandang paniniwala
at mga tradisyon ay patuloy na pinapalitan ng mga bagong kaisipan at imbensyon. Ang iba't ibang
kagamitan at kasangkapan ng tao ay nagagawa sa mabiis na paraan. Anupa’t sa pagdaan ng panahon
patuloy ang pagtuklas at paggawa ng mga bagay na nakatutugon sa dumaramin pangangailangan ng tao
para sa makabagong pamumunay. Ang lahat ng ito ay bunga ng agham at teknolohiya
3. Magbigay ng Tanong. Ang tanong sa simula ng isang komposisyon ay maaaring mag-udyok sa iyong
tagabasa na ipagpatuloy ang pagbabasa upang malaman ang sagot sa tanong. Pansinin kung paanong
ang introduksyon ay nagsisilbing paanyaya sa tagabasa upang malaman kung paano binago ng
pagkakaimbento ng plastik ang daigdig ng paglilibang.
Halimbawa:
Ano ang karaniwan sa bola ng bilyar na gamit ni Efren Bata Reyes at sa pelikulang ating pinapanood ? Dahil
sa pagsisikap na makatuklas ng pamalit sa mabigat na bola ng bilyar na gawa sa ivory, nagawa ni John
Hyatt na makalikha ng celluloid. Ang sangkap na ito na yari sa plastik ay ginagamit din sa paggawa ng mga
pelikula na ating napapanood.
4. Magsalaysay ng lsang Pangyayari o Kaganapan. Ang isang makatawag-pansing salaysay na may mga
pansuportang detalye at gumagamit ng pandama ay sapat na upang pantawag-pansin sa mata ng target
na tagabasa. Ipinakikita sa ibaba kung paano ginagawa ang iisang pangyayari upang simulan ang isang
ulat sa agham.
Halimbawa:
Noong ako ay bata pa, malimit na ginagawa naming magkakalaro ang pagkikiskis ng lobo sa aming buhok.
Pagkatapos ay ididikit namin sa aming damit. May isa sa amin ang nagwika ng ganito, "Para akong
nakuryente" at wala katu kamalay-malay, nakalikha na pala kami ng elektrisidad na static .
5. Gumamit ng Dayalog. Gaya nang napansin sa mga naunang halimbawa, ang pagbanggit sa mga
sinabi ng iba ay teknik sa pagsisimula ng isang sulatin. Maaari ring gumamit ng dayalog upang maakit
ang tagabasa.
Halimbawa
Nakatutulong ang mga ito upang lubos na maunawaan ng bumabasa ang wastong
pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na bumubuo sa talata. Narito ang ilang talaan ng mga pang-
ugnay o mga transisyunal na ekspresyon na ginagamit sa pag-uugpong ng isang pangungusap sa ibang
pangungusap. llalahad ang mga ito ayon sa iba't ibang paraan ng pag-aayos ng isang talata.
Halimbawa:
Ang mga manonood ay pumasok sa gawing likuran ng teatro. Ang tanghalan ay nasa unahan, at ang labasan
kung may sunog ay makikita sa gawing kaliwa at kanan ng tanghalan.
3. Paglalahad na Pagbibigay-diin. Ginamit sa mga talatang nagbibigay- diin ang sumusunod: higit sa
lahat, sa katotohanan, sa katunayan, totoong mahalaga, higit pa rito, sa kabila ng lahat, ang mabuti
rito, ang masama, ang masaklap at iba pa.
Halimbawa:
Sa totoo lang, ang paglalakbay na ito ay mangangahulugang makaiiwas ako ng lang araw sa bangayan ng
aking mga kapatid sa pagpili ng panonooring programa sa TV. Pero ang masaklap sa lahat, diyeta ako sa
pagkain dahill hindi ako maipagluluto ng aking nanay ng masarap na pagkain.
Samantala, ang mga pang-ugnay naman para sa pag-iba ay ang sumusunod: ngunit, subalit,
datapwat, sa kabilang dako, Kanit man, sa paanong paraan, lalo pang mabuti at iba pa.
5. Paglalahad na Sanhi at Bunga. Sa paglalahad naman ng talata na sanhi at bunga, gamit ang: ganoon,
sa ganito, sa wakas, sa dakong huli, kung gayon, samakatwid, sa kadahilanang ito, sa madaling sabi, sa
totoo lang, dahil dito, alinsunod dito, kaya nga at iba pa.
6. At iba pa. Ginagamit ding mga pang-ugnay ang sumusunod sa mga talatang nais pag-igtingin ang
layunin at kaayusan ng paglalahad.
a. Pagtanggap/Pagpayag walang alinlangan, talaga, walang duda, ipagpalagay na
f. Paglulugar/Pagpupuwesto - sa ibaba, sa tabi, sa piling (tao), sa kabila ng, sa ibayo ng, di-maabot,
higit na malayo, sa di kalayuan, sa dako pa roon, sa kanluran (timog, hilaga, silangan)
Gaya ng ipinakita sa talakay, ang pagtatanim ng puno kung Arbor Day ay higit pa sa pagpapakitang lugod
bilang simbolikong pagkilos sa araw na ito. Dahil sa pagtatanim ng mga puno, nagiging maaliwalas ang
paligid at nagsisilbi rin itong magandang halimbawa para magtanim din ang iba. Dahil din sa pagtatanim
ng puno, ang mga kabataan ay nagkakaroon ng isang mithiin at layunin. lisa ang kanilang pinapangarap
kaya sama-sama silang kumilos upang matamo ang layunin. Ang pagtatanim ng kahit isang puno ay likha
ng isang pagbabago sa kapaligiran na ang magiging epekto ay pangmatagalan.
2. Pagbibigay ng Katanungan. Mas magiging mabisa ang pagwawakas ng isang talakay kung mag-iiwan
ka ng isang tanong na makapagpapaisip sa target na tagabasa.
Sa papaunting bilang ng mga mangingisdang lumalabag sa bata5, tuluyan na kayang bubuti at sasagana
ang ating yamang-dagat?
Sa kawalan ng malasakit ng mga namumuno sa kapakanan ng ating mamamayan, napipiho kong ang
anumang programang ilulunsad ng pamahalaan ng Pilipinas sa taong 2008 ay maliwanag na hindi
maisasakatuparan.
4. Pagwawakas ng Isang Sipi. Gaya ng paggamit ng isang sipi sa pagsisimula ng isang komposisyon,
maaari ring wakasan ito sa isang sipi. Karaniwang ang mga siping ginagamit ay nagdudulot ng aral o
isipang lilimiin ng mga mambabasa.
Bilang pagwawakas, nais kong sipiin ang mga linya ni Balagtas bilang paglalahad ng isang katotohanan sa
buhay upang magsilbing tanglaw sa mga nawawalan ng tiwala sa pagtanggap ng mga kaganapan ng sarili:
"Datapwat sino ang tatarok kaya sa mahal mong lihim, Diyos na Dakila? Walang nangyayari sa balat ng
lupa, di may kagaling ang iyong ninanasa.
Dahil ang pag-aaral ng banyagang wika ay magbibigay sa iyo ng pagkakataong lumawak ang mundong
ginagalawan at makatagpo ng bagong mga kaibigan, magpatala ka na ngayong tag-init ng panimulang kurso
sa wikang Niponggo o Aleman.