You are on page 1of 10

Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina

Kahulugan:
 Ang pagsulat ay bunga ng pangangailangan ng tao na magpahayag at magpabatid ng
kanyang nararamdaman o nais sabihin.

“No man is an Island”

 Ang pagsulat ay isang proseso. _ Donald et. al.

“ Models for Clear Writing”

 Ang pagsulat ay isang kasanayan. _ John Langan

 Ang pagsulat ay malawak at makabuluhan

“ Cat in the Hat”_ Dr. Seus “every word is a struggle

“every sentence is like a pang of birth”

 Ang pagsulat ay aktibidad na nangangailangan ng malinaw na paksa, hangarin o layunin,


kaalaman at kakayahan sa pagbuo ng maayos na pananalita.

“ A good technical writer may not be a good novelist.What and how people write is also influence
by the culture, societal, institutional,political, and historical background in which they are situated”.
Ang Pagsulat bilang Multi-dimensyonal na Proseso

 Isang multi-dimensyonal na proseso ang pagsulat. (iba’t iba-saklaw o lawak)

 Ang pagsulat ay multi- dimensional ahil sa mga sumusunod na proseso nito:


 Prosesong Kognitibo
Ito ang proseso kung saan ginagamit ng manunulat ang kaniyang isip upang
makapagplano at makapagtaka ng kaniyang isusulat.
 Proseso ng Motibasyon
Ang manunulat ang kukumbinsi sa kaniyang sarili para magsulat.
 Proseso ng Pag-alala
Ang kaalamang lilikhain ng manunulat ay mahalaga sa prosesong ito.
 Proseso ng Pagsasatitik
Hindi na lamang ang isip ang gumagana kundi ang mga bahagi ng katawan na
ginagamit sa pagsusulat.
Sosyo-Kognitibong Pananaw sa Pagsulat

 Intelektuwal na Gawain ang pagsusulat sapagkat inuuri at inuusisa niya ang nilalaman ng
kaniyang susulatin.

 Ang produksyon ng impormasyon at kaalaman ay nililikha mismo ng manunulat bunga ng


kanilang imahinasyon, karanasan, pananaliksik at pag-oobserba, ito ang papel na kanilang
ginagampanan. At ang tagatangkilik o komukonsumo nito ay ang lipunan mismo.

Layunin ng Pagsulat
Magiging mabisa ang isang sulatin kung batid ng manunulat kung ano ang kanyang
layunin.

(Bakit ka magsusulat????)
Ang ilan sa mga awtor ay nagsusulat upang:

 Magpabatid

Ang pangunahing layunin dito ng awtor o ng manunulat ay makapagbigay-


impormasyon at makapagdagdag ng karunungan sa kanyang mga mambabasa.

 Manghikayat

Hindi lamang ang kabatiran tungkol sa paksa ang pokus ng manunulat dito kundi higit
upang mabago ang pananaw o mapaniwala niya ang kanyang mambabasa sa kanyang
prinsipyo o sa kanyang tinatalakay.

 Maging malikhain

Sa layuning ito ng pagsulat naipakikita ng manunulat ang kanyang kahusayan sa


paggamit ng wika.
Paano nga ba sisimulan ang pagsulat???

Mga Hakbang sa Pagsulat


1. Paghahanda sa Pagsulat

Sinasaklaw ng bahaging ito, ang pagpili sa paksa, pagtukoy sa layunin ng pagsulat at


pangangalap ng mga impormasyon para sa gawaing pagsusulat.

* Teknik sa Pagpili ng Paksa

Brainstorming- proseso sa pag-iisip

Free Writing- kaugnayan ng mga konsepto

Pagsasaliksik at Pagbabasa- pagbibigay ng tiyak na


layunin
2. Aktuwal na pagsulat

Sa bahaging ito sisimulan na ng manunulat na buuin ang kanyang sulatin. Ang mga
kosepto at mga ideya ay maaari nang isalin sa pamamagitan ng mga pangungusap at talataan.

3. Pag – eedit at Pagrerebisa

Binubuo ng apat na salik ang bahaging ito ng pagsulat:

*pagdaragdag

*pagsasaayos

*pag-alis

*pagpapalit

You might also like