You are on page 1of 23

Katuturan, Layunin at

Kahalagahan ng Pagsulat
Kailan ka pinakahuling sumulat?
Anong uri ng sulatin ito ? Bakit
nagustuhan mo ito sulatin? Ano-
anong kabutihang: dulot sa
pagsusulat ?
Ang pagsusulat ay isa sa mga
makrong kasanayang dapat mahubog
sa mga mag-aaral.
Ayon kay Donald et.al. sa kanilang aklat na
"Models For Clear Writing“.
•Ang pagsulat ay isang proseso.
•Ang pagsulat ay malawak at makabuluhang
gawain.
•Ang pagsusulat ay aktibidad na nangangailangan
ng malinaw na paksa, hangarin o layunin, kaalaman
at kakayahan sa pagbuo ng maayos na salita.
Ang pagsusulat ay isang kasanayang
naglulundo ng kaisipan at damdaming nais
ipahayag ng tao gamit ang
pinakaepektibong midyum ng paghahatid
ng mensahe, ang wika.
-Cecilia Austera et al. (2009), may-akda ng
Komunikasyon sa Akademikong Filipino
(2009)
Ayon naman kay Edwin Mabilin et al. sa aklat
na Transpormatibong Komunikasyon sa
Akademikong Filipino (2012), ito ay isang
pambihirang gawaing pisikal at mental dahil
sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao
ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng
paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang
kagamitang maaaring pagsulatan.
May iba’t ibang dahilan ang tao sa
pagsusulat. Para sa iba ,ito ay
nagsisilbing libangan sapagkat sa
pamamagitan nito ay naibabahagi nila
sa iba ang kanilang mga ideya at
kaisipan sa paraang kawili-wili o
kasiya-siya para sa kanila.
Ayon kay Mabilin (2012) ang pagsusulat ay
isang pagpapahayag ng kaalamang
kailanman ay hindi naglalaho sa isipan ng
mga bumasa at babasa sapagkat ito ay
maaaring magpasalin-salin sa bawat
panahon.Maaaring mawala ang alaala ng
sumulat ngunit ang kaalamang kanyang
ibinahagi ay manatiling kaalaman.
KAHALAGAHAN NG PAGSULAT

1. Nagiging daan ang pagsulat upang


ipahayag ang saloobin at damdamin.
2. Nagsisilbing komunikasyon sa
kapwa ang pagsulat.
3. Nagagamit ito para sa lalong
pagkatuto.
4. Ginagamit bilang isang paraan ng
pagtataya sa naging pagsulong ng
estudyante sa wika.
5. Nakatutulong ito sa paglinang ng
lohikong pag-iisip at paglutas sa suliranin.
LAYUNIN NG PAGSULAT
1.Magpabatid - Ang pangunahing layunin
dito ng awtor o manunulat ay
makapagbigay-impormasyon at
makapagdagdag ng karunungan sa kanyang
mambabasa.
2.Manghikayat- Naglalayong makumbinsi
ang mga mambabasa tungkol sa isang
katwiran, opinyon o paniniwala.
3. Maging Malikhain- Ang malawak na
imahinasyon ang nagsisilbing susi upang
makagawa.
Ayon naman kay Mabilin ,sa kanyang aklat na
Transpormatibong Komunikasyon sa
Akademikong Filipino (2012), ang layunin sa
pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati
sa dalawang bahagi
1.Personal o ekspresibo kung saan ang layunin
ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling
pananaw,karanasan,naiisip o nadarama ng
manunulat.
2. Panlipunan o sosyal kung saan ang layunin ng
pagsulat ay ang makipag-ugnayansa ibang tao o
sa lipunang ginagalawan. Ang ibang tawag sa
layuning ito ng pagsusulat ay transaksiyonal
MGA BENEPISYO NA MAAARING MAKUHA SA
PAGSUSULAT
1.Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga
kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong
paraan.
2.Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na
kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon o
pananaliksik.
3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa
mapanuring pagbasa sa pamamagitanng pagiging
obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa
mga nakalap na impormasyon.
4.Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan
sa matalinong paggamit ng aklatan sa
paghahanap ng mga materyales at
mahahalagang datos na kakailanganin sa
pagsulat.
5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas
ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng
pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman
sa lipunan.
6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa
paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda
ngkanilang pag-aaral at akademikong
pagsisikap.
7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap
ng mga impormasyong mula sa iba’tibang
batis ng kaalaman para sa akademikong
pagsusulat.
ANG PAGSULAT BILANG MULTI-DIMENSYONAL NA
PROSESO
1. Prosesong Kognitibo- Ito ang proseso kung saan
ginagamit ng manunulat ang kanyang isip upang
makapagplano at makapagtakda ng kanyang
isusulat.
2. Proseso ng Motibasyon- Ang manunulat ang
kukumbinsi sa kaniyang sarili para magsulat. Dito
papasok ang kaniyang matinding hangarin,
paniniwala at pag-uugali na makaiimpluwensya sa
kaniyang pagsusulat.
3. Proseso ng Pag-alala- Karaniwan itong
nagmumula sa karanasan, nabasa at
napakinggan ng manunulat nakaniyang
babalikan upang magamit na materyal sa
kanyang isusulat.
4. Proseso ng Pagsasatitik- Ito ang
pagsulat ng bawat diwang prinoseso ng
isipan upang matunghayan ng
mambabasa.
PROSESO NG PAGSULAT
1. Bago Sumulat
Kinakailangan maglaan ng panahon sa gawain bago
sumulat. Sa yugtong ito, ang isang manunulat ay
makapagtatala ng mga datos na gagabay sa pagsulat
ng burador.
2. Unang Burador
Ang ideya ay kailangan nang maisalin sa pasulat na
dokumento na maaaring rebisahinnang paulit-ulit ayon
sa pangangailangan.
3. PagrebisaIto
ang pagbasang muli sa burador nang makailang ulit
para sa layuning mapahubog at mapagbuti ang
dokumento.
4. Pag-eedit
Ang pagwawasto ng mga posibleng gamit ng salita,
pagbabantas, ispeling at gramar ay nakapaloob sa
huling yugto na ito.
5. Pinal na Dokumento
Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN: Batay sa
nabasa at napag-aralang katuturan,layunin at
kahalagahan ng pagsulat. Sagutin ang mga
katanungan sa tulong ng wastong paggamit ng wika.

1.Ano ang kahulugan ng pagsusulat?

2. Sa mga makrong kasanayang pangwika, alin dito


ang kailangang linangin at hubuging lubos ? Bakit?
3. Ano-ano ang mga bagay na
dapat taglayin sa akdang susulatin?
4. Naniniwala ka bang dapat ngang
kunin ng lahat ng kurso ang
asignaturang ito? Ipaliwanag ang
iyong sagot.

You might also like