You are on page 1of 20

Filipino sa Piling Larang

Akademik
Kuwarter 1
Week 1-3

FRANCES E. RIÑON

Learner’s Packet
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang Akademik Kuwarter 1
Nakapaloob sa modyul na ito ang tungkol sa Kahalagahan ng Pagsusulat at Ang
Akademikong Pagsulat na inihanda para sa pag-aaral ng Filipino sa Piling Larang sa unang
semestre ng ikalabing-isang baitang. Nilalayon ng modyul na ito na sanayin ang mga mag-aaral sa
pagsulat ng iba’t ibang sulating lilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa mabisa,
mapanuri at masinop na pagsusulat sa piniling larangan. Tatalakayin sa modyul na ito ang mga
katuturan ,layunin, ,kahalagahan ,uri at gamit ng pagsusulat at ng iba’t ibang katangian at uri ng
akademikong sulatin. Hahasain ka sa pagsusulat ng iba’t ibang akademikong sulatin sa
pamamagitan ng maayos na pagsunod sa mga panuntunan upang matamo ang mga kasanayang
hinahangad. Ang mga paksa,babasahin,gawain at mga pagsasanay ay sadyang iniaangkop sa
kakayahan at interes ng mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay maging makabuluhan ,
napapanahon, kawili-wili ,nakalilinang ng kritikal at mapanuring na pag-iisip .
Ang modyul na ito ay may tatlong aralin:
Aralin 1 : Katuturan,Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat
Aralin 2 : Gamit at Uri ng Pagsulat
Aralin 3 : Mga Akademikong Sulatin

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:


1.Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat. CS_FA11/12PB-0a-c-101
2. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:
(a) Layunin
(b) Gamit
(c) Katangian
(d) Anyo.
CS_FA11/12PN-0a-c-90
3. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at
katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko. CS_FA11/12EP-0a-c-39
Aralin 1: Katuturan, Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat

Sa katapusan ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang mabigyang kahulugan


ang akademikong pagsulat.

Paunang Gawain:
PAGKILALA SA PAHAYAG
Panuto: Suriin kung TAMA o MALI ang pahayag tungkol sa paksa
________1.Mahalagang bigyan ng pansin ang gamit ng wika, layunin at paksa sa anumang uri ng
pagsulat.
________2. Ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kalian man ay hindi maglalaho
sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin- salin sa bawat panahon .
________3. Sa mga makrong kasanayan pangwika , ang pagsusulat ang higit at dapat pagtuunan
ng pansin upang maging katanggap -tangap sa lipunang ginagalawan.
________4. Ang paggamit ng mga salitang kolokyal 0 balbal ay kinakailangang gamitin sa
pormal na pagsulat ng pananaliksik upang lumutang ang nais ibahaging kaalaman.
_________5. Ang pagsusulat ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa
pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat
ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan.

PAGSULAT
Panuto: Sagutin ang mga katanungan ng may katapatan. Maglahad ka at ilagay ang sagot kahon .
Anong uri ng sulatin ang paborito mo? Kailan ka huling sumulat nito? Bakit nagustuhan mo ang
sulating ito? Ano-anong kabutihang : dulot sa pagsusulat?

Alamin Natin:
Ang pagsusulat ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral.
Ayon kay Cecilia Austera et al. (2009), may-akda ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino
(2009) ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag
ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika. Ayon naman
kay Edwin Mabilin et al. sa aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino
(2012), ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay
naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel
1
o anumang kagamitang maaaring pagsulatan. Sa pamamagitan ng pagsusulat, maisatitik ang
nilalaman ng isipan, damdamin , paniniwala , at layunin ng tao sa tulong ng mga salita ,ayos ng
pangungusap sa mga talata hanggang sa mabuo ang isang akda o sulatin.
May iba’t ibang dahilan ang tao sa pagsusulat. Para sa iba ,ito ay nagsisilbing libangan
sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa iba ang kanilang mga ideya at kaisipan sa
paraang kawili-wili o kasiya-siya para sa kanila. Anuman ang dahilan ng pagsusulat , ito ay
nagdudulot ng malaking tulong sa nagsusulat,sa mga taong nakabasa nito,at maging sa lipunan sa
pangkalahatan sapagkat ang kanilang mga sinulat ay magiging dokumento ng nakalipas na
pangyayari o panahon na magsisilbing tulay para sa kabatiran ng susunod na henerasyon.Ayon
kay Mabilin (2012) ang 2 pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi
naglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawat
panahon.Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang ibinahagi ay
manatiling kaalaman.
Kaya naman,sa limang makrong kasanayang pangwika , ang pagsusulat ay isa rin sa mga
dapat pagtuunan ng pansin na malinang at mahubog sa mga mag-aaral sapagkat dito masusukat
ang kanilang kahandaan at kagalingan sa iba’t ibang disiplina. Sa mga makrong kasanayang tulad
ng pakikinig ,pagbabasa, panonood,madalas ang isang indibidwal na gumagawa nito ay
kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang isipan. Subalit sa pagsasalita at
pagsusulat ang taong nagsagawa nito ay nagbabahagi ng kanyang mga kaisipan at nalalaman
tungkol sa isang tiyak na paksa sa pamamagitan ng kanyang sinabi at isinulat.

Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat


Ayon kay Royo , na nasulat sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga ,Jr. na Pagbasa , Pagsulat at
Pananaliksik (2001), malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog ng damdamin at isipan ng
tao. Sa pamamagitan nito, naipahahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin ,pangarap , agam-
agam, bungang-isip at mga pagdaramdam. Dahil din sa pagsulat , nakikilala ng tao ang kanyang
sarili,ang kanyang mga kahinaan at kalakasan, ang lawak at tayog ng kanyang isipan ,at ang mga
naaabot ng kanyang kamalayan. Ang pangunahing layunin ng pagsulat ay ang mapabatid sa mga
tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman at mga karanasan ng taong sumusulat. Kaya naman ,
napakahalaga na bukod sa mensaheng taglay ng akdang susulatin, kailangan ang katangiang
mapanghikayat upang mapaniwala at makuha ang atensyon ng mga mambabasa. Mahalagang
isaalang-alang ang layuning ito sapagkat masasayang ang mga isinulat kung hindi ito magdudulot
ng kabatiran at pagbabago sa pananaw ,pag-iisip at damdamin ng makababasa nito.
Ayon naman kay Mabilin ,sa kanyang aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa
Akademikong Filipino (2012), ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati sa
dalawang bahagi. Una ,ito ay maaaring personal o ekspresibo kung saan ang layunin ng pagsulat
ay nakabatay sa pansariling pananaw,karanasan,naiisip o nadarama ng manunulat.Ang ganitong
paraan ng pagsulat ay maaaring magdulot sa bumabasa ng kasiyahan,kalungkutan , pagkatakot , o
pagkainis depende sa layunin ng taong sumusulat. Ang karaniwang halimbawa nito ay ang
ginagawa ng mga manunulat ng sanaysay ,maikling kwento , tula , dula ,awit at iba pang akdang
pampanitikan. Pangalawa, ito ay maaari namang maging panlipunan o sosyal kung saan ang
layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan. Ang ibang
tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay transaksiyonal. Ang mga halimbawa nito ay ang pagsulat
ng liham ,balita, korespondensya , pananaliksik ,sulating panteknikal ,tesis, disertasyon at iba pa.
Ginagawa ang mga sulating ito taglay ang isang tiyak na layunin at ito ay walang iba kundi ang
layuning makipag-ugnayan sa tao o sa lipunan. Sa kabilang dako, maaari rin naming magkasabay
na maisagawa ang layuning personal at panlipunan partikular sa mga akdang pampanitikang
naisulat bunga ng sariilng pananaw ng may-akda na maaaring magkaroon ng tiyak na kaugnayan
sa lipunan tulad halimbawa ng talumpati na karaniwang binibigkas sa harap ng madla upang
maghatid ng mensahe at manghikayat sa mga nakikinig.

2
Sa pangkalahatan, narito ang kahalagahan o ang mga benepisyo na maaaring makuha sa
pagsusulat.
1. Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa
pamamagitan ng obhetibong paraan.
2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang
imbestigasyon o pananaliksik.
3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng
pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon.
4.Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa
paghahanap ng mga materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat.
5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng
pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan.
6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng
kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap.
7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyong mula sa iba’tibang
batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat.

Gawain 1.1
Panuto:: Batay sa nabasa at napag-aralang katuturan,layunin at kahalagahan ng pagsulat. Sagutin
ang mga katanungan sa tulong ng wastong paggamit ng wika.
1. Ano ang kahulugan ng pagsusulat batay sa iyong binasa?
___________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________.
2. Sa mga makrong kasanayang pangwika, alin dito ang kailangang linangin at hubuging lubos?
Bakit? ___________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________.
3. Ano-ano ang mga bagay na dapat taglayin sa akdang susulatin?
___________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________.
4. Anong akdang pampanitikan ang maaaring magkasamang maisagawa ang layuning personal at
panlipunan? Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________.
5. Naniniwala ka bang dapat ngang kunin ng lahat ng kurso ang asignaturang ito? Ipaliwanag ang
iyong sagot ___________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_______________________________________________.

3
Gawain 1.2
Panuto: Kumpletuhin ang concept map. Isulat ang hinihingi. Batay sa salita na nasa loob ng
gitnang kahon, ano kaya ang kahulugan nito? Malayang isulat ang iyong natuklsan.

Halimbawa

Kahulugan Katangian
Akademikong
Pagsulat

Layunin

Gawain 1.3:
Panuto: Isa-sahin ang mga katangiang dapat taglayin ng Akademikong Pagsulat gamit ang
concept map sa ibaba. Magtalaga ng maikling paliwanag sa bawat katangian.

Katangian ng
Akademikong
Pagsulat

4
Aralin 2: Gamit at Uri ng Pagsulat

Sa katapusan ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang makapagsasagawa ng


panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t
ibang anyo ng sulating akademiko.

Paunang Gawain:
Panuto: Tukuyin ang gamit at uri ng pagsulat sa mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang
sagot.
A. Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat

A.Wika B.Paksa C.Layunin D.Pamamaraan ng Pagsulat


E.Kasanayang Pampag-iisip F.Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat
G.Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin
______1. Ito ay magsisilbing giya sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.
Kailangang matiyak na matutugunan ng iyong isusulat ang motibo ng pagsusulat nang sa gayon
ay maganap nito ang iyong pakay sa katauhan ng mga mambabasa .
______2. Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang
maayos, organisado ,obhetibo at at masining na pamamaraan mula panimula ng akda o
komposisyon hanggang sa wakas nito.
______3. Mahalagang magkaroon nito ang isusulat. Ito ay magsisilbing pangkalahatang iikutan ng
mga ideyang dapat mapaloob sa akda. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat
ay napakahalaga upang maging malaman, makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa
akda o komposisyong susulatin.
_______4. Sa pagsulat,dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng
mga datos na mahalaga o hindi gaanong nahalaga ,o maging ng mga impormasyong dapat isama
sa akdang isusulat.
_______5. Ito ay magsisilbing behikulo ito upang maisatitik ang mga kaalaman,kaisipan,
damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat.

B. Uri ng Pagsulat
A. Malikhain B. Teknikal C. Propesyonal
D.Dyornalistik E. Reperensyal F. Akademiko
_______6. Isa itong intelektwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay nakakatulong sa pagpapataas ng
kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayong kay Carmelita Alejo et.al. Layunin
nitong ipakita ang resulta sa pagsisiyasat o ng isang ginawang pananaliksik.
_______7. Layunin nitong maghatid ng aliw,makapukaw ng damdamin at makaantig sa
imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Mabibilang sa uring ito ang maikling kwento , dula,
tula, malikhaing sanaysay, gayundin ang mga komiks ,iskrip ng teleserye ,kalyeserye, musika
,pelikula at iba pa.
_______8. Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o
paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.

5
_______9. Layunin nitong pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman bumuo ng isang pag-aaral
na kailangang para lutasin ang isang problema o suliranin sa isang tiyak na disiplina o larangan .
______10. Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o
impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon at mairekomenda sa iba ang
mga sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa.

Alamin Natin:

Mga Gamit at Pangangailangan sa Pagsulat

Masasabing ang pagsulat ay isang talento dahil hindi lahat ng tao ay may kakayahang
lumikha ng isang makabuluhang akda o komposisyon. Kaya naman upang makabuo tayo ng isang
magandang sulatin ay kailangang mapukaw ang ating interes. Kailangan nating mabatid ang mga
dapat tandaan sa pagsusulat partikular ng akademikong pagsulat. Narito ang mga iilan:

1. Wika- Nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin,
karanasan, impormasyon, at iba pang nais ipabatid ng taong nais sumulat. Dapat matiyak
kung anong uri ng wika ang gagamitin upang madaling maunawaan sa uri ng taong babasa
ng akda. Nararapat magamit ang wika sa malinaw, masining, tiyak, at payak na paraan.
2. Paksa- Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang
magandang simula dahil dito iikut ang buong sulatin. Kailangan na magkaroon ng sapat na
kaalaman sa paksang isusulat upang maging makabuluhan, at wasto ang mga datos na
ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.
3. Layunin- Ang layunin ang magsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng
iyong isusulat.
4. Pamaraan ng Pagsulat- May limang paraan ng pagsulat upang mailahad ang kaalaman at
kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay sa pagsusulat.

a. Paraang Impormatibo- Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong


impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.
b. Paraang Ekspresibo- Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon,
paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hingil sa isang tiyak na paksa batay sa
kanyang sariling karanasan o pag-aaral.
c. Pamaraang Naratibo- Ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay
ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.
d. Pamaraang Deskriptibo- Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng
katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig,
natunghayan, naranasan at nasaksihan.Ito’y maaaring obhitibo at subhetibo.
e. Pamaraang Argumentatibo- Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga
mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan
o pag-usapan.
5. Kasanayang Pampag-iisip- Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa upang
masuri ang mga datos na mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat.
Kailangang makatuwiran ang paghahatol upang makabuo ng malinaw at mabisang
pagpapaliwanag at maging obhetibo sa sulating ilalahad.
6. Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat- Dapat ding isaalang-alang sa
pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong
paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng batas, pagbuo ng
talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng isang
mahusay na sulatin.
7. Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin- Ito ay tumutukoy sa kakayahang mailatag
ang mga kaisipan at impormasyon mula sa panimula hanggang sa wakas na maayos,
organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan ang isang komposisyon.

6
Uri ng Pagsulat

1. Teknikal na Pagsulat – Layunin nitong pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman
bumuo ng isang pag-aaral na kailangang para lutasin ang isang problema o suliranin sa
isang tiyak na disiplina o larangan . Isang praktikal na komunikasyong ginagamit sa
pangangalakal at ng mga propesyonal na tao upang maihatid ang teknikal na impormasyon
sa iba’t ibang uri ng mambabasa. Karaniwang nagtataglay ito ng mga paksang teknikal.
Halimbawa: Feasibility Study, manwal, Proyekto sa pag-aayos ng kompyuter, at iba pa.
2. Reperensyal na Pagsulat – Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga
pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at
disertasyon at mairekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng
mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa.Karaniwang makikita ito sa huling
bahagi ng isinagawang pananaliksik o kaya naman ay sa kabanatang naglalaman ng
Review of Related Literature (RRL) na pinaghanguan ng mga prinsipyo at batayan upang
makapagbalangkas ng mga konsepto sa pagbuo ng isinagawang pananaliksik.
3. Dyornalistik na Pagsulat – May kinalaman ito sa mga sulating may kaugnayan sa
pamamahayag tulad ng pagsulat ng balita ,editoryal, lathalain,artikulo at iba pa . Ito ay
isinusulat ng mga mamamahayag, journalist, reporter at iba pang bihasa sa pangangalap ng
mga totoo, obhetibo, at makabuluhang mga balita at isyung nagaganap sa lipunan sa
kasalukuyan na kanilang isinusulat sa mga pahayagan , magasin, o kaya’y iniuulat sa
radyo at telebisyon.
4. Akademikong Pagsulat – Isa itong intelektwal na pagsulat . Ang gawaing ito ay
nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan.
Ayong kay Carmelita Alejo et.al. Layunin nitong ipakita ang resulta sa pagsisiyasat o ng
isang ginawang pananaliksik.
5. Malikhaing Pagsulat – Layunin nitong maghatid ng aliw,makapukaw ng damdamin at
makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Mabibilang sa uring ito 13 ang
maikling kwento , dula, tula, malikhaing sanaysay, gayundin ang mga komiks ,iskrip ng
teleserye ,kalyeserye, musika ,pelikula at iba pa.
6. Propesyonal na Pagsulat - Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang
natutuhan sa akademya o paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon
ng isang tao. Halimbawa sa guro , pagsulat ng lesson plan , paggawa at pagsusuri ng
kurikulum, para sa doctor o nars – paggawa ng medical report , narrative report tungkol sa
physical examination sa pasyente at iba pa.

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat


Mahalagang maunawaan din ang mga katangiang dapat taglayin ng akademikong pagsulat.
Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

1. Obhetibo- Kailangan ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng ginawang pag-
aaral at pananaliksik. Iwasan ang pagiging subhetibo o ang pagbibigay ng personal na
opinyon o paniniwala hinggil sa paksang tinatalakay.
2. Pormal- Iwasan ang paggamit ng mga salitang kilokyal o balbal. Sa halip, gumamit ng
mga salitang pormal na madaling mauunawaan ng mambabasa. Ang tono o himig ng
paglalahad ng mga kaisipan o impormasyon ay dapat na maging pormal din.
3. Maliwanag at Organisado- Ang mga talata ay kinakailangang kakitaan ng maayos na
pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga kaisipan. Hindi ito dapat masamahan
ng mga kaisipang hindi makatutulong sa pagpapaunlad ng paksa. Maging ang pag-uugnay
ng mga parirala o pangungusap ay dapat na pilimpili nang sa ganoon ay hindi ito makagulo
sa ibang sangkap na mahalaga sa ikalilinaw ng paksa. Ang punong kaisipan o main topic ay
dapat mapalutang o mabigyang-diin sa sulatin.
4. May paninindigan- Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang nais niyang
bigyang-pansin o pag-aralan. Ang kanyang layunin na maisagawa ito ay mahalagang
mapanindigan niya hanggang sa matapos niya ang kanyang isususlat. Maging matiyaga sa
7
pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang pagsulat sa
napiling paksa.
5. May pananagutan- Ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap ng datos o
impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala.

Gawain 3.1
PAGKILALA SA AKDA AT URI NG PAGSULAT
Panuto: Basahing mabuti ang inilalahad na akda at sagutin ang mga katanungan ukol dito.

Ang DoItYourself.com ay isa sa mga nangungunang website na tumutulong sa mga nais


magkumpuni at magpaganda ng sariling bahay. Ang mga taong ito ay hindi na kumukuha ng mga
ekspertong susuwelduhan. Pinarangalan ang website na ito ng Time Magazine bilang “One of the
Top 50 Sites in the World”. Maliban sa napakarami at napakalawak na paksa at iba’t ibang bagay
na matututuhan nila sa site na ito, ay mayroon din itong mga forum na nagbibigay-daan upang
makipag-ugnayan ang mga bumibisita sa web site sa kapwa nila nagnanais ding gamitin ang
website upang matutong magkumpuni at magpaganda ng sariling bahay. Binibigyan din sila ng
pagkakataong humingi ng payo sa mga eksperto.
Ang site na ito ay sinimulan noong 1995 na naglalayong tumulong sa mga mamimili na
makakuha ng mga impormasyon sa pagkukumpuni ng bahay. Sa kasalukuyan, ang DoItYourself
site ay binibisita bawat buwan ng limang milyong tao mula sa iba’t ibang bansa. Dito nakapupulot
sila ng mga prosidyur kung paano gawin ang mga bagay na kailangan nilang malaman sa
pagkukumpuni. Pinadadali nito ang kanilang buhay dahil sa isang klik lang ay mababasa at kung
minsan ay mapapanood pa ng mga paraan kung paano gawin ang isang bagay.

1. Anong uri ng pagsulat ayon sa layunin ang iyong nabsa? Bakit?


_______________________________________________________________________.
2. Ano ang DoItYourself.com at ang layunin nito?
_______________________________________________________________________.
3. Anu-anong kabutihang dulot ang nakukuha ng website na DoItYourself.com?
_______________________________________________________________________.
4. Nasusunod ba ang pangangailangang “kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat at
kasanayan sa paghahabi ng buong sulatin” sa binasang akda? Patunayan.
_______________________________________________________________________.
5. Tukuyin ang pangunahing kaisipan sa akdang binasa sa pamamagitan ng pagsulat nito sa
isang buong pangungusap.
_______________________________________________________________________.

Gawain 3.2
KATANGIAN NG AKADEMIKONG SULATIN
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa mga katangiang dapat taglayin ng akademikong sulatin. Isulat
ito sa patlang.

May Pananagutan, Obhetibo, Maliwanag at Organisado, Pormal, May Paninindigan

________1. Hindi maganda ang magpabago-bago ng paksa. Mahalagang mapanindigan ng


sumulat ang paksang nais niyang bigyang-pansin o pag-aralan. Maging matiyaga sa pagsasagawa
ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang pagsulat ng napiling paksa.
________2. Ang mga talata ay may kaisahan, pagkakaugnay at pagkakasunod ng ideya ayon sa
pagkakasulat ng mga pangungusap at talata na naaayon sa punong kaisipan o (main topic).

8
________3. Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal.Gumamit ng pormal na salita
, tono at himig ng paglalahad na madaling maunawaan ng mambabasa.
________4. Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga
impormasyon. Ang pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat o plagiarism ay
isang kasalanang may takdang kaparusahan sa ilalim ng ating batas.
________5. Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng mga
mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o larang. Binibigyang-diin dito ang
impormasyong gustong ibigay at ang argumento sa mga ideya na sumusuporta sa paksa. Ang mga
datos sa isinusulat ay kailangang batay sa kinalabasan ng ginawang pagaaral at pananaliksik.

Gawain 3.3
PANIMULANG PANANALIKSIK
Panuto: Magsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan at katangian ng uri ng
akademikong sulatin na Abstrak ,Sinopsis, ,Bionote sa tulong ng graphic organizer.

Uri ng Akademikong Sulatin:

Nasaliksik

Kahulugan

Katangian

Sanggunian

Uri ng Akademikong Sulatin:

Nasaliksik

Kahulugan

Katangian

Sanggunian

9
Uri ng Akademikong Sulatin:

Nasaliksik

Kahulugan

Katangian

Sanggunian

Aralin 3: Mga Akademikong Sulatin

Sa katapusan ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang makilala ang iba’t ibang
akademikong sulatin ayon sa: layunin; gamit; katangian at anyo.

Paunang Gawain:
Panuto: Kilalanin ang akademikong sulating inilalarawan sa bawat bilang. Piliin ang tamang
sagot sa loob ng kahon sa ibaba.

Abstrak Buod Bionote Talumpati Adyenda Pictorial-essay


Katitikan ng pulong Posisyong papel Replektibong sanaysay Lakbay-sanaysay

_____1. Isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na kinapapalooban ng mga bagay na naiisip,
nararamdaman, pananaw, at damdamin hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakalikha ng
epekto sa taong sumusulat nito.
_____2. Ito ay itinuturing na isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga
naging karanasan sa paglalakbay.
_____3. Ito ay sulating nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong na mahalagang
maipabatid sa mga taong kabahagi sa gawaing ito.
_____4. Sulatin kung saan higit na nakararami ang larawan kaysa sa mga nilalamang salita.
_____5. Sulatin tungkol sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic
career.

Alamin Natin:
Mayroong iba’t ibang uri ang akademikong sulatin ito ay ang mga sumusunod:
• Abstrak
• Sinopsis o Buod
• Bionote
• Talumpati
10
• Adyenda
• Katitikan ng pulong
• Posisyong papel
• Replektibong sanaysay
• Pictorial-essay
• Lakbay-sanaysay

Abstrak

Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga


akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report. Ito ay
kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos
ng title page o pahina ng pamagat. Ito ang naglalaman ng pinakabuod ng buong akdang
akademiko o ulat. Ayon kay Philip Koopman sa kanyang aklat na How to Write an Abstract
(1997), bagama’t ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahahalagang elemento o
bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksiyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya,
resulta at konklusyon. Naiiba ito sa konklusyon sapagkat ito ay naglalaman ng pinakabuod ng
bawat bahagi ng sulatin o ulat.

Mga dapat tandan sa pagsulat ng abstrak:

✓ Lahat ng mga detalye na ilalagay ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel;


✓ Iwasan ang paglalagay ng mga statistical figures o table;
✓ Gumamit ng simple, malinaw at derektang pangungusap;
✓ Maging obhetibo (ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag)
sa pag-sulat; at
✓ Gawing maikli at komprehensibo.

Sinopsis o Buod

Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga kadang nasa
tekstong naratib tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabula, talumpati at iba pang anyo ng
panitikan. Ang buod ay maaroing buoin ng isang talata o higit pa o maging ng ilang pangungusap
lamang. Sa pagsulat ng synopsis, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang
sariling salita. Ang pagbubuod o pagsulat ng synopsis ay naglalayong makatulong sa madaling
pagunawa sa diwa ng seleksyon o akda, kung kaya’t nararapat na maging payak ang mga salitang
gagam,itin. Layunin dinh nitong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda sa
pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng tesis nito. Ang pahaygf ng tesis ay maaroign lantad na
makikita sa akda o minsan, ito ay di tuwirang nakalahad kaya mahalagang basahins Mabuti ang
kabuoan nito. Sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng akda, mahalagang matukoy ang sagot sa
sumusunod: Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano? Sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong na ito, magigoing madali ang pagsulat ng buod.

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng synopsis o buod:

✓ Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito;


✓ Isulat batay sat ono ng orihinal na sipi;
✓ Ilahad ang mga pangunahing tauhan at ang tungkuling kanilang ginagampanan gayundin
ang mga suliranin na kanilang kinaharap;
✓ Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa paghahabi ng mga pangyayari;
✓ Tiyaking wasto ang gramatika, pagbaybay at mga bantas na ginamit sa pag-sulat; at
✓ Huwag kalimutang isulat ang ginamit na sanggunian kung saan kinuha ang orihinal na sipi
ng may-akda.
11
Bionote

Ang bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal
profile ng isang tao. Marahil ay nakasulat ka na ng iyong talambuhay o tinatawag sa ingles na
authobiography o kaya ng kathambuhay o kathang buhay ng isang tao o biography. Parang ganito
rin ang bionote ngunit ito ay higit na maikokompara sa mga ito. Ayon kay Duenas at Sanz sa
kanilang aklat na Academic Writing for Health Sciences (2012), ang bionote ay tala sa buhay ng
isang tao o naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita o mababasa
sa mga jouirnal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, web sites at iba pa.
Kadalasan, ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume o anumang kagaya ng mga
ito upang ipakilala ang sarili para sa isang propesyonal na layunin. Ito rin ang madalas na
mababasa sa bahaging “Tungkol sa Iyong Sarili” na makikita sa mga social network o digital
communication sites. Halimbawa bito ay ang bionote o pagpapakilala sa sarili ng mga gumagawa
ng blog. Ito ang nagpapakilala ng ilang mahahalagang detalye sa buhay ng kung sino ang nasa
likod ng blog. Ito rin ay maaring magamit ng taong naglalathala ng isang aklat o artikulo. Sa
madaling salita, layunin ng bionote na maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitan ng
pagbanggit ng mga personal na impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o
ginawa sa buhay.

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng Bionote:

✓ Isulat ng maikli. Kung ito ay gagamitin sa resume kailangang maisulat ito gamit ang 200
na salita;
✓ Maglagay ng mga detalye tungkol sa mga interes piliin ang mga mahahalaga ayon sa
tagumpay na iyong nakamit;
✓ Magsimula sa pagbanggit ng mga mahalagang impormasyon o detalye tungkol sa iyong
buhay;
✓ Isulat ito gamit ang ikatlong panauha upang maging litaw na opbhetibo ang pagkakasulat;
✓ Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita upang madaling
makamit ang totoong layunin;
✓ Muling basahin ang sinulat na bionote.

Talumpati

Ang pagtatalumpati ay isang uri ng sining. Maipakikita rito ang katatasan at kahusayan
ng tagapagsalita sa panghihikayat upang paniwalaan ang kanyang paniniwala, pananaw at
pangangatuwiran sa isang partikular na paksang pinag-usapan. Kaiba ito sa ginagawa nating
pagsasalita sa araw-araw kung saan sinasabi natin ang gusto nating sabihin nang walang
pinagtutungkulan o binibigyang-diing paksa. Ang talumpati ay kadalasang pinaghahandaan bago
bigkasin sa harapan ng tao kahit pa man ito’y biglaan. Ang pagsulat ng talumpati ang susi sa
mabisang pagtatalumpati. Bago pa man ito bigkasin sa madla ay mabuting nakapaghanda na ng
isang komprehensibong sulatin upang mas maging kapani-paniwala at kahika-hikayat ito para sa
mga nakikinig.

Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati:

✓ Uri ng mga tagapakinig


o Edad ng mga makikinig
o Bilang ng mga makikinig
o Kasarian ng mga makikinig
o Edukasyon o antas sa lipunan ng mga makikinig
o Saloobin at dati ng alam ng mga makikinig
12
✓ Tema o paksang tatalakayin
o Pananaliksik ng datus at mga kaugnay na babasahin
o Pagbuo ng tesis
o Pagtukoy sa mga pangunahing kaisipan o punto
✓ Hulwaran sa pagbuo ng talumpati
o Kronolohikal na hulwaran
o Topikal na hulwaran
o Hulwarang problema-solusyon
✓ Kasanayan sa paghabi ng mga talumpati
o Introduksyon
o Diskusyon o katawan
o Katapusan o konklusyon
o Haba ng talumpati

Adyenda

Ayon kay Sudaprasert (2014), ang adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa
pulong. Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ang isa sa mga susi ng
matagumpay na pulong. Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong
kabahagi bago isagawa ang pulong.

Kahalagahan ng pagkakaroon ng adyenda ng pulong:

1. Ito ang nagsasaad ng sumusunod na mga impormasyon:


a. Mga paksang tatalakayin
b. Mga taong tatalakay o magpapaliwanag ng mga paksa
c. Oras na itinakda para sa bawat paksa
2. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng pagkakasunod-sunod ng mga
paksang tatalakayin at kung gaano katagal pag-uusapan ang mga ito.
3. Ito ay nagsisislbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahat
ng paksang tatalakayin ay kasama sa talaan.
4. Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa
mga paksang tatalakayin o pagdedesisyonan
5. Ito ay nakatutulong nang Malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang
tatalakayin sa pulong.

Katitikan ng pulong

Ang opisyal na tala sa isang pulong ay tinatawag na katitikan ng pulong. Nagtataglay ito
ng mahahalagang detalye na tinalakay sa pulong ,kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo
at komprehensibo.Matapos itong maisulat at mapagtibay, sa susunod na pagpupulong ay maari
itong magamit bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin o sanggumian para sa susunod
na pagpaplano at pagkilos.

Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong

✓ Heading- Naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan , o oraganisasyon. Makikita rin


dito ang petsa,lokasyon at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
✓ Mga kalahok o dumalo- Dito nakalagay ang mga nanguna sa pagpapadaloy ng pulong
gayundin ang mga pangalan ng lahat ng mga dumalo,mga panauhin gayundin ang mga
lumiban sa pulong,.

13
✓ Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong- Dito makikita kung ang
nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may mga pagbabagong isinagawa sa mga
ito.
✓ Action Items o usaping napagkasunduan- Dito mababasa ang mahahalagang tala hinggil sa
mga paksang tinalakay. Inilalagay rin sa bahaging ito kung sino ang taong nanguna sa
pagtalakay at maging ang desisyon na kanilang nabuo ukol dito.
✓ Pabalita o patalastas- Hindi ito lagging makikita sa katitikan ng pulong ngunit mayroon
mang pabalita o patalastas mula sa mga dumslo tulad halumbawa ng suhestiyong agenda
para sa sususnmod na pulong .
✓ Iskedyul ng susunod na pulong – Itinatala sa naghaging kung kailan at saan ito gaganapin
ang susunod na pulong.
✓ Pagtatapos- Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong.
✓ Lagda- Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katititkan ng
pulong at kung kalian ito isinumite.

Posisyong papel

Ayon kay Grace Fleming, sumulat ng artikulong “How to Write an Argumentative Essay”,
ang posisyong papel ay ang pagsalig o pagsuporta sa katotohanan ng isang kontrobrsyal na isyu
sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o uapin para sa iyong pananaw o posisyon. Kapag
nailatag na ang kaso at ang posisyon hinggil sa isyu, mahalagang mapatunayang totoo at
katanggap-tangap ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga ebidensyang kinapapalooban ng mga
katotohanan, opinion ng mga taong may awtoridad hinggil sa paksa, karanasan, estadistika at iba
pang uri ng katibayang magpapatibay sa posisyong ponanghahawakan. Ayon sa kanya, sa
pagsulat ng posisyong papel ay mahalaga ang pagkakaroon ng isang mahusay at magandang paksa
ngunit higit na mahalaga ang kakayahang makabuo ng isang kaso o isyu.

Replektibong sanaysay

Ang replektibong sanaysay, ayon kay Michael Stranford, isang guro at manunulat, ay isa
sa mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa introspeksiyon na pagsasanay.
Kinapapalooban ito ng pagbabahagi ng mga bagay sa naiisip, nararamdaman, pananaw, at
damdamin hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumusulat nito.
Maihahalintulad ito sa pagsulat ng isang journal kung saan nangangailangan ito ng pagtatala ng
mga kaisipan at nararamdaman tungkol sa isang tiyak na paksa o pangyayari. Maiuugnay rin ito sa
pagsulat ng mga academic portfolio kung saan nagkakaroon ng malalim na pagsusuri ang may-
akda kung paano siya umunlad bilang tao kaugnay ng paksa o pangyayaring binibigyang-pansin
sa pagsulat. Ang replektibong sanaysay ay kadalasang nakabatay sa karanasan kaya mula sa
nilalaman nito ay masasalamin ang pagkatao ng sumulat.
Ayon naman kay Kori Morgan, guro mula sa West Virginia University at University of
Akron, ang replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa
isang mahalagang karanasan o pangyayari. Ibinabahagi nito sa mga mambabasa ang kalakasan at
kahinaan ng sumulat batay sa mga karanasang natutuhan o nakuha. Madalas, ibinabahagi rin ng
sumulat ang kanyang mga natutuhan at kung paano ito gagamitin sa buhay sa hinaharap o kaya
naman ay kung paano pa pauunlarin ang mga kahinaan hinggil sa isang tiyak na aspekto ng buhay.
Dahil ito ay kadalasang nakabatay sa personal na karanasan, malayang makapipili ng paksa o
pangyayaring bibigyang-pansin sa pagsulat ang manunulat.

Mga halimbawa ng paksa na maaring gawan ng repleksyong sanaysay:

✓ Librong katatapos lamang basahin


✓ Katatapos na nproyekto hinggil sa pananaliksik
✓ Pagsali sa isang pansinikong Gawain
14
✓ Praktikum tungkol sa isang kurso
✓ Paglalakbay sa isang tiyak na lugar
✓ Isyu tungkol sa pagkagumon sa pinagbabawal na gamut
✓ Isyu tungkol sa mga pinag-aawayang teritoryo sa West Philippine Sea
✓ Paglutas sa isang mabigat na suliranin
✓ Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral
✓ At marami pang iba.

Pictorial Essay

Ang pictorial essay ay isang sulatin kung saan higit na nakararami ang larawan kaysa sa
salita o panulat. May pagkakataong nakaugnay ito sa isang lakbay-sanaysay lalo na’t karamihan
ng lakbay-sanaysay ay may kasamang larawan. Sa pagsulat ng pictorial essay dapat lamang
tandan ang sumusunod:

✓ Ang paglalagay ng larawan ay dapat na isinaayos o pinag-isipang Mabuti sapagkat


ito ang magpapakita ng kabuoan ng kuwento o kaisipang nais ipahayag.
✓ Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta lamang sa mga
larawan kaya’t hindi ito kinakailangang napakahaba o napakaikli. Kailangang
makatutulong sap ag-unawa at makapukaw sa interes ng magbabasa o titingin ang
mga katitikang isusulat dito.
✓ May isang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya’t hindi maaring
maglagay ng mga larawang may ibang kaisipan o lihis sa paksang nais bigyang-
diin. Kailangang maipakita sa kabuoan ang layunin ng pagsulat o paggawa ng
pictorial essay.
✓ Isipin ang mga manonood o titingin ng iyong photo essay kung ito ba ay mga bata,
kabataan, propesyonal, o masa upang maibatay sa kanilang kaisipan at interes ang
mga larawang ilalagay gayundin ang mga salitang gagamitin sa pagsulat ng mga
caption.

Lakbay-sanaysay

Ang lakbay-sanaysay ay tinatawag ding travel essay o travelogue. Ito ay isang uri ng
lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga nagging karanasan sa paglalakbay. Ayon
kay Nonon Carandang, ito ay tinatawag niyang sanylakbay kung saan ang terminolohiyang ito,
ayon sa kanya, ay binubuo ng tatlong konsepto: sanysay, sanay at lakbay. Naniniwala siyang ang
sanaysay ang pinakaepektibong pormat ng sulatin upang maitala ang mga naranasan sa
paglalakbay. Aniya, nanghihinayanh siya sa mga nakalipas niyang paglalakbay sa iba’t ibang
lugar sa Europa at sa marami pang bansa sa mundo dahil nakaligtaan niya o sadyang nabalewala
niya ang pagtatala. Maaaring naikwento niya ang kanyang mga karanasan sa ilan niyang mga
kaibigan, mag-aaral at kamag-anak ngunit kalaunan ang mga ito ay nalilimutan din. Tanging sa
mga larawang di naman nakapgsasalita niya iniasa ang pagbabalik-tanaw sa kanyang mga
ginawang paglalakbay. Kaya naman, sa kanyang panayam sa naganap na UP Writers Workshop
noong ika-10 ng Abril 2014 ay kanyang winika sa kanyang mga tagapakinig na sisikapin niyang
isulat ang mga nagyari at kanyang naranasan sa kanyang mga paglalakbay sa pamamagitan ng
paglalahd gamit ang sanaysay.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

1. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista.


2. Sumulat sa unang panuhang punto de-bista.
3. Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay.

15
4. Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa dokumentasyon
habang naglalakbay.
5. Ilahad ang mga rtealisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay.
6. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay.

Gawain 2.1:
Panuto: Punan ang kahon ng mga impormasyon patungkol sa akademikong sulatin na angkop
para sa bawat hanay.

Lakbay-Sanaysay Pictorial Essay


Kahulugan/ Katangian

Layunin

Gamit/ Kahalagahan sa taong


nagsulat at makababasa nito

Gawain 2.2:
Panuto: Paghambingin ang replektibong sanaysay at lakbay-sanaysay sa katangian, kahulugan,
layunin at gamit sa pamamagitan ng Venn diagram

Replektibong Sanaysay Lakbay-Sanaysay

Gawain 2.3
PAGTATALATA
Panuto: Bumuo ng tig-isang talata tungkol sa bawat larawan. Ang mga pangungusap ay maaaring
nagtatanong, nagbibigay opinyon, naglalahad o nagbibigay ng obserbasyon at pagpapahalaga.
Bigyan ng pamagat ang larawan. Pagkatapos, gumawa ng sariling paglalarawan sa pamamagitan
ng pagsulat o pagguhit. Tatasahin dito ang iyong pagkamalikhain at pagkamapanuri.

16
A B

https://www.google.com/search?q=fiesta+ng+san+mateo&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwj40Z https://www.google.com/search?q=fiesta+ng+san+mateo&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEw
POvNHtAhVOQd4KHQ51AaUQ_AUoAXoECAcQAw&biw=1920&bih=969#imgrc=-KP5AAOIRKdHjM j40ZPOvNHtAhVOQd4KHQ51AaUQ_AUoAXoECAcQAw&biw=1920&bih=969#imgrc=RyeJB9d8Zpx-wM

Mungkahing Pamagat: _____________________ Mungkahing Pamagat: __________________

Nilalaman Nilalaman

Gawain 2.4
Panuto: Gumawa ng maikling talumpati na binubuo ng isang talata. Mamili ng paksa sa
sumusunod: (a) Academic Freeze; (b) Covid-19 Vaccine; (c) Economic Crisis

Rubrik:
Pamantayan Puntos
Nakasusulat ng organisado, malikhain at kapani-paniwalang talumpati 5
Nakasususlat ng talumpating batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit 5
ng wika
Nakabubuo ng talumpating may batayang pananaliksik ayon sa 5
pangangailangan
Kabuoang Puntos 20

17
Mga Sanggunian

Aklat

Ailene Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan


(Akademik )Phoenix Publishing 2016

Pamela C.Constantino et.el Filipino sa Piling Larangan


(Akademik)Rex Book Store 2016 Edition

Dayag, Alma M., et al. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc. 2016

Corazon L. Santos ,PhD et.al Filipino sa Piling Larang (Akademik)Kagamitan ng Mag-aaral Inilathala ng
Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas DepEd CDO SHARED Options Learning Activities

You might also like