Professional Documents
Culture Documents
Ang Pagsulat
Ang pagsusulat ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral. Ayon kay
Cecilia Austera, et al., may-akda ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2009), ang
pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit
ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika. Ayon naman kay Edwin
Mabilin, et al., sa aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012),
ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipahahayag ng
tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang
kagamitang maaaring pagsulatan. Sa pamamagitan ng pagsusulat, naisasatitik ang nilalaman ng
isipan, damdamin, paniniwala, at layunin ng tao sa tulong ng paggamit ng mga salita, ayos ng
pangungusap sa mga talata hanggang sa mabuo ang isang akda o sulatin.
May iba't ibang dahilan ang tao sa pagsusulat. Para sa iba, ito ay nagsisilbing libangan sapagkat sa pamamagitan
nito ay naibabahagi nila sa iba ang kanilang mga ideya at mga kaisipan sa paraang kawili-wili o kasiya-siya para sa kanila.
Sa mga mag-aaral na katulad mo, ang kalimitang dahilan ng pagsusulat ay ang matugunan ang pangangailangan sa pag-
aaral bilang bahagi ng pagtatamo ng kasanayan. Sa mga propesyonal namang manunulat tulad ng mga awtor, peryodista,
sekretarya, guro; at iba pa, ito ay kanilang ginagawa bilang bahagi ng pagtugon sa bokasyon o trabaho na kanilang
ginagampanan sa lipunan.
Anuman ang dahilan ng pagsusulat, ito ay nagdudulot ng malaking tulong sa nagsusulat, sa mga taong nakababasa
nito, at maging sa lipunan sa pangkalahatan sapagkat ang kanilang mga sinulat ay magiging dokumento ng nakalipas na
pangyayari o panahon na magsisilbing tulay para sa kabatiran ng susunod na henerasyon. Ayon nga kay Mailin (2012),
ang pagusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa
sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon. Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang
kaalamang kanyang ibinahagi ay mananatiling kaalaman.
Kaya naman, sa limang makrong kasanayang pangwika, ang pagsusulat ay isa rin sa mga dapat pagtuonan ng
pansin na malinang at mahubog sa mga mag-aaral sapagkat dito masusukat ang kanilang kahandaan at kagaliilgan sa iba't
ibang disiplina. Sa mga makrong kasanayang tulad ng pakikinig, pagbabasa, at panonood, madalas ang isang indibidwal
na gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang isipan. Subalit, sa pagsasalita at pagsusulat
ang taong nagsasagawa nito ay nagbabahagi ng kanyang mga kaisipan at nalalaman tungkol sa isang tiyak na paksa sa
pamamagitan ng kanyang sinabi at isinulat.
Ayon naman kay Mabilin, sa kanyang aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino
(2012), ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang bahagi. Una, ito ay maaaring maging
personal o ekspresibo kung saan ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o
nadarama ng manunulat. Ang ganitong paraan ng pagsulat ay maaaring magdulot sa bumabasa ng kasiyahan, kalugkutan,
pagkatakot, o pagkainis depende sa layunin ng taong sumusulat. Ang karaniwang halimbawa nito ay ang ginagawa ng mga
manunulat ng sanaysay, maikling kuwento, tula, dula, awit, at iba pang akdang pampanitikan. Pangalawa, ito ay maaari
namang maging panlipunan o sosyal kung saan ang layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa
lipunang ginagalawan. Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay transaksiyonal. Ang mga halimbawa nito ay ang
pagsulat ng liham, balita, korespondensiya, pananaliksik, sulating panteknikal, tesis, disertasyon, at iba pa. Ginagawa ang
mga sulating ito taglay ang isang tiyak na layunin at ito ay walang iba kundi ang layuning makipag-ugnayan sa tao o sa
lipunan. Sa kabilang dako, maaari rin namang magkasabay na maisagawa ang layuning personal at panlipunan partikular
sa mga akdang pampanitikang naisulat bunga ng sariling pananaw ng may-akda na maaaring magkaroon ng tiyak na
kaugnayan sa lipunan tulad halimbawa ng talumpati na karaniwang binibigkas sa harap ng madla upang maghatid ng
mensahe at manghikayat sa mga nakikinig.
Sa pangkalahatan, narito ang kahalagahan o ang mga benepisyo na maaaring makuha sa pagsusulat:
1.Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong
paraan.
2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon o
pananaliksik.
3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa
paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon.
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Paraan ng Pagluluto
Batihing mabuti ang isang itlog at ihalo rito ang karneng dinurog.Timplahan ng asin,
budburan ng kaunting paminta at ihalo ang harina.Gumawa ng katamtamang laki ng
bola-bola at kapag nabilog na ay iprito sa mahina-hinang apoy hanggang sa pumula ito.Ilagay
sa mantika ang pinitpit na bawang at kapag mamula-mula na ito ay igisa rin dito ang
sibuyas at kamatis.Sabawan ng mga anim na kutsarang tubig ang kawali hanggang sa
maging parang sarsa ang sabaw.Ihalo ang mga ginawang bola-bola at pabayaang
kumulo.Pagkaraan ng limang minuto, hanguin ang nilutong bola-bola at ihain ito nang mainit.
- Mula sa Masarap na Luto Natin nina
4. Paglalarawan.Isinasaad sa panulat na ito ang obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin ng isang
manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar at
kapaligiran.
Halimbawa:
“Dumating ang may-ari ng litsunan, sa ayos niya’y mukhang siya pa ang dapat tuhugin ng kawayan at
ihawin sa nagbabagang uling.Bilog na bilog ang kanyang katawan. Wala na siyang leeg. Nakasaklay na ang
kanyang balikat sa magkabilang tainga. Makipot ang nagma-mantika niyang labi na ibinaon naman ng pumuputok
niyang pisngi. Biik lamang ang kanyang tangkad.Kung maglakad siya’s parang nakawalang bulog. Sumenyas
siya.Pinapupunta kami sa loob ng kanyang kural, este opisina.”
- Halaw sa “May Baboy na Di-Matuhod sa Litsunan,”
Alam mo ba na maraming uri ng pagsulat? Ang ilan dito ay hindi lamang natin namalayan na nagagawa
na natin. Ating alamin ngayon ang iba’t ibang uri ng pagsulat.
1. Wika - Ang wika ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kasipan, kaalaman, damdamin,
karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat. Mahalagang matiyak kung
anong uri ng wika ang gagamitin upang madaling maiakma sa uri ng taong babasa ang akda, komposisyon, o
pananaliksik na nais mong ibahagi sa iba. Mahalagang magamit ang wika sa malinaw, masining, tiyak, at payak
na paraan.
2. Paksa - Mahalagang magkaroon ng isang tiyak na paksa o tema ng isusulat. Ito ang magsisilbing
pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda. Ang pagkaroon ng sapat na kaalaman sa
paksang isusulat ay napakahalaga upang maging malaman, makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay
sa akda o komposisyong susulatin. Ang pananaliksik at pagbabasa ng maraming aklat o artikulo ay
makatutulong nang malaki upang lumawak ang kaalaman sa paksang nais bigyang-pansin.
3. Layunin - Tulad ng tinalakay sa unahan, mahalagang matiyak ang layunin sa pagsulat. Ang layunin ang
magsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat. Kailangang matiyak na
matutugunan ng iyong isusulat ang motibo ng iyong pagsusulat nang sa gayon ay maganap nito ang iyong
pakay sa katauhan ng mga mambabasa.
4. Pamamaraan ng Pagsulat - May Iimang pangunahing pamamaraan ng pagsulat upang mailahad ang
kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay ng pagsusulat. Una maaaring gumamit ng
paraang impormatibo kung saan ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng impormasyon o kabatiran sa
mga mambabasa. Pangalawa ay ang paraang ekspresibo kung saan ang manunulat ay naglalayong
magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyo, at kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa
batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral. Pangatlo ay ang pamamaraang naratibo kung saan ang
pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak
na pagkakasunod-sunod. Ang pang-apat ay ang pamamaraang deskriptibo kung saan ang pangunahing pakay
ng pagsulat ay maglarawan ng mga katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakita,
narinig, natunghayan, naranasan, at nasaksihan. Panghuli ay ang pamamaraang argumentatibo kung saan
ang pagsulat ay naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng
proposisyon at mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.
6. Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat - Dapat ding isaalang-alang sa pagsulat ang pagkakaroon
ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong
pagbaybay, paggamit ng bantas, pagbuo ng makabuluhang pangungusap, pagbuo ng talata, at masining at
obhetibong paghabi ng mga kasipan upang makabuo ng isaang mahusay na sulatin.
7. Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin - Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at
impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan mula sa panimula ng akda
o komposisyon hanggang sa wakas nito.
Mahalagang matutuhan ang akademikong pagsulat sapagkat kung marunong sumulat nang maayos at may kabuluhan ang
isang tao, maituturing na nakaaangat siya sa iba dala na rin ng mahigpit na kompetisyon sa kasalukuyan sa larangan ng edukasyon at
pagtatrabaho .Sa pag-aaral, mahalagang masagot nang maayos ng mga mag-aaral ang mga pagsusulit na nangangailangan ng
masusing pagpapaliwanag, makabuo ng organisadong ulat, makapagtala ng mga resulta ng pagsusuri at eksperimentasyon, at higit sa
lahat ay makalikha ng mga papel na pananaliksik. Sa mundo naman ng empleyo, ang isang tao ay kailangang marunong sumulat ng
Iiham ng aplikasyon, may kakayahang gumawa ng project proposal, gumawa ng anunsiyo, umapela sa paglilikom ng pondo, sumagot
sa mga pakiusap at tanong ng mga kliyente, makapagpasa ng makabuluhang ulat na pinagagawa ng manager, at marami pang iba.
Kaya naman, sa mga paaralan at unibersidad ay sinasanay ang bawat mag-aaral na matutuhan at magkaroon ng sapat na kasanayan
sa akademikong pagsulat.
Madalas iniuugnay ang akademikong pagsulat sa salitang akademya. Ang akademya ay tumutukoy sa institusyong pang-edukasyon na
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na kasanayan at karunungan. Ang mga elementong bumubuo rito ay ang mga mag-aaral,
guro, administrador, gusali, kurikulum, at iba pa. Higit sa lahat, hindi magaganap ang anumang adhikain ng isang akademya kung wala
ang instrumento upang mapakilos ito at maganap ang mga mithiin at misyon nito, walang iba kundi ang wika. Sa pag-aaral ng kursong
ito, ang akademikong Filipino ang gagamitin sa akademya.
Ang akademikong Filipino ay iba sa wikang karaniwan o sa wikang nakasanayan nang gamitin ng marami sa araw- araw na pakikipag-
usap o pakikipagtalastasan kung saan hindi gaanong pinahahalagahan ang mga alituntunin o prinsipyo sa paggamit ng Filipino. Sa
paggamit ng akademikong Filipino, malinaw sa isip ng gumagamit nito, ito man ay sa paraang pasalita o pasulat, ang kahalagahan ng
pagsunod sa mga alituntunin sa paggamit ng wikang Filipino upang ito ay maging istandard at magamit bilang wika ng
intelektuwalisasyon. Kaya naman sa kasalukuyan, hindi lamang sa mababang paaralan at high school pinagbubuti ang pagtuturo at
paggamit ng wika kundi pati na rin sa mga kolehiyo at unibersidad, nangunguna na rito ang Unibersidad ng Pilipinas.
Bukod sa ang Filipino ay napatunayang mabisang gamitin sa pagkatuto ng mga mag-aaral, nakasaad din sa Konstitusyon na ito ay isa
sa mga opisyal na wikang panturo sa mga paaralan. Ayon kay Vivencio Jose, isang mahusay na manunulat at historyador, sa kanyang
sanaysay mula sa aklat ng Mga Dikurso sa Wika at Lipunan (1996), epektibong magagamit ang Filipino sa loob ng akademya, hindi
lamang sa larangan ng pagtuturo sa lahat ng uri ng komunikasyon kundi maging sa pamamagitan ng kurikulum at buhay sa akademya.
Naniniwala siyang kailangan ang masidhing hangarin ng bawat isa sa atin na maging tagapaghatid at tagapagtaguyod ng mga kaisipang
dumadaloy sa wikang Filipino. Higit na magiging epektibo ang pagkatuto ng mga mag-aaral kung sa wikang alam niya ito matatamo.
Bilang pagtugon sa layuning ito, isinama sa kurilrulum sa pag-aaral ng Senior High School ang Akademikong Pagsulat kung saan sa
asignarurang ito ay lilinangin, sasanayin, at huhubugin ang kasanayan at kaalaman ng mga mag- aaral sa pagsulat gamil ang
akademikong Filipino. Ang lahat ng pagsasanay sa pagsulat na naranasan ng mga mag-aaral mula sa elementarya, sekundarya,
kolehiyo, at maging graduate school ay maituturing na bahagi ng akademikong pagsulat. Sa inyong pag-aaral ay ikinintal sa inyong isipan
ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino at higit sa lahat ang mga tuntunin sa paggamit nito. Kabilang sa mga pagsasanay na
ito ang paggawa ng sanaysay, pagsulat at pagsusuri ng mga akdang pampanitikan, pagsulat ng mga artikulo, pagsulat ng posisyong
papel, case studies, pagsulat ng pamanahong papel, at pananaliksik.
Mahalagang maunawaan din ang mga katangiang dapat taglayin ng akademikong pagsulat. llan sa mga ito ay ang sumusunod:
1. Obhetibo - Una sa lahat ang akademikong pagsulat ay dapat na maging obhetibo ang pagkakasulat. Kailangang ang mga datos
na isusulat ay batay sa kinalabasan ng ginawang pag-aaral at pananaliksik. lwasan ang pagiging subhetibo o ang pagbibigay ng personal
na opinyon o paniniwala hinggil sa paksang tinatalakay. Iwasan ang paggamit ng mga pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa
aming haka-haka o opinyon.
2. Pormal - Dahil nga karaniwang ginagamit sa akademikong pagsulat ay ang akademikong Filipino, nangangahulugan Iamang ito
ng pagiging pormal nito. Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal. Sa halip, gumamit ng mga salitang pormal na madaling
mauunawaan ng mambabasa. Ang tono o himig ng paglalahad ng mga kaisipan o impormasyon ay dapat na maging pormal din.
3. Maliwanag at Organisado - Ang paglalahad ng mga kaisipan at datos ay nararapat na maging malinaw at organisado. Ang mga
talata ay kinakailangang kakitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay- ugnay ng mga pangungusap na binubuo nito.
Ang mga talata ay mahalagang magtaglay ng kaisahan. Hindi ito dapat masamahan ng mga kaisipang hindi makatutulong sa
pagpapaunlad ng paksa. Maging ang pag-uugnay ng mga parirala o pangungusap ay dapat na pilimpili nang sa ganoon ay hindi ito
makagulo sa ibang sangkap na mahalaga sa ikalilinaw ng paksa. Bukod sa katangiang kaisahan at maayos na pagkakasunod-sunod ng
mga kaisipan, ang punong kaisipan o main topic ay dapat mapalutang o mabigyang-diin sa sulatin.
4. May Paninindigan - Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang nais niyang bigyang pansin o pag- aralan, ibigsabihin
hindi maganda ang magpabago-bago ng paksa. Ang kanyang layunin na maisagawa ay mahalagang mapanindigan niya hanggang sa
matapos niya ang kanyang isusulat. Maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang
pagsulat sa napiling paksa.
5. May Pananagutan - Ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap ng datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng
nararapat na pagkilala. Mahalagang maging mapanagutan ang manunulat sa awtoridad ng mga ginamit na sanggunian. Bukod sa ito ay
isang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga taong nakatulong sa iyo bilang bahagi ng etika ng akademikong pagsulat upang
mabuo ang iyong sulatin, ito rin ay makatutulong upang higit na mapagtibay ang kahusayan at katumpakan ng iyong ginawa.
1. abstrak
2. sintesis/buod
3. bionote
4. panukalang proyekto
5. talumpati
6. agenda
7. katitikan ng pulong
8. posisyong papel
9. replektibong sanaysay
10. pictorial-essay
11. lakbay-sanaysay
Sanggunian:
Ailene Baisa-Julian, N. B. (2016). Pinagyamang Pluma: Filipino sa Piling Larang. Quezon City: Phoenix Publishing House. Pahina
Filipino sa Piling Larang (Akademik)