You are on page 1of 4

Title : Paaralang Panghimpapawid sa Filipino sa Piling Larang

Topic: Katuturan, Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat


Format: School-on-the-Air
Length: 60 minutes
Scriptwriter: Mary Jane V. Ramones
Objectives: Pagkatapos makapakinig ng episode na ito, ang mga mag-aaral ng ikalabindalawang
baitang sa Filipino sa Piling Larang ay inaasahang mabigyang kahulugan ang pagsusulat at
akademikong pagsulat at makilala ang iba’t-ibang akdemikong sulatin ayon sa layunin, gamit,
katangian at anyo.

1. BIZ: INSERT SOA PROGRAM I.D

2. Magandang araw sa mga ginigiliw naming mag-aaral ng ikalabindalawang baitang! Ito ang
inyong paaralang panghimpapawid sa Filipino sa Piling Larang! Nagagalak ako na makasama
kayo sa ating pag-aaral sa pamamagitan ng radio. Ako ang inyong lingkod, Mary Jane V.
Ramones mula sa Cauayan City Science and Technology High School. Makakasama ko sa
talakayang ito si Binibining Gladys L. Galabay, __________________________________
3. Siguruhin ninyong nasa isang lugar kayo ngayon na komportable at maayos na naririnig ang
ating broadcast.
4. Sa puntong ito, nais kong kuhanin ninyo ang inyong modyul para sa leksyon ukol sa
Katuturan, Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat.
5. Handa na ba kayo sa mga gawaing kaugnay ng araling ito? Ano ang Katuturan, mga Layunin
at Kahalagahan ng Pagsulat? Sa araling ito, bilang mag-aaral ay matututuhan niyo ang
kahulugan, at kahalagahan ng akademikong pagsulat.
6. Pagkatapos ng araling ito, kayo ay inaasahang:
 Mabigyang kahulugan ang pagsusulat at akademikong pagsulat
 Makilala ang iba’t-ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) layunin (b) gamit (c)
katangian (d) anyo
7. Bago natin simulan ang talakayan, nais ko munang alamin kung kayo ay may nalalaman sa
ating aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa ilang mga katanungan na nakalagay sa inyong
mga modyul sa BALIKAN pahina dalawa(2).
8. Panuto: PAGSULAT: Sagutin ng may katotohanan, wasto, mabisa at kawili-wili ang
katanungan na may kaugnayan sa pagsusulat.
9. Kailan ka pinakahuling sumulat? Anong uri ng sulating ito? Bakit nagustuhan mo itong
sulatin? Anu-anuong kabutihang dulot sa pagsusulat? Ilahad ito sa isang papel.
10. Ngayon naman ating tuklasin kung anu nga ba ang pagsusulat? Anu ba ang ibig sabihin ng
pagsusulat? May ideya ba kayo?
11. Ang pagsusulat ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral na
kagaya niyo. Ayon kay Cecilia Austera et al. (2009), may-akda ng Komunikasyon sa
Akademikong Filipino ang pagsusulat daw ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at
damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng
mensahe, ang wika.
12. Ayon naman kay Edwin Mabilin et al. sa aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa
Akademikong Filipino (2012), ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental.

Bakit kaya nasabi ni Edwin Mabilin na ang pagsusulat ay isang gawaing pisikal at mental
ma’am?
13. Dahil sa pamamagitan ng pagsusulat, maisatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin,
paniniwala, at layunin ng tao sa tulong ng mga salita, ayos ng pangungusap sa mga talata
hanggang sa mabuo ang isang akda o sulatin.
14. Ito ay pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang kamay sa pagsulat sa papel, o sa
pagpindot ng mga keys ng tayprayter o ng keyboard ng kompyuter. Ginagamit din sa
pagsusulat ang mata upang imonitor ang anyo ng sinusulat kahit pa ito ay sulat kamay o naka
print gamit ang kompyuter.
15. Ito rin ay isang metal na aktibiti sapagkat ito ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya
at konsepto ayon sa isang tiyak na pamamaraan at sa isang istilo ng maayos na pagsulat na
naaayon sa mga tuntunin ng wikang ginamit.
16. May iba’t-ibang dahilan din ang mga tao kung bakit sila nagsusulat, kayo mahilig ba kayo
magsulat? Anong dahilan ninyo bakit kayo nagsusulat?

Anu-ano naman ang kanilang dahilan sa pagsusulat ma’am?

17. Maaaring ito ay nagsisilbing libangan para sa iba, sa mag-aaral namang tulad niyo, kalimitang
ang dahilan ng pagsusulat ay matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral sa pagsasatitik ng
inyong mga naiisip at nararamdaman. Sa isang mag-aaral naman , ginagawa niya ang pagsulat
sapagkat ito ay bahagi ng kanyang pangangailangan sa paaralan upang siya ay makapasa.
Tama ba ako ma’am Glad?
Para sa mga propesyunal naman tulad ng awtor, peryodista, sekretarya, guro, at iba pa,
nagsusulat sila bilang pagtugon sa trabaho na kanilang ginagampanan sa lipunan. Ito din ang
pinagmumulan ng kanilang ikabubuhay, maaaring kumite ng malaking halaga kung gagamitin
ang angking galing sa pagsulat ng iba’t-ibang wikang pampanitikan tulad ng kwento,
sanaysay, tula at iba pa.
Kung wala ang manunulat, walang mga libro, pahayagan at mga magasin na magpapalawak at
makapagbibigay sa atin ng iba’t-ibang kaalaman at impormasyon tungkol sa mga nangyayari
sa ating paligid at sa bansa.
18. Anuman ang dahilan ng pagsusulat, ito ay nagdudulot ng malaking tulong sa nagsusulat, sa
mga taong nakabasa nito, at maging sa lipunan sa pangkalahatan sapagkat ang kanilang mga
sinulat ay magiging dokumento ng nakalipas na pangyayari o panahon na magsisilbing tulay
para sa kabatiran ng susunod na henerasyon.
19. Ang lahat ng pagsasanay sa pagsulat na naranasan ng mga mag-aaral mula sa elementarya,
sekondarya, kolehiyo at maging sa graduate school ay maituturing na bahagi ng akademikong
pagsulat. Kabilang dito ang paggawa ng sanaysay, pagsulat ng mga artikulo, pagsulat ng
posisyong papel, case studies, pagsulat ng pamanahunang papel, tesis at pananaliksik.
20. Ayon kay Mabilin (2012) ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay
hindi naglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin
sa bawat panahon. Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang
ibinahagi ay mananatiling kaalaman. Ito ay itinuturing na pinakamataas na antas ng
intelektwal na pagsulat dahil lubos na pinataas nito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t-
ibang larangan. Samakatuwid, nangangailangan nang higit na mataas na antas ng kasanayan
at pag-iisip ang ganitong uri ng pagsulat kaya lubos na malilinang ang inyong kakayahan at
kritikal na pag-iisip, pangangalap ng impormayon, pag-organisa ng mga ideya at kakayahang
magsuri ng iba’-ibang akademikong sulatin.
21. Kaya naman, sa limang makrong kasanayang pangwika, ang pagsusulat ay isa rin sa mga
dapat pagtuunan ng pansin na malinang at mahubog sa mga mag-aaral sapagkat dito
masusukat ang kanilang kahandaan at kagalingan sa iba’t-ibang disiplina.

Anu-ano ang mga makrong kasanayang ito ma’am Jane?


22. Sa mga makrong kasanayang tulad ng pakikinig, pagbabasa, panonood, madalas ang isang
indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang
isipan. Subalit sa pagsasalita at pagsusulat ang taong nagsasagawa nito ay nagbabahagi ng
kanyang mga kaisipan at nalalaman tungkol sa isang tiyak na paksa sa pamamagitan ng
kanyang sinabi at isinulat.

Dumako naman tayo sa Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat ma’am, anu nga ba ang mga
layunin at kahalagahan ng pagsusulat?

Mahalaga ang pagsusulat sa bawat indibidwal dahil dito sa ating mundo maraming bagay
tayong natutuklasan at pilit na tinutuklas upang mapaunlad ang ating kaalaman at mas
mapalawak ang ating kaisipan. Ang pagsulat ay isang mahalagang sangkap at paraan ng
pakikipag-ugnayan, pakikipagkomunikasyon at pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng
pagsulat.
Maraming gamit ang pagsulat katulad ng mga ; pagpapahayag ng saloobin, opinion,
katotohanan at naglalahad ng damdamin nan ais ipabatid sa mga mambabasa.
Noong tayo ay mga bata pa lamang tinuruan tayong magsulat at habang lumilipas ang
panahon mas pinapaunlad natin ang ating mga stratehiya ng pagsulat, ang konsepto, ideya at
mga panuntunan nito, dahil dito mas nalulutas natin ang mga pagbabago dahil sa
impluwensya ng makabagong teknolohiya.

23. Ayon kay Royo, na nasulat sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga, Jr. na Pagbasa Pagsulat at
Pananaliksik (2001), Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog ng damdamin at isipan
ng tao.
24. Sa pamamagitan nito, naipahahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin, pangarap, agam-
agam, bungang-isip at mga pagdaramdam.
25. Dahil din sa pagsulat, nakikilala ng tao ang kanyang sarili, ang kanyang kahinaan at
kalakasan, ang lawak at tayog ng kanynag isipan, at ang naaabot ng kanyang kamalayan.
26. Ang pangunahing layunin ng pagsulat ay ang mapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala,
kaalaman at mga karanasan ng taong sumusulat, kailangan ang katangiang mapanghikayat
upang mapaniwala at makuha ang atensyon ng mga mambabasa.
27. Mahalagang isaalang-alang ang layuning ito sapagkat masasayang ang mga isinulat kung
hindi ito magdudulot ng kabatiran at pagbabago sa pananaw, pag-iisip at damdamin ng
makababasa nito.
28. Ayon naman kay Mabilin, sa kanyang aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa
Akademikong Filipino (2012), ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati
sa dalawang bahagi. Una, ito ay maaaring personal o ekspresibo kung saan ang layunin ng
pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip o nadarama ng manunulat.

Anu ang maidudulot nito sa nagbabasa ma’am ang personal o ekspresibo?

29. Ang ganitong paraan ng pagsulat ay maaaaring magdulot sa bumabasa ng kasiyahan,


kalungkutan, pagkatakot o pagkainis depende sa layunin ng taong sumusulat. Ang karaniwang
halimbawa nito ay ang ginagawa ng mga manunulat ng sanysay, maikling kwento, tula, dula,
awit at iba pang akdang pampanitikan.
Ang ibig sabihin nito ay mismong sarili ng manunulat ang target nitong mambabasa.
Anu naman yung pangalawang bahagi ng layunin ayon kay Mabilin?

30. Pangalawa, ito ay maaari naming maging panlipunan o sosyal kung saan ang layunin ng
pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan. Ang ibang tawag
sa layuning ito ng pagsusulat ay transaksyunal. Ang mga halimbawa nito ay pagsulat ng
liham, balita, korespondensya, pananaliksik, sulating panteknikal, tesis, disertasyon at iba pa.

Anu ang ibig sabihin ng transaksyunal?

Ang transaksyunal ay ibang tao ang target nito na mambabasa.

31. Ginagawa ang mga sulating ito taglay ang isang tiyak na layunin at ito ay walang iba kundi
ang layuning makipag-ugnayan sa tao o sa lipunan. Sa kabilang dako naman, maaari rin
naming magkasabay na maisagawa ang layuning personal at panlipunan particular sa mga
akdang pampanitikang naisulat bunga ng sariling pananaw ng may-akda na maaaring
magkaroon ng tiyak na kaugnayan sa lipunan tulad ng talumpati na karaniwang binibigkas sa
harap ng madla upang maghatid ng mensahe at manghikayat sa mga nakikinig.

Sa pangkalahatan ma’am, anu-ano ang mga kahalagahan o ang mga benepisyo na maaaring
makuha sa pagsusulat?

32. Sa pangkalahatan, narito ang kahalagahan o ang mga benepisyo na maaaaring makuha sa
pagsusulat.
 Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa
pamamagitan ng obhetibong paraan.
 Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa
isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik.
 Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng
pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na
impormasyon.
 Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa
paghahanap ng mga materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat.
 Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon
ng pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan.
 Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng
kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap.
 Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyong mula sa iba’t-ibang
batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat.
 Ang pagsulat ay kaagapay ng pagbasa kung sa ganun napakahalaga ng mga bagay na
ito dahil dito napapaunlad natin ang ating isipan at kaalaman.
 Sa mga nagpapakadalubhasa ang nakagawiang pagsulat ay napakahalaga dahil dito
mas nabibigyang diin ang mga damdamin nan ais na ipahiwatig.
 Alam nating may mga taong madaling matuto tungo sa pagsulat dahil mas madaling
maunawaan ang mga bagay-bagay pag ito ay nakalahad kaya’t wag nating baliwalain
ang pagsulat dahil isa ito sa kasangkapan na humuhubog sa ating kaalaman sana ay
mas paunlarin pa natin ang pagsulat.
33. Naintindihan niyo ba ang ating aralin sa araw na ito? Sana ay naunawaan ninyong mabuti ang
ating aralin, kung kayo ay may mga katanungan pwede kayong mag message sa ating group
chat o pwede niyo rin akong itxt sa aking numero na nakalagay sa inyong mga envelope.
Diyan na nagtatapos ang ating aralin sa araw na ito, sana ay nakapagiwan kami ng aral para
masagutan ninyo ang iba’t-ibang mga gawain sa inyong mga modyul. Hanggang sa muling
pakikinig sa parehong araw at oras dito sa 105.1 RADYO EDUKALIDAD ang opisyal na
istasyon ng CCSTHS. Muli ako ang inyong gurong panghimpapawid sa Filipino sa Piling
Larang, Mary Jane V. Ramones SIGNING OFF.

You might also like