You are on page 1of 5

Title: Paaralang Panghimpapawid sa Filipino sa Piling Larang

Topic: Pagsulat ng Memorandum (Week 8 Quarter 1)


Scriptwriter: Mary Jane V. Ramones
Objectives: Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:

 Nakikilala ang iba’t-ibang akademikong sulating memorandum


ayon sa:
(a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo (CS_FA11/12PN
-0a-c-90)
 Nakasusulat nang aayos na memorandum. (CS_FA11/12PU-0d-f-92)
 Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng
pagsulat ng memorandum. (CS_FA11/12PU-od-f-93)
1. Magandang hapon sa aming mga ginigiliw na mag-aaral ng Cauayan
City Science and Technology High School lalong-lalo na sa aking
mga estudyante sa Filipino sa Piling Larang. Maligayang
pakikinig sa ating paaralang panghimpapawid ang 105.1 Radyo
Edukalidad ang opisyal na istasyon ng CCSTHS.
2. Kumusta na kayo? Binabati ko kayo at mahusay niyong naisagawa ang
mga Gawain sa modyul 3. Handa na ba kayong makinig sa ating
bagong aralin?
3. Bago tayo dumako sa ating bagong aralin nais ko munang banggitin
ulit ang ating aralin noong nakaraang linggo. Ito ay ang tungkol
sa talumpati, na kung saan ito ay isang sining na pagpapahayag ng
isang kaisipan hinggil sa isang paksa. Ito rin ay isinasagawa sa
paraang pasalita sa harap ng mga taga pakinig.
4. May mga iba’t-ibang uri din ng talumpati una ito ay ang
talumpating panlibang na kadalasang binibigkas sa mga salo-salo
at pagtitipong sosyal.Pangalawa ay ang talumpating panghikayat,
hinihikayat nito ang mga taga pakinig na paniwalaan ang
mananalumpati sa pamamagitan ng pangangatwiran at pagpapakita ng
mga ebidensya.
5. Ang pangtalo naman na uri ng talumpati ay ang talumpating
pagpaparangal ito ay hinahanda upang bigyang parangal ang isang
tao o di kaya ay magbigay puri sa mga kabutihang nagawa nito. Ang
isa pang uri ay ang talumpating pagbibigay-galang matatawag din
itong talumpati ng pagbati pagtugon o pagtanggap.
6. Ang talumpating pampasigla naman ay karaniwang binibigkas sa araw
ng pagttapos sa mga eskwelahan at pagdiriwang ng mga anibersaryo
ng isang samahan. Ang panghuli na uri ng talumpati ay ang
talumpating pangkabatiran ito ay ginagamit sa mga kumbensyon,
panayam at pagtitipong pansiyentipiko, diplomatiko at iba pang
samahan ng mga dalubhasa. Yan ang anim na uri ng talumpati.
7. Madalas marinig na ang mabisang komunikasyon ang buhay ng isang
samahan o organisasyon. Kung walang maayos na daloy ng
komunikasyon sa loob ng isang samahan, kadalasan ito ay walang
kaayusan. Gayundin naman, kung ang komunikasyon ang buhay ng
samahan, itinuturing naming pinakapuso at isip nito ay ang
pagpupulong. Sa pamamagitan ng epektibong pagpupulong nauunawaan
at nadaram ng bawat bahagi ng samahan ang mga mithiin at nais
tahakin nito. Kaya naman, napakahalagang maisagawa ang isang
maayos, organisado, at sistematikong pagpupulong ito man ay isang
business meeting, one-on-one meeting, o company or school
meeting.
8. Ayon kay Prof. Ma Rovilla Sudaprasert, sa kanyang aklat na
English for the Workplace 3 (2014), ang memorandum o memo ay
isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong
o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain,
tungkulin, o utos.
9. Sa memo, nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting. Sa
pamamagitan nito, naging malinaw sa mga dadalo ng pulong kung ano
ang inaasahan mula sa kanila.
10. Kung ang layunin ng pulong na nakatala sa memo ay upang
ipabatid lamang sa kanila ang isang mahalagang desisyon o
proyekto ng kompanya o organisasyon, magiging malinaw para sa
lahat na hindi na kailangan ang kanilang ideya o suhestiyon
sapagkat pinal na ang nasabing desisyon o proyekto.
11. Ang pagsulat ng memo ay maituturing ding isang sining. Dapat
tandaan na ang memo ay hindi isang liham. Kadalasang ito ay
maikli lamang na ang pangunahing kayunin ay pakilusin ang isang
tao sa isang tiyak na alituntunin na dapat isakatuparan gaya
halimbawa ng pagdalo sa isang pulong, pagsasagawa, o pagsunod sa
bagong sistema ng produksyon o kompanya.
12. Ito rin ay maaaring maglahad ng isang impormasyon tungkol sa
isang mahalagang balita o pangyayari at pagbabago sa mga
polisiya.
13. Ayon kay Dr. Drawin Bargo sa kanyang aklat na Writing in the
Discipline (2014), ang mga kilala at malalaking kompanya at mga
institusyon ay kalimitang gumagamit ng mga colored stationary
para sa kanilang mga memo tulad ng sumusunod:
 Puti – ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba
o impormasyon.
 Rosas- ginagamit naman para sa request o order na
nanggagaling sa purchasing department.
 Dilaw o Luntian – ginagamit naman para sa mga memo na
nanggagaling sa marketing at accounting department.
14. Sa pangkalahatan, ayon din kay Bargo (2014) may tatlong uri ng
memorandum ayon sa layunin nito.
a. Memorandum para sa kahilingan
b. Memorandum para sa kabatiran
c. Memorandum para sa pagtugon
15. Mahalagang tandaan na ang isang maayos at malinaw na memo at
dapat magtaglay ng mga sumusunod na mga impormasyon. Ang mga
impormasyong ito ay hinango mula sa aklat ni Sudaprasert na
English for the Workplace 3(2014).
a. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya,
institusyon o organisasyon gayundin ang lugar kung saan
matatagpuan ito minsan maging ang billang numero ng
telepono.
b. Ang bahaging ‘Para kay/kina ay naglalaman ng pangalan ng tao
o mga tao, o kaya naman ay grupong pinag-uukulan ng memo. Sa
pormal na memo mahalagang isulat ang buong pangalan ng
pinag-uukulan nito. Kung ang tatanggap ng memo ay kabilang
sa ibang departamemento, makatulong kung ilagay rin ang
pangalan ng departamento. Hindi na rin kailangang lagyan ng
G, Gng, Bb, at iba pa maliban sa lamang na napakapormal ng
memong ginawa.
c. Ang bahaging ‘Mula kay’ ay naglalaman ng pangalan ng gumawa
o nagpadala ng memo. Isulat ang buong pangalan ng nagpadala
kung pormal ang ginawang memo. Gayundin, mahalagang ilagay
ang pangalan ng departamento kung ang memo ay galing sa
ibang sekyon at tanggapan. Hindi na rin kailangang lagyan ng
G, Gng, Bb at iba pa maliban na lamang na napakapormal ang
memong ginawa.
d. Sa bahaging Petsa, iwasan ang paggamit ng numero gaya ng
11/25/20 o 30/09/15. Sa halip, isulat ang buong pangalan ng
buwan o ang dinaglat na salita nito. Tulad halimbawa ng
Nobyembre o Nob. Kasama ang araw at taon upang maiwasan ang
pagkalito.
e. Ang bahaging Paksa ay mahalagang maisulat nang payak,
malinaw at tuwiran upang agad maunawaan ang nais ipabatid
nito.
f. Kadalasang ang Mensahe ay maikli lamang ngunit kung ito ay
isang detalyadong memo kailangan ito ay magtataglay ng
sumusunod:

 Sitwasyon – dito makikita ang panimula o layunin ng


memo
 Problema – nakasaad ang suliraning dapat pagtuunan ng
pansin. Hindi lahat ng memo ay nagtataglay nito.
 Solusyon – nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng
kinauukulan.
 Paggalang o Pasasalamat – wakasan ang memo sa
pamamagitan ng pagpapasalamat o pagpapakita ng
paggalang.
g. Ang huling bahagi ay ang ‘Lagda’ ng nagpadala. Kadalasang
inilalagay ito sa ibabaw ng kanyang pangalan sa bahaging
Mula kay…..
16. Dumako naman tayo sa gamit ng memo, anu-ano na ba ang gamit ng
memo?
17. 1. Paghingi ng impormasyon
2. pagkumpirma sa kumbensyon
3. pag-aanunsyo sa mga pagbabago sa mga pulong
4. pagbati sa mga kasamahan sa trabaho
5. pagbubuod ng mga pulong
6. pagpapadala ng mga dokumento
7. pag-uulat sa mga pang araw-araw na gawain.
18. Mayroon ding tayong tinatawag na katawan ng memorandum o memo:

 Pagsulat ng Panimula
1. Ipakilala ang suliranin o isyu sa panimulang bahagi. Bigyan
ang kinauukulan ng pahapyaw o pasilip sa konteksto sa likod
ng aksiyong nais ipagawa sa kanila. Ito ang thesis statement
ng memo na siyang nagtataglay ng paksa at naglalahad kung
bakit ito mahalaga.
2. Ilagay lamang ang impormasyong kailangan. Hindi ito dapat
maging mahaba. Maging mapanghikayat tungkol sa
ipinaliliwanag na problema upang maniwala at makumbinsi ang
mambabasa.
3. Karaniwan ang haba ng panimula ay nasa ¼ kabuuang haba ng
memorandum.
19. Tayo naman ay dumako sa pagsulat ng buod. Ang ibinubuod sa
isang memorandum ay ang pangunahing aksiyong nais ipagawa ng
nagpapadala sa mambabasa. Nagtataglay ito ng ilang ebidensya
bilang pansuporta sa mga rekomendasyong ibinibigay ng
nagpapadala. Sa isang napakaikling memo, hindi na
kinakailangan ang buod; isinasama na ito sa pagtalakay na
nasa gitnang bahagi nito.
20. Narito ang halimbawa ng isang memo na ginagamit sa
pagsasagawa ng pulong o pagbibigay ng kabatiran.

21.Naunawaan ba ang paggawa ng isang memo o memorandum? Kung


inyo itong naunawaan, tayo ay dumako sa pahina pito o page 7
sa inyong mga modyul sa bandang ISAGAWA. Pagsulat ng
Memorandum:
22.Sitwasyon: Kayo ay kasalukuyang pangulo sa inyong klase o
seksyon sa ikalabindalawang baitang. Sumulat ka ng isang
organisado, malikhain, at kapani-paniwalang memorandum para
sa klase sa layuning magkaroon kayo ng pagpupulong upang pag-
usapan ang mga patakarang susundin sa klasrum sa kalagayang
New Normal bunga ng COVID-19 Pandemya. Isulat ito sa inyong
mga kwaderno.

Pamantayan sa Paggawa:
Pamantayan Puntos

Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa 10


pagsulat ng memrandum
Kumpleto sng bshsgi ng memorandum na nabuo at 10
nakapagbibigay ng komprehensibong sintesis tungkol
dito.
Nakakasulat ng memorandum nang maingat, wasto, at 10
angkop ang panggamit ng wika.
Wasto at angkop ang mga nabuong impormasyon sa 10
memorandum.
Kabuuang puntos 40
23.Diyan na nagtatapos ang ating aralin tungkol sa paggawa ng
isang memo o memorandum, mahalagang isaisip ang mga hakbang
sa paggawa nito. Kung kayo ay may mga katanungan maaari
kayong magmessage sa ating group chat. Muli ako ang inyong
guro sa Filipino sa Piling Larang Mary Jane V. Ramones.
Muling makinig sa susunod na lingo araw ng martes 2:20-3:00
ng hapon. Paalam!

You might also like