You are on page 1of 9

MATAAS NA PAARALAN NG RIZAL HIGH SCHOOL

Dr. Sixto Antonio Avenue Caniogan, Pasig City

MEMORANDUM

Hanay B

12-STEM Citrine

Salvo, Rosalie Mae C.

December 6, 2022

Bb. Michelle Layson

Filipino sa Piling Larang


TALAAN NG NILALAMAN

MEMORANDUM

1. Kahulugan……………………………………………………………………………….. 1
2. Bahagi ng Memorandum………………………………………………………………….2
3. Uri ng Memorandum………………………………………………………………………3
4. Halimbawa ng Memorandum……………………………………………………………. 4
5. Sanggunian………………………………………………………………………………..5
KAHULUGAN

Ang memorandum ay tumutukoy sa isang bagay na dapat tandaan. Ito ay isang salita na nagmula
sa Latin alaala na nangangahulugang "tandaan."

Ayon kay Professor Ma. Rovilla Sudaprasert . Ang memorandum o memo ay isang kasulatang
nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala sa isang mahalagang impormasyon,
gawain, tungkulin o utos.

Dito nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting. Sa pagsulat nito, maituturing din ito na
parang isang sining. Dapat tandaan na ito ay hindi isang liham. Kadalasang ito ay maikli lamang
na ang pangunahing layunin ay pakilusin ang isang tao sa isang tiyak na alituntunin na dapat
isakatuparan gaya halimbawa ng pagdalo sa isang pulong , pagsasagawa , o pagsunod sa bagong
sistema ng produksyon o kompanya. Ito rin ay maaaring maglahad ng isang impormasyon
tungkol sa isang mahalagang balita o pangyayari at pagbabago sa mga polisiya.

Ayon naman kay, Dr. Darwin Bargi ang mga kilala at malalaking kompanya at mga institusyon
ay kalimitang gumagamit ng mga colored stationery para sa kanilang mga memo.

Puti - ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon


 Rosas – ginagamit naman para sa request o order na naggagaling sa purchasing department
 Dilaw o Luntian – ginagamit naman para sa mga memo na nanggagaling sa marketing
at
accounting department
Puti - ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon
 Rosas – ginagamit naman para sa request o order na naggagaling sa purchasing department
 Dilaw o Luntian – ginagamit naman para sa mga memo na nanggagaling sa marketing
at
accounting department
Puti - ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon
 Rosas – ginagamit naman para sa request o order na naggagaling sa purchasing department
 Dilaw o Luntian – ginagamit naman para sa mga memo na nanggagaling sa marketing
at
accounting department
Puti - ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon
 Rosas – ginagamit naman para sa request o order na naggagaling sa purchasing department
 Dilaw o Luntian – ginagamit naman para sa mga memo na nanggagaling sa marketing
at
accounting department
Puti- ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon.

Rosas- ginagamit naman para sa request o order na nanggagaling sa purchasing department.

Dilaw o Luntian- ginagamit naman para sa mga memo na nanggagaling sa marketing at


accounting department.

BAHAGI NG MEMORANDUM

Mahalagang tandaan na ang isang maayos at malinaw na memo ay dapat magtaglay ng


sinusunod na mga impormasyon. Ang mga impormasyong ito ay hinango mula sa aklat ni
Sudaprasert na English for the Workplace 3 (2014)

1. Letterhead

Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon o organisasyon


gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito at minsan maging ang bilang numero ng
telepono.

2. Para sa/Para kay/Kina

Ang bahaging ‘Para sa/Para kay/Kina ay naglalaman ng pangalan ng tao o mga tao, o kaya
naman ay grupong pinag-uukulan ng memo. Sa pormal na memo mahalagang isulat ang buong
pangalan ng pinag-uukulan nito. Kung ang tatanggap ng memo ay kabilang sa ibang
departamento, makatulong kung ilagay rin ang pangalan ng departamento.

3. Mula kay
Ang bahaging 'Mula kay' ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o nagpadala ng memo. Isulat
ang buong pangalan ng nagpadala kung pormal ang ginawang memo. Gayundin, mahalagang
ilagay ang pangalan na departamento kung ang memo ay galing sa ibang seksyon at tanggapan.

4.Petsa

Sa bahaging Petsa, iwasan ang paggamit ng numero gaya ng 11/25/15 o 30/09/15. Sa halip, isulat
ang buong pangalan ng buwan o ang dinaglat na salita nito. Tulad halimbawa ng Nobyembre o
Nob. Kasama ang araw at taon upang maiwasan ang pagkalito.

5.Paksa

Ang bahaging Paksa ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw at tuwiran upang agad
maunawaan ang nais ipabatid nito.

6. Mensahe

Kadalasan ang Mensahe ay maikli lamang ngunit kung ito ay isang detalyadong memo
kailangan ito ay magtaglay ng sumusunod:

a. Sitwasyon – dito makikita ang panimula o layunin ng memo

b. Problema– nakasaad ang suliraning dapat pagtuonan ng pansin. Hindi lahat ng memo ay
nagtataglay nito

c. Solusyon – nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng kinauukulan

d. Paggalang o Pasasalamat – wakasan ang memo sa pamamagitan ng pagpapasalamat o


pagpapakita ng paggalang .

7. Lagda

Ang huling bahagi ay ang ‘Lagda’ ng nagpadala. Kadalasang inilalagay ito sa ibabaw ng
kanyang pangalan sa bahaging Mula kay

TATLONG URI NG MEMORANDUM


Memorandum para sa kahilingan - Ang layunin nito ay makakuha ng positibong tugon sa
isang kahilingan. Ang ganitong uri ng memo ay dapat gumamit ng mapanghikayat na wika dahil
ang pinakalayunin natin ay mapagbigyan ang ating kahilingan.

Memorandum para sa kabatiran - Ito naman ay ginagamit upang kumpirmahin sa sulat ang
isang bagay na napagkasunduan sa salita. Ang mga ganitong uri ng memo ay madalas
makikitang ginagamit sa mga sitwasyong nangangailangan ng kasunduan sa pagitan ng dalawa o
higit pang partido.

Memorandum para sa pagtugon - Ang mga uri naman ng ganitong memo ay karaniwang
ipinapamahagi upang makahanap ng mainam na solusyon sa mga problema. Ang layunin nito ay
maaaring mangalap ng mga makabagong ideya mula sa empleyado at iba pang bumubuo sa
organisasyon para malutas ang isyung kinakaharap.
HALIMBAWA
SANGGUNIAN:

https://www.scribd.com/presentation/474761603/PAGSULAT-NG-MEMORANDUM-pptx

https://brainly.ph/question/13000642

https://quizlet.com/257805251/aralin-3-flash-cards/

https://www.studocu.com/en-us/document/asbury-university/biology/piling-larang-
akademik-12-q1-mod4-pagsulat-ng-memorandum-adyenda-at-katitikan-ng-pulong-
ver3/12191048

https://www.studocu.com/ph/document/general-de-jesus-college/accountancy/memorandum-
ikaapat-na-grupo/24213475

You might also like