You are on page 1of 15

C.

BIONOTE
 Ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa
pagsulat ng personal profile ng isang tao.
 Ayon kay Duenaz at Sanz (2012), sa kanilang aklat na
Academic Writing for Health Science, and bionote ay tala
sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang
academic career na madalas ay makikita o mababasa sa
mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel,
websites at iba pa.
 Kadalasan, ito ay ginagamit sa paggawa ng biodata,
resume o anumang kagaya ng mga ito upang ipakilala ang
sarili para sa isang propesyonal na layunin.
MGA BAGAY NA DAPAT TANDAAN SA
PAGSULAT NG BIONOTE:
1. Sikaping maisulat lamang ito nang maikli. Kung ito ay
gagamitin sa resume kailangang maisulat ito gamit ang
200 salita. Kung ito naman ay gagamitin para sa
networking site, sikaping maisulat ito sa loob ng 5
hanggang 6 na pangungusap.
2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na
impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay. Maglagay
rin ng mga detalye tungkol sa iyong mga interes. Itala rin
ang iyong mga tagumpay na nakamit, gayunman, kung ito
ay marami, piliin lamang ang 2 o 3 na pinakamahalaga.
4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng
mga payak na salita upang Madali itong maunawaan at
makamit ang totoong layunin nitong maipakilala ang
iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan. May
ibang gumagamit ng kaunting pagpapatawa para higit
na maging kawili-wili ito sa mga babasa, gayunman,
iwasang maging labis sa paggamit nito. Tandan na ito
ang mismong maglalarawan kung ano at sino ka.
5. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng
iyong bionot. Maaaring ipabasa muna ito sa iba bago
tuluyan itong gamitin upang matiyak ang katumpakan at
kaayusan nito.
Bionote ni Dr. Carlito Y. Correa
Si Dr. Carlito Y. Correa ay isang ekspertong doktor sa pangkalahatang operayon at
nagtatrabaho sa Chong Hua Hospital, Madaue City, Cebu. Siya ay Ipinanganak sa
Mangagoy, Bislig, Surigao del Sur noong Setyrmbre 8, 1978. Ina niya si Ginang. Nena
Y. Correa, isang guro; at ama niya si Ginoong Jovencio V. Correa, isang mechanical
engineer.

May walong taong taong karanasan sa serbisyo si Dr. Correa. Nag-aaral muna siya sa
Southwestern University at sa Matias H. Aznar Memorial College of Medicine para sa
kursong BS Biology bago niya narating ang kanyang propesiyon. Pagkalipas ng apat
na taon ay nag-aral siya sa Vicente Sotto Memorial Medical Center at nagtapos si
Correa sa kursong medisina. Pumasa sa kanyang unang subok sa Physician’s
Licensure Examination.

Sumali si Dr. Correa sa Philippine Board of Surgery, Inc. at kabakas niya ang mga
kompanyang seguridad ng kalusugan tulad ng Generali Life Assurance Philippines,
Inc., Health Plans Philippines, Inc., Philhealthcare, Inc. at marami pang iba. Ngayon,
patuloy parin ang kanyang serbisyo sa Chong Hua Hospital, Madaue City, Cebu.
MEMORANDUM, ADYENDA, AT
KATITIKAN NG PULONG
 May tatlong elementong kailangan upang
maging maayos, organisado at epektibo ang
isang pulong.
A. MEMORANDUM O MEMO
 Ayon kay Prof. Ma. Rovilla Sudprasert (2014), sa
kanyang aklat na English for the Workplace, ang
memorandum o memo ay isang kasulatang nagbibigay
kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol
sa mahalagang impormasyon, Gawain, tungkulin, o utos.
 Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing
miting.
 Ang pagsulat ng memo ay maituturing ding isang sining.
 Laging tandan na ang memo ay hindi isang liham.
 Kadalasan ay maikli lamang na ang pangunahing layunin
ay pakilusin ang isang tao sa isang tiyak na alituntuning
dapat isakatuparan.
 Ayon kay Dr. Darwin Bargi (2014), sa kanyang
aklat na Writing in the Discipline, ang mga kilala at
malalaking kompanya at institusyon ay kalimitang
gumagamit ng colored stationary para sa kanilang
mga memo tulad ng sumusunod:
 Puti- ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan,
direktiba, o impormasyon.
 Pink o Rosas- ginagamit naman sa request o order
na nanggaling sa purchasing department.
 Dilaw o Luntian- ginagamit naman para sa mga
memo na nanggagaling sa marketing at accounting
department.
 Sapangkalahatan, may tatlong uri ng
memorandum ayon sa layunin nito.
a. Memorandum para sa kahilingan
b. Memorandum para sa kabatiran
c. Memorandum para sa pagtugon
Sudprasert (2014)- mahalagang tandaan
na ang isang maayos at malinaw na memo
ay dapat na magtaglay ng sumusunod na
mga impormasyon. Ang mga
impormasyong ito ay hinago sa aklat ni
Sudprasert na English for the Workplace 3.
Halimbawa ng Memorandum sa
Kabatiran
Girl Scouts of the Phillippines
Saint Michael Academy
Brgy. Acacia, Catarman, Northern Samar
MEMORANDUM
Para Kay: Sr. Mary Ann Allag, OP, School Directress and Principal
Mula Kay: Alva May M. Costuna, Bise Presidente, GSP –SMA Chapter
Petsa: Hulyo 2018
Paksa: Pagkakaroon ng Pampaaralang Proyektong Karatula
Maligayang Araw! Bilang isang bise presidente sa organisasyong kinauukulan, hinihiling ng GSP –SMA
Chapter na magkaroon ng proyektong karatula na pagmamay-ari ng institusyon. Ito ay sa kadahilanan na
iilan lamang ang mga karatulang nakapaskil sa loob ng paaralan. Sa pagkakaroon ng karatula ay mas
magiging organisado at maayos ang sistema ng paaralan sa pamamagitan lamang ng pagsunod sa mga
karatulang nakapaskil. Inaasahan namin na sa aming patuloy na serbisyo, makukuha po naming ang
iyong pagtugon. Maraming salamat po!
Halimbawa:Memorandum para sa
pagtugon
MEMORANDUM PAMPAARALAN
Blg.s. 2018
Para sa:Puno ng Kagawaran ng Filipino
Petsa:19 Agosto 2018
Paksa:Mga Gawain at Timpalak sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa2018 – Antas
Sekundarya at Senior High School
1.Bilang pakikiisa sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto 1 –31 alinsunod sa
Memorandum mula sa Sangay ng Lungsod, Paaralan ng Makati aymagdaraos ng Dibisyong –
Timpalak bigkasan sa ika - ___ ng Setyembre 2018.Ang tema ng pagdiriwang sa taong ito ay
“Filipino: Wika ng Saliksik”.
2.Layunin ng pagdiriwang ang mga sumusunod:
a.Maipakita ang kalahagahan ng wikang Filipino higit pa bilang wika ngSaliksik;
b.Mahikayat ang mga mag – aaral sa MSHS na makilahok sa
1. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya,
institusyon, o organisasyon gayundin ang lugar kung saan
matatagpuan ito at minsan maging ang bilang ng numero ng
telepono.
2. Ang bahaging Para sa/ Para kay/ Kina ay naglalaman ng
pangalan ng tao o mga tao, o kaya naman ay grupong pinag-
uukulan ng memo. Para sa isang impormal na memo nag Para
Kay: Ailene ay sapat na ngunit sa mga pormal na memo,
mahalagang isulat ang buong pangalan ng pinag-uukulan nito.
Kung ang tatanggap ng memo ay kabilang sa bagong
departamento, makatutulong kung ilalagay ang pangalan ng
departamento. Hindi na rin kailangang lagyan ng G., Gng.,
Bb., at iba pa maliban na lamang na napakapormal ng
memong ginawa.
3. Ang bahagi naman na Mula Kay ay naglalaman ng
pangalan ng gumawa o nagpadala ng memo. Gaya rin
ng bahaging ‘Para sa/Para kay/Kina’ maaaring gamitin
na lamang ang unang pangalan ng sumulat nito gaya
halimbawa nito:
Mula kay: Nestor. Ngunit kung ito ay pormal, isulat ang
buong pangalan ng nagpadala. Gayundin, mahalagang
ilagay ang pangalan ng departamento kung ang Memo
ay galing sa ibang seksiyon o tanggapan. Hindi na rin
kailangang lagyan ng G., Gng., Bb., at iba pa maliban
na lamang na napakapormal ang memong ginawa.
5. Ang bahaging Paksa ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw at
tuwiran upang agad maunawaan ang nais ipabatid nito.
6. Kadalasang ang Mensahe ay maikli lamang ngunit kung ito ay isang
detalyadong memo kailangang ito ay may taglay ng sumusunod:
a. Sitwasyon- dito makikita ang panimula o layunin ng memo.
b. Problema- nakasaad ang suliraning dapat pagtuunan ng pansin. Hindi
lahat ng memo ay nagtataglay nito.
c. Solusyon- nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng kinauukulan.
d. Paggalang o Pasasalamat- wakasan ang memo sa pamamagitan ng
pagpapasalamat o pagpapakita ng paggalang.
7. Ang huling bahagi ay ang Lagda ng nagpapadala. Kadalasang inilalagay ito sa
ibabaw ng kanyang pangalan sa bahaging Mula kay…

You might also like