You are on page 1of 13

MEMORANDUM

MEMORANDUM

Ayon ay Prof. Ma Rovilla Sudaprasert, sa


kanyang aklat na English for the
Workplace 2 (2014), ang memorandum
o memo ay isang kasulatang nagbibigay
kabatiran tungkol sa gagawing pulong o
paalala tungkol sa isang mahalagang
impormasyon, gawain, tungkulin, o utos.
Sa memo, nakasaad ang layunin o pakay ng
gagawing miting. Sa pamamagitan nito nagiging
malinaw sa mga dadalo ng pulong kung ano ang
inaasahan mula sa kanila.
Kung ang layunin o pakay na nakatala sa memo ay
upang ipabatid lamang sa kanila ang isang
mahalagang desisyon o proyekto ng kompanya o
organisasyon, magiging malinaw para sa lahat na
hindi na kailangan ang kanilang ideya o suhestyon
sapagkat pinal na ang nasabing desisyon o proyekto.
Ang pagsusulat ng memo ay maituturing ding
isang sining. Dapat tandaan na ang memo ay
hindi isang liham. Kadalasang ito ay maikli
lamang na ang pangunahing layunin ay
pakilusin ang isang tao sa isang tiyak na
alituntunin na dapat isakatuparan gaya
halimbawa ng pagdalo sa isang pulong,
pagsasagawa, o pagsunod sa bagong Sistema
ng produksyon o kompanya.
Ayon kay Dr. Darwin Bargo sa kanyang aklat na Writing in the
Discipline (2014), ang mga kilala at malaking kompanya at mga
institusyon ay kalimitang gumagamit ng mga colored stationery
para sa kanilang mga memo tulad ng mga sumusunod:
Puti – ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o
impormasyon.
Pink o Rosas – ginagamit naman para sa request o order na
nanggagaling sa purchasing department.
Dilaw o Luntian – ginagamit naman para sa mga memo na
nangagaling sa marketing at accounting department.
Sa pangkalahatan, ayon din kay Bargo
(2014), may tatlong uri ng memorandum
ayon sa layunin nito.
a. Memorandum para sa kahilingan
b. Memorandum para sa kabatiran
c. Memorandum para sa pagtugon
HALIMBAWA NG MEMO PARA SA KABATIRAN:

ACADEMY OF SAINT JOHN


LA SALLE GREEN HILLS SUPERVISED
GENERAL TRIAS, CAVITE
MEMORANDUM
Para sa: Mga Puno ng Kagawaran ng mga Guro ng Senior High School
Mula kay: Daisy T. Romero, Punongguro, Academy of Saint John
Petsa: 25 Nobyembre 2015
Paksa: Pagbabago ng Petsa ng Pulong
Ang nakatakdang pulong sa Sabado,
Nobyembre 28, 2015 ay inilipat sa susunod
na Sabado, Disyembre 5 sa ganap na ika
9:00 hanggang ika 11:00 ng umaga.
Mulas sa mga nakatalang halimbawa,
mahalagang tandaan na ang isang maayos
at malinaw na memo ay dapat na
magtaglay ng sumusunod na
impormasyon:
1. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan
ng kompanya, institusyon o organisasyon
gayundin ang lugar kung saan matatagpuan
ito at minsan maging ang bilang ng numero ng
telepono.
2. Ang bahaging para sa/para kay/kina ay
naglalaman ng pangalan ng tao o mga tao, o
kaya naman ay grupong pinag-uukulan ng
memo.
3. Ang bahagi naman ng Mula Kay ay
naglalaman ng pangalan ng gumawa o
nagpadala ng memo.
4. Sa bahaging petsa, iwasan ang paggamit ng
numero gaya ng 11/25/15 o 30/09/15. Sa
halip, isulat ang buong pangalan ng buwan o
dinaglat na salita nito tulad ng Nobyembre o
Nob. kasama ang araw at taon upang maiwasan
ang pagkalito.
5. Ang bahaging Paksa ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw, at
tuwiran upang agad na maunawaan ang nais ipabatid nito.
6. Kadalasang ang mensahe ay maikli lamang ngunit kung ito ay isang
detalyadong memo kailangang ito ay magtaglay ng sumusunod:
a. Sitwasyon- dito makikita ang panimula o layunin ng memo.
b. Problema – nakasaad ang suliraning dapat pagtuonan ng pansin.
Hindi lahat ng memo ay nagtataglay nito.
c. Solusyon – nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng kinauukulan.
d. Paggalang o pasasalamat – wakasan ang memo sa pamamagitan ng
pasasalamat o pagpapakita ng paggalang.
7. Ang huling bahagi ay ang Lagda ng
nagpadala. Kadalasang inilalagay ito sa
ibabaw ng kanyang pangalan sa bahaging
Mula kay.

You might also like