You are on page 1of 5

Ikalawang Markahan

Filipino sa Piling Larang (Akademik)

Memorandum

Ipinasa ni:
Althea M. Mendoza
Ipinasa Kay:
Bb. Michelle A. Layson
Kahulugan
 Memorandum o mas Kilala sa tawag na “memo”, ay isang uri ng maikling mensahe o tala na ginagamit
ang mga memo sa loob ng mga organisasyon upang mag-ulat ng mga resulta, magturo ng mga
empleyado, magpahayag ng mga patakaran, magpalaganap ng impormasyon at magtalaga ng mga
responsibilidad. Ang mga memo ay nagbibigay ng rekord ng mga desisyon na ginawa at kinuha na mga
pagkilos. Maaari din silang maglaro ng mahalagang papel sa pamamahala ng maraming organisasyon
dahil ang mga tagapamahala ay gumagamit ng mga memo upang ipaalam at ganyakin ang mga
empleyado. Ang etimolohiya ng “Memorandum” ay nagmula sa Latin, “memoramdum est” na ang ibig
sabihin sa ingles ay “it must be remembered”
Layunin
 Ang layunin ng memorandum ay mapabilis ang pakikipagtalastasan sa paraang opisyal upang mabigyan
pansin, aksyon, katugunan.
 Nakakakuha sila ng pansin sa mga problema at nakakatulong sila upang ayusin ang mga ito. Nakamit
nila ang kanilang mga layunin sa pamamagitan ng pag-alerto sa mambabasa tungkol sa bagong
impormasyon.
Bakit sinusulat ang memorandum
 Para mag bigay impormasyon
 Maghingi ng impormasyon
 Pagkompirma sa kumbersasyonPag-aanunsiyo ng mga pagbabago sa pulong
 Pagbati sa katrabaho
 Pagbuod ng pulong
 Pagpapadala ng dokumento
 Pagu-uulat sa pang araw-araw na gawain
Ang memoramdum sa mga malalaking kumpanya at mga institusyon ay ginagamitan ng mga colored stationary.
May tatlong kulay na ginagamit sa memoramdum at ito ay Ang
 Puti – Ang puti ay ginagamit sa pangkalahatang kaitusan, direktiba, o impormasyon.
 Rosas – Ang Rosas ay ginagamit naman para sa request o order na nanggagaling sa purchasing
accounting department.
 Luntian – Ang luntian ay ginagamit naman kapag ito ay galing sa marketing at accounting department.
Uri ng memorandum ayon sa layunin
A. Memorandum para sa kahilingan
B. Memoramdum para sa kabatiran
C. Memorandum para sa pagtugon
Ang pagsulat sa panimula ng memorandum ay kailangan na ito ay maikli at maipakita ang suliranin o isyu at
maipakita ang konstekto sa likod ng ninanais na ipagawa. Ito ay tinatawag na thesis statement kung saan
ipinapakita ang paksa at kung gaano ito kahalaga. Kadalasan na ang haba ng panimula ay ¼ na kabuan ng
memorandum.
Ang pagsulat ng buod ng memorandum ay ang pagbuod sa aksiyong nais ipagawa at ito ay nagtataglay ng ilang
ibidensya bilang pansuporta sa mga rekomendasyon na inilahad. Sa mga napakaikling memo naman ay hindi na
kailangan ang buod dahil isinasama na ito sa pagtalakay sa gitnang bahagi ng memorandum.
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng memorandum
I. Sa itaas na bahagi ng memorandum o Ang letterhead dapat na makita ang logo at pangalan ng
kumpanya, institusyon, o ng isang orginasasyon gayundin ang lugar o address kung saan ito
matatagpuan at nakalagay din ang numero kung saan ito makokontak.
II. Ang bahaging “para sa/para kay/kina” ay naglalaman ng pangalan ng tao o mga tao o kaya naman isang
organisasyon o grupo ng mga tao na pinaguukulan ng memo.
III. Ang bahaging na “mula kay” ay nag lalaman ng pangalan ng gumawa o ang nagpadala ng memo.
IV. Ang bahaging petsa naman ay kung saan ilalagay ang araw, iwasan ang pag gamit ng mga numero sa
pagtala ng araw.
V. Ang bahaging paksa naman ay mahalaga na ito ay maayos at tuwiran upang hindi ito nakakalito.
VI. At ang panghuli naman ay ang memo ay maikli at detelyado at kailangan na ito ay nagtataglay ng
sitwasyon, problema, tugon, at ang pasasalamat.
Halimbawa
Sanggunian:
https://www.slideshare.net/kaycesaliendrez/memorandum-filipino
https://tl.eferrit.com/memorandum-memo/
https://philnews.ph/2021/10/26/bakit-mahalaga-ang-memorandum-halimbawa-at-kahulugan-nito/
https://quizlet.com/280089698/memorandum-memo-agenda-katitikan-ng-pulong-meeting-flash-cards/
https://www.coursehero.com/file/69411365/MEMORANDUM-O-MEMOpptm/
https://pdfcoffee.com/3-uri-ng-memorandum-pdf-free.html

You might also like