You are on page 1of 6

Transkripsyon ng pakikipanayam kay Gg.

Ricardo Cruz noong Abril 22, 2013

Ricardo: Yun ang ano (alam) ako sa construction kunyari naghukay na, nag tayo
na ng poste bubuhusan na yung footing niya dun na (paduduguan) hindi naman
yung trabahador ang nag-aano (nag-sasabi kung magpapadugo ba) kundi yung
nagpapagawa ng bahay. Hindi kami... halimbawa mag tatanong sa
nagpapagawa na “Mam paduduguan po ba natin ang bahay niyo?” hindi kami
nag tatanong nang ganoon. Kung gusto o ayaw ng nagpapagawa ng bahay
walang problema sa aming mga manggawa yun. Pero ang sabi nila pamapatibay
daw talag yun ng poste. Di ba nga yung mga tulay, nag sabi nga nila tao na yung
pinadududgo doon.

Jhunie: Para mas matibay po?

Ricardo: Para mas matibay. Pero ano ha, sabi-sabi lamang iyon. Yung
pinagpaduguan pinagpaduguan pinapakain sa mga trabahador iyon. Maraming
bahay na ang napaduguan ko. Ano pa ba nag tanong mo?

Jhunie: Gaano na po kayo katagal na nag co-contrator?

Ricardo: Ano, matagal na. Siguri mga dekada na.

Jhunie: Simula’t sapul po ba karpintero na kayo?

Ricardo: Ay hindi, kaso yung sa akin experience na lang, kumabaga yung mga
natutunan ko yung sa pagcoconstruction. Hindi naman ako rumagawa ng
building yung mga residential lang. Yung mga buildang na matataas hindi ako
gumagawa dahil medyo may lula ako.

Jhunie: Ano po ang pinagkaiba ng contracto sa mga construction worker?

Ricardo: Hindi, ang construction worker sa contractor. Ang contractor


nangongontrata iyon. Kunyari yung isang bahay pinakontrata sa iyo. Ibig sabihin
ng kontrata wala nang pakialam ang may-ari dun kung labor lang. Yung labor
niyo kokontrathin. Kunyari ako contractual, kokontratahin ako ng 100 pesos
lang.Yung 100 pesos na iyon bubuuin ko na yung bahay nun.

Jhunie: Kayo na po ang bahalang magtayo?

Ricardo:Oo ako nang bahalang magtayo pero hindi kasama nag mga materyales
doon.

Jhunie: Ah wala pa po?

Ricardo: Wala, hindi kasi ako labor and materials, labor lang ako. Ayokong
komontrata ng...

Jhunei: Sila ( ang nag-papagawa ng bahay) po nag bahala sa materyales.

Ricardo: Oo. Yan ang pinagkaiba ng constrution sa contractual. Ang contractual


naman ay marami yan eh, hindi lang naman sa construction yan eh.

Jhunie: Opo.

Ricardo: O diba, kasi nga na-ngongontrata siya eh. Halimbawa contractor ako ng
gulay. Marami, maraming klase ng contractor.

Jhunie: Yung ginagawa niyo po ba from rough to finish?

Ricardo: Oo, depende. Ang sa akin pagka nangontrata ako. Structural lang. Yung
ganon lang muna para hiindi mahirap. Kasi baka mamaya kasi hangang finishing
wala naman na palang pera yung may-ari kawawa naman ako. Ang ginagawa ko
structural muina pagka natayo ko na. Kung gusto mopang ipa-finish sa akin
panibagong kontata na yun. Kaya detalyado yung contratahan namin. Malinis
ba. Tatayo ko muna pagkatayo ko, okay na, tapos na yung contrata
natin.Another contrata na naman kung gusto mo.Step by step.

Jhunie:Ano po yung dating niyong trabaho bago kayo miging contratista?

Ricardo: Ano eh, marami eh. Minasan nasa factory, nasa matadero, pero noong
malaunan parang gusto sa ang construction. Para bang, easy easy lang ganun
ang tingin ko para sakin. Pwede akong magbuhat ng mabibigat, pero balewala
lang sakin, noong kalakasan ko.

Jhunie: Dito po ba kayo sa Caloocan nakatira.

Ricardo: oo dito na ko nakatira.

Jhunie: Ano po ang address niyo.

Ricardo: Yan o, jan lang. Baka ipagturo mo pa ko, marami pa akong makontrata
niyan.

Jhunie: hindi po, para lang po ito sa thesis naghahanap po ako ng mga
taong nagpapadugo kasi yung kasi tungkol po don yung research ko.

Ricardo: At saka sa construction, maraming magtratrabaho jan, may mga skill


yan eh. Katulad ng mga steelman, karpintero, mason, mga tilesetter marami yan.
Hindi yung kumuha ka, helper ka hindi mo magagawa yung trabaho ng ganito,
marami.

Jhunie: May nainterview nga din po ako sabi niya may mga sub contractors
pa daw.

Ricrado Ang mga sub-contractors naman kinontrata ko na, pinakokontrata ko pa


ulit. Ganoon ang sub-contract. Kunyari contrata ko na yan, may kumocontrata
pang iba, pinakontrata ko naman sa kaniya. Ako wala na akong gagawin,
kumbaga sakin safe na yung kita ko, sila na ngayon nag bubuno nun. Kaya yung
sub-contract na yan kung mababa yung kuha nya maaring hindi matapos yung
ginagawa nila kasi mababa nga ang kuha. Kaya karamihan sa sub-contract
maraming hindi napapa-sweldong trabahador.

Jhunie: Kung tatantsahin niyo po ilang bahay na nag nagawa niya dito sa
Calocan?

Ricardo:Kaunti lang yung dito sa Caloocan, Karamihan kong nagawa ay sa


Malabon. Doon marami hindi ko na mabilang sa daliri ang nagawa ko diyan.
Jhunie:Dito po sa Calocan ilan?

Ricardo: Ito ako ang gumawa niyan, tsaka yung sa kabila,tsaka yung katabi nyan
bale tatlo. Tatlo na yung nagawa ko jan.

Jhunie: Kayo po ba mismo yung nagpadugo dito (Servidad Residence) o


yung mga katrabaho niyo?

Ricardo: Hindi. Ang nagpapadugo nga diyan yung may-ari yung nagpapagawa.
Kami bakit kami mag-papadugo bakit namin gagastusan ng manok yan.

Jhunie: Ah hindi po yung nagpatay po ng manok.

Ricardo: Yung mga trabahador. Iuuutos ko lang yung pero yung mga may ari ang
nagpapagawa. Minsan nga pera pa eh yung mga coins, Ngapadugo na may
coins pa na isinasaboy. Sa collumn footing, kadalasan naman talaga sa mga
collumn footing nag pinaduduguan, hindi na yung mga wall footing. Yung footing
ay yung pundasyon. Sa ilalim ng hukay.

Jhunie: Para po sa pampatibay at pampaalis ng ...

Ricardo: Hindi ko alam kung pampatibay yun. Basta kasabihan lang nila yun eh,
para tumibay daw yung pundasyon o para walang madisgrasya sa mga
trabahador kasi napaduguan na. Kasi ano yan eh, lupa yan. Hidni mo alam may
mga nakatira diyan, baka mamaya nasasagasaan mo. Baka alay din yun. Pero di
natin alam kung...

Jhunie: Parang yung dahilan po nasa nagpagawa na po iyon? Kayo lang po


yung gumagawa.

Ricardo: Ngayon, kung hind mapaduguan iyan, sa amin walang prob;ema iyon.
Sila naman yung titira doon eh.Kais nag pagkakaalam ko rin doon.baka hindi
lang iyon pampatibay kasi baka mamaya may nakatirang hindi natin nakikita.
Kaya nag-aalay din siguro para maparamdam na may ibang titira doon.

Jhunie: Para mag-paalam po?


Ricardo: Oo parang ganun.

Jhunie: Kailan po yung huling beses na may nakita kayong pagdugo.

Ricardo: Itongginawa namin dito sa may Malabon, Siguro mga 2015. 2017 ba
ngayon?

JhunieL Opo

Ricardo: Mga 2015, yun nag huli naming pinaduguan. Sa Tugatog, Malabon.

Jhunie: Bahay din po iyon?

Ricardo: Oo residential iyon.

Jhunie:Ano po yung kadalasang kulay ng manok na ginagamit?

Ricardo:: Puti. Kulay puti talaga. Yung native, hindi yung mga 45 days.
Naghahanap talaga sila ng native na manok.

Jhunie: Saan niyo po natutunan yung pagpapadugo?

Ricardo: Hindi nga namin natutunan iyon. Que hindi mapaduguan yan o ano
wala din kaming magagawa kung ayaw ng nagpapagawa. Hindi naman namin
pwedeng sabihin na “Sir, mam hindi ba natin paduduguan yan?” hindi namin
sinasabi yun dapat sila ang magsasabi, Minsan naman hindi padugo yung
ginagawa bago buhusan minsan coins.

Jhunie: Nakadepende po tagala sa..

Ricardo: Sa nagpapagawa, sa may-ari. Meron nga kaming ginagawa hanggang


sa matayo hindi pinaduguan. Depende sa nagpapagawa. Depende sa paniniwala
nila.

Jhunie: Meron po kasi akong nainterview na foreman siya po mismo ang


gumagawa.
Ricardo: Ay ako inuutos ko lang.Kais ako na nga foreman ako pa gagawa.kuwari
tatawag ako ng helper “O, Patayin mo to, tapos paduguan mo lahat ng poste”
tapos lalakad na yun hanggang sa maubus yung dugo ng manok.Minsan
magdadala ng dalawa o tatlong manok.

Jhunie: depende po sa laki ng bahay?

Ricardo: Hindi, dependesa nagpapagawa.kasi sila na rin ang tatantsa.


Halimbawa kakaunti lang dugo nito, gawin na nga nating tatlo.Tsaka maraming
tao. Damihan na natin para makakain lahat.

You might also like