You are on page 1of 8

FACE TO FACE

Characters:
 Nor-Insanah – Insana
 Depositary – Rocel
 Depositors – Jalod, and Jonairah
 Resolver

Articles: 1962- 1995

Video Presentation:

Narration, Mga matinding pang-aabuso, ilalantad ng mga saksi

Jalod: Ginamit niya yung kotse ko, hindi ko matatanggap Pati pera ko, ginagamit niya
Jonairah: Yung Sinandomeng ko, ginawa niyang NFA.
Rocel: Ginagawa ko lang trabaho ko, wala akong inaapakang tao.

Paano niya ipagtatanggol ang kanyang sarili?

(Mga sawsawero sawsawera. Harapin mo face-to face)

At andito na ang pambansang kapitana, Tiyang Ame

Nor-Insanah: Isang good morning sa ating mga sawsawero at sawsawera , in the world. Isa umanong
nirereklamo ng mga depositor ang isang depositary dahil daw umaabuso na? kesyo ginagamit daw ang
mga gamit na naideposit sa kanya at pinagpapalit-palit pa daw?? Owemji bakit naman ganoon depositary,
help hans.

Mukhang mandidilim ang inyong paningin sa usapin ngayong umaga, handa na ba kayong makisawsaaw?

Nor-Insanah: B1 at B2 ready na ba sa Issue? At para bigyan ng payo ang ating mga bisita andito si Atty.
Ang ating uno tagapayo, Luzon, Visayas at Mindanao buong mundo face to face na!

Dati raw ay maayos pakiusapan ang kanyang depositary pero dahil umano sa pagdami ng kanyang
depositors ay lumaki raw ang kanyang ulo? Halos ginagamit niya raw ang kanyang mga deposits sa
kanyang personal na interest? Ano ba ang problema Jalod

(Face to face)

Nor-Insanah: Rinig ko ay isa ka raw pong graduate ng BS Political Science, ilan taon ka na rin po? At
saan ka ngayong kasalukuyang nakatira?
Jalod: Opo. Ako po ay graduate ng Bs Political Science. At kasalukuyang nakatira po sa bahay namin.

Nor-Insanah: Saan po?

Jalod: Sa Pasig po.

Nor-Insanah: Paano niyo po nakilala si Rocel?

Jalod: Ahhhh si Rocel po, isa ko po siyang isang dating kaibigan, mga nung mga binata pa po ako.
Nagkakilala po kami sa school kasi classate ko po siya.

Nor-Insanah: Mukhang kakilala naman po ni sir Jal si Rocel. So, bakit niyo po naisipang Magdeposit kay
Rocel?

Jalod: Naku, Alam ko naman po na mapagkakatiwalaan siya. Marami na ring nakapagsabi sa akin na si
Rocel ay talagang mapagakakatiwalaan. Sabi niya nga rin sa akin ay kung magdeposit daw ako ay
sakanya na lamang daw po.

Ang kasunduan namin ay ang kapag ako ay nagdeposit, the moment na mareceive niya yung
gamit na idedeposit ko po ay obligasyon niya po itong ingatan (1962) na parang pag-aari niya ito. At ‘di
ito matatapos kung hindi niya sa akin ideliver ang gamit na idineposit ko sa kanya. (1963) Kaya talaga
nanggagalaiti ako tuwing maririnig ko ang pangalan niya. Hanggang ngayon hindi niya pa rin
naidedeliver ang gamit ko.

Nor-Insanah: Alam niyo rin po ba yung mga risk na pwedeng mangyari kung sakaling may mangyayaring
masama sa mga gamit mo?

Jalod: Ay opo, Ang pagkakaalam ko po ay kapag nagdeposit kay ay ang mga depositary na tulad ni Rocel
ay dapat ingatan o i-safekeep ang mga gamit na pinagkatiwala sa kanya dahil po may trust and confidence
na ibinigay sa kanya.

Nor-Insanah: Ayun naman pala, may kasunduan ba kayo? O kontrata? Na magpapatunay na legal ang
inyong mga transaction. Kasi kapag ganyang mga transaction na deposits ay maaaring judicially or
extrajudicially. Pero sa kaso ang deposit ay extrajuidicially. (1964)

Jalod: Opo, may kasunduan po kami ito nga po o, dapat nung isang araw ay naibigay na niya po ang
sasakyan ko. Nanlumo talaga ako sa mga narinig ko sa mga bali-balita na ginagamit niya daw yung
sasakyan ko, ang ganda-ganda ng usapan namen, business nya pa naman ito m’am.

Nor-Insanah: Ano ba yung mga idineposit mo sa kanya? Marami na ba ito o ano?

Jalod: Yung mga una po, wala naman, kaso nung mga kalaunang dumami na mga costumers niya ay saka
po pumalya. Movable property lang po ang current transaction ko po sa kanya. Yung sasakyan ko, huling
transaction ko lang sa kanya ay yung promissory note.

Nor-Insanah: Kinausap daw muli si Jalod upang hindi na lumala pa ang problema, ang tanong totoo ng
aba ang paratang? Sasagutin yan ni Rocel. Humarap ka na!
(Audience: Face-to-face!) (Magkakagulo)

Jalod: Walang hiya kang babae ka, pinagkatiwalaan kita tapos sisirain mo tiwala ko sayo. Magbabayad
kang hindot ka. Ginamit mo ako, aysusmaryusep.

Nor-Insanah: Rocel, Ano itong naririnig namen na ginagamit mo raw itong sasakyan na idineposit sa iyo
ng depositor mo? Totoo nga ba ito?

Rocel: Let me Explain po tiyang Amie. Ipinaliwanag ko po sa kanya yung mga terms ng pagdeposit.

Jalod: Ipaliwanag-ipaliwanag, Bakit hindi mo ipakita ang totoo mong kulay, palibhasa nasa TV ka
ngayon, aysus.

Rocel: Bobo ka kasi. May paface-to-face ka pang nalalaman , pwede naman itong pag-usapan ng
masinsinan. Napakalaking misunderstanding po ito Tiyang Amie

Jalod: Bobo ka rin yung lipstick sa bibig hindi ginagawang blush-on. Nademonyo ka.

Nor-Insanah: Awat muna tayo. Ituloy mo rocel. Ano nga ba ang nagyare? Rocel?

Rocel: Ito na nga po, bago siya magbakasyon sa Japan, Last 2 months ago po. ipinaliwanag ko po sa
kanya yung pagdedeposit. Ang sabi ko po, Kung ano ang gusto niya at kung ano yung nakasaad sa
kontrata yun ang gagawin at susundin ko. Dapat po nung isang araw ay due na idedeliver ko po yung
sasakyan niya kaso may mga aberya lang po, dulot ng bagyo sa amen. (1968) Alam ko naman mga
responsibilities ko kasi nakasulat doon sa kasulatan namen (1969) pati yung napag-usapan namen. Alam
ko naman po iyon kasi may trust and confidence kaming napag-usapan.

Jalod: Kung ‘di ka ba naman matalino. Pati mga pag-mamay-ari ng iba saken ibibigay. Bibigyan pa ako
ng obligasyon.

Nor-Insanah: Ano itong obligasyon? Na sinasabi ni sir jal? Na kesyo ung hindi niya pagmamay-ari ay
binibigay mo raw sa kanya?

Rocel: At yung pamagkin niya po, nagdeposit sa akin ng isang promissory note, kaso ibinalik ko rin sa
kanya kasi incapacitated pa po siya, 17 years old, minor. Sa kanya ko na lamang po binigay, kay Jal.
Kaya isinauli ko po sa kanya, since guardian rin siya nung pamangkin niya. (1970)

Jalod: Oh tignan niyo. Paladesisyon po siya.

Rocel: Tandaan mo, Minor pa ung pamangkin mo, kaya kinausap kita nung nakaraan na ipangalan na
lang sayo kasi nga wala pa sa tamang edad yung pamangkin mo. At least malinis konsensya ko.

Jalod: Malinis, Malinis, Malinis ba balat mo?

Nor-Insanah: Tama nga naman ang ginawa ni Rocel. Mukhang Good Faith naman ata itong si Rocel?
Rocel: Alam ko rin naman po yung mga ginagawa ko.

Nor-Insanah: Ilan taon ka ba nagsimulang pasukin ang larangang ito. Matagal-tagal ka na ba?

Rocel: Nagsimula po ako nung 17 years old. Pinakauna ko pong trabaho ay warehousing talaga.

Nor-Insanah: Hindi ba’t minor ka pa nun? Incapacitated ka pa noong araw? Paano iyon? According to our
research hindi ba’t liable ka doon?

Rocel: Opo, pero wala po sa akin ang obligasyon katulad ng depositary pero po obligasyon ko po na
ibalik ang bagay na idineposit habang nasa poder ko o di kaya ay ibibigay kay depositor ang price amount
nung pagkabenta nung bagay na iyon, kung sakali mang naibenta ko yung gamit na ito out of Good Faith.
(1971)

Nor-Insanah: Mukha naman palang maalam si Rocel. Paano mo naman nasabi na scammer si Rocel? Ano
itong sabi-sabi na ginagamit mo raw ang sasakyang idineposit sa iyo?

Rocel: Eh ma’am ginagamit ko lang po iyon para hindi masira ang sasakyan. Kasi kapag matagal ng hindi
napapaandar eh masisira talga ang sasakyan lalo na kapag ‘di matagal ng napainit. Kung ‘di ko po iyon
gagawin ay baka lalo pong masira yung sasakyan. (1977)

At Tuwing may mga changes sa Deposits under circumstance eh humihingi naman ako ng consent sa
kanya bago ko iimplement ang changes. (1974)

Jalod: Wala namang problema sa akin iyon ma’am sinabi ko pa po iyon sa kanya, pero ma’am matino ba
pag-iisip ng babaeng ito kung pati sasakyan ko gagamitin pa sa pang-date nila ng jowa niya. Kung di ba
naman makapal ang mukha ng babaeng ito. (1978)

Rocel: May ebidensiya ka ba?

Jalod: Akala mo wala ha? Pero Meron. Wag mo akong hinahamon.

(Pic ni rocel)

Nor-Insanah: Ayun naman pala… May ebidensya si kuya. Ano ang masasabi m rito rocel?

Jalod: Tapos po, Hawak niya ngayon angpromissory notes na dapat mag-accrue ng interest ay hindi niya
po sa akin binigay. Pinapangdate nila ng jowa niya. Dapat icocollect niya yung interest kapag nagdue na
ito, at gumawa ng paraan para mapreserve ang value nito. (1975)

Rocel: Bakit ko naman gagamitin yung promissory notes mo, kung bag ko Louiv Vuitton, tapos 5,000
lang naman yung promissory notes na yun. Para sabihin ko sa iyo. Dishonored yung mga promissory
notes na binibigay mo sa akin. Hindi ka lang makahintay. Mukha ka kasing pera (1975)

Jalod: Utot mo, kung mukha akong pera bakit ako magbabakasyon sa Japan.
Nor-Insanah: Sandali, Sandali. Kalma muna tayo. Ngunit, sa dinami-rami ng reklamo mukhang ayaw
atang magpatalo? Sino nga ba ito? Humarap ka na Face-to-Face, Jonairah.

(Junaia)

Nor-Insanah: Mukhang kalmado ata si Jonairah ah.

Jonairah: Di po ako warfreak. May dignidad po ako.

Nor-Insanah: Paano mo nakilala si Rocel?

Jonairah: Nirefer lang saken siya ni Jalod, kasi sabi niya mapagkakatiwalaan daw siya. Taliwas naman
doon sa sinasabi niya.

Nor-Insanah: At ano naman ang iyong reklamo kay rocel? Rinig ko ay dahil sa mga kaban ng Bigas ikaw
ay ayaw magpumiglas?

Jonairah: Ito po kasi, narinig ko po kasi na pinaghahalo-halo niya po sa iisa yung mga pag-aari ng mga
ibang depositors. Narinig ko po sa pinsan ko na isang staff niya. Yung 12 na cavans na rice po na
sinandomeng hinahalo niya raw po sa mga NFA na mga cavans. Kaya pala nung pagkadeliver saken ng
rice cavans ko po ay lasang NFA na.

Rocel: Hindi po totoo yan. Bakit mo kineclaim na sinandomeng iyon? Eh NFA naman yun. Tsaka pwede
naming ipaghalo-halo yung mga same kind at quality na mga goods, hindi ko naman kukunin iyon. Kung
sabihin ko sayo. Princess Bea kinakain namen sa bahay. (1976)

Nor-Insanah: Anong ibig sabihin nun rocel?

Rocel: Ganito po kasi iyon, Wala naman po kasi kaming napagkasunduan or stipulation na hindi pwedeng
ipaghalo ang same kind at quality ng Rice. Ginagawa ko po, kinaclassify ko po ung mga same quality at
same kind na goods, para po isahan na. Pero yung mass na iyon ay proportionate na pagmamay-ari ng
mga depositors. Pero kung kineclaim niya po na ang rice na pinadeposit niya ay Sinandomeng, Tanungin
po natin sim ang domeng na nagbuhat ng sako ng rice niya. NFA po.

Nor-Insanah: May katibayan ka ba na Sinandomeng ang Bigas na iyong dineposit?

Jonairah: Wala naman po. Tapos po, ‘yong gift ko sana na dalawang iphones na idineposit ko sa kanya,
Ang usapan po naming March 1, 2023 ideliver saken, pero nung pagkakuha ko ay parang nabuksan po
yung isa. Malikot po ang kamay niya, tapos pinapadagdag niya pa ako para daw sa epenses ng
pagtransport ng regalo, eh binuksan niya nan ga yung package.

Nor-Insanah: Anong masasabi mo rocel?

Rocel: Wala po akong ginalaw sa mga packages na iyon. Late ko na lamang rin pong napansin na medyo
nakabuka iyong isang package. May pic po ako noon nagmamadali po kasi syang umalis nung time na
iyon. (ito oh) Pero hindi ko po alam ang laman ng package na iyon. (1981) Kasi sinisiguado ko yung
sekreto ng deposit.
Katulad po nung mga nakaraang transactions ko, yung vault po idineposit sa akin, siyempre alam ko yung
vault code, binubuksan ko lang ito kung kinakailangan at kung may instruction si depositor. Ayaw ko rin
masira yung nasa loob. Sinisigurado ko yung kaligtasan nung gamit, pati yung sikreto nito. Hindi naman
ako siraulo no? at hindi rin ako tatagal sa industriyang ito kung gumagawa ako ng masama. May mga
receipts po ako.

Sa pandagdag naman ng transportation expense, kasi po hindi naman po niya original residence yung
pinadeliver saken na lugar, ang usapan namen sa Quiapo, pero umabot ako ng Marawi?

Nor-Insanah: Kaloka naman niya. Pati ba naman sa marawi? Tama nga naman. May mga karanasan ka ba
na katulad sa nakaw? Balita ko kaya daw hindi mo maisauli ng maayos kasi hinahanap mo pa raw ang
tunay na nagmamay-ari ng sasakyan na pag mamay-ari ni Jalod?

Rocel: Siyempre po, hindi naman kailangan na kapag nagdeposit sayo ay tatanungin mo kung pagmamay-
ari niya iyon o hindi.

Nung moment na nakita ko yung sasakyan na ipinadeposit sa akin, nagulat ako kasi katulad nung
sasakyan ng kapatid ng boyfriend ko. Kaya kinausap ko yung boyfriend ko ng masinsinan at ipacheck sa
kapatid niya, ang akala ko baka nakaw ang sasakyang ito.

Nor-Insanah: So, ano ang nangyari?

Rocel: Ayun nga po, wala po siya nung mga panahong iyon. May business trip daw po sa china upang
mamili ng supplies. Pero nung isang araw, kasama nung nakaraang pagdating niya, saka lamang namen
siya pinuntahan upang ipaverify ung sasakyan kung sa kanya ba. Kasi kung sa kanya iyon o kusang
ninakaw ay kusa ko na lang ibibigay at ipapaalam sa kanya na nakadeposit sa akin iyon. Kung sa kanya
iyon isasauli ko. Pero nung andoon na po kami sinabi niya pong naibenta niya na po daw yung sasakyan
na iyon. Vinerify ko po at kay Jalod nga po ang sasakyan.

Kasalanan ko rin po na hindi ko naibalik ng sa oras ang sasakyan. Ibabalik ko naman po ang lahat eh
kasama na rito ang mga accessories at accessions. Buong buo pa po, (1983) Dapat nga po ay sana
idedeliver ko ito sa kanya or sa pinsan niyang si Jake, Siya kasi ung nakasulat sa kontrata namen na
representative.

Jalod: ay dapat lang, pinaghintay mo ako ng kay tagal. Isang lingo ng due ang kontrata wala ka kasing
tiwala sa akin.

Nor-Insanah: Siyempre ayon sa aming research, Kayo ni Rocel ay dating magkasintahan. Ginagawa mo
ba ang pagdelay ng delivery dahil sinaktan ka ni Jalod noong araw?

Rocel: Ay wala po akong hinanakit sa nakaraan. Ang akin lamang po ay may ginagawa ko lamang ang
trabaho ko.

Nor-Insanah: Eh ano naman itong naririnig naming na choosy raw si Rocel sa pagdedeposit? Binabalik
mo raw ang mga bagay na idineposit sayo kahit wala pa ang fixed na date of return? At kinakailangan pa
raw si korte ang humawak?
Rocel: Ginagawa ko lamang ito, kapag hindi po valuable consideration ang deposits, kung hindi
tinatanggap ni depositor, kay court ko lang po pinapaubaya. (1989)

Nor-Insanah: Pero maiba ako, ano itong naririnig ko na ibinenta mo raw ang lupa ng mommy ni Jalod?
Ngayon Sa tingin mo?

Rocel: Hindi po totoo iyon, ibinigay ko po sa nanay niya yung pera na order ng gobyerno. Nakadeposit po
kasi ung titulo ng lupa sa akin. Utos lang po ng gobyerno, yung lupa niya po kasi kasama sa magiging
national highway road. (1990)

Jonairah: Pero po ung motorsiklo po ng kuya kong pumanaw na po binenta ng kapatid niya. Ang kakapal
ng mga mukha niya.

Nor-Insanah: Eh pagkakaalam ko, yung motor na iyon ay bayad hindi ba?

Rocel: Opo.

Nor-Insanah: Diba, ang akala ng kapatid mo ay sa iyo ang motor?

Rocel: Opo, pero ung exact amount na naibenta ay naibigay na sa kanya. Eh ano pa po ang issue doon?

Nor-Insanah: So, para magkalinawan na ano? Mabigyang linaw ang mga magkabilaan. Attorney? Ano
ang masasabi mo sa diskusyong ito?

Atty: Alam mo napakagandang diskusyon ito, kasi sa una pa lang malalaman mo ang bawat karapatan ng
bawat isa sa atin ano? Tama naman ang mga ginawa ni Rocel dahl siya ay isang depositary. Lahat ng
ginawa niya ay naaayon sa kanyang trabaho.

Mayroon tayong Parties dito eh: Si Rocel bilang Depositary, Si Jalod at Jonairah at bilang Depositor.

Tama rin silang dalawa na ang Deposit kailangan ng Trust and Confidence na kapag the moment na
magdeposit ka pumapayag ka na sa kasunduan na kailangan ng Tiwala sa Isa’t-isa. Hindi rin matatapos
ang deposit kung hindi maibalik kay depositor ang bagay na ipinatago o deposit sa fixed date na contrata.

Hindi rin pwede ideposit ni Rocel ang mga deposit sa third person unless kung pumayag si Jalod o si
Jonairah o kung hindi naman ay nasa stipulation. Kung pwede naman, ay si Rocel ay magiging liable sa
loss kapag ang ipinagdepositan ay Careless o Unfit. Si depositary rin ang responsible sa kapabayaan ng
mga empleyado niya.

Since alam naman ni Rocel ang Obligayson niya. Ngayon ay papayuhan ko ang mga obligasyon niyo
bilang mga depositor.
Jonairah at Jalod, Kapag ang Deposit ay gratuitous dapat kailangan niyong bayaran ang mga nagastos ni
Rocel sa pag-aalaga o pag-iingat ng mga kagamitan niyo. (1992)

Dapat alam niyo na dapat niyong bayaran ang mga Nawala kay rocel dahil sa bagay na inyong idineposit.
Unless kung nung panahon na idineposit niyo, wala kayong alam kung paano ito alagaan o kung paano to
kahirap alagaan. Or kung hindi niyo nainform na kinakailangan ng matinding patnubay sa mga gamit na
ito. (1993)

Dapat alam niyo na pwedeng maretain ang bagayna idineposit hanggang hindi pa nababayaran si
depositor na ayon sa napagkasunduan.

At sa huli, matatapos o meextinguihsed lang ang deposit kung nasira o Nawala ang bagay na idineposit, at
kung gratuitous deposit naman, pumanaw either si depositary or si depositor.

Nor-Insanah: Mga taong-bayan ano nga ba ang hatol niyo? Scammer nga ba si Rocel o Ginagawa lamang
ang kanyang trabaho. I-text lamang ang inyong sagot. Kung OO text OO (space) Ammaccana send to
2366 at kung Hindi naman ay itext lamang ang HINDI (Space) GORANa send to 2366

Ano nga ba ang matutunan natin sa araw na ito? Kailangan nating tumingin sa bawat puso ng ating mga
kapwa upang maunawaan ang nilalaman nito. Kaya naman Maraming salamat sa ating mga sawsawera
today. Kaya naman susunod na ang ROCEL TV!

You might also like