You are on page 1of 3

Filipino 9

Pangalan: Baitang at Pangkat:

I. Isulat ang salitang TSEK sa patlang kung ang pahayag ay may katotohanan batay sa
nilalaman ng akda at EKIS kung hindi.

_____ 1. Tanging mayayaman lamang ang abala sa paghahanda para sa gaganaping pistang bayan.

_____ 2. Simple lamang at payak ang ginagawang paghahanda ng mga mamamayan ng San Diego
para sa gaganaping pista.

_____ 3. May pahintulot ni Padre Damaso ang mga sugal na isasagawa sa araw ng pista.

____ 4. Kasabay ng matinding kaabalahan ng mga tao para sa gaganaping pista ay tinatapos naman
ng mga manggagawa ang pundasyon ng itatayong bahay-paaralan.

____ 5. Natakot si Maria Clara sa pulubing ketongin dahil sa narinig niyang kwento dahil dito.

II. Suriin ang mga salita kung magkasinghulugan o magkasalungat. Isulat ang salitang
MAGKASINGHULUGAN kung ang tambal na salita ay magkasinghulugan at
MAGKASALUNGAT kung di magkasinghulugan.
__________ 6. Ipinagtulos- ipinagtirik
__________ 7. Mataos- matapat
__________ 8. Nagpalahaw- nakatulog
_________ 9. Saksihan- iwanan
_________ 10. Nalimas – naubos
__________ 11. Nagkamal- nawalan
__________ 12. Sangguniin- tanungin
__________ 13. Patibong- panganib
__________ 14. Punyal- kutsilyo
__________15. Yumao- nabuhay
III. Ibigay ang kahulugan ng mga salita batay sa pamatnubay na kahulugan at sa
pamamagitan ng pagkompleto sa mga titik sa mga patlang
16. paputol-putol na mahinang pag-iyak
p_ _ h _ _ _ _
17. taong tiwalag sa simbahan/ relihiyon
E__________o
18. makialam
m______i
19. pag-iisang dibdib
P____p___ ___
20. naibulalas
N_____
IV. Isulat sa patlang kung sino ang nagsabi sa mga sumusunod na pahayag.
Piliin ang sagot sa mga sumusunod na tauhan sa Noli Me Tangere.
Ibarra Maria Clara Elias Pilosopo Tasyo Padre Damaso
Padre Salvi Padre Sibyla Kapitan Tiago Sisa Alperes
Donya Consolacion Don Tiburcio de Espadana Donya Victorina Sinang
Gobernador-heneral Lucas

____________ 21. “ Nakikita ba ninyo ang liwanag na iyon sa tore? Iyon ang anak kong si Basilio na
nagpadausdos sa Lubid. Nakikita ba ninyo ang isa pang liwanag sa kumbento? Iyon ang aking anak na
si Crispin. Ngunit di ko siya malapitan. May sakit ang kura. Marami siyang gintong salapi at unti
unting nawawala. “

____________ 22. “ Mahigit nang isang araw kitang hindi nakikita. Nabalitaan kong may bahagya
kang karamdaman. Ipinagdasal kita at ipinagtulos ng dalawang kandila.”

____________ 23. “ Ang pagmumukhang masaya ay hindi naman nangangahulugan ng


pagmumukhang ulol sa sarili.”

_____________24. “ Sa seremonya sa pagbabasbas ay huwag kayong aalis sa tabi ng pari. Huwag


kayong bababa sa hukay. At huwag kayong lalapit sa panulok na bato. Nakasalalay ang inyong buhay
sa sinabi ko.”

_____________ 25. “ Kung ang lungkot ay hindi makabubuhay sa namatay, lalo naman siguro ang
pagpapabilanggo sa isang taong hindi naman natin alam kung may kasalanan o wala. Ako ang
mananagot sa kanya at hinihiling kong pansamantala ay palayain siya.”

_____________ 26. “ Kailanma’t kailangan ninyo ako… kung makatutulong ako sa inyo. May utang
pa ako sa inyo.”

____________ 27. “ Iniligtas ninyo ang buhay ko . Kakalahati pa lamang ang naibabayad ko. Wala po
kayong dapat ipagpasalamat. Nagtungo ako rito upang may ipakiusap sa inyo.”

____________ 28. “ Hahantong sila sa dapat nilang kahantungan! Nakaamba ang kamay ng Diyos.
Bulag na lamang ang hindi makakita noon. Maging dito sa lupa, ang mga ama ng mga ulupong na
iyan ay napaparusahan na: namatay sila sa kulungan! He-he-he!”

___________ 29. “ Manatili kayo riyan! kayong lahat! Lagi na lamang tikom ang inyong bibig sa
nakaraan. Ngayon ay pagkakataon kong magsalita! Iniwasan ko siya. Diyos ang naglapit sa akin sa
kanya . Bayaan nating ang Diyos ang humatol.”

__________ 30. “ Tumigil kayo! Natatakot ba kayong mamantsahan ko ang aking mga kamay ng
maruming dugo?”
V. Isulat sa patlang bago ang bilang kung sino ang tinutukoy ng mga sumusunod na
pahayag. Piliin ang sagot sa mga sumusunod na tauhan sa Noli Me Tangere.
Ibarra Maria Clara Elias Pilosopo Tasyo Padre Damaso
Padre Salvi Padre Sibyla Kapitan Tiago Sisa Alperes
Donya Consolacion Don Tiburcio de Espadana Donya Victorina Sinang
Gobernador-heneral Lucas

______________ 31. Siya ang huling nagbigay ng sermon sa Pista ng San Diego.
______________ 32. Siya ay nagkasakit sa sobrang pag-aalala kay Padre Damaso at
Ibarra.
______________ 33. Siya ang bukod tangi sa mga prayle na hindi nagbigay galang sa
Gobernador –Heneral.
_____________ 34. Siya ang kumausap kay Don Filipo na paalisin si Ibarrra kung hindi
paaalisin si Ibarra ay sila ang aalis.
_____________ 35. Siya ang kumausap sa mga kabataan na huwag ng ituloy ang planong
pagsugod sa kwartel.
____________ 36. Siya ay pinarusahan ng mga prayle na isang ekskumulgado.
____________ 37. Siya ay may utang kay Ibarra ng Limampung libong piso.
____________ 38. Siya ang pilit na pinaawit at pinasayaw ni Donya Consolacion.
____________ 39. Naibalitang patay na siya. Nang damputin ay duguan ang mukha at
hindi na humihinga.
_____________ 40. Siya ang bukod tanging di nagbihis ng magarbo noong araw ng pista
sa San Diego.
VI. Pag-isa- Isahin
41- 42 Ibigay ang mga tauhan sa Kabanata 3: Malayang Kaisipan

43-47 Ibigay ang pagkasunod sunod ng mga patron sa prsusisyon sa Kabanata 38

48-50 Kabanata 36: Mga Unang Epekto; Magbigay ng tatlong tauhan

You might also like