You are on page 1of 2

"Ang Papel ng Kabataan sa Bayan"

"Kabataan ang pag-asa ng bayan" isa ito sa mga nabanggit ni Gat. Jose
Rizal tungkol sa kabataan.
Ngunit sa henerasyon natin ngayon, masasabi mo pa bang tayong mga
kabataan ang siyang pag-asa ng ating bayan ? Kung sa kahit saang
anggulo natin tignan, parang naiimpluwensyahan na tayo ng mga
makamundong kagamitan.Marami nang kabataan ngayon na imbes na
gamitin sa pag-aaral ang pera, mas binibigyan pa nila ng importansya
ang mga bawal na droga, Kaysa igugol ang oras sa pagskwela mas
iginugogol pa natin ito sa pamamasyal kasama ang mga barkada.Marami
naring mga kabataan ngayon na sa murang edad palang nagkaroon na
ng sariling pamilya.Kung ito ang ating pagbabasehan, masasabi mo pa
bang "kabataan ang pag-asa ng bayan" ?
Magiging pag-asa lamang tayo kun magpupursige tayo sa ating pagaaral.Ngunit kahit mga mag-aaral ngayon ay hindi na marunong
magbigay ng importansya sa mga aral na natututunan nila sa kanikanilang mga guro.
May kasabihan nga tayo na "Ang kabataan ay hindi lang maging pag-asa
ng bayan kundi dapat maaasahan din ng bayan."Maaasahan nga ba tayo
?Sa panahon ngayon, mahirap nang sagutin ang tanong na
yan.Magpakatotoo lang po tayo, hindi ko ibig sirain o maliitin ang imahe
nating mga kabataan sa kasalukuyan.Sa katunayan, ibig ko lamang na
magising tayong lahat sa katotohanang nangyayari sa ating
kapaligiran.Alam kung sumasang-ayon kayong lahat sa kasabihang
"Ang tunay na studyante konting ulan lang, suspension of classes na
agad ang nasa isip."
Kung ganito tayo lahat mag-isip, para narin nating sinabi na hindi
mahalaga sa atin ang bawat sentimong pinaghirapan ng ating mga
magulang para lang tayo ay makapagtapos ng pag-aaral.Naisip ba natin
na sa bawat sentimong yun, dugo at pawis ang naging puhunan nila ?
Masuwerte pa nga tayo , dahil mayroon tayong mga magulang na
handang magsikap upang tayo ay mabigyan ng kinabukasan.
Karamihan pa atin ngayon ay tamad nang pumasok sa paaralan, tapos
may kasabihan pa tayong nalalaman na"Hindi ka naman tamad tulad ng
iniisip nila, masipag kalang talagang magpahinga." Paano natin
magagampanan ang papel nating mga kabataan sa bayan, kung puro
tayo kalokohan,Paano natin mapapaunlad ang ating kinabukasanKung
ang ipinapairal natin sa kasalukuyan ay katamaran.Isa lang naman po

ang ibig kung ipahiwatig sa gabing ito, yun ay "Magkaisa tayo sa


paglaganap ng kasipagan tungo sa mga susunod nating kabataan."
Yun lamang po at maraming salamat.

You might also like