You are on page 1of 7

Immaculate L. Fallaria G.

Christopher Pasion

ABM 11-5 Ika-9 ng Hunyo 2021

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba`t-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

A. Humanap ng isang sanaysay na nagtataglay ng kahit dalawang paraan ng pagbasa ng

Sanaysay mula kay Bien Lumbera. I-highlight ang bahagi ng sanaysay na nagpapatunay ng

halimbawa nito at lagyan ng label kung ito ba ay nasa May Boses ang sanaysay, May Tono ang

sanaysay, May Ugnay ang sanaysay at may Kurokuro ang sanaysay. Hindi na kailangang

ipaliwanag.

Legends:

May Boses ang sanaysay May Tono ang sanaysay May Ugnay ang sanaysay May Kurokuro ang

sanaysay

Una’t Huling Ngiti

Akda ni Charina Clarisse Echaluce sa aklat na Minsan Okay Lang Ma-traffic

(Naniniwala ako sa pag-ibig dahil sa iyong una’t huling ngiti, aniya.)

Sa paglipas ng mga oras ay paisa-isang malalanta ang mga rosas. Ang pag-ibig ba,

katulad ng tao, ay tumatanda rin at kumukupas?

Walang kahit anong ingay na maririnig sa puntod ni Lola Sol sa tuwing unang araw ng

Nobyembre – walang naglilinis, walang dumadalaw, ni walang mga pamisa para sa ikapapayapa

ng kanyang kaluluwa.
Ngunit, biglang nawawala ang katahimikang bumabalot sa kanyang libingan sa tuwing

sasapit na ang Bagong Taon, ang Araw ng mga Puso, ang Pista ni San Isidro, at, siyempre, ang

Pasko. Maidaragdag pa sa mga ito ang araw ng anibersaryo nila ng kanyang asawa; ilang saglit

na tigib ng pangungulila sa panahon ng tag-ulan, at mga ordinaryong araw na gustong gawing

espesyal ng isang nagmamahal.

Para kay Lolo Teban ay hindi pa rin pumapanaw si Lola Sol. Sa wari ng matandang lalaki

ay sabay pa rin nilang binabaybay ang daan ng buhay, nag-iba lamang ang kanilang tagpuan –

ang simula ng karera sa bawat araw.

Minsan ay tinabihan ko si Lolo Teban sa kubo niya na malapit lamang sa bahay ng aking

lolo at lola. Makikipagkuwentuhan sana ako, kagaya ng madalas namin gawin kapag

nagbabakasyon ako roon noong ako ay bata pa, pero ngumiti lamang siya. Mayroon daw siyang

pupuntahan, hindi raw niya ako maaaring paunlakan.

Magalang akong nagpaalam, ngunit sinundan ko siya. Hindi niya ako napansin dahil lahat

ng atensyon niya ay naroon sa larawang nasa kanyang mga kamay–larawan ni Lola Sol noong

siya ay nasa katanghalian pa ng kanyang buhay.

Natapos ang kanyang paglalakad, sa sementeryo huminto. Sariwang-sariwa pa ang mga

bulaklak sa tabi ng nakaukit na pangalan ng namayapa niyang musa, mukhang kahapon lamang

inilagay. Sinindihan niya ang kandilang dala-dala, na bagamat kulay puti at simple lamang ay

‘tila naiibang halimuyak ang ibinibigay.

Umupo siya sa tabi ng libingan at muling tinitigan ang bitbit na larawan. Marahang

pumatak ang mga luha.


Tama pa ba ang aking ginagawa? Aalis na sana ako nang bigla siyang nagsalita.

“Wala ka pa rin pinagbago sa paningin ko, Marisol. Kahit noong pumuti na ang kahuli-

hulihang mga hibla ng dati ay makintab at napakaitim mong buhok. Kahit noong wala ka nang

sigla at nakaupo na lamang sa sulok. Kahit noong oras-oras mong inirereklamo ang pagkakaiba

ng itsura mo sa litratong ito at ng repleksyong nasisilayan mo sa harap ng salamin. Kahit

ngayong malayo ka na sa akin. Paulit-ulit ma’y hindi ko pagsasawaang sabihin na sa araw-araw

ay nakikita kita sa paraan kung paano kita nasilayan noong tayo’y unang pinagtagpo ng tadhana.

Edad mo lang ang nagbago, tumanda lang tayo. Ngunit ang kapangyarihan ng pag-ibig, ang

mahikang naro’n sa unang pagtatama ng ating mga mata, ay ‘di kailanman nawala–kahit pa

noong tuluyan nang nabakas ang bilang ng taon sa ating mga mukha. Mahal na mahal kita,

Marisol. Mabuti na marahil na ikaw ang nauna, dahil hindi ako mapapalagay sa kapayapaan ng

kubling bahagi ng himpapawid at mamamatay lamang paulit-ulit kung mula sa paraiso ay

matatanaw kitang nag-iisa at lumuluha nang tahimik– katulad ko ngayong nabubuhay man ay

hinihintay na lamang ang tawag ng langit.”

Napagtanto ko na lamang ang aking lihim na pagtangis.

Panahon lamang ang makapagsasabi kung ang isang pag-ibig ay huwad o hanggang sa

wakas.

O, wagas na kahit umabot na sa katapusan ay hindi pa rin magwawakas.

Sa paglipas ng mga oras ay isa-isang malalanta ang mga rosas. Ang pag-ibig ba, tulad ng

tao, ay tumatanda rin at kumukupas? Para sa 87 taong gulang na si Lolo Teban, malalagas muna

ang kahuli-hulihang talulot ng kanyang hininga bago niya makalimutang ibigin ang maybahay na

may isang dekada nang sa panaginip na lamang niya nakakasama.


B. At lapatan ang konteksto nito na sumasagot sa mga tanong na nasa ibaba:

V. Talambuhay ng may-akda

Si Charina Clarisse Echaluce o mas kilala sa pangalang ‘Cha’ ay isang awtor ng best

seller at sikat na libro na ‘Minsan Okay Lang Ma-traffic’ at ‘Muli, Minsan Okay Lang Ma-

traffic.’ Siya rin ay isang Journalist, Creative Writer, Blogger at Senior Writer sa Website na

Definitely Filipino. Siya ay ipinanganak noong ika-26 ng Nobyembre 1993 sa Lungsod ng

Marikina. Isang Machine Operator sa isang shoe company ang kaniyang tatay at isang

maybahay ang kaniyang nanay. Madalas ikwento ng kaniyang nanay noon na pangarap niya rin

maging isang awtor at nakapag ambag din siya sa Readers Digest noong bata pa siya. Nagsimula

ang hilig ni Charina Echaluce sa pagsusulat noong anim na taong gulang pa lamang siya.

Binilhan siya noon ng kaniyang nanay ng isang box ng mga babasahing fairytales, naubos at

natapos agad niya itong basahin sa kaniyang summer break. Dahil wala na siyang mabasa

gumawa siya ng paraan upang magkaroon ng babasahin, tinitiklop niya ang mga pahina ng libro

at nilalagyan niya ito ng mga papel at saka siya magsusulat at guguhit.

Simula elementarya at hayskul ay naging manunulat siya sa kanilang school paper.

Sumali rin siya ng mga patimpalak sa pagsulat ng lathalain at feature writing. Noong nasa

ikaapat na baitang siya ay nagwagi siya ng ikaapat na puwesto sa pagsulat ng lathalain sa

Regional Secondary Press Conference (RSPC). Ngunit noong sabihin niya sa magulang niya na

gusto niya kumuha ng Journalism sa kolehiyo hindi niya akalain na nanay niya mismo ang

kokontra sa mga pangarap niya. Itinuloy niya pa rin ang pagsusulat at pinili pa rin ang maging

isang Journalist. Nasubukan na niya ang lahat, nagsulat siya sa Wattpad, Blogspot at Wordpress

ngunit wala talagang nagbabasa nito maliban sa mga kamag-anak niya. Napanghinaan siya ng
loob noon, naisip niya na baka hindi matutupad ang pangarap niya maging isang Author.

Nagpokus na lamang siya sa kaniyang pag-aaral at nakapagtrabaho sa isang malaking newspaper

company ngunit alam niya sa puso niya na may kulang pa rin. Hindi siya sumuko at nagpatuloy

pa ring magsulat hanggang sa isang araw ay nakatanggap siya ng tawag na babago sa kaniyang

buhay. Ilalatha ang lahat ng kaniyang mga piyesa, kahit wala siya gaanong mambabasa ay

nakitaan daw siya ng potensyal ng Post-editor ng Definitely Filipino dahil sumusulat siya galing

sa kaniyang puso. Ngayon ang kaniyang libro na ay isa sa best-selling book nationwide.

VI. Kailan naisulat?

Naisulat ito noong Ika-17 ng Hulyo 2018 sa kaniyang unang libro na Minsan Okay Lang

Ma-traffic. Ito ay isa lamang sa mga piyesa na nilalaman ng kaniyang libro na isang koleksyon

ng mga nakasisiglang kwento tungkol sa pag-ibig, sakit sa puso, pagkabigo at tagumpay. Ito ay

nakasulat sa Tagalog. Minsan Okay Lang Matraffic dahil marami kang mararanasan at matututo

sa iyong dadaanan. Patunay ang librong ito na kahit masuong ka sa trapiko ng buhay ay hindi ito

mananatili sa ganitong estado.

VII. Pagkakalathala (maaaring sa pamamagitan ng 1. publishing house o 2. self-publish, kung 1

ang sagot, magbigay ng kaunting pagpapakilala sa publishing house, kung 2 ipakilala ang mga

taong tumulong upang mailathala ang akda)

Nalathala ito sa pamamagitan ng isang Publishing House na nagngangalang Mindmaster

Publishing Inc. Ang Mindmaster Publishing Incorporated (MMPI) ay isang kompanya ng pag-

publish na itinatag noong Hunyo 2006. Ang kumpanya ay naglalathala ng mga crosswords at iba

pang mga uri ng mga puzzle, horoscope magazine, joke book, feng shui na mga libro, mga

kwentong multo, libro ng pagsusulit, tagasuri, mga libro ng bata, mga pocketbook, cookbook ,
mga magazine ng kanta at iba pang materyal sa pagbasa na nagbibigay ng kasiyahan at

impormasyon. Ang mga gawaing ito ay regular na lumalabas, sa buwanang, o taun-taon.

Sa kasalukuyan, ang kumpanya ay nasa lahat ng mga nangungunang mga bookstore,

supermarket at department store sa buong bansa bilang mga outlet nito. Ilan sa mga kilalang mga

establisimiyento na nagdadala ng kanilang mga produkto ay ang National Bookstore, Expression

Bookstores, Booksale, Visua Mix, Pandayan at Gaisano. Ang tanggapan ng negosyo ng

kumpanya ay nasa 116 Narra Street, Project 3, Quezon City, Philippines.

VIII. Isyung pinag-uusapan nang panahong maisulat ang akda

Ang isyung pinag-uusapan ay ang bigat ng pagkawala ng taong minamahal. Ang

kamatayan ay isang normal ngunit nakakatakot na parte ng buhay ng isang tao. Gayunpaman,

walang nakakaalam kung kailan ang eksaktong oras na iyon ngunit alam nating lahat na hindi ito

maiiwasan. Walang eksaktong haba ng oras kung gaano katagal dapat magdalamhati sa isang

taong pumanaw. Kasabay ng karanasan nito ang maitim na langit at kulay itim na mundo.

Mundong puno ng hinanakit at binabalot ng luha kung saan bawat kilos, desisyon at gawain ay

tila ba wala ng saysay dahil ang taong siyang pinaghihigutan mo ng lakas ay wala na. Babalik

balikan na lang ang mga alaalang magkasama at hahanap hanapin ang halik at tamis ng yakap.
Sanggunian

Echaluce, C. C., Vitug, J., Dichoso, J. M., & Entry, N. O. W. Y. (2020, June 25). Una't

Huling Ngiti. NOW. https://okay-nowwhat.com/2020/06/06/unat-huling-ngiti/.

Estonilo, M. J. (2021, January 31). Charina Echaluce's JOURNey, 'traffic' story featured

in TV documentary show. Sipified. https://sipified.com/charina-echaluce-journey-traffic-story-in-

documentary-show/.

Mindmaster Publishing Inc. , Calabarzon (+63 2 421 1353). (n.d.).

https://vymaps.com/PH/Mindmaster-Publishing-Inc-704622922908285/.

You might also like