You are on page 1of 6

Samstrong Nicholas B.

Loco

Uhaw ang Tigang na Lupa


Liwayway A. Arceo

I. Talambuhay ng Awtor
-Si Liwayway A. Arceo ay pangunahing mangangathang Tagalog at
Filipino na nakasulat ng 90 nobela, 2 libong mahigit na kuwento, 1 libong
mahigit na sanaysay, 36 tomo ng iskrip sa radyo, 7 aklat ng salin, 3 iskrip sa
telebisyon, at di-mabilang na kuntil-butil na lathalain sa halos lahat ng
pangunahing publikasyong Tagalog o Filipino.

Binago ni Arceo ang topograpiya ng panitikang Tagalog, at ng ngayon ay


tinatawag na panitikang popular, sa paglalathala ng mga akdang nagtatampok
ng halagahan [values], lunggati [vision], at kaisipang Filipino. Ginamit din
niyang lunsaran ang pamilya bilang talinghaga ng Filipinas; at sa
pamamagitan ng masinop ng paggamit ng wika ay itinaas sa karapat-dapat na
pedestal ang mga kathang Tagalog, sa kabila ng pamamayani ng Ingles bilang
opisyal na wika ng edukasyon at gobyerno.

II. Librong Pinagkunan


- Ang kwentong ito ay mula sa blog na ito:
https://deldoctrines.wordpress.com/2014/02/11/9-maikling-kwento-na-yaman-
ng-panitikang-filipino/?fbclid=IwAR33g9LUADXNUVqgkG0OpF8Vs7BDfTrXO
Sdhx7_yyA7S41D3Rxsbim_ifx4

III. Background ng Kwento


- Ang kwentong ito ay tungkol sa dalagitang nagkaroon ng mga magulang
na kailanman ay hindi kakikitaan ng paglalambing sa isa`t isa. Para bang
walang namamagitang pag-ibig ang pagsasama. Hanggang isang
araw,natuklasan nito na may mahal palang iba ang ama at matagal na nitong
nililihim sa pamilya . Ito ay nang mabasa ng dalagita ang talaarawan ng ama at
makita ang isang larawan ng isang babae.

IV. Elemento ng Maikling Kwento

A. Tauhan:
Ang dalagita o anak - Tauhang Lapad
Ay siyang nagbukas sa mga papaksain ng mga iba pang tauhan. Kung ating
mapapansin sa pamagat pa lang ng kwento ay may ideya n aka agad tayo
kung ano yung takbo ng kwento, ang pagkauhaw ng anak sa kanyang pamilya.
Hindi nito nararanasan ang saya ng isang tunay na pamilya dahil sa kalagayan
ng kanyang ama at ina. At sa pangunahing tauhan din unang umikot ang
kwento na siyang nagpakilala pa sa ibang tauhan.

Paliwanag: Ang ugali ng anak ay nanatili hangga’t sa nalaman niya ang lihim
ng kaniyang Ama.

Ang Ama - Tauhang Bilog


Siya ay naging pantulong na tauhan na kung saan kung susuriin o
babasahing mabuti siya ang dahilan bakit ang lungkot ng ina ay nadarama. Sa
pamamagitan din niya naipakita ng may akda ang mga problema sa kwento,
kung bakit dinadanas ng ibang tauhan ang mga bagay sa suliranin sa kwento.
Sa kanya din sinimulan ang suliranin dahil sa liham na ipinakita palang sa
bahagi ng tagpuan.

Paliwanag: Ang ama ay nagpapakita nag maling imahe sa kaniyang pamilya,


nagpapanggag siyang mahal niya ang pamilya niya, pero sa huli ang Ama
pala’y may ibang minamahal na babae.

Ang ina - Tauhang Lapad


Ay isa rin sa pantulong na tauhan na kung saan siya ang nagbigay ng
emosyon sa kwento sa una pa lamang na bahagi ng kwento ay ipinakita na
ang emosyong kalungkutang namamayani sa kanya. Mapapansin din na may
kaugnayan ang ama at maging ng kanayang anak ang pag-ikot ng kwento.

Paliwanag: Kahit ano paman ang mangyari sa kaniyang asawa ay hindi


niya ito iiwan dahil mahal niya ito, sa simula pa lamang ng kwento hanggang
sa huling hininga ng kaniyang asawa ay nandiyan siya sa tabi kahit na alam
niyang di’ siya mahal ng asawa niya pero di’ niya parin ito iniwan.

B. Tagpuan:

Silid- Aklatan
Patunay: Ilang araw ko nang hindi nadadalaw ang aklatan: ilang araw ko nang
hindi nasasalamin ang isang larawang mahal sa akin: bilugang mukha,
malapad na noo, hati-sa-kaliawang buhok, singkit na mga mata, hindi
katangusang ilong, mga labing duyan ng isang ngiting puspos-kasiyahan...Sa
kanya ang aking noo at mga mata. Ang aking hawas na mukha, ilong na
kawangki ng tuka ng isang loro, at maninipis na labi, ay kay Ina.

Paliwanag:
Aklatan ang maaring tagpuan ng kwento mapupuna ang mga bagay na
maaaring pinagmulan o mga bagay na tatalakayin sa kwento. Dito ay
matatagpuan ang talaarwan at liham ng ama na ginamit upang buksan ang
ang paksa kung saan matutukoy ang problema o suliranin sa kwento.
Dito din naganap ang mga bagay na di inaasahan, gaya ng mga bagay na
doon lamang nadiskubre ng ama,ina at ng anak na siyang bumasa dito. Kung
hihimaymayin ang parteng ito ng kwento makikita na hindi lamang ang liham
ang binanggit o ipinakita,nariyan din ang ang sobre, larawan, at ang pelus na
rosas. Maaaring mabanghay sa pagkakasunod sunod ang mga
mahahalagang detalye sa tagpuan. (Sobre⇨Liham⇨Pelus na Rosas⇨Larawan)
Sa pagkakasunod sunod na ito sa banghay ng tagpuan ipinapakita ang
pagkakaugnay ugnay ng bawat isa na siya ring nagbibigay ng magandang
daloy sa kwento nakung susuriing mabuti ay may ibang mas malalim na
kahulugan ang bawat isa na inilihim o di agad ipinakita ng may akda upang
magkaroon ng oras ang mambabasa na galugading maiigi ang loob ng kwento
sa pamamagitan palang ng tagpuan.

C.Banghay
 Panimula
IIang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos
akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng
kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga
niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi…

Paliwanag: Sinimulan ni Arceo ang maikling kwento sa pamamagitan


ng paglalantad ng pagpapakahulugan sa pamagat mismo. Sa simula
pa.lamang ay ipinaliwang na niya kaagad ang kahulugan ng Pamagat. Ang
Uhaw ang tigang na lupa ay binigyang kahulugan sa pamamagitan ng anak na
uhaw sa pagmamahal ng kanyang pamilya.
 Saglit na Kasiglahan

Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulat ng isang aman


nagsasalaysay tungkol sa kapre at nuno at tungkol sa magagandang ada at
prinsesa; ng isang nagmamasid at nakangiting ina.;ng isang pulutong na
nakikinig na magaganda at masasayang bata.
Paliwanag: Sa bahaging ito ang kawilihan ng kwento ay makikita sa
pangungulila ng anak sa pagmamahal ng kanyang mga magulang. Ang
kasiglahan ng kwento ay sa pamamagitan ng paglalarawan ng anak sa
pananabik niya na magkaroon ng masaya at magandang pamilya, maging ang
pagkakaroon ng kapatid ay binanggit din.

 Tunggalian
Tao laban sa tao
Tao laban sa sarili
Ang larawan sa kahitang pelus ay hindi yaong hawas na mukha, may
ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, maninipis na labi. Sa likod niyon ay
nasusulat sa maliliit at bilugang mga titik sa bughaw na tinta: sapagkat ako’y
hindi makalimot.. Ang larawan ay walang lagda ngunit nadama ko bigla ang
pagkapoot sa kanya at sa mga sandalingyaon ay natutuhan ko ang
maghinanakit kay Ama.
Bakit sa panahong ito lamang tayo pinaglapit ng pangyayari? Higit
marahil ang aking katiwasayan kung hindi ka dumating sa aking buhay,
bagamat hindi ko rin marahil matitiis na hindi maipagpalit ang aking kasiyahan
sa isang pusong nagmamahal. Totoong ang kalagayan ng tao sa buhay
malimit maging sagwil sa kanyang kaligayahan.

Paliwanag: Paano kaya mapanunumbalik ng anak ang kasiyahan ng


kanyang pamilya. Paano mapipigilan ng anak ang pagiging malungkot ng ina
at paano ang gagawin nito upang malaman ang totoong nasapit ng ama
bakit ganoon na lamang ang kanyang mga magulang. Suliranin ito ng ama
ngunit kailangan ang tulong ng anak dahil kung papansinin ang kalungkutan
ng ina ay nagmula sa ama na siyang tinatalakay ng anak sa kwento.

 Kasukdulan

Huwag kang palilinlang sa simbuyo ng iyong kalooban; ang unang tibok


ng puso ay hindi pag-ibig sa tuwina…Halos kasing gulang moa o nang
pagtaliin ang mga puso naming ng iyong Ina…Mura pang lubha ang
labingwalong taon…Huwag ikaw ang magbigay sa iyong sarili ng mga
kalungkutang magpapahirap sa iyo habang buhay…

Paliwanag: Sa isang liham nabuksan ang isang paksa o suliranin. Sa


pamamahlgitan ng liham mahihinuha sa kwento na may hadlang sa
kaligayahan ng ama at ng ina kung kayat ganun na lamang ang lungkot na
nakaukit sa mukha ng ina. Sa pamamagitan din ng isang larawan mas
naintindihan ng anak ang mga pangyayari na isinalaysay sa kwento.
"Huwag padala sa simbuyo ng iyong kalooban, ang unang tibok ng puso ay
hindi pag-ibig tuwina."
Kung papansinin ang linyang ito mahihinuha na ang dahilan ng kalungkutan
ng ina. Kung gagalugarin ang linya ay makikita ang tunay na dahilan ng
kalungkutan ng ina.

 Kakalasan
Kinatatakutan ko na ang malimit na pagkawala ng diwa ni Ama.
Si Ina ay patuloy sa kanyang hindi pagkibo sa akin, patuloy sa kanyang hindi
pag-idlip, patuloy sa kanyang pahluha kung walang makakita sa kanya...
Ang kanang kamay ni Ina ay idinantay sa noo ni Ama at ang pagtatanan ng
isang nais tumakas na damdamin sa kanyang dibdib ay tinimpi ng pagdadaop
ng kanyang ngipin sa labi.
Naupo siya sa gilid ng higaan ni Ama at ang kaliwang kamay nito ay kinulong
niya sa kanyang mga palad.

Paliwanag: Malapit ng maayos ang paghihirap ng Ama at unti-unti na ring


sinasabi ng Ama ang lahat ng gusto niyang manyari sa buhay niya. At dito rin
nalaman ni Ina ang mga tunay na nararamdaman ni Ama sa kanyang
pagmamahal at unti-unti na rin itong natatanggap ni Ina.

 Wakas
Nasa mga palad pa rin ni Ina ang kaliwang kamay ni Ama: Sabihin mo, mahal
ko, na maaangkin ko na ang kaligayahan ko.
Kinagat ni Ina nang mariin ang kanyang labi at nang siya’y mangusap ay hindi
ko naaming kay Ina ang tinig na yaon: Maaangkin mo na, mahal ko!
Ang init ng mga labi ni Ina ang kasabay ng kapayapaang nanahanan sa mga
labi ni Ama at nasa mga mata man niya ang ilaw ng pagkabigo sa
pagdurugtong sa isang buhay na wala nang luhang dumadaloy sa mga iyon:
natitiyak niya ang kasiyahang nadama ng kalilisang kaluluwa.

Paliwanag: Natanggap na ni Ina ang tunay na kapalaran niya ng pumanaw si


Ama at ang tanging gagawin niya na lamang ay tumanggap sa ano ang
nakalaan para sa iyo.

D. Simbolismo:

Liham – ang may akda ay gumamit ng liham upang di lantarang ipakita o


sabihin ang mga unang kaganapan sa kwento na kung babasahin ay makikita
o malalaman ng isang may malawak na pag-iisip na mambabasa.
Pelus na Rosas – o ang pag-ibig na dula ng tauhan sa kwento.
Larawan – sa pamamagitan ng larawan ang mga nakaraan sa kwento ay
maaaring malaman sa tulong na rin ng liham na kalakip nito.
Ama, ina, anak – sumisimbolo sa pamilya.
Uhaw ang tigang na lupa – sumisimbolo sa kakulangan ng pagmamahal sa
isang anak dahil sa suliranin ng pamilya.

E. Tema:

“Hindi makikita ang tunay na pagmamahal sa iyong bunga.”

“Huwag mong pilitin ang isang bagay kung hindi ito para sa iyo, hindi lang ikaw
ang masasaktan ngunit mas nasasaktan ang mga apektado.”

Ang tema ng Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo ay nagpapakita


ng isang realidad sa ating lipunan na kahit ang taong pamilyado na ay may
kakayahan pa rin magtaksil sa asawa sa isip at sa gawa. Ang iba`t ibang
pag-uugali ng tao ay makikita rin sa kuwento tulad ng sa ina kung saan
maraming maihahalintulad sa kanya sa ating lipunan ngayon na patuloy na
nagmamahal kahit sa paraan siya na ang masasaktan. Isa rin ang pag-ibig
sa maraming tema ng kuwento( na tema ng kuwentong ito) sa buong mundo
dahil ito ang `innate’ o likas sa atin.

You might also like