Professional Documents
Culture Documents
AUTHOR:
Si Liwayway Ablaza Arceo ay isa sa mga nangungunang kuwentista, mananaysay, tagasalin,
kiliala rin siyang manunulat ng iskrip para sa radyo at editor sa wikang Tagalog. Isinilang siyá sa
Tondo Maynila. Nagkaroon siya ng anim na anak sa asawang makatang si Manuel Principe
Bautista. Nang makapagtapos sa Torres High school, pumasok siya sa Balita at naging unang
babaeng kawani ng isang pahayagang Tagalog. Ayon sa isang kritikong nag-aral ukol sa panahon
ng dekada kwarenta, feminista na ang turing kay Liwayway Arceo. Ito ay bago pa man mauso
ang katagang feminista. Halos lahat ng kanyang mga gawa ay inilimbag sa pamantasan ng
Ateneo de Manila at Unibersidad ng Pilipinas. Sa kabila ng pagpanaw niya patuloy pa rin ang
paglilimbag sa kanyang mga akda. Ang kanyang mga isinulat ay ang nagsisilbing inspirasyon sa
kanyang mga mambabasa.
SUMMARY:
Napapansin ng dalaga ang ilang bagay sa kaniyang ina gaya ng hindi palakibo, laging malungkot
kung tumitig sa lahat ng bagay, hindi ipinapakita ang pag-iyak, at impit ng paghikbi, bibihira
lamang itong ngumiti at malimit lamang itong magalit. Ang batang puso ng anak ay
maihahalintulad sa lupang tigang ito ay uhaw na uhaw. Sa ama naman ay pinagmamasdan niya
lamang ito kung paano ito sumulat, nagmamakinilya, kung paanong ngumunot ang mga noo nito,
kung paano ito nagbubuga ng usok sa kanyang tabako, at inaalam kung paano itong magpatuloy
sa pagsusulat.
Ang dalaga ay naiiwang mag-isa lamang sa kanilang tahanan, sa tuwing parehong may
pinagkakaabalahan ang mga magulang nito, nakakaramdam ito ng pagkabagot at pagkalungkot
sapagkat walang makausap at walang makakuwentuhan, bilang lamang sa daliri ang mga araw na
sila'y nagkakasama at namamasyal. Ilang taon na ang nakaraan ng minsang may ibinalik na
talaarawan ang kanilang tagapaglaba sa dalaga nang maibigay niya ito sa ina, kinabukasan ay
bakas ang luha, lungkot, at lalong hindi pagkibo.
Nagdaan ang araw nakaramdam ng pananakit ng dibdib at ulo ang ama, katuwang niya ang ina sa
pag- alaga rito, tinawag ng ama ang dalaga upang ayusin ang hapag nito at linisin ang makinilya
ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon nakita niya ang isang larawan. Ito ay hindi larawan ng
kanyang ina, kahitang pelus na rosas at isang salansan ng mga liham. Sa likod ng sobreng iyon ay
nakaukit ang salitang "Sapagkat ako'y hindi makalimot..." at sa puntong iyon nagtanim ng sama
ng loob ang dalaga sa ama, lumulubha na ang kalagayan ng ama at malimit na mawalan ng malay
samantalang ang ina ay patuloy sa pagbabantay, walang imik, at patuloy na lumuluha kung walang
makakita sa kaniya.
Nagsalita ang may sakit na magaling na siya at ang moog na kinabibilangguan niya ay kaniyang
wawasakin sa anumang paraan, napaluha ang ina at pumutak ito sa bibig ng asawa, nagmulat ng
mata ang may sakit at nagkatitigan sila, hawak ng ina ang kamay ng asawa ng muli itong magsalita
at ang sabi ay "Sabihin mo, mahal ko na maangkin ko na ang kaligayahan ko", mariing kinagat ng
ina ang labi at sinabing maaangkin na iyon ng kaniyang mahal. Hinagkan ng ina ang asawa at
kasabay noon ay lumisan ang kaniyang kaluluwa. Wala nang mga luhang dumaloy sa mga mata
ng ina. Tiyak na liligaya ang kaluluwa ng lumisang asawa.
Group 1:
Mora, Melissa
Padro, Kaicy Lyn
Dizon, Robert