You are on page 1of 2

AIMAN AMEER PIA

12-STEM MARTIN

Panuto: Magsaliksik ng isang replektibong sanaysay sa online. Suriin ang sanaysay na nasaliksik
batay sa katangiang dapat taglayin ng isang mabuting sanaysay. 
 
Pamagat ng Replektibong Sanaysay na Nasaliksik: Pamilyang hindi perpekto
 
May-akda/Sanggunian: G. Mark Janperson B. Datumanong
 
Paksa: pamilya
 
Buod: sa kaniyang sanasay na may kaugnayan sa kaniyang pansariling pananaw at damdamin sa
isang partiKular na pangyayari sa kaniyang buhay ,kung saan kaniyang inilahad ang karanasan na
kailan man hindi mawawala sa kaniyang isipan at kalooban ang paghihiwalay ng kaniyang ama’t
ina.inilahad ng manunulat sa unang bahagi na hindi lahat nang mayroong magulang ay masaya
hindi din lahat ng buo ang pamilya ay masaya na kung saan inihalintulad ng manunulat ang pamilya
sa isang matayog na puno ugat na nagsisilbing sanhi at mga prutas at dahon na nagsisilbing bunga.
Ang mga karanasang ito ay bahagi na ng ating buhay. Ito ay nakaukit o nakatadhana na sa atin, na
maaring magsilbing isang aral o isang kaloob. Sa kaniyang pagtuntong sa taong labing siyam
nanatili siyang nag pakumbaba at dito inihalintulad ng may-akda ang buhay sa isang tulay ng lubid
na walang hinahangad kung hindi ang makarating sa dulo. Kumakawatawan sa balanse na tila
balakid o pagsubok na mas lalong nag pahirap sa kaniyang buhay.sa akda, inilarawan ng
manunulat ang kaniyang ama bilang isang makasariling magulang na walang ginawa kung hindi ang
magpakasasa sa kaniyang adiksyon na kung saan nagbigay sa kanila ng pasakit at matiniding
pahihirap na tanging namumutawi na lamang ang kanyang kasiyahan , napagtatnto ng manunulat
ang isang traumatikong karanasan sa kaniyang buhay noon sa tuwing mag tatabi matulog ang
kaniyang mga magulang ang kaniyang ama na nagdadala ng kutsilyo sa kaniyang unan nag nag
sisilbing panakot sa kaniyang ina. Inilahad din ng manunulat ang gustuhing ng kaniyang ina itago
ang kaniyang nararamdaman.sa karanasang itoo nagturo sa manunulat kung paano umunlad hindi
lamang sa kaniyang mga pangarap na nais matamo subalit nakaanib na din dito ang mga prinsipyo
at impresyon na hindi na maiaalis sa aking puso’t isipan. Lahat ng pagsubok ay may nakalaang
solusyon. Isipin natin na walang perpektong pamilya at kung naging masalimot o naging madilim
man ang buhay natin sa ngayon ay laging bukas ang ating pananaw na sa huli ay may nakalaang
liwanag para sa atin.
 
 
 
 
Pagsusuri sa kabuoan nito: 
 Ipinakita sa ginawang sanaysay ang pangalan ng may akda at ang paksang kaniyang tatalakayin at
ito ay ang “Pamilyang hindi perpekto” Ang kaniyang replektibong sanaysay ay mayroong panimula,
katawan, at conclusion. Makikita o mababasa sa panimula ang kahulugan ng pamilya . sa katawan
naman ay ang mga karanasan ng may akda at nagbigay rin ng senaryo ang may akda kung saan
maipapakita kalupitan ng kaniyang ama bilang rason ng pakasira ng kanilang pamilya , opinyon at
damdamin ng may akda tungkol sa kaniyang paksa. Sa aking pananaw, ang ginawang sanaysay ni
 G. Mark Janperson B. Datumanong ay isang magandang halimbawa ng replektibong sanaysay,
sapagkat makikita rito ang opinyon, damdamin, at reaksyon ng may akda na siyang kinakailangan
sa paggawa ng replektibong sanaysay.
 
 
 
 

You might also like