You are on page 1of 3

Gawain: Pagtukoy sa Katangian ng Isang Asignatura: Filipino sa Piling Lárang:

Sulating Akademika Akademik

Linggo 11

Pagsasanay/ Aktibidad

Pagsasanay 1

Pamagat ng Sanaysay Bakit ako naging Manunulat?


Ang replektibong sanaysay ba ay Oo, inilalarawan nito ang karanasan ng may-akda.
naglalarawan ng personal na
karanasan ng may akda?
Paano inilarawan ng may- akda Ito ay inilalarawan ng pagninilay ng manunulat sa pagpapakita ng
ang kanyang personal na relasyon sa pagitan ng manunulat at ng kanyang paksa.
karanasan?
Naging mapanuri ba at Oo, ginamit ng may-akda ang kanyang kakaibang karanasan upang
mapagmuni ang may akda sa maging mapanuri at mapanimdim sa pagsulat ng kanyang mga
pagbuo ng kanyang sanaysay? artikulo.
Patunayan.
Gumamit ba ang may-akda ng Oo, ginamit ng may-akda ang naglalarawang wika na lumulutang sa
deskriptibong wika? Magbigay ng kanyang artikulo, tulad ng “Sa bakanteng lote, sa tabi ng bahay nina
halimbawa. Luisa, na walang pintura at sinunog ng mahahabang tag-araw sa La
Loma, kami nagtitipon. Katapat iyon ng inuupahan naming kuwato
sa Halcon, at malapit sa bahay o kuwato ng bawat isa sa amin. Sa
harapan ng lote ay may basketbulan na madalas pagdausan ng liga
ng mga taga-Halcon,“ Maaaring ilarawan ng mambabasa ang
kanyang nakita.

Pagsasanay 2
“Halaga ng Magulang”
Naisip nyo ba na kung gaano kahalaga ng ating mga magulang sa ating buhay? Naisip nyo rin ba
kung paano mabuhay ng walang kinagisnan at kinalakihang magulang o maulila nang maaga sa kanila?
Maaaring sa buhay nating mga kabataan ngayon, mas nakararami na ang kabataang hindi na
gumagalang sa kanilang magulang o kaya’y wala ng pakialam. Hindi na nila naiisip na kung hindi dahil
sa kanila, wala ako, ikaw at tayong lahat dito sa mundong ito. Malaki ang paghihirap ng ating mga
magulang para sa atin. Ang ating “ina” na naghirap sa pagdadalang tao nila sa atin, hanggang sa
mailuwal nya tayo at lumaki. Ang ating “ama”, siya naman ang hirap na hirap sa pagtatrabaho para
magkaroon ng pera pambili ng gatas at mga gamot natin. Pero ngayon hindi natin naiisip ang hirap na
pinagdaanan nila para sa atin, kung paano tayo palalakihin ng may magandang kinabukasan.
“No'ng isilang ka sa mundong ito, laking tuwa ng magulang mo at ang kamay nila ang 'yong ilaw”,
pinapakita ng pahayag na ito kung gaano tayo kamahal at kahalaga sa ating mga magulang. Handa silang
isakripisyo ang kanilang mga sarili para sa kaligtasan natin. Bilang isang anak, nararapat lamang na
gampanan natin ang ating mga tungkulin sa ating mga magulang. Nararapat na suklian natin ng
pagmamahal at paggalang ang lahat ng paghihirap at pagsasakripisyo nila dahil lahat ng ginagawa nila ay
para sa atin. Ipagmamalaki natin sila dahil sila ang nagpapataguyod ng ating pag-aaral, pagkain sa araw-
araw, at ang walang hangganang pagmamahal na binibigay nila sa atin. Ang mga magulang ang siyang
sumusuporta sa atin ano man ang maging desisyon nating sa mga bagay-bagay at iba’t ibang aspeto ng
buhay. Sila rin ang gumagabay sa atin, parating nariyan matiyak lamang ang ating kaayusan. Ang ating
mga magulang ang gumagawa ng paraan makapagtapos lamang tayo ng pag-aaral. Kahit anong hirap,
titiisin nila para lamang sa atin. Sila rin yung unang taong parati nating karamay sa mga oras na mayroon
tayong problema na hindi nating magawang solusyonan ng tayo lang. Ang ating mga magulang ang
siyang lahat-lahat sa atin. Kung kaya’t mapalad yung mga nabiyayaan ng kumpleto at masayang pamilya.
Isang buong pamilya na magkakasama sa hirap at ginhawa, lungkot at kasiyahan.
Kaya ngayon, habang kapiling pa natin ang ating mga magulang, ipadama natin sa kanila ang ating
pagmamahal. Iparamdam rin natin kung gaano sila kahalaga sa ating buhay, at magpasalamat tayo sa
lahat ng ginawang pagsisikap nila para mapaganda ang ating buhay. Humingi rin tayo ng tawad sa mga
kasalanan na ating nagawa. Suklian natin ng sobrang pagmamahal at paglingkuran natin sila habang
kapiling pa natin sila.

Pamagat ng Sanaysay Halaga ng Magulang


Ang replektibong sanaysay mo Oo, ang replektibong sanaysay na aking sinulat ay naglalarawan ng akin
ba ay naglalarawan ng iyong personal na karanasan kung saan ako’y nagpapasalamat na ako ay
personal na karanasan? pinalaki ng may mabubuting magulang.
Paano mo inilarawan ang iyong Inilalarawan ko ang aking sulatin sa pamamagitan ng pag-unawa ng
sulatin? mensahe ng awitin. Kung ano ang inilalahad ng manunulat sa kanyang
tagapakinig at ang koneksyon nito sa kanyang paksa.
Naging mapanuri ka ba at Oo, naging mapanuri ako sa pagbuo ng aking sanaysay. Inaalala ko ang
mapagmuni sa pagbuo ng mga magagandang ginawa ng aking mga magulang sa aming
kanyang sanaysay? Patunayan. magkakapatid at isinasaisip ko ang mga mahahalagang aral na tinuro nila
sa amin.
Gumamit ka ba ng Oo, gumamit ako ng deskriptibong wika sa pagbuo ko ng aking
deskriptibong wika sa pagbuo sanaysay, tulad ng ”Malaki ang paghihirap ng ating mga magulang
ng kanyang sanaysay? para sa atin. Ang ating “ina” na naghirap sa pagdadalang tao nila sa
Magbigay ng halimbawa. atin, hanggang sa mailuwal nya tayo at lumaki. Ang ating “ama”,
siya naman ang hirap na hirap sa pagtatrabaho para magkaroon ng
pera pambili ng gatas at mga gamot natin. Pero ngayon hindi natin
naiisip ang hirap na pinagdaanan nila para sa atin, kung paano tayo
palalakihin ng may magandang kinabukasan,” Kung saan ito
nailalarawan koi to sa pamamagitan ng aking damdamin.

Mga Batayang Tanong:


1. Ano ang replektibong sanaysay?
- Ang replektibong papel o mapagmuning sanaysay ay isang sanaysay sa pagbubulay-bulay. Sa
pamamagitan nito, natutuklasan ang sariling pag-iisip, damdamin, o opinyon tungkol sa isang paksa,
pangyayari, o tao, at kung paano naapektuhan ng mga ito.
2. Ano ang kahalagahan ng sanaysay?
- Ang pagsulat ng replektibong sanaysay ay proseso ng pagtuklas. Sa pamamagitan din nito,
natutukoy natin ang ating mga kalakasan at kahinaan, at nakaiisip tayo ng mga solusyon sa
mga problemang kinahaharap natin. Hinahasa rin ng pagsulat ng replektibong sanaysay ang
karanasan sa metacognition o ang kakayahang suriin at unawain ang sariling pag-iisip.
3. Ano ang katangian ng isang replektibong sanaysay?
- Ang replektibong sanaysay ay personal. Sa sulating ito, sinasagot ng manunulat ang mga
replektibong tanong na naglalayong ipakita ang ugnayan ng manunulat sa kaniyang paksa.
- Ang pagsulat ng replektibong sanaysay ay hindi lamang limitado sa paglalarawan ng kuwento.
Nangangailangan din ito ng mas mataas na kasaysayan ng pag-iisip, gaya ng mapanuring
kamalayan at mapagmuning diwa.
- Sa pagsulat ng akademikong replektibong papel, mahalagang gumamit ng deskriptibong wika.
Sa pamamagitan nito, maipababatid sa mga mambabasa na nauunawaan at lubos na pinag-
iisipan ang paksa.
4. Bakit maiuuri ang replektibong sanaysay bilang isang personal na sanaysay?
- Dahil ito ay naglalaman ng sariling pag unawa, kaisipan, suhestiyon, at repleksyon tungkol sa
isang bagay, pangyayari, o sa mga kwento o artikulo na nabasa at napanood.
5. Bilang mag-aaral sa senior highschool, paano nakatutulong ang replektibong sanaysay sa
pagpapaunlad ng iyong kaalaman at kasanayan?
- Bilang isang mag-aaral sa senior highschool makakatulong ang replektibong sanaysay sa
pagpapaunlad ng aking kaalaman at kasanayan dahil dito masusukat kung gaano ako
nakakaintindi at kung ano ang aking mga natutunan sa mga paksang tinatalakay. Mapupuna rin
nito ang aking nalalaman sa aking paligid sapagkat ang mga paksa sa mga aralin ang siyang
nakakapagpalawak ng aking isipan at nagpapabago nito ang pananaw ko bilang isang
indibidwal na nakatutulong sa aking mga hangarin sa hinaharap.
Repleksiyon
Natutunan ko na ang tungkol sa replektibong papel o mapagmuning sanaysay, ang kanyang katangian
at kahalagahan. Kung paano ito nakaktulong sa pagpahayag ng aking damdamin sa pamamaraan ng pagsusulat
at kung paano ito nakakaimpluwensiya sa aking kaalaman at isipan sa pagtuklas ng iba’t ibang bagay mula sa
mga paksa na aking nababasa.
Gusto ko pang matuto sa bahaging araling ito dahil nagagawa kong magsaliksik o galugarin tungkol sa
mga paksang bago o hindi pa pamilyar sakin. Marami rin akong natatanggap na mga karunungan mula sa mga
kwento at sanaysay ng iba.

You might also like