You are on page 1of 27

GROUP 3

PRESENTATI
ON
MADE BY: MARC : )
TABLE OF CONTENTS
MAG MAKIKIN
01 REREPOT
Mag rereport po sila tas ako 02 IG
Para may maintindihan
chlling lang kayo

MAG TATALIN
03 BABASA
Ung kwento tas etc.
04 O
Para perfect tayo sa
periodical
Today’s
Topic
Don't
f orget

...

Diskursong Pasalaysay
01
Ikatlong Markahan
Diskursong Pasalaysay
Ikatlong ● Isa sa mga katangian ng mga Pilipino ay ang
pagiging masayahin, kaya naman ang ating paksa ay

Markahan
napapanahon upang pagaanin ang ating kalooban sa
panahong ito ng mga pagsubok.Use this place to put
your notes
● Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang
pag-unawa sa anekdota at makapagbibigay ka ng
sariling pananaw tungkol sa anekdotang iyong

Diskursong nabasa o napanood sa youtube. Gayondin,


masusubok ang iyong husay sa paggawa ng komiks
Pasalaysay istrip batay sa isang anekdota.
DALAWANG KWENTO

Akasya o
SA BUS STOP
Kalabasa
NI: Alona A. Tecson Ni: Consolation P. Conde
02
SA BUS
STOP
Ikaanim ng umaga habang ako ay papunta sa paaralan, sumakay ako
sa bus. Matagal ang aking biyahe dahil malayo ang bahay ko sa
aming paaralan at kasagsagan din ng trapik sa mga oras na iyon.
Humanap ako ng bakanteng upuan, komportableng naupo at nagbasa
ng libro habang nasa biyahe. Punuan ang bus sa ganoong oras. Sa
paghinto nito sa pangalawang bus stop ay may isang matandang
babaeng sumakay kahit puno na. Ako ay naawa sa matanda kaya
ibinigay ko ang aking upuan sa kaniya. Pero kahit ako ay nakatayo,
itinuloy ko pa rin ang pagbabasa ng libro. Maya-maya pa ay biglang
may kumalabit sa aking kamay na may hawak na libro at aking
nakita ang matandang nakangiti habang iniaabot ang isang pirasong
mani, kinuha ko iyon at nagpasalamat sa kaniya. Ibinaling kong muli
ang aking atensyon sa librong aking hawak-hawak at ako’y
nagpatuloy sa aking pagbabasa. Sa pangalawang pagkakataon ay
kinalabit na naman ako ng matanda para iabot ang isang kapirasong
mani, at muli ko itong tinanggap at nagpasalamat. Naisip ko,
masarap din palang ngumuya ng mani habang nagbabasa ng libro sa
loob ng bus. Paulit-ulit ang paisa-isang abot ng mani sa akin ng
matanda. Ang nakapagtataka lamang ay wala naman akong
nakikitang supot ng mani na hawak niya, pero isinantabi ko na
lamang ang isiping ito at patuloy na nagbasa.
Siguro ay nasa isang dosenang mani na ang nakakain
ko nang umabot na sa bababaan ng matanda ang bus.
Itinigil ko ang aking pagbabasa at nakita kong bago
tumayo ang matanda ay dumukot siya sa kaniyang…
pero sa kaniyang pagkapa ay hindi na mani ang
dinukot niya. Iniabot niya sa akin ang isang pakete ng
chocolate coated peanuts na walang laman. “Iho,
pakitapon naman ito sa basurahan at ubos na. Salamat
at ‘di nasayang ang mani. Wala akong pustiso ngayon
kaya ang tsokolate lang ang kinakain ko”, wika ng
matanda, sabay tayo at naglakad pababa ng bus.
FUN
QUOTES!
“ANG PAGIGING SOBRANG
POGI AY MAHIRAP.”

—PRESIDENT NIYO
get
Don't for
Akasya o
Kalabasa

Consolation P. Conde
Karagdagang Kaalaman
DISKORS
AL
Ang diskorsal ay ang sangkap na
nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita
PAGSASALAYSA
Y
na palawakin ang kaniyang mensahe
upang mabigyan ng wastong Ang pagsasalaysay naman ay isang diskursong
interpretasyon ang salita, mas naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay.
maunawaan ang salita, at maipahayag Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling
ang mas malalim na kahulugan nito. pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing
itong pinakamasining, pinakatanyag, at tampok na
paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing
pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat
dito nagsimula ang alamat at epiko, at mga
kuwentong-bayan ng mga ninunong Pilipino
maging sa ibang bansa man.
PAALALA!
Ang pagpili ng paksa ang unang mahalagang
hakbang sa pagsulat ng pagsasalaysay.
Kailangang ito ay maganda at kawili-wili.
Bukod dito, mahalaga ring napapanahon ito
at may dalang lugod at kabutihan sa mga
mambabasa.
03
Mga Dapat Isaalang-
alang sa Pagpili ng
Paksa
Mga Dapat Isaalang-alang sa
Pagpili ng Paksa
1. Kawilihan ng Paksa – Dapat na ito ay likas na napapanahon, may
mayamang damdaming pantao, may kapana-panabik na kasukdulan,
naiibang tunggalian, at may malinaw at maayos na paglalarawan sa
mga tauhan at tagpuan.
2. Sapat na Kagamitan – Mga datos na pagkukunan ng mga pangyayari.
3. Kakayahang Pansarili – Ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa
kahusayan, hilig, at layunin ng manunulat.
4. Tiyak na Panahon o Pook – Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay ay
nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at
pook na pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na
paghaba sa panahong sakop ng salaysay at pagbanggit ng
napakaraming pook na pinangyarihan ng salaysay.
5. Kilalanin ang Mambabasa – Sumusulat ang tao hindi para lamang sa
kaniyang pansariling kasiyahan at kapakinabangan, kundi para sa
kaniyang mambabasa.
Mga Mapagkukunan ng Paksa
1. Sariling karanasan – pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng
pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring
naranasan ng mismong nagsasalaysay.
2. Narinig o napakinggan sa iba – maaaring usapan ng mga tao tungkol sa
isang pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telebisyon, at iba pa.
Subalit, tandaang hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat
paniwalaan. Mahalagang tiyakin muna ang katotohanan bago isulat.
3. Napanood – mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro, at iba
pa.
4. Likhang-isip – mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyong
makalilikha ng isang salaysay.
5. Panaginip o Pangarap – ang mga panaginip o hangarin ng tao ay maaari
ding maging batayan ng pagbuo ng salaysay.
6. Nabasa – mula sa anomang tekstong nabasa, kailangang ganap na
nauunawaan ang mga pangyayari.
Katangiang dapat Taglayin ng
Pagsasalaysay
1. Ang pamagat ay maikli, orihinal, kapana-panabik
at napapanahon.
2. Mahalaga ang paksa o diwa.
3. Maayos at ‘di-maligoy ang pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari.
4. May kaakit-akit na simula.
5. Kasiya-siyang wakas.
Mga
1. Simula
Bahagi ng Pagsasalaysay
2. Tunggalian
a. Tauhan laban sa ibang tauhan sa kuwento
b. Tauhan laban sa sarili
c. Tauhan laban sa kapaligiran o kalikasan
3. Kasukdulan – ito ang kapana-panabik na bahagi ng isang
kuwento.
4. Kakalasan – ito ang nagbibigay-linaw sa mga tanong na
nagpanabik sa
mga mambabasa sa bahaging kasukdulan.
5. Wakas – kahihinatnan ng mga tunggalian sa kuwento. Dito
rin
Karagdagang Kaalaman

OPINYON
pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring
totoo pero maaaring pasubalian ng iba. Ito ay
batay sa paniniwala o kaalaman ng isang tao
KOMIKS
Ang komiks ay isang grapikong midyum na
tungkol sa isang ideya, isyu, paksa o kuwento na binubuo ng diyalogo, mga salita at larawan na
kaniyang nasuri. Ang pagbibigay ng opinyon ay siyang nagsasalaysay sa diwa ng kuwento. Sa
hindi nangangahulugang pagpapahayag ng isang Pilipinas, sinasabing si Dr. Jose Rizal ang kauna-
tamang solusyon o sagot sa isang bagay. Ito ay unahang Pilipinong sumulat ng komiks na
maaaring magkakatulad at maaari ring pinamagatan niyang, “Pagong at Matsing.”
magkakasalungat depende sa pagkakaunawa,
paniniwala o kaalaman hinggil sa isang isyu,
paksa o kuwento.
Mga
Bahagi ng
● 1. Kuwadro – naglalaman ng isang tagpo sa
kuwento (frame)
● 2. Kahon ng salaysay – pinagsusulatan ng maikling

Komiks
salaysay
● 3. Pamagat ng kuwento
● 4. Larawang guhit ng mga tauhan sa kuwento
● 5. Lobo ng usapan – pinagsusulatan ng usapan ng
mga tauhan; may
● iba’t ibang anyo ito batay sa inilalarawan ng
dibuhista.
HALIMBA
WA NG
KOMIKS
Anyo ng Lobo
ng Usapan
Mga Dapat Isaalang-
alang sa Pagbuo ng
Komik Istrip
● 1. Alamin ang sariling hilig o istilo.
● 2. Tukuyin ang pangunahing tauhan.
● 3. Tukuyin ang balangkas ng kuwento.
● 4. Ipokus ang atensyon sa diyalogo at daloy ng kuwento.
● 5. Ayusin at pagandahin ang gawa.
THANKYOU FOR LISTENING

You might also like