You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY


NISU Concepcion Campus, D. B. Oñate Street, Poblacion, Concepcion, Iloilo
Website: www.nipsc.edu.ph
E-mail Address: nisuconcepcion@nipsc.edu.ph
Reg. No.
Official Facebook Account: NIPSC Concepcion Campus

Aralin 2
Ang Maikling Kuwento Bilang Isang Anyo o Genre
Pagkatapos ng aralin, inaasahang ang mag-aaral ay:
1. Natutukoy ang pinagmulan, mga katangian, at kabuluhan ng maikling kuwento bilang isang partikular
na pampanitikang anyo o genre:
2. Natutukoy ang anim na pangunahing sangkap ng maikling kuwento kahit sa panimulang antas pa
lamang
3. Nakapagbabahagi sa klase ng mga nabasang kuwento sa pamamagitan ng pagkukuwento;
4. nakasusulat ng ilang maiikling pagsasanay bilang panimulang paghahanda sa pagsulat ng proyektong
maikling kuwento; at
5. Natutukoy ang ilang konsern at isyung pang-indibidwal, pampamilya, pampaaralan, Pangkomunidad, o
panlipunan na maaaring maging mga opsiyon para sa paksa ng proyektong maikling kuwento.

Ang Kuwenta at Kuwento ng Kuwento

Sa anumang panahon ay may kuwenta (kabuluhan, kahalagahan) ang kuwento. Sa sinaunang anyo at
gamit nito, ang kuwento ay isang maikli at payak na pagbabahagi ng isang naranasan, nadama, o naisip.
Maaaring ang ibinabahagi ng nagsasalaysay ay tungkol sa kaniya lamang, maaari ding kaugnay ito ng ibang tao,
hayop, o bagay sa kaniyang paligid. Maaaring hindi rin naman ito tungkol sa kaniya, bagkus ay siya lamang ang
nagsasalaysay o nagkukuwento ng karanasan ng iba.

Laging may mabibingwit na tagapakinig ang isang nagsasalaysay o nagkukuwento. May hatid na iba’t
ibang kapakinabangan ang pakikinig:
1. Paliwanag. Sa pamamagitan ng pakikinig nakakukuha ang tagapakinig ng Sagot o paliwanag kung saan
nagmula ang gayo’t ganito (hal.. kuwentong-Bayan tulad ng mga mito at alamat).”
2. Aral. Nakapupulot ang tagapakinig ng aral sa kuwentong napakikinggan (hal., parabola at pabula).
3. Pampalipas-oras/Paglilibang. May iba’t iba at magkakasalungat na damdaming napupukaw habang
nakikinig sa isang kuwento: ligaya at lungkot, pagmamahal at pagkasuklam, tagumpay at pagkabigo, at
iba pa, mula sa iba’t ibang kuwento ng pag-ibig, katatawanan, katatakutan, pakikipagsapalaran, at iba
pa..

Mula sa panahong nagkukuwento sa pamamagitan ng bibig (kaya may mga tagapakinig) ay tutungo na
sa panahong nagkukuwento sa paraan nang pasulat (kaya may mga mambabasa).

Ang Pagsilang ng Maikling Kuwento sa Pilipinas

Ang partikular na porma o anyo (genre) ng maikling kuwento na nakasulat at hindi lamang isinasalin
gamit ang bibig at pinakikinggan lamang ay unang nakilala ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mga diyaryo.
Ayon kay Virgilio Almario (Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan), ang maikling kuwento sa
Pilipinas ay may tatlong pinagmulang impluwensiya: Espanya, Latin Amerika, at Estados Unidos.
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D. B. Oñate Street, Poblacion, Concepcion, Iloilo
Website: www.nipsc.edu.ph
E-mail Address: nisuconcepcion@nipsc.edu.ph
Reg. No.
Official Facebook Account: NIPSC Concepcion Campus

Naging modelo o huwaran ng mga naunang Pilipinong manunulat ang mga akdang nasusulat sa
Espanyol. Nang dahil naman sa kolonisasyong Amerikano, naging kasunod na modelo o huwaran naman ang
mga akdang orihinal na nakasulat sa Ingles mula sa Estados Unidos at sa Inglatera, o kaya ay isinalin sa Ingles
mula sa ibang wika sa Europa.
Marami ang nagsasabing ang dagli ang ninuno ng maikling kuwento. Ayon kay Almario, ang dagli ay
isang maikling akda o kathang nagsisilbing pamasak-butas na kadalasan ay tungkol sa pag-ibig at/o
pangangaral.
Si Deogracias A. Rosario ang itinuturing na Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog. Marami siyang sinulat
na dagli sa peryodiko. Ang kaniyang mga dagli ay patungo sa pagiging maikling kuwento, ayon sa kritikong si
Dr. Nicanor Tiongson, dahil sa sumusunod na katangian: “tauhan, banghay, at maikling kathang may sariling
buhay.” Isa sa lalong popular na maikling kuwentong sinulat ni Rosario ay ang “Greta Garbo (1930). Nailathala
ang kaniyang mga maikling kuwento sa magasing Photonews na kalaunan ay nakilala bilang Liwayway.

Ang mga Sangkap o Elemento ng Maikling Kuwento

Ang mga sangkap o elemento ng maikling kuwento ay katulad din ng mga sangkap ng mahabang
maikling kuwento (nasa ganitong kategorya ang mga kuwento ni Ricardo A. Lee tulad ng “Servando
Magdamag,” “Kabilang sa mga Nawawala,” at iba pa), maikling nobela (novelette), at nobela.
Mailalarawan ang maikling kuwento bilang isang akda na kayang tapusin sa isang upuan lamang. Ito ay
maikli, binubuo ng kaunting mga tauhan, at may isang kakintalan (single impression). Ang mga magasin o
pahayagang naglalathala ng mga maikling kuwento ay isang malaking salik din sa haba o igsi ng maikling
kuwento (kung gustong malathala, kailangang angkop ang haba ng maikling kuwento sa bilang ng pahina na
kayang ibigay ng magasin). Hindi isyu ang haba ng maikling kuwento kung ito ay kasama sa isang antolohiya,
sariling libro man ito ng awtor o hindi.
Samantala, ang novelette at nobela ay karaniwang hinahati sa mga kabanata. Ang pagkakasunod-sunod
ng mga kabanata ay hindi lamang para sa naratibong disenyo (narrative design), ito rin ay upang alalayan ang
mambabasa sa mahabang tekstong kaniyang kailangang tapusin.

6 na pangunahing sangkap o elemento ng modernong maikling kwento:

1. Tauhan (Character) Tumutukoy ito sa mga pangunahing tagapagganap sa kuwento nalad ng bida at
kontrabida.

2. Pananaw o Punto de Bista (Point of View) Ang kamalayan kung saan nagdaraan ang agos ng
kuwento. Maaaring ito ay direktang kamalayan ng manunulat o sinumang tauhan sa kuwento,

3. Banghay (Plo-Ang mga pangunahing nangyari sa simula, gitna, wakas ng pangunahing tauhan na
kailangang pagpasiyahan at aksiyunan.

4. Tunggalian (Conflict Ang malalaking problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan na kailangang


pagpasiyahan at aksiyunan.
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D. B. Oñate Street, Poblacion, Concepcion, Iloilo
Website: www.nipsc.edu.ph
E-mail Address: nisuconcepcion@nipsc.edu.ph
Reg. No.
Official Facebook Account: NIPSC Concepcion Campus

5. Tagpuan at Kaligiran (Setting and Atmosphere)- Ipinakikita kung saan at kailan nagaganap ang
kuwento, at kung ano ang namamaibabaw na katangian ng kuwento (hal, madilim o puno ng pag-
asa, nakatatakot, at iba pa).

6. Tema (Theme): Ang pangkalahatang punto, pahayag, diin, ideya, o pananaw daigdig (world view) ng
kuwento.

Pinayayaman ng mga maikling kuwento ang isip, puso, at diwa ng mambabasa, hindi lamang para sa kaniyang
sarili kundi maging sa mga mahal sa buhay at kapuwa. Kung gayon, kapaki-pakinabang ang maging
mambabasa at/o manunulat ng mga maikling kuwento.
May mga obserbasyon at naiisip tayo kaugnay ng mga nakikita natin sa araw-araw o mga pangyayaring likha
ng imahinasyon na sa tingin natin ay dapat maibahagi at maiparating sa iba, lalo pa nga ba kung sa ikabubuti
ng kapuwa at lipunan. Lagi’t laging. Tandaan na nariyan ang maikling kuwento kung nais nating isalaysay ang
mga obserbasyon o imahinsayong ito sa paraang mas dramatiko, epektibo, at may pangmatagalang ugnay at
kapit sa mambabasa.

Aralin 3
Ang Tauhan

Pagkatapos ng aralin, inaasahang ang mag-aaral ay:


1. Natutukoy ang at gamit ng tauhan bilang sangkap ng anyong maik Halim kuwento:
2. Nakalilikha ng mga tauhan sa pamamagitan ng paglalarawan, diyalogo/monol at aksiyon; at
3. Nakapaglilista ng mga posibleng protagonista at antagonista para sa proyekt maikling kuwento.

Iba’t iba ang maaaring pagmulan ng ideya/materyal para sa isang maikling kuwento Maaaring batay ito
sa mga totoong tao, pangyayari, o anuman sa kapaligiran ng manunulat. Maaari ding batay ito sa balita sa
diyaryo, TV, a radyo, o di kaya’y kuwento o tsismis mula sa iba. Maaari din namang batay ito sa pantastikong
lipad ng imahinasyon.
Sa katunayan, lahat ay puwedeng maging isang tauhan sa mga naratibong akda. Halimbawa, hayop ang
mga tauhan sa pabula. Sa cartoon, ang kotse ay puwedeng maging tauhan. Ang bantog at mahusay na
cartoonist at illustrator na si Larry Alcala ay may mga tauhang tulad ng lumang parol o sapatos. Kadalasan ay
naghihimutok at nagtatampo ang mga tauhang ito dahil kung dati ay mahal sila ng mga dating nagmamay- ari
sa kanila, ngayon ay itinapon na lamang sila sa basurahan. May masayang wakas ang mga ganitong istorya ni
Alcala dahil karaniwan itong nagpapakita ng isang mahirap na tauhan/pamilya na aampunin ang lumang bagay

Puwede ring gawing tauhan ang isang lugar. Halimbawa ay isang haunted house na may mukha at
nagsasalita. Depende na sa susulat kung sino o ano nga ba mga tauhan. Ngunit sa karaniwan, tao ang mga
tauhan sa isang maikling kuwento.

Ang Tauhan (Character)

Ang mga tauhan ay ang mga tao o persona na nagpapagalaw sa kuwento. Tulad ng nabanggit na, ang
tauhan ay karaniwang tao, at maaari din namang hayop, halaman, bagay kung ang anyo ay pabula o cartoon.
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D. B. Oñate Street, Poblacion, Concepcion, Iloilo
Website: www.nipsc.edu.ph
E-mail Address: nisuconcepcion@nipsc.edu.ph
Reg. No.
Official Facebook Account: NIPSC Concepcion Campus

Protagonista/Bida vs. Antagonista/Kontrabida

Dahil maikli lamang ang isang maikling kuwento, dapat na kaunti lamang ang mga tauhan. Sa
karaniwan, dalawa lamang ang mga pangunahing tauhan ang protagonista at ang antagonista.
Ang protagonista/bida ang pangunahing tauhan na siyang dahilan kung bakit may maikling kuwento. Sa
kaniya nakapokus ang mas maraming bahagi ng akda. Ang mangyayari sa kaniya at ang kahihinatnan niya ang
mahigpit na sinusubaybayan at binabantayan ng mambabasa. Mabibigo o magtatagumpay ba siya? Buhay o
patay ba siya sa wakas? Bilang tagapagdala ng tema ng akda, ano ang pahayag/paninindigan ng wakas
kaugnay ng protagonista/bida at ng temal
Hindi aandar ang kuwento o masasabik ang mambabasa na sundan ang mangyayari sa
protagonist/bida kung wala siyang haharapin at kakalabaning antagonista/kontrabida,
Ang antagonista ay hindi palaging isang tao o mga tao. Ito ay maaari ding ang mga sumusunod:
puwersa ng kalikasan (hal., nasa gitna ng dagat ang bangka ng protagonista at may matinding unos), hayop
(hal., torero na katunggali ang mabangis na toro); halimaw tikbalang at multe, puwede ring abg kaniyang sarili
mismo (paranoid ang tauhan); o ang mismong Diyos (isang tauhan na nawalan ng pananampalataya dahil sa
mga kabiguan sa buhay).
Ang antagonista ang kalaban ng protagonista. Tungkulin niyang guluhin ang buhay ng protagonista sa
maliit o malaking paraan. Kailangang maitulak niya ang protagonista sa isang dead end-literal man (hal,
ihuhulog niya sa bangin ang bida) a metaporika (hal., ginigipit niya sa buhay ang bida)-upang ang protagonista
ay gumawa ng sariling pagpapasiya at aksiyon.
Sa karaniwan, kapag positibo ang mga katangian ng protagonista, bayani (herp ang tawag sa kaniya.
Mas maraming akda ang may protagonista na bayani. Sa kabilang banda, hindi man madalas, may mga akdang
ang protagonista ay negatibo (hal. Magnanakaw, adik, kriminal). Sa mga pelikula halimbawa, ginagamit ang
istoryan buhay ng mga totoong kriminal na nabilanggo at pinalaya na, o nakabilanggo pa nalapatan na ng
parusang kamatayan. Sa katunayan, kaya sumikat at kumita ang ibang mga lalaking artista ay dahil sa ganitong
negatibong tipo ng protagonista na tinatawag kontra-bayani (anti-hero).

Paglalarawang-tauhan/Karakterisasyon

Ang mga tauhan, dahil kumakatawan sa mga totoong tao sa tunay na buhay. Mangyari pang dapat na
makatotohanan. Sa katunayan, mahirap gumawa ng mga tauhan dahil lagit lagi silang maikokompara sa mga
totoong tao sa tunay na buhay.

Dapat sikapin ng manunulat na kapani-paniwala ang kaniyang mga tauhan, lalo’t higit ang protagonista at
antagonista. Dapat na ang mga tauhan ay nag lisip, nagsasalita, gumagalaw, nagpapasiya ayon sa identidad na
ipinaangkin sa kanila ng sumulat, sila man ay mga tauhang tao, paranormal, taga-ibang planeta, atbp.)

May mga paraan para magawang kapani-paniwala at makatotohanan ang mga tauhan. Magagamit ang mga
detalye mula sa masusing obserbasyon sa mismong mga tao sa paligid paano sila manamit, magsalita, mag-
isip, atbp.. Ang pagmamasid sa mga tao ay isang impormatibong libangang magagawa araw-araw o kaya
naman ay isang direktang pananaliksik kapag susulat na ng maikling kuwento. Maaari ding saliksikin sa
pamamagitan ng pagbabasa ang mga kailangang impormasyon para sa lilikhaing isang partikular na tauhan.
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D. B. Oñate Street, Poblacion, Concepcion, Iloilo
Website: www.nipsc.edu.ph
E-mail Address: nisuconcepcion@nipsc.edu.ph
Reg. No.
Official Facebook Account: NIPSC Concepcion Campus

Halimbawa, para sa gagawing tauhang paranoid, kailangang saliksikin kung ano ang paranoia, kailangang
magbasa ng sapat na case studies ng mga taong paranoid.

Bilugang Tauhan vs. Tauhang Flat

Ang husay o kahinaan sa paglalarawang-tauhan/karakterisasyon ay nagbubunga ng dalawang tipo ng mga


tauhan: bilugang/dinamikong tauhan (rounded/dynamic character) na tauhang makatotohanan at kapani-
paniwala at flat/kardbord/istatikong tauhan (flat cardboard/static character).

Sa maraming mambabasa, may dating na hindi kapani-paniwala ang black/ white characters. Posible ba ang
isang taong wala ni bahid man lamang ng kasamaan (maaaring hindi nakikita ng iba ang kaniyang masamang
gawa, pero paano naman kaya ang kaniyang masamang iniisip laban sa iba na siya lamang ang nakaaalam?
Ang isa bang taong masama ay wala man lamang nagawa o naisip na mabuti kahit isa man lamang?

Sa pangkalahatan, mas makatotohanan at kapani-paniwala ang tauhang abuhin (gray character) dahil gayon
naman ang tao-hindi perpekto kaya nagkakamali at nagkakasala, Kung tutuusin, mas madaling paniwalaan ng
iba na puwedeng maging demonyo ang isang tao, pero di-kapani-paniwala ang isang taong sa kabaitan ay
tulad na ng isang anghel, maliban na lamang kung mahusay at masinop sa paglalarawang-
tauhan/karakterisasyon ang manunulat. Ang mambabasa ang magpapasiya kung naging makatotohanan at
kapani-paniwala ang tauhan.

Paano napalilitaw at napalulutang ang karakterisasyon?

Sa karaniwan, unang nakikilala ang tauhan sa pamamagitan ng kaniyang pisikal na anyo. Maaaring direktang
inilarawan ng awtor o sa pamamagitan na rin mismo ng ibang tauhan (maaaring sa tahimik na obserbasyon ng
tauhang ito, o sinasabi nito mismo sa ibang tauhan).
Gawing halimbawa ang tauhang Mareng Mensiya (Fanny A. Garcia, “Mareng Mensiya”) na nailarawan sa
mambabasa sa pamamagitan ng kamalayan ng tauhang “ako”:
Maganda si Mareng Mensiya, ngunit ang mas kaakit-akit sa kaniya, sa pagkatanda ko sa panahon ng kaniyang
kasariwaan ay ang kaniyang makapal, alun-along buhok na lagpas-baywang, mapupurok na pisngi, at kutis-
morena.
Puwede ring ang naging opsiyon ng awtor ay direktang paglalarawan:
Maganda si Mareng Mensiya, ngunit ang mas kaakit-akit sa kaniya, kaniyang makapal, alun-along buhok na
lagpas-baywang, mapupurok na pisngi, at kutis-morena.
Puwede ring sa pamamagitan ng kamalayan o pagsasalita ng ibang tauhan:
“Oy, huwag mong ismolin ang byuti ni Mareng Mensiva, ha! Hay naku, sana nakita mo siya sa panahon ng
kaniyang kasariwaan! Makapal, alun-alon ang kaniyang buhok. Lagpas-baywang. Mapupurok ang kaniyang
pisngi. Kutis-morena.”
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D. B. Oñate Street, Poblacion, Concepcion, Iloilo
Website: www.nipsc.edu.ph
E-mail Address: nisuconcepcion@nipsc.edu.ph
Reg. No.
Official Facebook Account: NIPSC Concepcion Campus

“Talaga?” Hindi makapaniwala si Inday. Nang dumating siya Sa Looban, isang uubo-ubong hikaing
matanda na si Aling Mensiya. Nakalatag na sa higaan ang butuhang katawan.
Ang ugali at mga pagpapahalaga (values) ng isang tauhan ay makikilala sa kaniyang mga sinasabi, ginagawa,
pagpapasiya habang dumadaloy ang istorya. Halimbawa:
Kapag ang tauhan ay lagi na lang sunod nang sunod sa utos sa kaniya ng isa pang tauhan (na nang-aapi na sa
kaniya), ano ang magiging pagtingin sa kaniya ng mambabasa? O kung ang tauhang ito ay hindi nga umiimik
kapag inuutusan ng nang-aaping tauhan pero palihim namang gumaganti, ano ang iisipin ng mambabasa?
Kapag maya’t maya ay suklay nang sukday, pulbos nang pulbos ang babaeng tauhan pero ang gulo-gulo naman
ng kuwarto, ano ang iisipin ng mambabasa?
Kung ang ama ng tahanan ay ipinakikitang basta lamang sabi nang sabi sa misis na nasira ang gripo, may butas
na ang bubong, may pakong nakausli sa sahig, na kailangan nang magbayad ng tuition fee ang kanilang anak,
na naputulan na sila ng koryente, atbp pero wala naman siyang ginagawa, ano kaya ang maiisip ng
mambabasa?
Sa pangkalahatan, dala-dala rin ng tauhan ang tatak at katangian ng kaniyang uri sa lipunan, nakamit na
edukasyon, lahi, kasarian o gender, pananampalataya o anumang personal na pinaniniwalaan, at ang
panahong kaniyang kinapapalooban. Mangyari pang lagi ring may exemption to the rule at isang malaking
hamon ito sa manunulat para magawang makatotohanan at kapani-paniwala ang kaibahan kahit hindi ito ang
siyang karaniwan at kalakaran. Halimbawa, isang iskuwater na sopistikadong-sopistikado dahil iyon mismo ang
sadyang paghubog sa kaniya ng mga magulang o siya mismo ang naghubog sa sarili na maging gayon. Kung
anuman ang motibo o adyenda ng kaniyang mga magulang, o siya mismo, ay isang hamon sa awtor para ganap
na maunawaan ng mambabasa a ang nasabing tauhan.
Sa mga bahaging kinakausap ng tauhan ang kaniyang sarili o ang ibang tauhan, malaking hamon din sa awtor
na mapalitaw ang likas na paraan ng pagsasalita ng tauhan.
Halimbawa, pareho lamang ba ang estilo ng pagsasalita ng mga estudyante sa pribado at sa publikong hayskul!
Mas gumagamit ng katutubong wika ng lugar o mas nag-i-Ingles?
Sa ibang mga kuwento naman ay makikita ang mga tauhang Ilokano, Cebuano Magindanawon, at iba pa. Kung
sa wikang pambansang Filipino ang buong maikling kuwento, dapat na maiparating sa mambabasa ang pagka-
llokano, Cebuano, of Magindanawon ng tauhan.
Narito ang halimbawa mula sa “Grand Cañao” ni Lilia Quindoza Santiago. Ang lalaking “siya” ay nasa harap ng
salamin, nakasuot-cowboy, may photo session siya kay Mister George (Amerikano). Gusto nitong suot-cowboy
siya, malayo sa ordinaryong suot niya sa araw-araw (maong na pantalon, ordinaryong T-shirt, de gomang
sapatos). Para sa Photo session, si George ay hubad sa dibdib, at nakabahag.
Tumayo siya nang tuwid. Humalukipkip. Nasa gayong ayos siya nang lumabas mula sa kuwarto si Dum-ay, ang
kabiyak. “Papanam?” nagtatakang tanong nito. “Kay Mister George,” ang sabi niyang parang balewala ang
pagtatakang narinig niya.
“Ket, apay kasta ti itsuram?” tanong na muli ni Dum-ay na sa dinig niya ay nangungulit na.
“Adda aramidek,” mariin niyang sagot, at pagkatapos ay nagmamadaling lumabas, di na muling hinintay ang
susunod pang tanong ng asawa at di maiwasan ang pagkainis at paninisi sa sarili kung bakit nakapayag-payag
pa siya sa gayong trabaho.Pansinin din ang pangalang Dum-ay. Dagdag-detalye ito sa identidad ng tauhan, sa
kanilang etnolingguwistikong grupo, at kung saang bahagi ng Pilipinas sila nakatira.May mga maikling
kuwentong ang pangalan ng mga tauhan ay sadya ng awtor dahil simboliko ang tauhan (hal., Tiyo Samuel
Uncle Sam (US) sa “Ang Kamatayan ni Samuel” ni Efren Abueg: Pina Pilipinas sa “Pina, Pina, Saan Ka Pupunta?”
ni Fanny A. Garcia) o Biblikal (ang mga tauhang sina Maria, Jose, Jesus sa “Maria, ang Iyong Anak” ni Wilfredo
Pa. Virtusio).
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D. B. Oñate Street, Poblacion, Concepcion, Iloilo
Website: www.nipsc.edu.ph
E-mail Address: nisuconcepcion@nipsc.edu.ph
Reg. No.
Official Facebook Account: NIPSC Concepcion Campus

Ang mahusay at epektibong karakterisasyon

Hindi basta-basta at mekanikal ang paglikha ng mga tauhan. Ang mga makatoto- hanan at epektibong tauhan
ay bunga ng metikolosong pagmamasid at obserbasyon sa mga tao sa paligid. Wika nga, ang people-watching
ay maaaring likas na sa manunulat o kaya naman ay isang sadyang aktibidad bilang paghahanda sa pagsulat.
Halimbawa, kung may tauhang tindera sa palengke, maaaring mas madadalian sa paglikha ng tauhang tindera
sa palengke kung may kamag-anak na tindera sa palengke, lalo pa nga ba kung ang magsusulat ay madalas sa
palengke. Maaari ding walang kaalam-alam tungkol sa mga tindera sa palengke ang manunulat, at kung gayon
ay magmamasid-masid siya sa mga tindera bilang paghahanda sa pagsulat.

Kung gayon, hindi sapat ang basta paghugot lamang sa sariling karanasan. Ang sadyang pagtungo sa lugar,
pagmamasid, lalo pa ang pakikisalamuha sa mga taong magiging batayan ng lilikhaing tauhan, ay kasama sa
pananaliksik ng susulat.

Bahagi rin ng pananaliksik ang pagbabasa ng mga sulatin (na maaaring interbyu, o bunga rin ng pananaliksik.
Hal., tungkol sa buhay-buhay ng basketball player sa loob at labas ng basketball court).

Sa katunayan, hindi lamang basta kaugnay ng mga tauhan ang pananaliksik, lalo pa nga ba sa mga detalyeng
walang alam ang susulat. Halimbawa, kung importante sa kuwento na ang tauhan ay maglilinis ng riple alam
ba ng susulat kung paano baklasin linisin, muling pagkabit-kabitin ang mga parte ng riple? Kaya para sa
magsisimulang magsulat, malaking bentahe ang sulatin muna ang mas pamilyar sa kaniya.

Ang malikhaing pagsulat ay hindi basta pagtingala sa buwan at babagsak na sa palad ng manunulat ang
kaniyang mga tauhan at ang kailangang salita. Bago pa magsulat at makasulat, nangangailangan ito ng
masusing pagmamasid at pakikisalamuha, pagbabasa at pananaliksik.

Pagbabago/Pag-unlad ng Tauhan (Character Change/Development)

Kailangang ang protagonista ay may gawin sa istorya na magbubunga ng kaniyang pagpapasiya at aksiyon
tungo sa kaligtasan o kapahamakan. At kahit pa nga ba status quo ang kahinatnan, nakita pa rin ng
mambabasa kung paano naitulak ng tauhan, ang Kaniyang kapalaran o ng kapalaran ang tauhan. Mas mainam
kung siya mismo ang nagtulak sa kaniyang kapalaran.

You might also like