You are on page 1of 20

Republic of the Philippinesc

NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY


NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

FIL.109 PANIMULANG
LINGGUWISTIKA
ARALIN 4:PONOLOHIYA
ARALIN 4.2:PONEMANG
SUPRASEGMENTAL

MGA TAGA-ULAT
Regie T. Batallones
Joveth P. Ciudad
Blessy Grace Torre
Republic of the Philippinesc
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

INTRODUKSYON

Sa tuwing pinag-aaralan ang estruktura ng wikang Filipino


ay lagi itong nagsisimula sa pag-aaral ng mga tunog o palatunugan
ng wika. Patunay lamang na ang wika ay may sistemang balangkas
sapagkat hindi natin mauunawaan ang kabuoang estruktura nito kung
hindi natin babalangkasin at hihimay-himayin ang kayarian nito
mula sa pinakamaliit na yunit ng tunog. Ayon nga sa mga
dalubwika, ang wika ay sinasalitang tunog at tulad nga ng
alinmang wika sa daigdig, ang ating wika ay binubuo ng mga
makabuluhang tunog. Subalit pakatandaang hindi lahat ng tunog ay
wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay makahulugan. Saka lamang
nagiging makabuluhan ang tunog kung ito ay nagtataglay ng
kahulugang sarili na maaaring magamit sa makabuluhang pangungusap
sa mga pahayag sa anumang diskurso.

LAYUNIN:

a. Natutukoy ang dalawang pangkat ng ponemangsegmental

b. Nailalahad ang kaibahan ng ponemang segmental sa ponemang


suprasegmental

c. Nabibigkas nang wasto ang bawat ponemang segmental; at

d. Nakapagsasanay sa pagsulat ng mga salitang may diptonggo,


klaster at pares minimal.

PONEMANG SEGMENTAL

Ponolohiya- ito ay ang maka-agham na pag-aaral ng mga


tunog (sa ibang aklat ay palatunugan). Ang tumutukoy sa
pinakamaliit na yunit ng tunog ay ponema.

Ang pagtalakay ng ponema sa wikang Filipino ay nahahati sa


dalawang uri. Ang ponemang segmental at suprasegmental.

Ang ponemang segmental ay kinabibilangan ng patinig,


katinig,kambal katinig o klaster at diptonggo.
Republic of the Philippinesc
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Sa tuwing pinag-aaralan ang ponema, lagi itong ikinukulong sa


dalawang guhit na pahilis o virgules sa Ingles. Ang simbolong ito
ay hango sa simbolong ginamit ni Santiago (1991) upang ilarawan
ang tamang bigkas ng tunog patinig man ito o katinig. Halimbawa
ang natunghayan ay /a/, hindi letrang /ey/ ang tinutukoy nito
kung hindi ang tunog nitong /ah/.

Sa wikang Filipino ay mayroon lamang limang tunog patinig, ito ay


ang /a/, /e/, /i/, /o/, /u/. Bawat patinig ay iisa lamang ang
bigkas at katumbas na tunog hindi tulad ng sa wikang Ingles na
ang isang ponemang patinig gaya ng /a/ ay mayroong ibat ibang
bigkas. Ang mga ponemang katinig naman ay ang mga /b/, /k/,
/d/, /g/, /h/, /l/, /m/, /n/, /ng/, /p/, /r/, /s/, /t/, /w/, /y/
at /x/.

Ang mga ponemang segmental ay ginagamitan ng mga katumbas na


letra o titik upang Mabasa at mabigkas maliban sa ponemang /?/ na
sumisimbolo ng impit na tunog o glotal na kabilang din sa mga
tunog katinig. Ang mga tunog na ito ay tinatawag nating tunog
ponetiko. Ayon kay Lachica (1998), saklaw sa pag-aaral ng
ponetiko ang galaw at pamamaraan ng bahagi ng bibig ng tao kung
paano isinasagawa ang pagpapalabas ng tunog sa pagsasalita.

Pinag-aralan din sa ponetiko ang wastong pagbigkas at kung paano


nalilikha ang tunog.

Gaya na lamang halimbawa ng ponemang katinig na mailalarawan sa


pamamagitan ng punto ng Artikulasyon o kung saang bahagi
isinasagawa ang pagbigkas ng ponema at sa paraan ng Artikulasyon
o paraan ng pagpapalabas ng hangin sa pagbigkas ng ponema at kung
ang paraan ng Artikulasyon ng bawat isa ay may tinig o walang
tinig (Tumangan,et al.,200Samantala ang ponemang patinig naman ay
mailalarawan sa pamamagitan ng posisyon ng dila sa pagbigkas ng
mga ito at sa kung saang bahagi ng dila nagaganap ang pagbigkas
ng bawat isa.
Republic of the Philippinesc
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Ang maagham na paglikha ng tunog sa pagsasalita ay tinatawag na


ponetiko. Ang salitang phonetikos ay hango sa wikang Griyego na
nangangahulugang bibigkasin pa lamang.

Hiniram natin sa Ingles ang salitang phone (tunog) plus hulaping


tic at alinsunod sa tuntunin ng pagbigkas: tulad sa ponetikong
baybay. At sa pagaasimila sa wikang Filipino, tinawag natin itong
ponetika o ponetiko at tinumbasan ng salitang palatinigan
(Lachica, 1998).

Nakasaad sa aklat ni Garcia(1992), na ang notasyong ponetik ay


ang tiyak at palagiang simbolong kumakatawan sa tanging isang
tunog lamang, nakapaloob ito sa simbolong [ ] halimbawa
[baba.e]. Notasyong ponema naman ang tiyak at palagiang
kumakatawan sa isa at tanging tunog ng ponema na ipinapaloob
sa // sa /baba..I/.

Sa kabilang banda, inilahad naman ni Aganan,et al., (1999) sa


kanilang aklat na ang mga suprasegmental ay karaniwang hindi
tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip, ito ay
sinisimbolo ng mga notasyon phonemic upang matukoy ang paraan ng
pagbigkas. Samakatuwid , ang notasyong ponemik ay pagpapakita o
paglalarawan ng paraan ng pagbigkas. Ang ponemang suprasegmental
ay kinabibilangan ng diin, tono, haba at hinto.

Gaya ng nabanggit maliban sa mga ponemang katinig at patinig,


saklaw rin ng ponemang segmental ang diptonggo, klaster, pares
minimal at malayang nagpapalitan.

Diptonggo

Ayon kina Dupale, et al.,(2012), ang mga diptonggo ay alinmang


patinig na sinusundan ng malapatinig na y o w sa loob ng isang
patinig. Sa madaling sabi, ito ay ang mga salitang nagtataglay ng
bunga ng kombinasyon ng mga katinig na sinusundan ng
malapatinig .
Republic of the Philippinesc
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Tsart ng Diptonggo

Posisyon ng Harap Sentral Likod


dila
Mataas Iw, iy uy
Gitna ey Ow, oy
Mababa Aw, ay

Halimbawa:

Agiw saklaw kasoy

Latay aruy baduy

Laboy tuloy keyk

Bagamat may mga salita sa Filipino na magkasunod na patinig, at


malapatinig, ang mga patinig at malapatinig ay hindi naman
magkasama sa isang pantig, kaya maituturing na walang diptonggo.

Halimbawa:

Ka-ba-ha-yan hi-wa-in
su-yod

To-yo ka-wa-yan

Pansinin na ang ay sa kabahayan,iw sa hiwain, uy sa suyod, oy sa


toyo at aw sa kawayan ay hindi magkasama sa pantig. Kaya walang
diptonggo sa mga salitang katulad ng mga nabanggit na halimbawa

Para sa mas madaling pagbuo ng mga salitang may kambal katinig,


sundan sa tsart sa ibaba ang maaaring kumbinasyon ng mga ponemang
katinig na maituturing na klaster.

Mga bagong klaster sa inisyal na posisyon

(Batay sa KWF Ortograpiyang Pambansa 2017)

/r/ /i/ /s/


/p/ x
/t/ x x
/k/ x
Republic of the Philippinesc
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

/b/ x
/d/ x
/g/ x

Ang mga klaster na maaaring mabuo ay: preno,plano, trapo,


tsismis, tsuper, kritiko,klinika, braso, blusa, droga,
Granada,groseri, globo.

Nagagamit ang mga ganitong klaster hindi lamang sa


posisyong inisyal kung hindi gayundin naman sa pinal na posisyon
ng mga salita sa Matandang Tagalog.

Tunghayan ang tsart sa ibaba.

/p/ /t/ /k/ /b/ /d/ /m/ /n/ /l/ /s/


/w/ x
/y/ x x x x x x x x x
/r/ x x x x x
/l/ x x
/s/ x
/n/ x
/k/ x

Pares Minimal
Pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad
na magkatulad sa kaligirang pagbigkas maliban sa isang ponema sa
magkatulad na posisyon na maaaring matagpuan sa unahan, gitna, o
hulihan.

Halimbawa

kulay-gulay laglag-laklak balag-balak

latag-patag patpat-padpad titig-titik

salang-balang balik-batik hapag-lapag


Republic of the Philippinesc
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Ponemang Malayang Nagpapalitan(PMN)


Ito ay tumutukoy sa magkaibang ponemang matatagpuan sa
magkatulad na kaligiran ng salita ngunit hindi nagbabago sa
kahulugan ng salita kahit na palitan pa ito ng ibang ponema sa
posisyon.

Halimbawa

babae at babai politika at pulitika madami at marami

bibi at bibe sampo at sampu madamot at maramot

tutuo at totoo nuon at noon

Mula sa paliwanag ni Tomas Pinpin sa kaniyang aklat na Librong


pag aaralan nang manga Tagalog nang uicang Caftilla (1610), na
binanggit at ipinaliwanag sa KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat
(2017), “hindi dapat ipagkamali ang E sa I o ang O sa U sapagkat
may mga salita sa Espanol na magkatulad ng baybay ngunit
nagkakaiba ng kahulugan dahil sa may E ang isa at may I ang
ikalawa o may O ang isa at may U ang ikalawa gaya ng quezo at
quizo, poro at puro, gayundin ang pagkakaiba ng Pinoy at penoy,
meron at miron, hanep at hanip. Sa pagbigkas ng mga salita,
kailangan ng disiplina sa pagbigkas upang maibukod o mapag-iba
ang bigkas ng E at I, ng O at U.

Digrapo
Tawag sa pagkakaayos ng mga titik na kombensiyonal na
kumakatawan sa isahang pangkat tulad ng /ng/ sa /n/. Kabilang din
ito sa mga ponemang katinig. Bagamat dalawang magkasunod na
ponemang katinig. Ang digrapong /ng/ ay iisa at katunog nito sa
pagbigkas.( Garcia 2012).

Halimbawa:

banghayin tangkain bangka sungka


Republic of the Philippinesc
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Sa kasalukuyan tanging ang NG na lamang ang digrapo sa ating


alpabeto. Ang mga digrapong CH (cheque), RR (terrible), at
LL(Illave) mula sa Espanyol ay hindi na isinama sapagkat Madali
na itong palitan o halinhinan ng mga klister na TS(tseke), R
(Terible), at Ly.
Republic of the Philippinesc
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Aralin 4.2

Ponemang Suprasegmental
Sa alinmang wika, mahalaga ang mga tunog. Makabuluhan ang mga
tunog sapagkat napag-iiba-iba nito ang kahulugan ng salita. Bukod
sa pagkilatis sa tunog, may iba pang paraan upang makilala ang
kahulugan ng salita o pahayag gayundin ang layunin, intensiyon,
at saloobin ng nagsasalita(Guinoo,2005).

Ang mga ponema ay isang instrumento na nagtataglay ng likas na


katangiang prosodic o suprasegmental. Ito’y inilalarawan bilang
suprasegmental dahil sa haba o diin nito at ang kanyang hinto o
antala. Bukod dito, ang ponemang suprasegmental ay naglalarawan
din sa makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi
tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip, sinisimbolo ito
ng notasyong phonemic upang malaman kung ano ang pagbigkas
(Borito, 2020).

Bukod dito, ang ponemang suprasegmental ay naglalarawan din sa


makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng
mga letra sa pagsulat. Sa halip, sinisimbolo ito ng notasyong
phonemic upang malaman kung paano ang pagbigkas

Layunin:

Inaasahan din na ang mga mag-aaral ay:

a. naipaliliwanag ang kahulugan ng ponemang suprasegmental;

b. natutukoy ang mga uri ng ponemang suprasegmental;

c. nakapaglalahad ng mga halimbawa ng tono, haba, diin at antala;

d. nagagamit nang tama ang mga ponemang suprasegmental sa


pamamagitan ng pagbuo ng mga pangungusa

ALAMIN:

Totoong sa pamamagitan ng mga ponemang segmental ay nakabubuo


tayo ng mga salita upang bumuo naman ng mga pangugusap na
ginagamit natin sa ating pakikipagtalastasan sa ating kapuwa.
Republic of the Philippinesc
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Ngunit hindi natin napapansin na sa ating pagbigkas ng mga


salita, nagiging higit na mabisa ang ating pakikipagtalastasan
pamamagitan ng paggamit ng mga ponemang suprasegmental.

Maihahambing ang ponemang segmental at suprasegmental sa isang


pagkain-na sinigang na karneng baboy. Ang karneng baboy na siyang
pinakaprinsipal na sangkap ng pagkain ang maihahalintulad sa mga
ponemang segmental. Ang mga rekado naman nito na nagpapasarap ay
maihahalintulad sa ponemang suprasegmental. Kung walang rekado
walang lasa. Kaya, ang suprasegmental ang nagbibigay ng
kagandahan sa mga pahayag. (Santiago at Tiangco, 2004).

Sa paggamit ng suprasegmental, malinaw na naipahahayag ang


damdamin, saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita. Sa
pakikipagtalastasan, matutukoy ang kahulugan, layunin ng pahayag
o ng nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono o intonasyon, at
antala o hinto sa pagbigkas at pagsasalita. Kung wala ang mga
makabuluhang tunog na ito, walang magiging komunikasyon ang
dalawang nag- uusap, lalo na kung sila ay hindi magkaharap at
nag-uusap lamang sa pamamagitan ng telepono.

Dito mas nauunawaan ang mga salita o pahayag na nais


ipabatid ng ating kausap. Mas mararamdaman ang mga mensaheng
nakabalot o nakapaloob sa mga salita o pangugusap na ginamit sa
kanilang pakikipag-usap sa atin.

Isa-isahin nating pag-usapan ang mga sangkap ng ponemang


suprasegmental na siyang nagpapalasa sa ating
pakikipagtalastasan: ang tono, ang haba at diin at ang antala.

Tono
Ang tono ay ang pagtaas at pagbaba ng ating pagbigkas ng mga
pantig ng isang salita. Katulad ng isang musika na may tono rin
upang mas lalo nating maramdaman ang nais ipahiwating ng awitin.
Sa pagsasalita ay may tono rin na siyang nagpapakita sa atin ng
mas malalim na mensahe na nais ipahiwatig ng ating kausap.

Subuking bigkasin ang nasa ibaba:

a. maganda
Republic of the Philippinesc
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

b. ma2 gan3 da

Sa inyong pagbigkas, may napansin ba kayo na pagbabago ng


kahulugan? Napansin ba ninyong sa titik a ay nagtatanong at ang
titik b naman ay sumasagot sa tanong?

Ang pagtaas at pagbaba ng tinig ay lalong nakapagpapalinaw ng


mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit
sapagkat maaari itong makapagpasigla, makapagpahayag ng iba't
ibang damdamin, makapagbigay- kahulugan, o makapagpahina ng
usapan. Kaya sa pamamagitan ng tono ay higit na nagiging mabisa
ang ating pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa kapuwa.

Sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman, at mataas na tono.


Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman,
at bilang 3 sa mataas. Bigkasin ayon sa katumbas na bilang ang
mga sumusunod na salita sa ibaba.

Mga Halimbawa:

a. kahapon - 213, pag-aalinlangan kahapon = 231, pagpapatibay,


pagpapahayag

b. talaga-213, pag-aalinlangan talaga 231, pagpapatibay,


pagpapahayag

Pansinin din natin ang iba pang halimbawa:

a. Maligaya siya. Nagpapahayag

b. Maligaya siya? Nagtatanong

c. Maligaya siya! Nagbubunyi

Maliban sa tono, mahalaga rin ang haba at diin. Ang haba ay


ginagamit ng nagsasalita sa pagpapatagal ng pagbigkas ng mga
salita. Samantala, ang diin naman ay tumutukoy sa lakas ng bigkas
sa pantig ng salita.
Republic of the Philippinesc
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Haba

Ang haba ay paghaba o pag-ikli ng bigkas ng nagsasalita sa


patinig ng isang pantig sa salita. Ginagamit ang ganitong
notasyon/./ at /:/ na siyang nagsasaad ng kahulugan ng salita.

Halimbawa:

a. /sa:wa/ /sawa/ umay isang uri ng hayop

b. /mag.la.la:ko/ - /magla:lako/ - magbibenta tagabenta

c. /ma.ma.ma:tay/ /ma.ma:matay/ kriminal agaw-buhay

Ang haba ay tungkol sa haba o tagal ng pagbigkas ng mga pahayag


samantalang ang diin ay tumutukoy sa lakas ng pagbigkas.

a. Tonyo, kumain ka na.

b. Tonyo, kumain ka na!

Bigkasin ang nasa titik a na may lambing at ang nasa titik b na


may galit kung gustong diinan pa yung galit na galit at pansinin
ang pagkakaiba ng pahayag. Mayroon bang pagkakaiba o wala? Kaya,
mapapansin natin na kapag hinabaan mo ang pagbigkas ng mga pantig
ay nagbabago ang kahulugan.

Diin
Pansinin din ang mga salita sa ibaba na may diin at nang matukoy
ang pagkakaiba

nito sa haba:

a.PAso-paSO

b. tuBO-TUbo

C. BUhay-buHAY

d. HApon-haPON
Republic of the Philippinesc
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

e. taSA-TAsa

Mapapansin natin na kapag binabago ang diin ay nagbabago rin


ang kahulugan nito. Ang diin bilang ponemang suprasegmental, ay
maaaring siyang lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa
pagbigkas ng isang pantig sa salitang binibigkas. Pansinin ang
mga salitang ito, sa salitang /kamay/, ang diin ay nasa huling
pantig na /may/. Ito rin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang
may iisang tunog, ang pagbabago ng diin ay nakapagbabago sa
kahulugan nito.

Halimbawa:

a. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao. b. Sila /LAmang/ ang /buHAY/


sa naganap na sakuna, kaya masasabing / laMANG/siya.

Ginagamit ang simbolong // upang matukoy ang pantig ng salita na


may diin. Sa Filipino, karaniwang binibigkas nang may diin ang
salitang higit sa isang pantig. Malimit ding kasama ng diin ang
pagpapahaba ng patinig. Tulad nito:

a. /ba:hay/- tirahan

b. /pagpapaha:ba/ - lengthening

c. /kaibi:gan/-friend d. /sim:bolo/-sagisag

Mahalaga ang diin sapagkat sa pag-iiba ng patinig na


binibigyang-diin, karaniwang nababago ang kahulugan ng salita.
Tulad nito:

a. /tu:bo/ - pipe

/tu:bo'/-gain/ earned /tubo/-sugar cane

b. /kaibi:gan/- friend /ka:ibigan/-lover

c. /paso-expired /paso/- flower pot


Republic of the Philippinesc
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Ang malumay ay binibigkas ito nang dahan-dahan at may diin sa


pagbigkas sa ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ito ay hindi
ginagamitan ng anumang tuldok o palatandaan. Maaaring magtapos
ang salitang malumay sa patinig o katinig.

Mga Halimbawa:

buhay / b * a ^ h .hay/

baka / b * a ^ h .ka^ h /

kubo / k * u ^ h .bo^ h /

ayuda /a^ h . y * u ^ h .da^ h /

kulay / k * u ^ h .lay/

Ang malumi ay binibigkas din nang mabagal tulad ng malumay. Ang


ipinagkaiba lamang ng dalawang ito ay ang pagbigkas sa bahaging
dulo dahil sa pagkakaroon ng impit na tunog sa malumi na wala sa
malumay. Palagi itong nagtatapos sa ponemang patinigSubalit may
ilang lingguwista ang nagsasabing ang mga salitang malumi ay
sadyang nagtatapos sa ponemang katinig dahil sa taglay nitong
impit na tunog sa dulo na kabilang nga naman sa ponemang katinig.
Kung matatandaan, nabanggit ito sa talakayan sa ponemang
segmental na sa lahat ng ponemang katinig, ang impit o glottal na
tunog ang tanging ponemang katinig na walang katumbas na letra
pero nakikita ang kahalagahan ng gamit nito sa transkripsyon ng
mga salita.

Ginagamit ang tuldik na paiwa (') sa pagpapakilala ng mga


salitang binibigkas nang malumi. At ang tuldik ay laging
itinatapat sa patinig ng huling pantig. Tingnan ang halimbawa sa
ibaba kaugnay ng trankripsyon nito.
Republic of the Philippinesc
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Mga halimbawa:

batà (paslit)

pusà

/ b * a ^ h ,ta^ 2 /

/ p * u ^ h .sa^ 7 /

lahi / l * a ^ h .hi^ ? /

pagsapi / k * a ^ h .sa^ h .pi^ 7/

/ b * a ^ h .ro^ 3 /

barò pusò / p * u ^ k .so^ 2 /

Ang mabilis ay binibigkas nang tuloy-tuloy na ang diin ay nasa


huling pantig. Wala itong impit na tunog. Ang mga salitang
kabilang dito ay maaaring magtapos sa katinig o patinig na
binibigkas nang mabilis.

Ginagamitan ito ng tuldik na ang mga salitang binibigkas nang


mabilis sa katinig o patinig. Ginagamitan ito ng tuldik na
pahilis (') na inilalagay

b. /kaibi:gan/- friend /ka:ibigan/-lover

c. /paso-expired /paso/- flower pot

May apat na prinsipal na uri ng bigkas o diin sa Filipino:

Ang malumay ay binibigkas ito nang dahan-dahan at may diin sa


pagbigkas sa ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ito ay hindi
ginagamitan ng anumang tuldik o palatandaan. Maaaring magtapos
ang salitang malumay sa patinig o katinig

Mga Halimbawa:

buhay / b * a ^ h .hay/
Republic of the Philippinesc
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

baka / b * a ^ h .ka^ h /

kubo / k * u ^ h .bo^ h /

ayuda /a^ h . y * u ^ h .da^ h /

kulay / k * u ^ h .lay/

Ang malumi ay binibigkas din nang mabagal tulad ng


malumay. Ang ipinagkaiba lamang ng dalawang ito ay ang pagbigkas
sa bahaging dulo dahil sa pagkakaroon ng impit na tunog sa malumi
na wala sa malumay. Palagi itong nagtatapos sa ponemang
patinigSubalit may ilang lingguwista ang nagsasabing ang mga
salitang malumi ay sadyang nagtatapos sa ponemang katinig dahil
sa taglay nitong impit na tunog sa dulo na kabilang nga naman sa
ponemang katinig. Kung matatandaan, nabanggit ito sa talakayan sa
ponemang segmental na sa lahat ng ponemang katinig, ang impit o
glottal na tunog ang tanging ponemang katinig na walang katumbas
na letra pero nakikita ang kahalagahan ng gamit nito sa
transkripsyon ng mga salita.

Ginagamit ang tuldik na paiwa (') sa pagpapakilala ng mga


salitang binibigkas nang malumi. At ang tuldik ay laging
itinatapat sa patinig ng huling pantig. Tingnan ang halimbawa sa
ibaba kaugnay ng trankripsyon nito.

Mga halimbawa:

batà (paslit)

pusà

/ b * a ^ h ,ta^ 2 /

/ p * u ^ h .sa^ 7 /

lahi / l * a ^ h .hi^ ? /

pagsapi / k * a ^ h .sa^ h .pi^ 7/

/ b * a ^ h .ro^ 3 /

barò pusò / p * u ^ k .so^ 2 /


Republic of the Philippinesc
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Ang mabilis ay binibigkas nang tuloy-tuloy na ang diin ay


nasa huling pantig. Wala itong impit na tunog. Ang mga salitang
kabilang dito ay maaaring magtapos sa katinig o patinig na
binibigkas nang mabilis.

Ginagamitan ito ng tuldik na ang mga salitang binibigkas


nang mabilis sa katinig o patinig. Ginagamitan ito ng tuldik na
pahilis (') na inilalagay sa ibabaw ng patinig ng huling pantig
ng salita.

Mga Halimbawa:

dilaw elisi /dilaw/ Jelise

hikahos

/hikahos/

huli (late) /huli/ kahón

/kahon/

sapín /sapin/ talong /talo"/

ubó /ubo/ ulupóng /ulupo

Ang maragsa ay binibigkas nang tuloy-tuloy na tulad ng mga


salitang binibigkas nang mabilis, subalit ito'y may impit o
pasarang tunog sa hulihan.

Tulad ng malumi, ito ay palagiang nagtatapos sa tunog na patinig.


Ginagamitan ito ng tuldik na pakupya (^) na inilalagay sa ibabaw
ng patinig ng huling pantig ng salita.

Mga Halimbawa:

butiki

/butiki/
Republic of the Philippinesc
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

bungo dagâ /bungo/ /daga/

dugo dukhâ /dugo"/ /dukha?/

kulô /kulo/

palaka

/palaka'/

pasâ (bruise) /pasa?/

paso (pot)

pighati

Antala

Ang antala naman ang saglit na pagtigil o "pause" sa Ingles.


Ito'y nagbibigay linaw sa mga salita o mensaheng ibig ipahiwatig
Sa pasulat na pakikipagtalastasan ito ay inihuhudya ng kuwit,
tuldok, semi-kolon, at kolon.

Pansinin ang mga halimbawa sa ibaba:

a. Hindi siya si Peter.

(Ang tao ay hindi si Peter)

b. Hindi, siya si Peter.

(Tinatama o pinagdidiinan ng tagasalita na si Peter ang taong


tinutukoy)

c. Hindi siya, si Peter.

(Si Peter ang tinutukoy, hindi ang isang tao)

Bigkasin at tukuyin ang nagsasabi na puti ang damit, ang nasa


titik a o nasa titik b? Pansinin ang kuwit na nagpapahiwatig ng
antala sa pagbigkas.

a. Hindi puti ang damit b. Hindi, puti ang damit


Republic of the Philippinesc
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Ang bahagyang pagtigil sa pagsasalita ay isa ring mabisang


paraan upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig iparating
o ipahayag sa kausap. Maaaring gumamit ng simbolong kuwit (,),
dalawang guhit na pahilis (/), o gitling (-).

Mga Halimbawa:

a. Hindi ako si Joshua. (Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos


ng HINDI. Nagbibigay ito ng kahulugan na ang nagsasalita ay
nagsasabing siya si Joshua na

maaaring siya'y napagkamalan lamang na si Arvyl.)

b. Hindi ako, si Joshua. (Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO.


Pagpapahiwatig ito na ang kausap ay maaaring napagbintangan ng
isang bagay na hindi ginawa. Kaya sinasabi niyang hindi siya ang
gumawa kundi si Joshua.)

c. Hindi ako si Joshua/. (Pagbigkas ito na nasa hulihan ang


hinto. Nagpapahayag ito na ang nagsasalita ay nagsasabing hindi
siya si Joshua.)

Karagdagang Kaalaman:

tinatawag itong glottal stop o nangangahulugang sa pagbigkas ng


salita ay waring

may pumipigil sa hanging galing sa bibig sa paglabas.

halimbawa:

/SU:ka"/ vinegar /BA:ga/ lungs

halimbawa:

/SU:ka"/ vomit
Republic of the Philippinesc
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

/BA:ga" for instance, or for example

c. banayad na pagbigkas na siyang ginagamit sa pagtukoy sa haba


sa pagbigkas ng salita

d.. ang kagyat na pagbigkas ng salita

h glottal fricative ay nangangahulugang sa pagbigkas ay malayang


lalabas ang hangin mula sa bibig

halimbawa:

a. /bu:hay/= magiging mahaba ang pagbigkas sa bu

kapag ang tinutukoy na kahulugan ng salita ay life

/buhay/ - ay mabilis ang pagbigkas sa salitang bu at ito ay


nangangahulugang humihinga.

b. /pu:no/tree /pu.no?/- full

You might also like