You are on page 1of 24

LALAKI SA DILIM

Nobela ni: Benjamin P. Pascual


MGA TAGAPAG-ULAT:

Kent Jayrald D. Lim


Erjelou Basa
Auriene Dunne Reyes
Ella Jean Balintongog
PAMAGAT
• Pagkabasang-pagkabasa pa lang sa pamagat nitong "Lalaki sa Dilim" ay maiisip
kaagad ang posibilidad na tungkol ito sa isang paksang may karahasan at misteryo.
Batay naman sa kabuuan ng nobela, ang pamagat ay mula sa isang kakila-kilabot na
pangyayaring naganap sa simula pa lamang ng kwento-isang babaeng hirap na nga sa
buhay, na dinagdagan pa ng pagkabulag nito, ay siya pang nadagdagang muli ng
masalimuot na karanasan sa pagkakagahasa.
• Sa isang banda naman ng pamagat, ang salitang "dilim"ay kinasasalaminan ng klase
ng buhay ni Rafael (pangunahing tauhan) na punong- puno ng problema dulot ng mga
maling desisyon.
AWTOR
• Si Benjamin P. Pascual, isang Pilipinong nobelista, ay ipinanganak noong Enero, 16
1928 sa Laoag, Ilocos Norte at pumanaw naman noong Hulyo 31, 1997. Isa siyang
kuwentista at nobelista, pero una siyang nakilala bilang matinik na kuwentista bago
sineryoso ang pagiging nobelista. Marami na siyang naisulat na maikling kuwento
sa wikang Ilokano at nakasulat na rin ng dalawang nobela sa wikang ito.
• Naisalin niya sa wikang Ilokano ang Rubaiyat ni Omar Khayam. Magkasama sila ni
Jose Bragado na nag-edit ng Pamulinawen, isang antolohiya ng mga tula ng 36 na
makatang Ilokano. Siya ang Tagapayong Legal ng GUMIL, Metro Manila.
Nagsimula siyang sumulat noong 1950, sumubok mag-ambag sa komiks, hanggang
hiranging maging staffer ng Liwayway. Unang nailathala sa Liwayway ang "Lalaki
sa Dilim" sa pamagat na “Shhhh... Ako ang Lalaki sa Dilim" (1976).
• May akda rin siyang may pamagat na “Sapalaran, Walang Tanungan" (1997),
isang komedya ng pag-iibigan at lingguhang isineserye ng Liwayway. Nagwagi si
Pascual sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ng kanyang
kwentong "Landas sa Bahaghari" (1965) at "Di Ko Masilip ang Langit" (1981).
Nagtamo naman ng Grand Prize sa Cultural Center of thePhilippines ang
nobelang "Utos ng Hari" noong 1975. Tinatayang nakatapos ng 13 na nobela si
Pascual, na pinakarurok marahil ang "Halik sa Apoy" (1985). Pwedeng sipating
autobiograpiko ang naturang akda na umiinog sa buhay at pakikipagsapalaran
ng isang lalaking manunulat. Naging Filipino seksiyon editor si Pascual sa
People's Journal Tonight noong 1981, at ngayon ay editor sa popular na
Valentine Romances. Makalipas ang ilang dekadang dibdibang pagsusulat ni
Pascual, kinilala ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) noong 1994
ang natatanging ambag niya sa pagsusulat ng maiikling kwento, dula, at nobela.
Sa edad na 69 ay hindi pa rin ito humihinto sa pagsusulat.
TAUHAN
• Ang mga lalaki sa nobela ang siyang nangingibabaw. Pinatunayan
iyan ng ilang karakter. Si Rafael bilang isang mayamang duktor,
ang sentro ng lahat. Samantala ang mga babae naman ay siyang
mahihing ang kalagayan. Makikita iyan sa karakter nina Ligaya,
isang babaeng bulag, mahirap at ginahasa, si Margarita na
natuksong makipag-relasyon sa ibang lalaki, at si Marina na tila
aping-api dahil sa babaerong asawa. Ang siklo ng karahasan ay
pinasiklab ng mga lalaki at nalagot lamang sa pagsapit sa kawing-
kawing na katauhan ng mga babae.
• RAFAEL CUEVAS- Sa umpisa ng kwento ay tila kasuklam suklam ang kaniyang
karakter. Babaero, tomador at nagawa pang manggahasa ng isang babaeng
bulag. Ngunit sa kalaunan ay makikita ang parteng liwanag ng kaniyang
pagiging isang lalaki sa alim, Makikita na kahit ganoon siya ay may konsensiya
naman pala siya.

• NICK CUERPO. Siya naman ay nabulag sa pambababae kaya't hindi nakita ang
kaniyang responsibilidad sa asawa at mga anak. Isang karakter na hindi dapat
tularan ng mga lalaki at maging ng mga kababaihan. Wala ng ibang ginawa
kundi pasakitan ang pobreng asawa na si Marina. Kung si Rafael ay nagawang
mabago, siya ay kahit sa katapusan ng kwento ay hindi nakita ang liwanag na
dapat niyang sundin. Namatay siya kasama ang kalaguyong si Margarita.
• MARGARITA CARRASCO- Si Margarita, bagaman galing sa isang
sosyal, edukado at disenteng pamilya ay nagawa pa ring magtaksil
sa asawa. Isang opera singer na natuksong maglunoy sa ibang
kandungan. Ginusto niya, gawa ng karaniwang tao, ang tunay na
relasyon ng lalaki at babae, Masasabing pangit sa panangin ang
karakter ni Margarita, Isa rin siyang karakter na hinai dapat
gayahin. Dahil na rin sa implwensya ng mga kanluranin, iba ang
pananaw niya sa kasal at pakikipagtalik. Siya ang sumisimbolo sa
liberismo. Nabulag siya sa kaniyang sariling kahinaan.
Nagpatangay siya sa pambobola ni Nick.
• LIGAYA- Bagaman literal na bulag, mas maliwanag pa sa sikat ng
araw ang kaniyang pagpapahalaga sa sarili. Naging matatag siya sa
kaniyang pagbangon mula sa nalasap na karahasan mula sa lalaki
sa dilim na si Rafael. Hindi nga siya nakapag-aral ngunit kahanga-
hanga ang kaniyang mga prinsipyo sa buhay. Kapwa siya at ang
kaniyang inang si Aling Selya ang sumisimbolo sa liwanag na dapat
makita ng mga tao. Kahit mahirap lamang sila ay maalam sia sa
buhay.
• MARINA CUERPO. Isang inang mapagmahal sa kaniyang anak at
handang ipaglaban ang mga ito hanggang sa kamatayan.
Nakakaawa ang kaniyang karakter. Aping api siya dahil sa
kaniyang babaerong asawa ngunit lubos na nagtitis para sa mga
anak. Hindi naming siya masisisi kung nagawa man niyang
paslangin ang kaniyang sariling asawa. Sagad na sagad na siya.
Ngunit ang mali lang doon ay nagpalangay siya sa nararamdaman
niya. Inilagay niya sa sariling mga kamay ang batas. Siya ay
nabulag na galit at sobra-sobrang pagmamahal sa anak.
TAGPUAN
• Bahay at klinika ni Rafael
• Bahay nila Ligaya
• Nayt klab kung saan nambabae sila Rafael
BUOD
• Nagsimula ang nobela sa pag-uusap ng mag-amang Rafael Cuevas at Don Benito ukol
sa nalalapit na kasal ni Rafael kay Margarita. Pinagsabihan nito ang kanyang anak na
magtino na at asikasuhin na lamang ang pinatayo nitong klinika para sa mata.
Sumang-ayon naman si Rafael sapagkat napag-isip-isip niya na tama rin naman ang
sinasabi ng kanyang ama. Niyaya ni Nick si Rafael para pumunta sa isang bar dahil
bibigyan nila si Rafael ng isang stag party sapagkat malapit na itong ikasal. Ngunit
nagkainitan ang grupo nila Rafael at ilang mga kalalakihan sa bar dahil daw sa
pambabastos ni Nick sa isang hostes, hanggang sa dumating ang mga pulis at
naisipang tumakas ni Rafael dahil ayaw nitong masira ang apelyido niya. Paglabas
niya sa kusina ng bar ay nakita niyang nasundan na pala siya ng isang pulis. Sumakay
si Rafael sa isang taxi upang iligaw ang bumubuntot na pulis.
• Habang tinatakasan pa rin ang humahabol sa kanya, nakarating si Rafael sa isang
di pamilyar na lugar. Dito ay nakita niya ang isang bahay na yero na ginawa
niyang panandaliang taguan mula sa pulis. Mula sa loob ng bahay ay may narinig
siyang pag-uusap-pag-uusap ng mag-inang Aling Sela at Seto na aalis muna ng
bahay upang makahingi ng gamot sa ubo.Nang nakaalis ang mag-ina, umakyat
siya sa bahay na yero at doo'y nakita niya ang isang dalaga, at ito'y mag-isa na
lamang. Hindi na nito napigilan ang sarili dahil sa sobrang kalasingan at
pinagsamantalahan na niya ang kaawa- awang dalaga. Bago lisanin ni Rafael ang
bahay, naisip niyang bulag pala ang babae na siyang kinaluwag ng loob niya
sapagkat ligtas siya-paano nga naman kasi siya maisusumbong ng isang babaeng
di naman nakakakita? Tiyempong gising pa rin pala si Don Benito nang makauwi
si Rafael sa kanilang bahay. Napansin ng kanyang ama ang mga kalmot sa
kanyang mukha, pero nagdahilan na lang siyang ito'y nauntog lamang noong
inihatid niya ang isa sa kanyang mga kaibigan sa bahay nito.
• Sa paggising ni Rafael, naalala nito ang kabalahuraang ginawa niya sa isang
bulag na babae. Upang mawala ang isiping ito'y napag-isip-isip ni Rafael na
dalawin na lang niya ang kanyang nobya. Nagkayayaan ang dalawang manood
at kumain sa labas, ngunit hindi pa rin talaga niya maiwaksi sa kanyang isipan
ang mga pangyayari sa bahay na yero. Muling pinuntahan ni Rafael ang bahay
na yero upang tingnan kung ano na ang lagay ng babaeng bulag. Nakausap niya
ang babae at nabighani siya sa angking kagandahan nito. Upang pasimple itong
makausap, nagtanong siya kunwari kung saan ang bahay ni Nick, na kanyang
kaibigan, at umalis din kaagad siya makalipas paalisin ng dalaga.
• Naisip ni Rafael na bigyan na lang niya ang babaeng kanyang
pinagsamantalahan ng 50,000 bilang panghugas ng kasalanan sa kanyang
ginawa. Pinuntahan niyang muli ang bahay at kaniyang ipinaabot sa isang bata
ang pera kasama ang isang liham na nagsasabing siya ang nanggahasa.
Nabanggit din sa sulat ang pagrerekomenda niya sa isang espesyalista ng matang
si Rafael Cuevas-na sarili niya mismo.
• Dumating ang araw ng kasal ni Rafael at Margarita na siyang dinaluhan ng
pamilya ng bawat partido at ng mga kaibigan nito. Nakaramdam ng
pagkainis si Rafael nang halikan ni Ted-dating kasa-kasama ni Margarita ang
kamay ni Margarita, ngunit hindi na lamang niya ito pinansin at naghanda na
sila para sa kanilang honeymoon sa Baguio. Naalala na naman ni Rafael ang
pangyayari sa bahay na yero matapos nilang magsiping ni Margarita. Ngunit
nawala ang isiping ito nang maalala niyang para siyang nadaya ni Margarita,
sapagkat hindi pala siya ang nakauna rito. Pinaalalahanan na lang niya ang
kanyang sarili na hindi na mahalaga ang nangyari sa nakaraan, at ang
mahalaga ay kung ano sila ngayon. Nang makauwi sila, tinungo ni Rafael ang
kanyang klinika upang itanong sa isang katiwalang nars kung may nagpunta
bang nanay na may kasamang anak na bulag. Mayroon nga raw pumunta,
ngunit wala si Rafael noon kaya sinabihan na lang ito ng katiwalang bumalik
na lang matapos ang siguro'y mga limang araw.
• Ang mag-ina ay dumating, matapos ang ilang araw, para i-konsulta kung
makakakita pa ba si Ligaya. Sinabi ni Rafael na may posibilidad naman ngunit
huwag silang aasa. Gayunpaman, nagdulot pa rin ito ng kaligayahan sa mag-
ina at kanila nang pinag-usapan ang araw ng gagawing operasyon. Sa
kasalukuyan din ay napatawag si Nick sa bahay ng mga Cuevas at nagkataong
si Margarita ang nakasagot nito. Inanyayahan sila nitong dumalo sa binyag ng
kanyang bunsong anak na sinang-ayunan naman ni Rafael sapagkat wala
naman itong masasagasaang operasyon sa kanyang klinika. Sa araw ng binyag
ay doon nagkakilala sina Margarita at Marina, na asawa ni Nick dumating
naman ang araw ng operasyon ni Ligaya, at nagresulta ito ng Dumating naman
ang araw ng operasyon ni Ligaya, at nagresulta ito ng tagumpay. Pinagbilinan
ni Rafael si Ligaya na huwag itong masyadong maggagagalaw at humarap
lamang sa iisang direksyon upang hindi mapano ang kanyang mga mata.
• Kinuwento ni Aling Sela, ina ni Ligaya, ang naging karanasan ng anak nito
sa pagkakagahasa. Sinabi niyang pinayuhan na nga niya si Ligaya na
ipalaglag na lang ang bata, ngunit tumanggi ito dahil para rito ay kaloob ng
Diyos ang nasa sinapupunan niya. Sa pagkukwentong iyon ni Aling Sela,
napagkasunduan nila ni Rafael na kumbinsihin si Ligayang ipalaglag na nga
lang ito dahil magiging kahihiyan pa ito ni Ligaya. Pero may paninindigan pa
rin si Ligaya sa kanyang desisyong buhayin ang bata. Nagdahilan pa nga
itong baka raw ang bata na ang maging daan para magpakilala sa kanya ang
gumahasa sa kanya. Nagkaroon ng matinding dagok sa relasyon ng mag-
asawang Rafael at Margarita nang Makita ni Rafael si Margarita na kasama
ang kanyang kaibigang si Nick. Ang buong akala pa naman niyang lalaking
katawagan ni Margarita sa telepono ay si Ted, ngunit sa gulat niya ay ang
kaibigan pala niyang si Nick. Galit niyang inaya pauwi si Margarita at
pagkauwi ay doon sila nag-usap at gumawa ng kumpromiso sa kanilang
problema.
• Binanggit ni Rafael ang pangyayaring ito sa kanyang ama upang humingi ng
payo, at ang payo ng huli ay huwag siyang magpadala sa galit at maging
mahinahon lamang siya. Ngunit nang minsang sinundan nito si Margarita sa
isang hotel ay laking gulat na lamang nito na kasama na naman nito si Nick.
Hindi na napigilan pa ni Rafael ang kanyang damdamin at agad niyang
sinuntok si Nick. Bilang parusa kay Margarita, hindi siya pinayagan ni Rafael
na lumabas- labas ng bahay. Hindi na rin siya maatim pa ni Rafael na makatabi
sa pagtulog. Hindi rin sila nagpapansinan kahit sa harap ng hapag-kainan. Sa
katagumpayan ng operasyon ni Ligaya, matapos lamang ang ilang linggo'y
nakakakita na siyang muli! Hinatid silang mag-ina ni Rafael sa kanilang bahay
at nakita nitong may pinapatayong bahay ang mag-ina, na sa isip-isip niya'y
nagmula sa perang kanyang binigay rito.
• Isang araw ay biglang napatawag sa kanya si Aling Sela at ibinalita nitong
nanganak na raw si Ligaya. Bigla-bigla namang pumunta sa bahay nila si Rafael
para makita ang anak nito. Nang makita niya ang kanyang anak, naisip niyang
ito na lang ang nakapag-aalis ng bigat ng problema nilang mag-asawa. Nalaman
niya kay Ligaya na isinunod sa kanya ang pangalan ng sanggol Rafael-nang
dahil na rin sa laki ng naitulong niya kina Ligaya. Ngunit hindi lang ito, inaya
rin siyang mag-ninong sa bata-ninong ng batang anak niya mismo! Binatikos ni
Margarita si Rafael sapagkat lagi na lang itong wala sa kanyang klinika
hanggang sa malaman nito na kina Ligaya pala ito pumupunta. Nag-eskandalo
ito sa bahay nina Ligaya at kung ano-anong mga masasakit na salita ang
pinakawalan na siyang labis na ikinasakit ng damdamin ng mag-ina. Pag-uwi ng
mag-asawa, nagkasagutan ang mga ito at pilit na pinapaamin ni Margarita si
Rafael ukol sa relasyon nila ng dating pasyenteng si Ligaya. Ayos lang daw kay
Margarita ang ganoong bagay na mayroong ibang kalaguyo ang siyang mag-
ninong sa bata-ninong ng batang anak niya mismo!
• Binatikos ni Margarita si Rafael sapagkat lagi na lang itong wala sa kanyang
klinika hanggang sa malaman nito na kina Ligaya pala ito pumupunta. Nag-
eskandalo ito sa bahay nina Ligaya at kung ano-anong mga masasakit na salita
ang pinakawalan na siyang labis na ikinasakit ng damdamin ng mag-ina. Pag-
uwi ng mag-asawa, nagkasagutan ang mga ito at pilit na pinapaamin ni
Margarita si Rafael ukol sa relasyon nila ng dating pasyenteng si Ligaya. Ayos
lang daw kay Margarita ang ganoong bagay, na mayroong ibang kalaguyo ang
bawat isa sa kanila, ngunit hindi ito sinang-ayunan ni Rafael. Ikinonsulta na ito
ni Rafael sa kanyang ama at sa ama ni Margarita. Binalikan ni Rafael sina
Ligaya ngunit pinagsabihan lang siya ng huli na huwag nang pumunta sa kanila
para hindi sila maging dahilan pa ng pag-aaway ng mag-asawa.
• Dahil nga sa alam ni Don Cuevas ang hirap na pinagdadaanan ni Rafael,
idagdag pa ang paninisi nito sa sarili dahil sa mga pangyayari, ay siya nang
ikinamatay ng matanda. Marami ang nakilibing at maraming nakiramay
kasama na rito ang mag-inang Ligaya at Aling Sela. Labis na dinamdam ni
Rafael ang mga pangyayari sa kanyang buhay at nasipan na lang niyang
pumunta sa isang bar upang uminom at kumuha ng isang hostes para
makalimot sa mga bagay- bagay. Pagkagaling niya sa hotel ay nagpunta siya
kina Ligaya kahit na siya'y lasing pa, at nang siya'y matumba sa pintuan ay
agad-agad naman siyang binuhat ng mag-ina. Habang pinupunasan siya ni
Ligaya ay hinatak niya ang kamay nito at saka niya ito hinalikan sa labi.
Biglang naisip ni Rafael na mali ang kanyang ginawa at dahil doon ay ayaw na
siyang makita pang muli ni Ligaya.
• Makalipas lang ang ilang araw ay nabasa ni Rafael sa dyaryong natagpuang
patay sina Nick at Margarita, at ito ay kagagawan ni Marina. Nalaman naman
mismo ni Rafael kay Marina na kaya nito binaril ang dalawa dahil balak ni
Nick na kuhanin ang mga anak nila. Sinundan ni Marina si Nick sa kanilang
bahay upang ipaglaban sana ang karapatan nito bilang ina ng mga bata, ngunit
hindi nito naabutan ang asawa. Kaya kinuha na lang niya ang baril sa kanilang
bahay saka niya sinundan sa hotel sila Nick, at doon niya binaril ang dalawa.
Nagtapos ang kwento nang aminin ni Rafael na siya ang gumahasa kay Ligaya.
Nagulat ang mag-ina sa narinig, ngunit mapapansin sa mga ikinilos ni Aling
Sela na ayos lang ditong si Rafael pala ang ama ng anak ni Ligaya. Matapos
umamin ay niyayang magpakasal ni Rafael si Ligaya upang panagutan ang
nagawa niya at dahil sa mahal na rin kasi niya ang dalaga. Sa biruang kumpare
at kumare nagwakas ang nobela.
URI NG NOBELA
• Nobela ng Tauhan - Binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng
pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at
pangangailangan .
• Nobelang Panlipunan – Ang nobelang ito ay isang akdang
sumasalamin ng iba’t-ibang uri ng tao sa lipunan at kung paano sila
gumagalaw sa loob nito. Ang mga tauhan ay kumilos ayon sa kanilang
katayuang sosyal. Umiikot ang kwento sa ilang bagay na tumatalakay sa
ilang panlipunang isyu ngayon.
• Nobelang maromansa – Ito ay kwento ng pag-ibig ng isang
mayamang lalaki na nagahasa ang isang mahirap na babae.
Inusig siya ng kaniyang konsensya kaya binigyan niya ng pera
ang babae ngunit hindi siya nagpakilala.

You might also like