You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY


NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

FIL209:PANIMULANG LINGGUWISTA

ARALIN 3
ANG PAGSASALITA
IPINASA NINA:

JUDY ANN ABAYON


GERALDINE CIUDAD
JENNY PARCON
FLOURENCE VASQUEZ

Ipinasa kay:

Ma’am Wendellene Huervas


Profesor
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

INTRODUKSIYON
Ang pagsasalita ay bahagi ng pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Nagagawa nating
makipagpalitan ng idea, makapagsalaysay ng reaksiyon sa mga nababasa o
napapakinggan. Ang kasanayan sa pagsasalita ay unang natutuhan ng tao kaalinsabay
ang kasanayan sa pakikinig , na bago matutong bumasa at magsulat , una munang
nalinang ang pakikinig at pagsasalita.

Unang natutuhan ng tao ang pagsasalita sa loob ng tahanan. Ang isang bata ay natutong
magsalita sa pamamagitan ng panggagaya sa mga taong nasa paligid niya. Ang mga
salitang napapakinggan niya sa loob ng tahanan ay nalilinang ito, naidadagdag sa
kaniyang kaalaman, darating ang araw na gagayahin nito upang matutuhang makipag-
usap sa iba.

Habang ang isang bata ay lumalaki,nakikihalubilo siya sa ibang tao,mapapakinggan niya


ang sinsabi nila, madadagdagan ang kaniyang kaalaman, kahit na siya ay nasa murang
edad pa lamang. Ayon sa mga sikologo, mula edad dalawa hanggang siyam marami ng
nakaimbak at natipong salita sa isipan ng mga bata at sa mga salitang ito,lumalawak ang
kaniyang talasalitaan sa kaniyang unang wika.

LAYUNIN
Sa araling ito ,ilalahad ang kasanayang pagsasalita at prinsipal ng sangkap ng
pagsasalita . Pagkatapos ng talakayan hinggil sa aralin, inaasahan na ang mga mag -aaral
ay:

1.nakapagpapamalas ng kaalaman sa iba’t ibang sangkap ng pagsasalita;at

2.nakapagpapakita ng kaalaman at kasanayan sa wastong pagbigkas ng mga salita batay


sa angkop tunog nito.

ARALIN 3.1 PRINSIPAL NA SANGKAP SA PAGSASALITA


Ang katawan ng tao ay binubuo ng mga sistema na may kaniya-kaniyang tungkulin
ginagampanan sa kabuohan ng katawan.Magkakaugnay ang mga bahaging ito upang
patuloy na magampanan ng isang tao ang kaniyang mga gawain.
Kaugnay nito,ang bahaging paglika ng tunog,may mga bahagi ring ginagamit angtao
upang makalikha ng tunog na siyang itunuturing na ponema. Kapag ang mga ponema ay
nabou,ito ay nagiging salita.
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

TATLONG MAHAHALAGANG SALIK ANG KAILANGAN UPANG MAGKAPAGSALITA ANG TAO.

1. Pinanggagalingan o lakas ng enerhiya.

2. Kumakatal na bagay o artikulador.

3. Patunugan o resonador.

Ang nagaganap na interaksiyon sa tatlong salik na ito ay lumikha ng mga alon ng mga
tunog . Ang hangin ng midyum o daanan ng alon ng tunog upang marinig ang mga ito.
Ang pwersang nililikha ng papalabas ng hanging galing sa baga ang siyang enerhiyang
nanggagaling sa babagtingang pantinig na nagpapagalaw sa artikulador, na
minomodipika ng bibig na siyang nagiging resonador. Ang resonador na ito ay binubo ng
bibig at ang guwang ng ilong.

MAY APAT NA BAHAGING MAHAHALAGA SA PAGBIGKAS NG TUNOG.

1. Dila at Panga

2. Ngipin at labi

3. Matigas na ngalangala

4. Malambot na ngalangala

Ang hugis at laki ng guwang sa loob ng bibig ay nagbabago-bago dahil malayang


naigagalaw ang panga at dila. Nagbabago -bago ang posisyon ng dila ayon sa tunog na
nais bigkasin. Maaaring mapahaba, mapaikli, mapalapad,mapapalag , maitutukod sa
ngipin o sa ngalangla, maililiyad o kaya’y maiaarko. Samantala , ang mga patinig naman
ay nabibigkas sa pamaagitan ng pagtaas at pagbaba ng alinman sa bahagi ng dila, ito
man ay sa harap, sentral o likod na bahagi kasama ng pagbabago-bago sa hugis ng
espasyo ng bibig, gayundin ang mga labi na dinaraanan ng tinig.

ARALIN 3.2
PAGKONTROL SA TONO O TINIG

Mga Tiyak na Layunin


1.Naipapaliwanag kung paano ang tamang pagkontrol sa tono o tinig.
2.Natutukoy ang sangkap ng pananalita; at
3. Napatotohanan ang kahalagahan ng kakayahang magsalita at ang iba pang kaalaman
tungkol dito.

PAGKONTROL SA TUNO NG TINIG

Ang pagkontrol sa tuno ng tinig ay nakasalalay sa dalas ng pagpalag ng mga kwerdas


pantinig ( vocal cords) ay nakakontrol sa pamamagitan ng pag-iib iba ng tensiyon ng mga
ito. Sa ganitong paraan nakokontrol ng isang nagsasalita ang pagtaas at pagbaba, paglaki
o pagliit ng kaniyang tinig.
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Tumataas o kaya'y lumiliit ang tinig kapag mabilis ang pagpalag ng mga kwerdas pantinig (vocal
chords); bumababa o kaya'y lumalaki naman ang tinig kapag madalang ang pagpalag ng mga
kwerdas pantinig (vocal chords). Sa ibang salita, nababago ang tono ng ating tinig sa
pamamagitan ng pagbabago sa dalas ng pagpalag ng ating mga kwerdas pantinig (vocal chords).

Ang TIMBRE ay kilala rin bilang tono ng kulay o kalidad ng tono. Kapag sa musika ang
timbre ay isang elemento ng musika na nagsasaad ng pagpapalabas ng uri ng boses.

Ang boses halimbawa ng mga babae ay a( Soprano na magaan gaan , nkakaabot sa


mataas na antas na parang ibon , malamig, malumanay at matinis, b( Alto nq makapal,
malat, kayang bumaba sa mababang antas di- gaanong mataas. Karaniwang boses
naman para sa mga lalake ay a( Tenor na magaan at nakakaabot sa mataas na antas at
b) Baho na makapal ang tinig na nakakaawit ng mababang antas.

RANGE
 Ito ay distansiya sa pagitan ng pinakamababa at pinakamataas na pitch ng
komportable at mabisang tinig sa pagsasalita.

DALAWANG URI NG RANGE


a) Malawak na range- mas makapagsalita ng komportable.
b) Makitid na range- di masyadong nakapagsalita nang komportable.

MGA BABAE

 Ang mga babae ay mas mataas na tinig; mas maikli ang babagtingang-tinig na
karaniwan ang kanilang mga timbre ay soprano at alto.

MGA LALAKI
 Ang mga lalaki naman ay mas malalim na pitch; mas mahaba ang babagtingang-
tinig na karaniwan naman na ang kanilang timbre ay tenor at baho.

ARALIN 3.3
ANG MGA PALATANUNGAN,PRODUKSIYON NG MGA
TUNOG, KLASIPIKASYON NG MGA TUNOG, ARTIKULASYON NG MGA
TUNOG

Sadyang pinaplanuhan at isinaayos ang araling ito upang


magamit at maging gabay ng mga estudyante sa kanilang kurso. Gayundin mailatag ang
kaalaman na tutulong sa mag aaral ng filipino ng ating bansa na ginagamit na nararapat
lamang na bigyang halaga. Nilalayon rin na malinang ang makaagham na pag-aaral ng
wika gaya ng palatanungan nito at makilala ang sistema ng mga tunog batay sa kabuuan
ng proseso at higit, sa lahat, malinang ang kaalaman sa isang mahahalagang hakbang
upang lubos na maunawaan ang ating wika.

Sa pamamagitan ng bata at ng kanyang mundong


kinabibilangan, ang wika ay siyang ituring nating pinakatiyak at pinakapangunahing
behikulo sa pangkomunikasyon at pakikihalobiloupang maunawaan at makaunawa ng
lubos. Ang wika ay itinuturing na unang anyo ng pagpapahayag ng isang bata sa
lipunang kaniyang kinabibilangan, at ito ay nabuo mula sa pag aaruga at pagmamahal ng
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo
kanilang sariling pamilya na naipahahatid sa pamamagitan ng mga pasalitang tagubilin,
pag-uusap, pagkukuwento, atbp.

Gayunpaman, ito ang masasabing bunga ng kakayahan ng isang bata na makapakinig at


matutuhan ang anumang natatamong input na lubos na mahalaga sa pagbuo ng
sistemang ponolohikal ng kaniyang nakagisnang tunog ng katutubong wika (mother
tongue). Kaugnay nito, mahalagang kilalanin ng isang nag-aaral o mag- aaral ng wika na

kailangang isaalang-alang ang lawak ng kaalaman sa pangunahin at mabisang simulain sa


pag-unawa sa paraang panlingguwistika. Sa ganitong pagkakataon ay hayagang

mauunawaan na ang pagbigkas ng isang bata sa bawat salita ay naaayon sa kung ano ang
kaniyang nakalakhang gamitin. At sa tulong nito ay masasabing ito ay isang paraan
upang maunawaan na hindi lamang ito pag-aaral sa isang wika o ng ating wikang
pambansa kundi higit sa lahat ay ang lahat ng wikang ginagamit at sinasalita o
nakagisnan ng isang indibidwal o mamamayang Pilipino.

ALAMIN
Alam n'yo ba na ang ating binibigkas habang tayo ay nagsasalita ay nagtataglay ng isa,
dalawa o mahigit pang tunog?

Bawat tao sa mundo ay may kakayahang makalikha ng mga tunog na lumalabas mismo
mula sa kaniyang bibig. Ang mga ito ay ang pagbigkas niya ng kaniyang wikang ginagamit
na bumubuo ng makahulugang tunog. Ang makabuluhang tunog na itinuturing na bahagi
ng maaghan na pag-aaral ng lingguwistika ay PONEMA. Subalit bago pa man ito
mabigkas ay napoproseso ito mula sa ating baga na pinagmumulan ng

hininga at lumilikha ng puwersa patungo sa loob ng bibig at bawat bahagi nito na kusang
nagpapakilos upang gumanap at mamodipika ng bibig ang tunog o resonador at
artikulador kasabay ng guwang ng ilong.

Gaya ng mga napag-aralan sa unang bahagi ng kursong ito, na ang ating balarila ay
binubuo ng labinlimang ponemang katinig o mga tunog na nalilikha ng ating bibig gaya
ng:

Poneang katinig: /b/, /k/, /d/, /g/, /h/, /p/, /m/, /n/,/ng/, /p/,/r/, /s/,/t/, /w/,/y/ /?/-
impit na tunog (glottal stop) na itinuturing na isang ponemang katinig kung ang
pagbabatayan ay ang lumang palabaybayan. Makikita ito sa pasulat na paraan
ginagamitan ng simbolong (-) na nagkakaroon ng paghinto o dagliang pagsara ng
lalamunan sa pagbigkas na paraan gaya halimbawa ng salitang (pag-asa).

Maidaragdag pa rito ang mga Ponemang Patinig: /a/, /e/, /i/, /o/, /u/ na kasabay ng
mga ponemang katinig.

PONEMANG KATINIG /b/,/k/,/d/,/g/,/h/,/l/,/m/,/n/,/ng/,/p/,/r/,/s/,/t/,/y/,/w/,/y/


PONEMANG PATINIG /a/,/e/,/I/,/o/,/u/
IMPIT O GLOTTAL /?/
KABUOANG BILANG NG PONEMA 21
Tingnan ang chart sa ibaba:

Sa kabuoan, ang mga tunog na ito ay may 21, na kung tawagin ay mga ponema o
makabuluhang yunit na nagtataglay ng yunit o makabuluhang tunog. Pansinin na ang
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo
bawat isa ay may nakakulong sa dalawang pahilis na kung tawagin ay slash sa ingles at
virgule naman sa Middle French. Ito ay nangangahulugang sa transkripsiyon na isa o nag
iisa o nais ihiwalay na iba upang manatiling walang kasamang ibang tunog o yunit.

Kung mapansin naman ay ng /ng/, ito makikitang dalawang titik at digrapo, na


kapag na binigkas na mag kasama ay magpoprodyus ng isang tunog lamang.

Alinsunod naman na itinadhana ng kuntitusyun pangwika 1987,ang pagkaroon ng 28


binagong alfabitong filipino na kumakatawan ng mga bagong ponemang katinig bilang
tumayung simbolo ng pagtanggap,pag unlad at pag babago sa ating wika.sinadyang
maikonsindira atmagamit ang mga wikang pumapasok,ginamit,hinihiram

at tinatanggap ng mamamayang pilipino upang sa gayon ay maiangkla kasabay ng pag


unlad at pagpapayaman ng ating wikain.ang walong titik o litra na idinagdag sa
alpabitong filipino ay ang sumusunod:

/c/, /f/, /j/, /n/, /q/, /v/, /x/, /z/

Ang makaagham na pag –aaral ng mga tunog na ito ay tinatawag na PONOLOHIYA O


PALATANUNGAN AT PHONOLOGY naman sa wikang ingles. Ang pag-aaral naman sa
bawat tunog ng ating alpabetong katinig at ponema, sapagkat bawat titik o letra ay
nagtataglay ng makabuluhang tunog gaya ng halimbawa ng ponemang /a/, /b/ atbp.
Maliban na lamang kung ito ay dadagdagan ng iba pang ponema, kung kaya, /t/
nagkakaroon ng ilang bahagi ng ponema gaya ng halimbawa ng katagang “ ba” na kung
bibigkasin ang /b/ +/a/= ay nagtataglay na ng dalawang ponema o yunit na
makabuluhang tunog.

Tingnan ang halimbawa sa ibaba:

Ang salitang “balat” (skin) - sa kabuoan, ito ay may limang (5) ponema o tunog/yunit
na kung aalisin ang isa ay magaganap ang pagbabago ng kahulugan.

“ balat” – t = bala ( bullet)

-b = alat ( saltiness, balbal na salitang pulis)

Pansinin na mula sa salitang “balat” o skin sa ingles ay nagtataglay ng limang (5)


ponema,na nangangahulugang kapag nagbago o nabawasan ng kahit na isang tunog o
ponema ay maaring maimpluwenyahan ang orihinal na kahulugan at magbago nang
dahil a itinuturing na makabuluhang tunog o yunit ng isang salita.

Maliban sa pagkilala sa mga salik na kinakailangan sa pagsasalita ng isang indibidwal


upang makabigkas ng makabuluhang tunog ayon kay Lachica (1998) batay sa mga tunog
sa Filipino:na inihayag ni Dr. Richard Pittan isang lingguwistang Amerikano, na kung
anong dami ng titik at pantig ang Filipino ay gayundin ito sa mga kaugnay na tunog at
bigkas. Dito rin ipinahayag ang prinsipyo ng paraan ng pagsasalita ng Pilipino na “kung
ano ang bigkas ay siya ring baybay at kung ano ang baybay ay siya rin bigkas”.
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo
APAT NA MAHAHALAGANG BAHAGI UPANG MAKAPAGBIGKAS NG MGA TUNOG

Dila at panga
Ngipin at labi
Matigas na ngalangala
Malambot na ngalangala

ANG PORODUKSIYON NG MGA TUNOG


Ang produksiyon ng tunog sa pagsasalita ay nabanggit at naipahayag
na ito ay mula sa mga tunog ng pantig, katinig, at impit na simbolo.

Sabihin na lamang ang pagsasalita ay nagsimula sa utak bago paman


ito na proseso sa baga tungo sa organ ng pagsasalita upang ito ay mabigkas at makabuo
o

makaprodyus ng mga tunog. Ang pagsasalita, kung gayon, ay binubuo ng:

AYON KINA ALFONSO AT TIANGCO (2003)

1. Ang pinanggalingan ng lakas o enerhiya


2. Ang kumkatal na bagay o artikulador
2. Ang patanugan o resonador

BATAY NAMAN KINA PAZ, ET AL. (2003)


1. Sors ng hangin
2. Sors ng nagpapagalaw sa hangin, at
3. Set ng mga filter at mga resoneytor na nag momodify mg mga tunog
sa iba’t ibang paraan

Sa ganitong punto, ang daloy ng hangin mula sa baga, na dumadaan


sa trakeya (trachea) at bokal cord ( vocal cord) tungo sa bibig at guwang ng ilong.

MEKANISMO SA PRODUKSIYON NG TUNOG


1. Baga- nagsususplay ng hangin
2. Laringks- na tinatawag na Ingles na Adam’s Apple ang pinanggalingan
ng tunog kung .saan naroroon
3. Vocal- kord – isang pares ng manipis na masel na pinapagalaw ang
daan ng hangin

Ang mga filter naman ay ang mga organ sa itaas ng laringhe:

Faringks- ang bahagi ng lalamunan sa pagitan ng laringks at ng oral- kaviti


Oral – kaviti
Ang neysal- kaviti na siyang daanan sa loob ng ilong

KLASIPIKASYON NG MGA TUNOG O SEGMENT

Mga Katinig (voiced) ay ganap na ginagawa ang pagsasara o pakipot sa vocal track
/b/ /c/ /d/ /f/ /g/ /h/ /j/ /k/ /i/ /m/ /n/ /p/ /r/ /q/ /s/ /t/ /v/ /w/ /x/ /y/ /z/ /?/
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo
2. Mga patinig (Voiceless) karaniwang may tunog ang ginagawa sapagkat halos walang
ginagawa sa vocal track
/a/, /e/, /i/, /o/, /u/

3. Mga Malapatinig ( Glayd) ay hindi katulad ng tinig na isang nucleus, ito ay mabilis na
binibigkas
Tagalog (y) – (1) kami’y tulay
Waray (w)- (u) Wara – Wala

ARTIKULASYON NG MGA KONSOMOT

Mga Katinig- sinasabi na ang dila ang pangunahing artikulador maaari itong
ilagay sa iba’t ibang posisyon sa ating bibig.

BAHAGI NG DILA
Tip- makitid na erya sa dulo

Bleyd- parteng kasunod ng tip

Katawan- pangunahing bahagi

Sanggunian:

https://samutsamot.files.wordpress.com/2012/11/pagtukoy-ng-uri-ng-pang-uri
https://www.slideshare.net/datonnah/angkan-ng-wika
https://www.slideshare.net/claircarcellope-k-santos https://philnews.ph/2018/12/19/pang-uri-apat-4-
kayarian-pang-uri-halimbawal
https://samutsamot.files.wordpress.com/2013/10/kailanan-ng-pang-uri_1.pdf
https://philnews.ph/2018/12/19/pang-uri-apat-4-kayarian-pang-uri-halimbawal

You might also like