You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY


NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

MODYUL sa PAGTUTURO at PAGTATAYA sa MAKRONG KASANAYANG


PANGWIKA

Modyul I- Aralin 4
Mga Simulain sa Pagtuturo ng Pagsasalita

Introduksyon
Sa pagtuturo ng makrong kasanayan sa pagsasalita ang isang
guro ay may mga bagay na dapat isaalang-alang upang maging
mabisa ang pagtuturo nito sa mga mag-aaral. Hindi magiging
epektibo o maging mabisa ang sang pagtuturo kung hindi
pagtuunan ng pansin ang mga bagay-bagay na silang nagbibigay-
kulay upang maisakatuparan ang isang mabisang pagtuturo ng
makrong pagsasalita- ang simulain nito.
Ang Modyul 1- Aralin 4 na ito ay matutunan mo ang mga
simulain sa pagtuturo ng makrong pagsasalita, sa pagsasalita
ano ang dapat iwawasto, gaano kadalas ang pagwawasto nito,
kailan ito iwawasto, paano ang pagwawasto, sino ang
magwawasto at tungkol sa pagpaplano ng isang aralin sa
makrong pagsasalita.

Mga Bunga ng Pagkatuto

1. Nagkaroon nang higit na pagkaunawa/ kabatiran sa mga


simulain sa pagtuturo ng makrong kasanayan sa pagsasalita.
2. Nabigyan-linaw ang mga dapat isaalang-alang sa makrong
kasanayan sa pagsasalita lalonglalo na kapag ito ay ilalapat
na sa akwal na pagtuturo.
3. Nakagawa ng isang sariling pagsusuri ayon sa aktwal na
gawaing pagsasalita.

Nilalaman
Mga Simulain sa Pagtuturo ng Pagsasalita 1. Isaalang-alang ang
buong pagkatao ng bawat mag-aaral

Sa apat na makrong kasanayang nililinang sa pagtuturo ng wika,


ang kasanayan sa pagsasalita at higit na nakakaapekto sa
personalidad ng mag-aaral. Ang magaaral na may tiwala sa sarili

1
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

at nakaranas na ng kasiyahan sa pagsasalita ang siyang may mataas


na motibasyon at handing makipagsapalaran sa pagsasalita.
Kaya’t kailangan ng guro na:

a. maging sensitibo, maunawain at mapangganyak. Kailangan ding


palaging pinupuri ang mga mag-aaral.
b. Pumili ng mga tekstong makakaganyak at makapupukaw sa
kawilihan ng mga mag-aaral. Ang mga kagamitang panturo ay
kailangang angkop sa edad, interes, karanasan at kaalaman ng
mga mag-aaral. Kailangan may kaugnayan din ang mga kagamitang
panturo sa sariling interes ng mga bata.

2. Bawasan ang pagkabahala o pag-aalala ng mga mag-aaral sa


pamamagitan ng paglalahad ng mga aralin mula sa madali patungo sa
mga mahirap.

Atubili at ninenerbyos ang halos lahat ng mga mag-aaral kapag


sasabihin mong magsasalita sila sa harap ng klase. Mababawasan
ang ganitong pag-aalala kung:
a. Uumpisahan ang mga Gawain sa pagsasalita mula sa maikling
usapan patungo sa mahahabang salitaan sa loob ng klase.

b. Hayaan na ang pakikipag-usap ay magsimula sa taong


kapalagayang- loob( hal. Katabi sa upuan) bago pagsalitain sa
harap ng isang pangkat na binubuo ng 4 hanggang 5 mag-aaral.
Ang pagsasalita sa harap ng buong klase ay maaring gawin nang
paminsan-minsan sa mga paksang malapit sa kalooban ng bawat isa
tulad ng tanong na “ Ano ang ginawa mo noong nakaraang Linggo?”

c. Makatutulong kung ang paksa ng pagsasalita ay hindi alam ng


klase at ang tagapagsalita lamang ang nakakaalam. Ang ganitong
sitwasyon ay nagbibigay ng lakas ng loob sa tagapagsalita.

d. Tiyakin na may lubos na pag-unawa ang tagapagsalita sa


paksang kanyang tatalakayin. Alamin din ang uri ng wikang
kailangang gamitin sa pagsasalita. Kung maaari’y ituro muna ito
kung kinakailangan.

3. Panatilihin ang maayos na timbangan ng kawastuhan at katatasan


sa pagsasalita
Sa paglinang ng mga kasanayan sa pagsasalita, kailangang bigyan
ng guro ang mga mag-aaral nang sapat na pagkakataon upang mabatid
ang dalawang mahalagang aspekto ng pagsasalita. Una, kailangang
maituro sa kanila ang kawastuhan (accuracy) na may kinalaman sa
wastong pagbabalarila at paggamit ng mga angkop na salita,

2
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

kayarian at pagbigkas ng mga salita. Ikalawa, Kailangang maituro


ang katatasan (fluency) sa pagsasalita na may kinalaman naman sa
pagsasalita sa normal na bilis: hindi tumitigil ng matagal kapag
nauubusan ng salita, at iba pa.

4. Maging isang magaling na modelo sa mga mag-aaral


Ang mga mag-aaral na walang naririnig na sinasalitang Filipino
maliban doon sa napapakinggan niya sa loob ng klasrum ay aasa na
lamang sa guro bilang modelo sa pagsasalita. Dahil sa ganitong
kalagayan, kailangang sikapin ng guro na tamang Filipino ang
dapat maririnig ng mga mag-aaral lalo na’t ang guro ay hindi na
tagapagsalita. Hindi kailangang maging mabagal sa pagsasalita
kung magiging modelo ang guro. Dapat niyang isaalang-alang ang
sumusunod:
a. Sikaping masalita ang Filipino sa isang paraang
maipagmamalaki mo upang masanay ang mga mag-aaral sa pakikinig
ng tamang Filipino at magkaroon sila ng tamang “pagdama” sa
wastong indayog, diin at intonasyon ng Filipino;

b. paulit-ulit na pagpaparinig ng tamang indayog, diin at


wastong pagbigkas ng mga salita upang gayahin ito ng mga mag-
aaral; at

c. tuwirang pagtuturo ng tamang pagbigkas, intonasyon, at iba


pa upang matutuhan ang mga mag-aaral ang tamang pagsasalita.

5. Paglalaan ng angkop na istimulo para sa pagtatamo ng wastong


pagsasalita
Kailangang palaging may pagkakataon ang mga mag-aaral sa
pagsasalita upang mabigyan sila ng maraming pagkakataon sa
pagsasaalita at upang makatiyak na ang kanilang sinasabi ay ang
gusto nilang sabihin, kailangang kontrolin ng guro ang kanilang
sasalitain. Magagawa ito ng guro sa pamamagitan ng pagbibigay ng
mga input (tala, larawan, mapa at iba pa). Tiyakin na ang oras na
gugulin ng mga mag-aaral sa pagaaral/ pag-unawa sa input ay mas
maikli kaysa sa aktwal nilang pagsasalita. Upang makatiyak ang
guro sa tamang alokasyon ng oras, kailangang itanong niya sa
sarili ang sumusunod :

a. Anong bahagdan ng kabuuang oras ng mga Gawain ang nakalaan


sa pagbasa/ pag-iisip?
b. Anong kasanayan sa pagsasalita ang matutuhan sa gawaing ito?
c. Mayroon bang sapat na panahon para sa pagsasanay ng target
na kasanayan?

3
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

d. Ano ang proporsyon ng oras ng pagsasalita ng guro sa


pagsasalita ng mga mag-aaral sa gawaing ito?
e. May kabatiran ba ang mga mag-aaral sa nilalaman ng istimulo(
mapa, larawan, tala at ba pa).
f. Hindi ba magiging hadlang ang istimulo sa paglinang ng
target na kasanayan?

6. Pag-iba-ibahin ang mga kaparaanan ng interaksyon sa klase


Isang mahalagang aspekto ng pagkatuto ng mga kasanayan sa
pagsasalita ay maykinalaman sa matalinong paggamit n g iba’t
ibang kaparaanan ng interaksyon sa klase. Kung maglalahad ng
bagong aralin sa pagsasalita at gusto ng guro na magkaroon ng
kontroladong pagsasanay, mabisang gamitin ang whole class mode.

7. Tiyaking malinaw ang mga panuto


Tiyaking malinaw ang panuto at nauunawaan ng lahat. Maaaring
magulo ang panuto sa isang klase sa pagsasalita lalo na’t ang
Gawain ay pangkatan at may iba’t ibang materyales ang mga mag-
aaral. Ang pagpapakita o pagmomodelo kung paano isasagawa ang

4
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Gawain ang pinakaepektibong paraan upang makatiyak na nauunawaan


ng mga mag-aaral ang kanilang gagawin.

8. Imonitor ang mga gawain ng mga mag-aaral


Hindi nangangahulugang tapos na ang Gawain n g guro
pagkatapos mailahad at mabigyan ng pagsasanay ang klase. Sa isang
aralin sa pagsasalita, may mahalagang tungkulin ang guro habang
ang buong klase ay nagsasanay nang pares-pares o di kaya’y
pangklatan. Sa yugtong ito ng aralin, kailangang mag-ikut-ikot
ang guro sa bawat pangkat at imonitor ang kanilang ginagawa.
Kailangan ng guro na:
a. Himukin/ tulungan ang mag-aaral na nahihirapan sa Gawain.
Maaaring gawing payak ang gawain o di kaya’y ituro ang wika/
istratehiya na kakailanganin sa pagsasagawa nito;
b. Itala ang mga pangkaraniwang kamalian at mga paulit-ulit na
pagkakamali upang mabigyan ng pokus pagkatapos ng gawain; at
c. Papurihan ang mga mag-aaral na maganda ang pagtupad sa mga
gawain o di kaya’y iyong mga nagsikap mapagtagumpayan ang
gawain.

9. Tiyakin na may sapat na paghahanda ang guro para sa pagkaklase


Masalimuot ang mga pamaraan ng isang aralin sa pagsasalita (
iba’t ibang materyales para sa iba’t ibang mag-aaral sa iba’t
ibang bahagi ng aralin, mga pantulong na awdyo-biswal, iba’t
ibang kaparaanan ng interaksyon, at iba pa). Maaaring mabigo ang
guro sa pagkaklase kung hindi bibigyan ng atensyon ang mga
detalye.
Kailangan gumawa ang guro ng isang tseklist ng mga bagay na
gagamitin sa pagtuturo, kalian gagamitin ang mga ito at sino ang
bibigyan nito para sa mga gawain.

10. Maging sensitibo sa pangangasiwa ng mga pagkakamali sa


pagsasalita
Ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong debelopmental at
ang pagkakamali ay isang integral na bahagi ng pagkatuto.
Kailangan tulungan ng guro ang mga mag-aaral na tanggapin ang
ganitong katotohanan upang maging kasiya-siya ang pagtuturo at

5
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

pagkatuto. May limang aspekto ang pagkakamali na kailangang


lapatan ng desisyon ng guro:

Ano ang Iwawasto


Lahat ay nagkakamali sa pagsasalita. Kahit na ang mga taal
na tagapagsalita ay nagkakamali rin sa balarila kapag sila’y
nagsasalita. Ngunit ang mga ito’y di paulit-ulit na pagkakamali.
Sa katunayan, alam ng tagapagsalita ang tamang anyo ng mga
salitang gagamitin sa pngungusap. Nagaganap ang ganitong
pagkakamali dahil sa iniisip ng tagapagsalita kung ano ang
sasabihin niya ngayon, ano ang susunod niyang sasabihin at
inaalam pa rin niya ang reaksyon ng kanyang tagapakinig na sabay-
sabay niyang isinasagawa. Ang ganitong uri ng pagkakamali ay
tinatawag na performance errors. Hindi iwinawasto ang ganitong
pagkakamali. Ang iwinawasto lamang ay iyong mga pagkakamali
na/sa:
a. nagaganap nang paulit-ulit sa pagsasalita ng mga mag-aaral;
b. mga aralin sa wika na binibigyang-pokus sa pagtuturo;
c. nakapangingilabot sa mga tagapakinig ( hal. naginawan ang
likod); at
d. mga kayarian/ balangkas ng wika na malimit na ginagamit sa
pagsasalita

Gaano Kadalas ang Pagwawasto


Ito’y maaaring ibatay sa:
a. Pagtitiwala sa sarili ng mag-aaral ( ang malimit na pagwawasto
sa magaaral na kulang ang tiwala sa sariling kakayahan ay
maaaring pagpahina ng kanyang loob at tuluyang mawalan ng gana sa
pag-aaral);
b. Sa bahagi ng aralin- karaniwang ang pagkakamali ay nagaganap
sa yugto ng paglinang ng kawastuhan sa pagsasalita at madalang
naman sa yugto ng katatasan sa pagsasalita.

Kailan Iwawasto
Kailangan ang kagyat na pagwawasto sa mga gawain tulad ng
pagsasanay o drll. Para naman sa mga gawaing kaugnay ng paglinang
sa pagiging matatas sa pagsasalita, itala ang mga pagkakamali
habang nagsasalita at talakayin ang mga ito sa pagtatapos ng
gawain. Kailangan pangkatin ang mga pagkakamali- hal. pagkakamali
sa pagbigkas, pagkakamali sa balarila, pagkakamali sa pagpili ng
tamang anyo ng pangungusap/ salita at iba pa.

6
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Paano ang Pagwawasto


Maisasagawa ang pagwawasto sa iba’t ibang paraan:
1. Sa pamamagitan ng pagmomodelo
Hindi mo sasabihin na mali ang mag-aaral o ipaliliwanag ang
pagkakamali. Uulitin mo lamang ang kanyang sinabi sa tamang
paraan.

Hal. Mag-aaral: Matangkad an gaming bahay.


Guro: Mataas ang aming bahay.

2. Sa pamamagitan ng pagpapabaha (flooding)


Ang paraang ito ay mabisa para doon sa mga pagkakamaling
nakatanim na sa isipan ng mag-aaral. Gaya ng isinasaad nito,
pababahain ang mga tamang gamit ng salita, pangungusap sa mag-
aaral ( hal., sa pamamagitan ng drill) upang madala ng agos-baha
ang mga maling gamit.

3. Sa pamamagitan ng pagpapaliwanag
Kung sa palagay ay paulit-ulit ang pagkakamali dahil hindi
nauunawan ng magaaral ang tuntunin, maaaring ang pagpapaliwanag
ng tuntunin at pagsasanay ng tamang anyo sa pagsasalita ay
makatutulong upang malunasan ang pagkakamali.

Sino ang dapat Magwasto


Hanga’t maaari, hayaang iwasto ng mag-aaral ang sariling
pagkakamali o di kaya’y ipawasto sa kapwa mag-aaral ang kani-
kaniyang pagkakamali. Ang ganitong paraan ay hihimok sa mga mag-
aaral na pananagutan ang anumang pagkakamali sa kanilang sariling
pagkatuto. Gagawa lang ng pagwawasto ang guro kung siyang
hinihingi ng pagkakataon.

7
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Pagsasanay
Panuto: Pagbibigay ng Sariling Reaksyon: Ano ang iyong
magiging reaksyon, opinyon o ideya hinggil sa pahayag sa ibaba?
Ipaliwanag ito nang maigi. Isulat ang iyong kasagutan sa isang
buong papel at ipasa ayon sa pinagkaisahang oras o araw ng
pagpasa. (15 pts. bawat bilang)

1.Balik- aralan ang walong salik na nakapagpapahirap sa


pakikinig na tinalakay sa nakaraang aralin. Ano ang maaaring
implikasyon ng mga salik na ito sa pagsasalita? Sa iyong
palagay, alin ang mas mahirap, ang pagsasalita o ang pakikinig?
Pangatwiranan ang iyong sagot.
2. Paano masasabing ang pagsasalita ay magkakaugnay o di
maihihiwalay sa pakikinig? Pangangatwiranan ang iyong sagot.

Sanggunian

Badayos, Paquito. 2008.Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto


ng Filipino: Mga Teorya, Simulain at E stratehiya. Mutya
Publishing House, Inc. Malabon City.

Espina, Letecia D. et. al., 2014. Komunikasyon sa Akademikong


Filipino. Mindshapers Co., Inc., Intramuros, Manila.

Iba’t ibang Internet Sources

You might also like