You are on page 1of 29

Balangkas ng Wika

WIKA

 Pinakamabilis na paraan sa pakikipagkomyunikasyon.

 Sa pamamagitan nito ay naipapahayag natin ang ating saloobin at kaisipan.

 Sa pamamagitan din nito nalalaman natin kung ano ang gustong ipahiwatig ng ating kapwa.

 Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isa sa pamamagitan ng paggamit ng wika.

 Ang wika ay masistema sapagkat dumaraan ito sa isang proseso.

LINGGWISTIKA

 Tawag sa masistema at maagham na pagaaral sa wika.

 Linggwista ang tawag sa mga tao na nakapag aral at nagpakadalubhasa sa larangan ng wika.

 Polyglot naman ang tawag sa mga taong may kakayahang umintindi at makipagtalastasan gamit
ang ibat ibang wika.

KASAYSAYAN NG LINGGWISTIKA

 Ayon kay Constantino mula sa aklat ni Alfonso Santiago, nahahati sa tatlong panahon ang
kasaysayan ng lingguwistika sa Pilipinas.

 Panahon ng Kastila

 Panahon ng Amerikano

 Panahon ng Kalayaan

PANAHON NG KASTILA

 Pinag aralan ng mga Kastila ang wikang katutubo.

 Hinati nila ang kapuluan sa apat na orden

 Pinalaganap ang imprenta

PANAHON NG AMERIKANO

 Nagtayo ng pampublikong paaralan

 Si Cecillo Lopez ang itinuturing na unang linggwistang Filipino na produkto ng Amerikano


PANAHON NG KALAYAAN

 Nagkaroon ng dalawang daluyan ng kalakaran ng linggwistika sa ating bansa

 Nagsilbing laboratoryo ng mga linggwista ang Pilipinas para sa mga dayuhan.

PONOLOHIYA

 pag-aaral ng fonema o ponema; ang ponema ay tawag sa makabuluhang yunit ng binibigkas na


tunog sa isang wika.

 Halimbawa ay ang mga ponemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin sa
makabuluhang ayos ay mabubuo ang salitang [lumipat].

MORPOLOHIYA

 pag-aaral ng morpema; ang morpema ay tawag sa pinamakamaliit na makabuluhang yunit ng


salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong uri ng morfema ay ang salitang-ugat, panlapi at
ponema.

 Salitang-ugat = tao, laba, saya,

 Panlapi = Ma- , Um- , -an

 Fonema = a , o

SEMANTIKS

 pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga salita sa pagbuo ng
pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa pangungusap upang maging malinaw ang nais
ipahayag.

 Halimbawa:

Inakyat niya ang puno.


Umakyat siya sa puno.

SINTAKSIS

 pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga pangungusap sa isang wika. Sa
Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at posible namang pagbaligtaran ito.
Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa.

 Halimbawa:

Mataas ang puno.


Ang puno ay mataas.
The tree is tall. (hindi maaaring ‘Tall is the tree.’ o ‘Tall
the tree.’)
Ponolohiya o Palatunugan

A. Ponolohiya

B. Tatlong Salik na kailangan upang Makapagsalita

C. Prinsipal na Sangkap sa Pagsasaita

Ponolohiya

 Ito ang komponent ng linggwistika na tinatawag na palatunugan. Dito nagaganap ang pagsusuri
ng mga tunog ng bawat salita

 May palatunugan ang bawat wika. Tumutukoy ito sa koleksyon ng mga tunog na ginagamit ng
mga mananalita ng isang wika, kasama ang sistema kung paanong ang tunog ay pinagsasama-
sama at binibigkas upang makabuo ng mga salita na magsisilbing katawagan sa mga konkreto o
abstrakto mang kaisipan mayroon ang isang kultura.

Ponema

 Inasimila ito mula sa matandang salitang Griyego na “phonema” o “phone” na ang ibigsabihin ay
tunog. Tumutukoy rin ito sa pinakamaliit na yunit ng tunog na nakapagpapabago ng kahulugan
ng salita. Ang mga ponema ay kinakatawan ng mga titik ng alpabeto, gayundin ng mga marka o
pananda na gumagabay sa mambabasa upang mabigkas nang wasto ang tunog, salita, o
pangungusap.

Dalawang uri ng Tunog

 Ponemang Segmental – ito ay tumutukoy sa makabuluhang tunog sa Filipino at ang bawat


tunog na ito ay may kinakatawang letra sa ating alfabeto.

 Ponemang Suprasegmental - ito ay pantulong sa sa mga ponemang segmental upang makalikha


nang maayos at mabisang pakikipagkomunikasyon.

Tatlong Salik na kailangan upang Makapagsalita ang Tao

1. Pinanggagalingan ng lakas o enerhiya – ito ang gumagawa ng pwersa o presyon na


nagpapalabas ng hangin mula sa baga
2. Kumakatal na bagay o artikulador – nagpapagalaw sa hangin na lumilikha ng mga tunog

3. Patunugan o resonador – sumasala at nagmomodipika ng mga tunog patungong bibig

Prinsipal na Sangkap sa Pagsasalita

1. Dila at panga (sa ibaba)

2. Ngipin at labi (sa unahan)

3. Matigas na ngalangala (sa itaas)

4. Malambot na ngalangala (sa likod)

DIPTONGO

• Alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na /w/ o /y/ sa loob ng isang pantig

• Ngunit hindi na maituturing na diptongo kapag ang /y/ o /w/ ay napapagitan ng dalawang
patinig dahil ito ay napasasama na sa sumusunod na patinig
• Mga halimbawa ng diptongo:

aliw, apoy, dilaw, baliw, kahoy

• Mga halimbawa ng hindi maituturing na diptongo:

aliwin, babuyin, kahuyan

Digrapo

• Dalawang letrang pinagsama para katawanin ang isang tunog

tsok - chalk

tsokolate - chocolate

worksyap - workshop

syuting - shooting

Klaster

• Tinatawag din na “kambal-katinig”

• Magkasunod na magkaibang katinig sa loob ng isang pantig

Halimbawa:

pyano, braso, klase, sweldo, plano

*Mahalagang tandaan

Ang /ng/ ay hindi kabilang sa klaster dahil ito ay katutubong titik ng alfabetong Filipino

• Ang /w/ at /y/ ay maaaring maisama sa pagtukoy ng klaster dahil ang mga ito ay mga
malapatinig ng katinig, tulad ng:

bwenas, kwento, pwersa

• Hindi ito maisasama sa pagtukoy ng klaster kung ang patinig na sinusundan ng /w/ at /y/
kinaltas lamang at pinalitan ng kudlit gaya ng mga sumusunod:

n’ya at s’ya
Ponemang suprasegmental

• Makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasang titik or letra sa pagsulat

• Inihuhudyat ito ng mga notasyong ponemik upang matukoy ang paraan ng pagbigkas ng isang
salita o isang pahayag

1. Intonasyon, tono at punto

• Intonasyon - pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita , maaaring


maghudyat ng kahulugan ng pahayag
• Tono - nakatuon sa paraan ng pagbigkas o pagsasalita na nagpapahayag ng
matinding damdamin na maaaring malambing, pagalit, marahan at iba pa.
• Punto - tumutukoy sa rehiyunal na tunog o “accent” sa wikang Ingles

2. Haba at diin

Haba - tumutukoy sa haba o ikli ng bigkas sa patinig ng pantig ng salita

bu.kas = susunod na araw

bukas = hindi sarado

• Diin - paglakas o paghina ng bigkas sa pantig ng isang salita

BU:hay = kapalaran ng tao

bu:HAY = himihinga pa

LA:mang = natatangi

la:MANG = nakakahigit; nangunguna

3. Antala o hinto

Saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit ng maging malinaw ang mensaheng ibig ipabatid:
Hindi ako ang may kasalanan
Hindi, ako ang may kasalanan
Ponemang Patinig

■ Ubod ng mga tunog

■ Pinaikling tagapagbigay-tinig

■ Pinakatampok na bahagi ng pantig

■ /a/, /e/, /i/, /o/, /u/

– Ang wikang Filipino ay may limang (5) beysikong patinig

LIMANG BEYSIKONG PATINIG

Mga Halimbawa:

– Walang pantig sa Filipino ang walang patinig.

– Ba – hay ,

– Ba – ba – e ,

– u – lo ,

– di – la

- Patinig ang pinakaprominenteng bahagi ng pantig.

Ponemang Katinig

■ Mas gamitin ito kesa sa patinig

■ /p/, /t/, /b/, /g/, /d/, /k/, /m/, /n/, /h/, /s/, /l/, /r/, /y/, /w/

■ Maaaring gamitin ng may tinig o walang tinig

– Pag may tinig, may bibrasyon


– Pag walang tinig, walang bibrasyon

Mga Halimbawa:

– Walang pantig sa Filipino ang walang katinig.

– Ba – hay ,

– Ba – ba – e ,

– Maaaring may tunog o walang tunog.

– Ra – son

– Ta – u – han

Ponemang Malayang Nagpapalitan

Orihinal Cebuano/ Burdeos

Sa /i/ at /e/

/pera/ /pira/

/piraso/ /peraso/
Sa /u/ at /o/

/ado/ /adu/

nag-iiba ang baybay ngunit hindi nagbabago ng kahulugan.

Pares- Minimal

Salita na magkaiba ang kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban sa isang opnema
sa magkatulad na posisyon ay tinatawag na pares minimal.

Mga Halimbawa:

1. gulong-bulong 6. patas-batas

2. Bahay-buhay 7. baga-maga

3. Lanta-kanta 8. upo-opo

4. Dali-tali 9. kulang-gulang

5. Patas-batas 10. uso-oso


Anim na Punto ng Artikulasyon

- Inilalarawan kung saang bahagi ng bibig nagaganap ang saglit na pagpigil sa papalabas na
hangin sa pagbigkas ng isang ponema.

1. Panlabi

- dumidikit ang ibabang labi sa itaas na labi.

2. Pang-ngipin

- dumidiit ang mga ngipin na itaas sa dulo ng dila

3. Pang-gilagid

- ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong gilagid.

4. Palatal

- lumalapit o dumidiit sa matigas na bahagi ng ngala-ngala ang ibabaw ng punong dila.

5. Velar

- dumidiit ang velum o malambot na bahai ng ngala-ngala sa ibabaw ng punong dila.

6. Glottal

- lumalapit o dumidiit ang mga babangtingang pantinig at hinaharang ang presyon ng papalabas
ng hiningang galling sa baga at pagkatapos ay papakawalan upang bumuo ng paimpit o palusot na
tunog.

Paraan ng Artikulasyon

- nilalarawan kung papaanong gumagana ang ginagamit na mga sangkap sa pagsasalita at


kung paanong ang hininga ay lumalabas sa bibig o sa ilong sa pagbigkas ng alinman sa mga ponema

1. Pasara o Istap

- Harang na harang ang daan ng hangin.

2. Pailong o Nasal

- sa ilong lumalabas ang hangin na naharang dahil sa pagbaba ng velum at hindi sa bibig.

3. Pasutsot

- hangin na lumalabas ay dumadaan sa makipot na pagitan ng dila ng ngalangala okaya’y ng


mgababagtingang pantinig.

4. Pagilid o Lateral
- dulong dila ay nakadikit sa punong gilagid kung kaya’t ang hangin ay lumalabas sa gilid ng
dila.

5. Pakatal o Thrill

- hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang lumabas sa pamamagitan ng mabilis na


paggalaww ng dulo ng nakaarkong dila.

6. Malapatinig o Glayd

- katulad ngunit kaiba sa mga katinig, ditto’y nagkakaroon ng galaw mula sa isang posisyon ng
dila patungo sa ibang posisyon.

Morpolohiya

Anyo ng Morpema

1. Morpemang Ponema – tinatawag na morpemang ponema ang /a/ at /o/ na bagamat tunog lamang
ang mga ito ay nababago nito ang kahulugan ng mga salita.

Halimbawa: doktor – doktora

abogado – abogada

Mario – Maria

2. Morpemang Panlapi

May tatlong uri ang panlapi sa Filipino ayon sa istruktura nito:

a. unlapi – panlaping ikinakapit sa unahan ng salitang-ugat

b. gitlapi – panlaping ikinakapit sa pagitan ng salitang-ugat

c. hulapi – panlaping ikinakapit sa hulihan ng salitang-ugat

Halimbawa:

pag-uunlapi – umibig

paggigitlapi – bumuo

paghuhulapi – bigayan

paguunlapi at paghuhulapi – kagandahan

Paguunlapi, paggigitlapi, paghuhulapi –pagsumigawan

3. Morpemang Salitang-ugat
-mga salitang kapag binasa ay may taglay nang kahulugan. Walang anumang panlapi na nakakapit sa
salitang-ugat. Tinatawag din itong malayang morpema.

Halimbawa: ganda takbo

buti sayaw

liwanag upo

limot ikot

4. Payak na Morpema

- nagbibigay ng pangunahing kahulugan sa mabubuong morpema anuman ang kayarian nito. Katulad rin
nito ang mga salitang-ugat. Ito ang pinakaubod ng mga salitang maylapi, tambalan at inuulit.

5. Morpemang Maylapi – tumutukoy ito sa salitang-ugat na nilapian. Ang paglalapi ay nakapagpapabago


ng kahulugan ng salita.

6. Morpemang Inuulit

– makikita sa mga salitang Filipino ang pagtataglay ng pag-uulit sa mga salita, bahagi man ito ng salitang
ugat, o kaya ay ang buong salitang ugat ang inuulit. Tinatawag na parsyal na pag-uulit ang una, at ganap
na pag-uulit naman ang huli.

 Parsyal na Pag-uulit

aalis

uulit

makukulit

masasaya

 Ganap na Pag-uulit

aalis-alis

paulit-ulit

kinulit-kulit

masayang-masaya

7. Morpemang Tambalan

mga salitang pinagsama at maaaring nagkaroon ng panibagong kahulugan o kaya ay pananatili ng


kahulugan ng mga salitang pinagsama ang morpemang tambalan

 Tambalang di-ganap o malatambalan – morpemang tambalan na nanatili ang kahulugan sa


pinagtambal na mga salita
 Tambalang ganap – morpemang tambalan na nabago ang kahulugan mula sa salitang
pinagtambal.

 Tambalang Ganap Tambalang Di-Ganap

(Malatambalan)

 bungang-araw punungguro

 tumbang-preso pikit-mata

 Bahaghari basag-ulo

 sirang plaka kapit-bisig

ALOMORP NG MORPEMA

MGA ALOMORP NG MORPEMA - ang katangian ng morpema na magbagong anyo dahil sa impluwensiya
ng kaligiran nito.

Ang Filipino ay may apat na panlapi na may mga alomorp. At ang bawat isa’y may mga tuntuning
sinusunod. Ang panlaping [pang] ay may tatlong alomorp. Ito ay ang mga panlaping unlaping [pang-],
[pam-] at [pan-].

Ginagamit ang [pang-] kung ang inuunlapiang salitang-ugat ay nagsisimula sa mga patinig na /a, e,i,o,u/
o alinman sa mga ponemang katinig na /k,g,ng,m,n,w,y/; samantala ginagamit naman ang [pam-] kapag
ang salitang-ugat na inuunlapian ang nagsisimula sa /b/ o /p/, habang ang [pan-] naman ay ginagamit
kapag ang salitang-ugat na inuunlapian any nagsisimula sa alinmang mga ponemang /d,l,r,s,t/.

Halimbawa ay ang mga sumusunod:

[pang-] [pam-] [pan-]


pang-ihaw pampito panluto
pang-ulo pambati pandaliri
pangngalan pambansa pandikit
pangwalis pampuso pantali

Katulad ng [pang], ang panlaping [mang] ay may tatlong alomorp din. Ito ay ang mga unlaping [mang-],
[mam-] at [man-]. Ang [sang] at [sing] naman ay [sang-], [sam-], [san-] at [sing-], [sim-], [sin-].

Ang mga ito ay sumusuod sa tuntunin ng panalaping [pang]. Narito ang balangkas upang lubasang
maintindihan.
[pang-] [pam-] [pan-]
[mang-] [mam-] [man-]
[sang-] [sam-] [san-]
[sing-] [sim-] [sin-]

1. Asimilasyong parsyal –
ang /ng/ ay nagiging /m/ kung ang salitang ugat ay sa /p/ o /b/.
Halimbawa: pang + paaralan = pampaaralan
Pang + bayan = pambayan
ang /ng/ ay nagiging /n/ kung ang salitang ugat ay nagsisimula sa mga letrang /d, l, r, s, t/.
Halimbawa: pang + dikdik = pandikdik
Pang + taksi = pantaksi

2. asimilasyong ganap –

bukod sa napapalitan ang /ng/ nawawala pa rin ang unang ponema ng nilalapiang salita.
Halimbawa:
pang + palo > pampalo = pamalo
Pang + tali > pantali = panali

3. pagpapalit – may mga ponemang nagbabago o napapalitan sa pagbubuo ng mga salita.


Halimbawa: /d/ > /r/
Ma + dapat = marapat
Ma + dunong = marunong
Halimbawa: /o/ > /u/
Dugo + an = duguan
Liko + an = likuan

4. pagkakaltas – nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng salitang ugat ay
nawawala sa paghuhulapi nito.
Halimbawa:
takip + an > takipan = takpan
Kitil + in > kitilin = kitlin

5. metasis – kapag ang salitang ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/ ay nilalagyan ng gitlaping –in-, ang /i/ at
/n/ ay magkakapalitan ng posisyon.
Halimbawa:
-in + lipad = linipad ----- nilipad
-in + yaya = yinaya ----- niyaya
May mga salitang nagkakaroon pa ng
pagkakaltas ng ponema bukod sa pagkakapit
ng posisyon ng dalawang ponema.
Halimbawa:
atip + an = atipan ----- aptan
Tanim + -an = taniman -----tamnan

6. paglilipat-diin – may mga salitang nagbabago ng diin kapag nilalapian. Maaaring malipat ng isa o
dalwang pantig ang diin patungong huling pantig o maaring malipat ng pantig patungong unahan ng
salita.

Halimbawa:

ba’sa + hin = basa’hin

Ka + sa’ma + han = kasamaha’n


Laro’ + -an = laru’an (lugar)

7. reduplikasyon – pag-uulit ng pantig ng salita. Ang pag-uulit na ito ay maaaring magpahiwatig ng kilos
na ginagawa o gagawin pa lamang, tagagawa ng kilos o pagpaparami.

Halimbawa:

aalis matataas magtataho

pupunta masasaya naglalakad

PANGUNGUSAP

Sintaksis

Sangay ito ng linggwistikang nakatuon sa pagbuo ng pangungusap.

PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA

 Pangungusap na eksistensyal

Nagpapahayag ng pagkakaroon ng isang bagay.

 Pangungusap na Pahanga

mga kataga na may isa o dalawang pantig lamang na ginagamit sa pagpapahayag ng matinding
pagkamangha o panggigilalas

 Maikling Sambitla

Mga kataga na may isa o dalawang pantig lamang na nagiging unang bukang-bibig, kapag nasa
sitwasyong may matinding damdamin.

• Pangungusap na Pamanahon

Pangungusap na nagsasaad ng oras o naglalarawan sa kalagayan ng kalikasan.

 Pangungusap na Pautos o Nakikiusap o nag-uutos

 Pangungusap na Sagot Lamang

PANGUNGUSAP NA MAY
PANAG-URI AT PAKSA

KAYARIAN NG PANGUNGUSAP
1. PAYAK

Nagtataglay ang pangungusap na ito ng isang diwa.

 Isang paksa + isang panag-uri

 Dalawang paksa at isang panag-uri

 Isang paksa at dalawang panag-uri

Halimbawa:

May ilang mambabatas ang iniimbestigahan dahil sa nagawang katiwalian.

2. TAMBALAN

Ang pangungusap na ito ay may dalawa o higit pang sugnay na nakapag-iisa. (may kompletong diwa)
Karaniwan itong gumagamit ng pangatnig. (at, ngunit, subalit, datapwa’t, habang, samantalang)

Halimbawa:

Si Angel Locsin ay mahusay gumanap samantalang si Sarah G. ay magaling umawit.

3. HUGNAYAN

Nagtataglay ang pangungusap na ito ng isang sugnay na makapag-iisa (may kompletong diwa) at
sugnay na di nakapag-iisa. (hindi kompleto ang diwa) Karaniwan itong ginagamitan ng pangatnig na
upang, dahil at sapagkat.

Halimbawa:

Upang makapagtapos siya sa kanyang pag-aaral, namasukan si George na dyanitor sa


eskwelahan.

4. LANGKAPAN

Binubuo ito ng dalawa o higit pang sugnay na nakapag-iisa (may kompletong diwa) at sugnay na
di nakapag-iisa (hindi kompleto ang diwa)

Halimbawa:

Ang katiwalian sa Kongreso ay iniimbestigahan na at napag-alamang may ilang mambabatas, na


posibleng nagwaldas ng pondo ng bayan kaya sila ay sasampahan ng pormal na kaso.

AYOS NG PANGUNGUSAP
 Karaniwang Ayos

Panag-uri + Simuno

 Di-karaniwang Ayos

Simuno + Panag-uri

ay

Komunikasyon

 Mula sa salitang Latin na ‘Communis atus’.

 Pinakamahalagang kailangan ng tao.

 Hindi komunikasyon kung walang tugong matatanggap.

Ayon kay Rubin

Kailan may ang tao ay hindi makakatagal mamuhay ng sarili lamang nya.

Ayon kay Saundra hybek

Ang komunikasyon ay transmisyon ng signal

Ayon kay Sermolan

Ito ay isang proseso ng pagbibigay at pagtanggap.

Ayon kina ESPINA AT BORJA

Ang komunikasyon ay makabuluhang kasangkapan upang maangkin ng bawat nilalang ang kakayahang
maipaliwanag nang buong linaw ang kanyang iniisip at nadarama.
Ayon kina sauco at atienza
Ang kakayanan ng tao sa PAKIKIPAGTALASTASAN ay nagbibigay daan upang makasanb sa lipunan at
makasabay sa patuloy na pagbabago.

Pakikipagtalastasan

 Salitang ugat na ‘TALASTAS’

 Kabilang panlaping ‘Pakikipag-……..-an ’

BERBAL NA KOMUNIKASYON

Isang paraan ng paghahatid ng mensahe sa pamamagitan ng salitang simbolo.

Komunikasyong berbal ay komunikasyong gumagamit ng wika, na maaring pasulat at pasalita.

Gamit ng Komunikasyong Berbal

1. Sa paglutas ng problema mas mabisa ang Berbal kaysa sa Biswal na metod.

2. Kung abala sa isang Gawain ang tagatanggap, ang kanyang pokus sa pakikinig ay mababawasan.

3. Mas madali matandaan ang mensahe kung ito ay papakinggan o babasahin.

4. Kapag mahalaga ang flexibiliti ng transmisyon ng mensahe, epektibo ang paggamit ng tinig lalo na sa
pagbibigay ng infleksyon at emphasis.

5. Kung maglalahad ng isang tiyak na usapin o isyu, ang paggamit ng berbal na komunikasyon ay
napakabisa.

6. Kapag ang resepsyong biswal ay hindi mabisa sa kadahilanang maiuugnay sa kondisyong


pangkapaligiran, ang paggamit ng komunikasyong berbal ay mas lalong kapaki-pakinabang.

Paraan ng pagpapakahulugan o interpretasyon ng simbolikong berbal

 REFERENT
 KOMON REFERENTS
 KONTEKSTONG BERBAL
 PARAAN NG PAGBIGKAS

Komunikasyong Di-Berbal
× Uri ng komunikasyong naghahatid at tumatanggap ng mga mensaheng walang tinataglay na
salita

× Kilos ng katawan, kumpas ng kamay, galaw ng braso, iba-ibang uri ng pagtingin at pagtitig, taas
ng kilay at mga ekspresyon ng mukha at iba pa

× Paraan ng paggamit ng mga senyas na di-berbal


× Kapupunan ng komunikasyong berbal
× Maaring gamitin sa halip na wika
× Maaring pabulaanan ng mga senyas na di-berbal ang isinasaad ng wika
× Upang ayusin ang daloy ng komunikasyon

Kahulugan ng Senyas na di-berbal

× Ang kahulugan ay dapat nababatay sa kabuuan ng kontekstong pinangyayarihan nito.

× Maaring sinasadyang gamitin o hindi sinasadya

× Ang mga kahulugang inuuganay ay kalimitang ayon sa pinagkaisahan ng mga taong kabilang sa
isang lipunan o kaya’y kultura.

Tatlong Uri ng di-berbal na komunikasyon

× Wikang Pasenyas

Kumpas na senyas o simbolo na pamalit sa salita na kumakatawan sa bilang o numero at


anumang mga bantas

× Wikang Paaksyon

Ito ay pagkilos at ekspresyong ng katawan maging ng mukha, na mayroong kahulugan.

× Wikang ginagamitan ng bagay

Ito ay paggamit ng mga materyal na bagay upang maglahad ng mensahe sa tao o malaman ang
ipinahihiwatig na simbolo ng mga bagay

Iba’t-ibang uri ng komunikasyong di-berbal


× Espasyo (Proxemics)

Pagaaral ng komunikatibong gamit ng espasyong inilalagay natin sa pagitan ng ating sarili at ng


ibang tao

× Oras (Chronemics)

Pagaaral ng komunikatibong gamit ng espasyong inilalagay natin sa pagitan ng ating sarili at ng


ibang tao

× Galaw ng Mata (Oculesics)

Paggamit ng mata sa komunikasyon

× Pandama (Haptics)

Pagpapadama ng iba’t ibang damdamin sa tulong ng paghawak sa kausap

× Katawan (Kinesics)

Ayon kay Ray L. Birdwhistell ang kinesics ay pag-aaral ng kilos

× Bagay (Objectics)

Paggamit ng mga bagay sa komunikasyon

× Paralanguage

Paraan ng pagbigkas ng salita

× Kulay (Chromatics)

Maaring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon

× Simbolo (Iconics)

× Personal na anyo

Anyo o ayos ay tiyak na may ipinararating na mensahe sa mga tumitingin o nakakakita

× Damit

Makikita sa damit ang hilig, edad, personalidad at maging ang mga pag-uugali

× Amoy (Olfactorics)

Makikita sa damit ang hilig, edad, personalidad at maging ang mga pag-uugali

× Lasa

Ang panlasa ay maaaring mabigyan ng iba’t ibang interpretasyon batay na rin sa kanyang
nalalasahan

× Musika

Maaring magpahiwatig ng emosyon


× Tunog (Vocalics)

Bawat tunog na nalilikha ay may kaakibat na interpretasyon na inilalapat ang tao ayon sa tunog
na kanyang napakinggan

Kahalagahan ng komunikasyong di-berbal

× Inilalantad o ipinahihiwatig nito ang kalagayang emosyunal ng isang tao.

× Nililinaw nito ang kahulugan ng isang mensahe

× Pinananatili nito ang interaksyong resiprokal ng tagapagpadala at tagatanggap ng mensahe.

Mga Potensyal na sagabal sa komunikasyon

× Semantikong Sagabal

Ang pagkakaroon ng isang salita ng dalwa o higit pang kahulugan, pangungusap na hindi tiyak
ang kahulugan at hindi maayos na organisasyon ng isang pahayag

× Pisikal na Sagabal

× Pisyolohikal na Sagabal

Matatagpuan mismo sa katawan ng enkoder at dekoder

× Sikolohikal na Sagabal

Matatagpuan mismo sa katawan ng enkoder at dekoder

Konteksto ng komunikasyon

× sitwasyon o kalagayan kung saan nagaganap ang komunikasyon.

Limang Dimensyon sa Proses ng Komunikasyon

× Dimensyong Pisikal

Lugar ng pinangyarihan ng komunikasyon at ang kondisyon ng kapaligiran


× Dinemsyong Sosyal

Lugar ng pinangyarihan ng komunikasyon at ang kondisyon ng kapaligiran

× Dimensyong Kultural

Lugar ng pinangyarihan ng komunikasyon at ang kondisyon ng kapaligiran

× Dimensyong Historikal

Tuwiran o di-tuwirang impluwensya sa pag-unawa ng kasalukuyang pag-uusap o talastasan ang


naunang usapan o pakikipagtalastasan

× Dimensyong Sikolohikal

Tuwiran o di-tuwirang impluwensya sa pag-unawa ng kasalukuyang pag-uusap o talastasan ang


naunang usapan o pakikipagtalastasan

Mga Mabisang Panuntunan ng Komunikasyon

× Kailangan tiyak ang layunin at may malinaw na dahilan ang komunikasyon.

× Ang mabisang Komunikasyon ay maliwanag, malinaw, at wasto. Kailngan tiyak ang gamit ng
salita upang malinaw na maihatid ang mensahe.

× Kailangan maging tapat, maparaan at masining ang pakikipagkomunikasyon ang paninindigan at


paniniwala ng kausap. Kailangan kapani-paniwala upang maakit at mapalapit ang kausap.

× Kailangan tiyak ang paksa, tuwid at payak upang maunaawan ang mensaheng pinapaabot. Hindi
maligoy upang hindi mawala ang kawilihan at diwa ng mensaheng gusto ipabatid.

× Mahalagang malaman ang bilang ng tagapakinig o tagatanggap ng mensahe, kung sino at ano
ang mga tagatanggap. Kailangan alamin ang pinag-aralan, kalagayan sa buhay, edad, propesyon,
upang maihanda nang mabuti ang paksa.

× Mahalaga ring malaman ang paniniwala, gawi at interes ng mga tagatanggap upang maiangkop
at maging kawili-wili sa tagapakinig.

× Kailangan nakahandang humarap sa mga suliranin o sagabal na maaring lumitaw sa panahon ng


komyunikasyon

Komponents ng Komunikasyon

1.S- setting ( Saan nag-uusap )


2.P- participants ( Sino ang kausap o nag-uusap )
3.E- ends ( Ano ang layon ng usapan? )
4.A- act sequence ( Paano ang takbo ng usapan? )
5.K- keys ( Istilo o speech register? pormal o di-pormal )
6.I- instrumentalities ( Pasalita o Pasulat )
7.N- norms ( Ang paksa ng pag-uusap )
8.G- genre ( Anong uri ng pagpapahayag? )

Panuntunan
at
Komponents ng Mabisang komunikasyon.

 Mga Mabisang Panuntunan ng KomunikasyonKailangan tiyak ang layunin at may malinaw na


dahilan ang komunikasyon.

 Ang mabisang Komunikasyon ay maliwanag, malinaw, at wasto. Kailngan tiyak ang gamit ng
salita upang malinaw na maihatid ang mensahe.

 Kailngan maging tapat, maparaan at masining ang pakikipagkomunikasyon ang paninindigan


at paniniwala ng kausap. Kailangan kapani-paniwala upang maakit at mapalapit ang kausap.

 Kailangan tiyak ang paksa, tuwid at payak upang maunaawan ang mensaheng pinapaabot.
Hindi maligoy upang hindi mawala ang kawilihan at diwa ng mensaheng gusto ipabatid.

 Mahalagang malaman ang bilang ng tagapakinig o tagatanggap ng mensahe, kung sino at ano
ang mga tagatanggap. Kailangan alamin ang pinag-aralan, kalagayan sa buhay, edad,
propesyon, upang maihanda nang mabuti ang paksa.

 Mahalaga ring malaman ang paniniwala, gawi at interes ng mga tagatanggap upang
maiangkop at maging kawili-wili sa tagapakinig.

 Kailangan nakahandang humarap sa mga suliranin o sagabal na maaring lumitaw sa panahon


ng komyunikasyon

Komponents ng Komunikasyon

S - setting ( Saan nag-uusap )

P - participants ( Sino ang kausap o nag-uusap )

E - ends ( Ano ang layon ng usapan? )

A - act sequence ( Paano ang takbo ng usapan? )

K - keys ( Istilo o speech register? pormal o di-pormal )


I - instrumentalities ( Pasalita o Pasulat )

N - norms ( Ang paksa ng pag-uusap )

G -genre ( Anong uri ng pagpapahayag? )

Modelo at Proseso ng Komunikasyon

Modelo at Proseso ng Komunikasyon

Bago bigkasin ang salita, pinagiisipan kung ano ang sasabihin batay sa kanyang layunin (pinagmulan),
ang prosesong ito ay tinatawag na encoding kapag lumabas na sa bibig. Ang mga salitang pinag-
iisipang sabihin, ito ang tinatawag na mensahe. Ang tumanggap at umunawa sa mensahe ito ang
sinasabing decoding. Kung naunawaan ang tinaggap ng mensahe at sumagot (response) o nagbigay ng
reaksyon o feedback, kung nagkaroon ng palitan ng usapan, nagkaroon ng komunikasyon.

Modelo ni Aristotle

Batay sa kanyang Retorika nagbigay ng 3 sangkap ng komunikasyon

1. nagsasalita

2. ang sinasabi

3. ang nakikinig
Modelo ni Claude Shanman at Weaver

Ayon kay Claude Shanman at Weaver lima (5) ang sangkap ng komunikasyon

1. Pinanggalingan

2. Tagapaghatid (transmitter)

3. Senyas o Kodigo

4. Tagatanggap ng pahatid (reciever)

5. Distinasyon
Ayon kay Wilder Schrama

1. Ang Pinanggalingan - Halimbawa: taong nagsasalita, sumusulat, gumuguguhit, palimbagan,


estasyon ng radio at telebisyon o mula sa tanghalian.

2. Ang Mensahe – Halimbawa: porma ng tinta sa papel, usok buhat sa siga, tunog ng tambol o
kampana, tunog na dala ng hangin, kampaw ng kamay, bandilang iwinawagayway, kodigong morse.

3. Ang Distinasyon – Halimbawa: taong nakikinig, nanonood o nagbabasa, pangkat ng nagtatalakayan,


pangkat na nakikinig sa panayam, pangkat na nanonood ng basketball, nagbabasa ng pahayaganm
nanonood n gtelebisyon, nakikinig sa radio at iba pa.

Modelo ni Swanson at Marquard

Ayon naman kay Richard Swanson at Charles Marquard, 1974 lima ang sangkap ng komunikasyon.

1. Pinanggalingan – mensahe (sumulat/nagsasalita).

2. Ideya o mensahe

3. Kodigo – (Wika, kumpas, ekspresyon ng mukha).

4. Paraang paghahid (limbag, alon ng hangin, pahatid-kawad).

5. Tumanggap ng mensahe (bumasa o nakinig) Pinanggalingan ng mensahe.


Elemento at Proseso ng Komunikasyon

1. Tagahatid – Ito ay tumutukoy sa tao o pangkat ng mga taong pinagmulan ng mensahe.

2. Mensahe – Ang elementong ito ng komunikasyon ay naglalaman ng damdamin, opinyon at


kaisipan ng tagahatid.
3. Tsanel - Behikulo na nagdadala ng mensahe mula sa tagahatid patungo sa tagatanggap
pabalik muli sa tagahatid.
Dalwang Anyo ng tsanel:
Pandama (Sensory Channel)
Institusyonal ( Institutionalized Channel)

4. Tagatanggap – Elemento sa Proseso ng komunikasyon na nagbibigay kahulugan sa mensahe.

5. Balik-tugon – Magiging batayan ng susunod na siklo ng komunikasyon.

PROSESO NG KOMUNIKASYON
Tungkulin ng Komunikasyon 1. Tungkuling Personal - halimbawa: Pagkatuwa/pagkalungkot, pagkagalit, pagkainis 2.
Tungkuling Interpersonal - halimbawa: pagbati, pagpapakilala, pangangamusta 3. Tungkuling Direktiba - halimbawa:
pagtanggi/pagpayag, pgpupunyagi, pag-uutos/pakikiusap 4. Tungkuling Reperensyal - halimbawa: Pag-uulat,
pagpapaliwanag, pag-uusisa 5. Tungkuling Imahinatibo - halimbawa: paghula, pagkukwento, paglikha ng palaisipan o
butting Antas ng Komunikasyon A. Komunikasyong Intrapersonal - halimbawa: Pagpapasya, pag-iisip ng isang bagay
o tao B. Komunikasyong Interpersonal - halimbawa: pakikipag-usap sa kaibigan, pagpapaliwanag ng guro ng leksyon
C. Komunikasyong Pang maliit na grupo - halimbawa: pagpaplano ng ilang grupo para sa presentasyon D.
Komunikasyong one to group - halimbawa: house speaker sa kongreso, pangangampanya E. Komunikasyong
interkultural/kroskultural - halimbawa: pagtukoy sa pamumuhay ng ibang lahi F. Komunikasyong pangkaunlaran -
halimbawa: pag-uusap ng magandang proyekto para sa bayan na ikauunlad nito G. Komunikasyong pangmasa -
halimbawa: Ginagamitan ito ng mass media katulad ng telebisyon, radyo, pelikula
Tungkuling Pangwika ng Komunikasyon

Tungkulin ng Komunikasyon

1. Tungkuling Personal - halimbawa: Pagkatuwa/pagkalungkot, pagkagalit, pagkainis

2. Tungkuling Interpersonal - halimbawa: pagbati, pagpapakilala, pangangamusta

3. Tungkuling Direktiba - halimbawa: pagtanggi/pagpayag, pgpupunyagi, pag-uutos/pakikiusap

4. Tungkuling Reperensyal - halimbawa: Pag-uulat, pagpapaliwanag, pag-uusisa

5. Tungkuling Imahinatibo - halimbawa: paghula, pagkukwento, paglikha ng palaisipan o butting Antas


ng Komunikasyon

A. Komunikasyong Intrapersonal - halimbawa: Pagpapasya, pag-iisip ng isang bagay o tao

B. Komunikasyong Interpersonal - halimbawa: pakikipag-usap sa kaibigan, pagpapaliwanag ng guro ng


leksyon

C. Komunikasyong Pang maliit na grupo - halimbawa: pagpaplano ng ilang grupo para sa presentasyon
D. Komunikasyong one to group - halimbawa: house speaker sa kongreso, pangangampanya

E. Komunikasyong interkultural/kroskultural - halimbawa: pagtukoy sa pamumuhay ng ibang lahi

F. Komunikasyong pangkaunlaran - halimbawa: pag-uusap ng magandang proyekto para sa bayan na


ikauunlad nito

G. Komunikasyong pangmasa - halimbawa: Ginagamitan ito ng mass media katulad ng telebisyon, radyo,
pelikula

You might also like