Professional Documents
Culture Documents
Kahulugan ng Linggwistika
Sinasabing ang katawagang linggwistika ay ang tinutukoy dito ay ang applied linguistics
at hindi ang theoretical linguistics kundi ito ay applied linguistics. Ang applied linguistics
ayon kay Hemphill (1962-113) yaong uri ng linggwistikang maaring mapakinabangan ng
mga guro sa pagtuturo ng wika. Nilinaw ito sapagkat noong unang taon ng pagpasok ng
linggwistika sa mga paaralan ay maraming mag-aaral ang nagkaroon ng phobia sa kursong
ito sapagkat noon ay naging teknikal o theoretical ang pamamaraan ng guro.
Polyglot ang tawag sa isang tao na mahusay magsalita at gumamit ng wika o sa ibang
pakahulugan ito ay isang taong maalam o nakakapagsalita ng iba’t ibang wika.
Kailangan ding linawin na may pagkakaiba ang isang linggwista at anawnser. Ang isang
anawnser ay mahusay magsalita o gumamit ng wika ngunit hindi nangangahulugang siya
ay isa nang linggwista.
Ano naman ang ibig sabihin ng maagham na paraan?
Sinasabing isang kamalian na bigyan-katuturan ang linggwistika bilang kalipunan ng mga
teorya at mga prinsipyo tungkol sa wika. Manapa, higit na angkop sabihin na ang linggwistika ay
isang maagham na paraan sa pagtuklas ng impormasyon at kaalaman tungkol sa wika. Ang
maagham na paraan ay nagdaraan sa hindi kukulangin sa limang proseso tulad ng mga sumusunod:
Proseso ng Maagham na Paraan
1. Ang proseso ng pagmamasid
- ang pagmamasid ay maaring tungkol sa mga katangian ng wika mismo, tungkol sa mga tunog;
halimbawa: paraan ng pagsasama-sama sa mga tunog upang bumuo ng pantig; paraan ng
pagsasama-sama ng mga salita upang bumuo ng pangugusap at mga paraan sa pagbabagu-bago ng
tunog dahil sa impluwensiyang kaligiran.
- ito rin ay maaring tungkol sa epekto ng wika sa tao, sa ating mga gawi, paniniwala at kung ano
ang pagbibigay-kahulugan sa mga bagay-bagay at pangyayari sa ating paligid ay masasalamin sa
wika.
2. Ang proseso ng pagtatanong
- Ang paglalahad ng suliranin o ng tanong ay maaring makasabay, kasunod o una sa proseso ng
pagmamasid. Ang isang linggwista ay hindi basta nagtatanong. Ang gawaing ito ay isang
prosesong maagham.
- Pansinin na may mga katanungang iniiwasang ibigay at talakayin ng mga linggwista sapagkat
ang mga datos na kailangan ay hindi nila matatamo sa kasalukuyan sa abot ng kanilang kaalaman
at kakayahan.
- ang tinatangkang itanong lamang ng isang linggwista ay ang mga tanong na masasagot niya sa
pamamagitan ng maagham na paraan.
- Sa paglalahad ng mga tanong o suliranin, pinipilit niyang gumamit ng mga katawagan o
terminolohiya na iniisip niyang higit na angkop at tiyak, sa simula ng kanyang paggamit ay
ipinaliliwanaf niya kung ano ang ibig sabihin nito.
3. Ang proseso ng pagklasipika
- Ang isang kalipunan ng mga datos kung walang sinusunod na sistema ng pagkakaayos, ay tulad
ng isang direktoryo ng telephono na hindi inayos nang paabakada ang pangalan ng tao kaya’t hindi
mapapakinabangan ng maayos.
- ang pagtitipon o pagkolekta ng mga datos at ang pagklasipika sa mga ito ay kailangang
humantong sa paglalahat, pagbuo ng hipotesis, ng mga teorya at prinsipyo, ng mga tuntunin o mga
batas.
- Ang anumang paglalahat, hipotesis, teorya at prinsipyo, mga tuntunin o mga batas na nabuo ng
isang linggwista ay kailangang patuloy na maipailalim sa pagsubok upang mamodifika o marebisa
kung kailangan.
- Bukod dito alam din niyang ang wika ay patuloy na nagbabago kaya’t ang isang paglalahat na
wasto sa isang panahon ay maaring mangailangan ng pagbabago sa ibang panahon.
Ang limang prosesong nabanggit ay sinusunod hindi lamang sa linggwistika kundi gayon
din sa ibang maagham na larangan. Subalit, hindi lahat ng limang prosesong nabanggit ay pormal
na ginagamit ng isang linggwista sa panahon ng kanyang pananaliksik at pagsusuri. Sa
katotohanan, maaring iukol ng isang linggwista ang isang yugto ng pananaliksik sa pagbuo lamang
ng mga tanaong at paglalahad ng suliranin o kaya’y pagpapakita ng magandang paraan sa
pagkolekta at pagsasaayos sa mga datos na kanyang natipon. Ang mahalaga ay makita sa kanyang
mga gawi at kilos ang pagkaka-unawa at paggamit ng mga prosesong nabanggit. Sa pangkalahatan
ang linggwistika ay ang pagsasalang-alang at paggamit ng mga maagham na paraan sa pag-aaral
at pagsursuri ng wika.
Totoo na natututo ang isang bata kahit wala ang linggwista tulad din naman ng kahit wala
ang doktor ay karaniwang napapagaling ng arbularyo ang mga maysakit, ngunit sa isang paraang
maligoy, di tiyak at di maagham na pamamaraan.
Kung ang pag-uusapan ay tungkol sa iba't ibang paraan ng wika, ang linggwista ang
magiging arbularyo at ang guro ang doktor. Dito lumilinaw ang magandang ugnayan ng linggwista
at guro, ang hiwalay ngunit magkaugnay na gawain ng bawat isa.
Halimbawa: Ang mga aklat pambalarila na ginagamit ngayon sa paaralan na hindi basta sinulat
kundi gumamit ang mga awtor ng mga hanguang-aklat o 'sourcebook'.
Kung wala ng nasabing mga hanguang aklat, walang pagkukunan ang mga gurong manunulat
upang sumulat ng mga aklat na magagamit ng mga guro ng wika sa paaralan.
Ang sinulat ni Lope K. Santos na "Balarila ng Wikang Pambansa noong 1941 na umasang
mapapasukan ng pagbabago ang kanyang balarila pagkaraan ng 10 taon ay isang patibay na
sadyang napabayaan ang balarila.Dahil hanggang sa ngayon, mahigit 36 taon na ang nakalipas, ay
hindi pa nirerebisa ang nasabing balarila.
Bukod sa binibigyang-diin sa mga kurso sa linggwistika ay ang wikang Ingles, Ingles ang
wikang panturo, at sa Ingles nakasulat ang mga aklat na ginagamit at ang pinag-uusapan at sinusuri
ay Ingles. Ito'y nagpapakita ng katotohanang mahirap ng kumawala sa mga karunungang natatamo
dahil sa wikang Ingles.
Sa ngayon, kulang na kulang tayo ng mga guro na may sapat na kaalaman sa linggwistika
sa praktikal na kahulugan nito upang makatulong sa paghahanda ng mga aklat pambalarila at ng
iba pang kaugnay na kagamitan.Kulang na kulang tayo ngayon ng mga aklat sa pagtuturo ng wika
na nakukulayan ng mga bagong kaalamang panglinggwistika.
Kung totoong ang wikang Filipino, sa patuloy na pag-unlad nito, ay nagkakaroon ng mga
pagbabago, hindi kaya kailangang laging sinusuri ng guro ang kanyang itinuturo tungkol sa wika?
Baka ang itinuturo hanggang ngayon ay ang Tagalog noong panahon ni Lope K. Santos?
Kung ang unang bloke sa pagsulong ng karunungan sa wikang Pilipino ay ang balarila ni
Lope K. Santos ang kailangan ng mga guro sa ngayon ay ang ikalawang bloke na maaaring ipatong
sa nasabing unang bloke sapagkat magkatulad ng oryentasyon subalit pinasukan na ng mga
pagbabago ayon sa hinihingi ng bagong kaalaman sa linggwistika. Ang Tagalog Reference
Grammar HINDI maituturing na ikalawang bloke, maaari lamang pagkunan ng mga bagong tala
at ideya tungkol sa wikang Pilipino upang maipasok sa aklat pambalarila na susulatin bilang
kasunod ng Balarila Ng Wikang Pambansa.
Mga Guro
Ang maayos na makakagawa ng mga proseso upang maisulat ang susunod na Balarila Ng
Wikang Pambansa dahil sila ay nahubog sa Balarila ni Lope K. Santos at nagkaroon ng
pagkakataong mahantad sa mga bagong kalakaran sa linggwistika.
Ang totoo ay hindi lamang sa mga aklat pambalarila maaaring makatulong ang isang gurong
nagpakadalubhasa sa linggwistika. Maaari siyang makatulong sa kahit anong gawain tungkol sa
wika — sa pagpaplano ng mga palatuntunan at patakaran tungkol sa wikang panturo, sa mga
eksperimento at pananaliksik pangwika, sa pagtuturo ng pagbasa, sa paggawa ng mga pagsusulit
pangwika at marami pang iba.
Mga Ambag ng Linggwistika sa Paglinang sa Wikang Pilipino.
kung paano mapauunlad ang wikang Pilipino bilang tatak at kasangkapan natin sa pag-
uugnayan bilang isang malayang lahi;
kung paano mapananatili ang wikang Ingles bilang tulay natin sa pagdukal ng karunungan
at pakikipag-ugnayang pandaigdig.
Sa mga pagpaplano kung paano gamitin ang mga wika sa paaralan ay malaki ang
naitutulong ng mga pangunahing linggwista ng bansa. Ang pinakahuling patakarang pangwika sa
pagpapairal ng bilinggwalismo sa ating sistema ng edukasyon, halimbawa, ay bunga ng
pananaliksik at pag-iisip ng mga kinikilalang eksperto sa linggwistika at pagpaplano ng wika.
Nagkakaroon ng lalim o 'depth' ang pagtuturo ng isang guro kapag may malalim siyang
pagkakaunawa sa kalikasan at kakanyahan ng wika.
Paglalagom
Sa kabuuan, ang linggwistika, bilang isang agham, ay naglalayong malinang ang mga
paraan sa mabisang paglalarawan sa wika.
Ang mga data sa linggwistika ay maaaring magamit ng guro ng wika ngunit ang mga
iyon ay dapat niyang ayusin o modipikahin ayon sa kanyang pangangailangan bilang
guro.
Kaugnay nito, ang sabi ni Direktor Pineda, ng Surian ng Wikang Pambansa sa kanyang
artikulong “Aghamwika sa Pilipino” (SUPLING, 1970):
“Magkaiba ang mga layunin ng guro ng wika at ng linguist. Subalit sila’y may gantihang
pakinabang… ang mga teknika at pamamaraan ng linguistics ay makakatulong sa
gawain ng guro ng wika…hindi siya maaaring magkibit-balikat sa hitik na bunga ng
linguistic, ang maagham na pag-aaral ng wika.
Nais naming wakasan ang paunang salitang ito sa pagsipi sa isang bahagi ng artikulo
ni Remedios Cayari na pinamagatang ‘Linggwistika sa Pagtuturo ng Pilipino,
SUPLING 1970, na dating nasa pangkat kurikulum, dating nasa kawanihan ng
paaralang bayan: