Professional Documents
Culture Documents
PANIMULA
KAHULUGAN NG LINGGWISTIKA
- Ang Linggwistika ay ang pagsasaalang-alang at paggamit ng mga maagham na paraan sa pag-aaral at
pagsusuri ng wika .
- Maagham na paraan sa pagtuklas ng impormasyon at kaalaman tungkol sa wika .
Ang maagham na paraan ay nagdaraan sa hindi kukulangin sa limang proseso , tulad ng mga
sumusunod :
1. Proseso ng Pagmamasid
- Paraan ng pagsasama-sama ng mga tunog upang bumuo ng pantig ,
- Paraan ng pagsasama-sama ng mga pantig upang bumuo ng salita ,
- Paraan ng pagsasama-sama ng mga salita upang bumuo ng pangungusap
- Pagbabagu-bago ng tunog o mga tunog dahil sa impluwensya ng kaligiran at iba pa.
Ano ba ang nagagawa ng isang linggwista na hindi nagagawa ng isang karaniwang guro ?
o Panitikan Gramatika
o Balarila
Ang Linggwistika
MGA GLOTTAL NG TUNOG
Ang pagbabaybay sa Filipino ay konsistent. Sinusunod nito ang sistemang isa-isang tumbasan ng
ponema at ng titik. Ang mga simbolong ginagamit sa pagtutumbas sa isang ponema ay siya ring
ginagamit na titik sa palabaybayan, maliban sa mga glottal na tunog; ang glottal na pasara /'/ at
ang glottal na pasutsot /h/.
Ang Linggwistika
Panimula
May higit na 5,000 iba't ibang wikang sinasalita ang tao sa buong daigdig. Nagkakaiba-iba man
ang mga wikang ito dahil nga ang bawat wika ay may kani-kaniyang balangkas ng tunog, ang
lahat naman ay sinasabing may pagkakatulad sa dahilang ang lahat ay binibigkas at lahat ay
binubuo ng mga tunog. Subalit sinasabing walang tunog na unibersal.
Ang agham ng wika ay tinatawag ng Linggwistika. Tinatawag namang dalubwika ang taong nag-
aaral ng wika, sapagkat nag-aangkin siya ng mga di-karaniwang kaalaman at kakayahan hindi sa
pagsasalita kundi sa pagsusuri ng wika. Pinag-aaralan nito ang palatunugan ng isang wika, bukod
sa sistema ng pagbubuo ng mga salita at balangkas ng mga pangungusap nito.
Ang dalubwikao linggwistika
ay hindi na kailangang pang matutunan ang wikang kanyang sinusuri, at di kailangang maraming
ginagamit na wika upang matawag na dalubwika. Ang isang taong maraming nalalamang wika
ay tinatawag na
polygot
, at kung hindi siya nagpapakadalubhasa sa wika ay hindi tinatawag na dalubwika o linggwistika.
Sa pag-aaral ng wika, kinikilala ang mga sumusunod na katangiang angkin nito:
Balarila (grammar)
Palatunugan (phonology)
Palabuuan (morphology)
Palaugnayan (syntax)
Talasalitaan (lexicon)
Palatitikan (orthography)
Panitikan (literature)
Saling-wika (translation)
Ang Ponolohiyang Pilipino
Ang Ponolohiya ay ang pag-aaral ng mga makahulugang tunog na ginagamit sa pagbuo ng mga
salita sa isang partikular na wika. Hindi lahat ng tunog ay maituturing na salita o wika.
Kinakailangang magkaroon ito ng kahulugan at nauunawaan ng kausap o nakakarinig.
Sa pag-aaral ng ponolohiya mahalagang isaalang-alang ang ponema ng wika dahil sa ito'y may
kinalaman sa tono ng pagsasalita. Mahalaga ring pag-ukulan ng pansin ang diin (stress), ang
pagtaas-pagbaba ng tinig (pitch), paghahaba (lengthening) at hinto (juncture)- o sa kabuuan ay
ang tinatawag na intonasyon sa pagsasalita.
Ponema
Ito ay ang tawag sa isang yunit ng tunog ng pagsasalita na makabuluhan. Sinasabing may
kabuluhan ang isang tunog kapag nag-iba ang kahulugan ng isang salitang kinabibilangan nito sa
sandaling ito'y alisin at palitan. Halimbawa sa salitang 'puso' na kapag inalis ang ponemang 'p' ay
magiging 'uso' (trend) o kapag ito'y pinalitan maaaring 'nguso' o 'tuso.'
MGA URI NG PONEMA NG FILIPINO
1. Ponemang Segmental
Mga Patinig /a, e, i, o, u/
Mga Katinig /b, c, d, f, g, h, j, k, l, m, n, p, q, r, s, t, v, w, x, y, z/
Inilalarawan sa punto ng artikulasyon kung saang bahagi ng bibig nagaganap ang bahagyang
pagtigil ng papalabas ng hangin sa pagbigkas ng isang katinig. Nailalarawan ang mga katinig ng
Filipino sa pamamagitan ng apat na punto ng artikulasyon.
1. Panlabi - ang mga labi ay nagdidikit habang ang mga ponemang ito ay binibigkas. /p, b, m/
2. Pangngipin - ang dulo ng dila ay dumidikit sa mga ngiping itaas. /z, d, n/
3. Panggilagid - ang ibabaw ng dulo hanggang sa gitna ng dila ay lumalapit o dumidikit sa
punong gilagid. /s, l, r/
4. Pangngalangala - ang ibabaw ng punong dila ay dumidikit sa malambot na bahagi ng
ngalangala./k, g, h/
5. Glottal - naglalapit o nagdidikit ang epiglotis at hiniharang ang hangin ng papalabas na
hininga upang lumikha ng impit o pasutsot na tunog.
Inilalarawan naman sa paraan ng artikulasyon kung paanong gumagana ang ginagamit na mga
sangkap sa pagsasalita at ang paglabas ng hininga sa ilong at bibig sa pagbigkas ng alinman sa
mga ponemang katinig.
1. Pasara - ang pagkakaroon ng bahagyang pagsara ng epiglotis upang harangan ang hangin sa
pagpasok o paglabas. /p, t, k, b, d, g/
2. Pailong - ang padaan ng hangin sa ilong kapagka ang mga labi ay natitikom at ang malambot
na ngalangala ay bumaba upang bigyan-daan ang hangin sa paglabas nito sa bibig. /m, n/
3. Pasutsot - sa pagitan ng dila at ngalangala dumadaan ang hanging lumalabas. /s, h/
4. Pagilid - sa gilid ng dila lumalabas ang hangin sapagkat ang dulong dila ay nakadikit sa
punong gilagid
5.Pasaltik - ang hangin ay malayang nakakalabas sa mga taas na bahagi ng nakaarkong dulo ng
dila na bahagyang nakataas.
6. Malapatinig - naiiba ang mga ito sa ibang katinig sapagkat ang malayang paglabas ng hangin
sa bibig ay dumadaan nang malaya sa ibabaw ng dilang bahagyang nakadikit sa ibabang gilagid.
/y, w/
DALAWANG SANGAY NG PAG-AARAL NG PONOLOHIYA
1. Ponetika - ito ang sangay ng pag-aaral ng ponolohiya na tumutukoy sa pagkilala sa mga vocal
organs na nagagamit sa paglikha ng mga tunog gayon din ang pag-aaral sa kung paano ito
nilikha.
1. Guwang ng ilong
2. Malambot na ngalangala
3. Titilaukan o kampanilya
4. Paringhe
5. Epiglotis
6. Lalamunan
7. Lalaugan
8. Babagtingang-tinig
9. Dila
10. Mga labi
11. Unahang ngalangala
12. Matigas na ngalangala
13. Guwang ng bibig
14. Ngipin
TATLONG SALIK UPANG MAKAPAGSALITA:
1. Ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya
2. Ang artikulador
3. Ang resonador o palatunugan
Ang enerhiya ay ang nilikhang presyur ng papalabas na hiningang galing sa baga na siyang
nagpapakatal sa mga babagtingang pantinig na siya namang gumaganap na artikulador. Nagiging
resonador ang nalilikhang tunog na dinidisenyo naman ng bibig. Anupa't ang tinatawag na
resonador ay ang bibig at ang guwang ng ilong.
APAT NA MAHAHALAGANG BAHAGI NG BIBIG NA GINAGAMIT SA PAGSASALITA:
1. Panga at dila (ibabang bahagi)
2. Ngipin at labi (unahang bahagi)
3. Matigas na ngalangala (itaas na bahagi)
4. Malambot na ngalangala (likurang bahagi)
2. Mga Diptonggo ng Filipino
Diptonggo ang tawag sa magkasunod na tunog sa isang patinig at isang malapatinig sa isang
pantig ng isang salita. Sa Filipino ay walang salitang nagtataglay ng dalawang magkasunod na
parehong patinig sa iisang pantig kung kaya't ang mga malapatinig na /w/ at /y/ ay mga
mahahalagang tunog upang bumuo ng isang diptonggo.
3. Mga Klaster o Kambal-Katinig
Klaster o kambal-katinig ang tawag sa magkakabit na dalawang katinig sa iisang pantig.
Kapansin-pansin ang pagdami ng mga klaster sa Filipino dahil na rin sa makabagong paraan ng
palabaybayan ng wika at ang impluwensya ng ingles.
4. Pares Minimal
Tinatawag na pares minimal ang pares ng salitang magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad sa
bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na posisyon. Ginagamit ang pares minimal sa
pagpapakita ng pagkakaiba ng mga tunog ng magkakahawig ngunit magkaibang ponema.
5. Mga Ponemang Suprasegmental
Sa pamamagitan ng mga ponemang segmental o makabuluhang tunog sa Filipino ay nakabubuo
tayo ng mga salita upang bumuo naman ng mga pangungusap na ginagamit natin sa
pakikipagtalastasan sa ating kapwa. Higit na nagiging mabisa ang ating pakikipagtalastasan sa
pamamagitan ng paggamit natin ng mga ponemang suprasegmental. Ang ibig sabihin ng
suprasegmental ay pantulong sa ponemang segmental.
1. Tono - ang pagsasalita ay tulad din ng isang kanta na may tono. Tinatawag na tono ang taas-
baba ng pagbigkas ng mga patinig ang isang salita.
2. Haba ng diin - Ang pagtitigil ng pagbigkas sa patinig ng pantig ng isang salita ang tinatawag
na haba. Samantalang ang lakas sa pantig ng isang salita ang siyang tinatawag na diin.
3. Tigil o Antala - Ang suprasegmental na ito ay ang bahagyang pagtigil ng pagsasalita sa isang
pahayag.