Professional Documents
Culture Documents
Bago natin talakayin kung ano-ano ang magkakamag-anak na wika sa mundo at sa Pilipinas at saan-
saan ito nagmula ay muli nating alamin ang kahulugan ng WIKA.
Sang-ayon kay Henry Gleason, ang wika ay isang masistemang balangkas ng mga
sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
kabilang sa isang kultura.
Dagdag pa rito ay muli nating balikan ang ilang teorya na pinagmulan daw ng wika.
Ang wika ay lubos na mahalaga sa bawat tao, ito’y maihahalintulad sa ating paghinga. Na
kailangan na kailangan natin upang mabuhay, upang sa bawat araw ay makapagsalita, bawat araw
ay makapagsabi ng hinaing, bawat minuto ay maihayag ang naiisip. Ito’y parang paghinga na natural
na ating ginagawa, natural na kailangan upang mabuhay ngunit ang wika ay hindi lamang buhay ito
rin ay isa sa ating mga pangangailangan upang mamuhay. Katulad na nga ng nabanggit ni Henry
Gleason, ang wika ay ang lahat sa kung paano nagkakaroon ng komunikasyon.
Bamagat napakaraming teorya at pag-aaral kung saan at kung paano nga ba nagkaroon ng
wika ang mga tao, ay nananatili pa ring misteryoso ang wika sa ating mga nilalang ng Diyos, dahil sa
kasalukuyan ay may iilang linggwistika pa rin ang patuloy na nagsusunog ng kilay hinggil sa tunay na
pinagmulan ng wika.
1
Ang wika na siyang kaluluwa ng bawat kultura natin, wikang ginagamit upang magkaunawaan
ay siyang wika na dapat ding pahalagahan, palasak man ang paksa ukol rito ay hindi dapat magsawa
ang tao hindi lamang ang mga linggwistika na pag-aralan at isabuhay ang kahalagahan ng wika.
Kaya naman, sa paksa kong angkan ng wika sa buong mundo at Pilipinas ay pipilitin kong maikintal
sa isipan ng bawat guro sa Filipino, at indibibwal na nagpapakadalubhasa sa wika kung bakit
kailangan nating mahalin ang wikang atin. Mahalin ang wikang sinasalita at hinihinga natin. Tara’t
lakbayin natin ang daigdig, tuklasin ang paglaganap ng wika sa buong mundo at sa inang bayan.
Ang buong mundo ay binubuo ng malaking parte ng anyong tubig, at kung susumain ay halos
dalawamput limang porsyento (25%) lamang dito ang kalupaan. Ang anyong lupa na pinaninirahan
naman ng ibat-ibang lahi sa bawat sulok ng mundo. Kay saya ngang isipin na sa bawat bansa ay
hindi lamang iisa ang wika ang sinasalita rito, kung gayon kung ang buong mundo ay mayroong
mahigit kumulang sa dalawang daan (200 )bansa, ang dalawang daang bansa na ito ay maaaring
buoin pa ng maraming wika. Kung kaya naman, hindi na kataka-taka ang mga wika ay pinarte-parte
sa kung ano at sino ang mas pinaka ginagamit sa buong mundo at hanggang sa kasalukuyan ay
hindi pa rin nawawala ang isyu hinggil sa kung ano nga ba o sino nga ba talaga ang nanay ng mga
wika o ang pinaka unang wika sa buong mundo. Bagamat ang pagtuklas na ito ay matagal ng
nagaganap noon pa man ay pinaniniwalaan na ng mga dalubwika, linggwistika na ang wikang
EBREO ay unang wika sa buong mundo o ito ang ina ng lahat ng wika. Sang-ayon sa mga
mambabalarilang Hindu Kauna-unahang pangkat na kinilala sa larangan ng linggwistika. Nang
panahong iyon, naniniwala ang mga tao na wika ng Diyos ang ginamit sa matatandang banal na
himno ng Ebreo.
Mahabang panahong hindi nila ginalaw ang istilo ng lenggwahe ng nasabing mga himno kahit
nakaiwanan na ng panahon sa paniniwalang paglapastangan sa gawa ng Diyos ang anumang
isasagawang pagbabago dito. Subalit nagpunyagi ang mga palaaral na Hindu. Sinuri nila ang
matandang wikang ginamit sa nasabing mga himno—sa palatunugan, palabuuan, palaugnayan, sa
layuning makatulong sa pagpaliwanag ng diwa ng halos di maunawaang mga himno. Ang mga
pagsusuring isinagawa ng mga mambabalarilang Hindu ay naging simula ng mga pag-aaral sa ibang
wika sa Europa. Mapapatunayan naman ito sa mga terminolohiyang teknikal na ginamit ng mga
unang mambabalarilang Hindu na hangggang sa kasalukuyan ay ginagamit pa ng mga makabagong
mambabalarila at linggwista.
Sa mga wikang Griyego at Latin, unang nagkaanyo ang wika sa tunay na kahulugan nito,
sapagkat ang mga wikang ito ang dalawang magkasunod na wikang unang nalinang at lumaganap
nang puspusan sa Europa ng panahong iyon. Mapapansing kung saan unang nalinang ang
sibilisasyon ay doon din unang nagkaanyo ang kauna-unahang maagham na pagsusuri sa wika. Si
Aristotle at ang pangkat ng mga Stoics ay ilan lamang sa mga linggwistang laging nababanggit nang
mga panahong yaon. Itinuturing na silang nagsipanguna sa larangan ng agham –wika. At mahaba-
haba pang kasaysayan ukol sa kung saan at paano nga nagkaroon ng wika ang mundo. At mahaba
rin ang pila ng mga wika dahil kung susuriin ay mas higit pang marami ang wika kung ihahalintulad sa
bilang ng bansa sa sangkatauhan. Kaya naman, silipin natin ano-ano at saan-saan nga ba ang mga
bansang may pinaka gamiting wika.
2
Ang nakatala sa ibaba ay listahan ng mga prinsipal na pinagmulan ng wika:
(Sang-ayon sa klasipikasyon ni Gleason at iba pang linggwistika)
E. BALTIC
a. Lithuanian
b. Latvian
2. FINNO-UGRIAN a. Finnish
b. Estonian
c. Hungarian
d. Lappish,Mordvinia,
e. Cheremiss
3. ALTAIC a. Turkic
b. Mongol
c. Manchu-Tangus
3
4. CAUCASSIAN a. South Caucassian
b. North Caucassian
c. Basque
5. AFRO-ASIATIC A. SEMITIC
a. Ebreo
b. Arabik
c. Maltese
d. Assyrian
e. Aramaic
f. Phoencian
B. HAMITIC
a. Egytian
b. Berber
c. Cushitic
d. Chad
e. Manade
f. Kwa
g. Sudanic
h. Bantu
6. KOREAN
7. JAPANESE
8. SINO-TIBETAN A. TIBETO-BURMA
a. Tibetan
b. Burmese
c. Garo
d. Bodo
e. Naga
f. Kuki-Chin
g. Karen
9. MALAYO-POLYNESIAN A. INDONESIAN
(Sumunod na pinakamalaking angkan) a. Tagalog
b. Bisaya
c. Ilocano
d. Pampango
e. Samar-Leyte
f. Bicol, atb. Ng Pilipinas
g. Chamerrong Guam
B. MALAY
a. Malaya
b. Batak
c. Balinese
d. Dayak
e. Makassar
4
C. MICRONESIAN
D. POLYNESIAN
a. Hawaiian
b. Tahitian
c. Samoan
d. Maori
E. MELANESIAN
a. Fijian
10. PAPUAN
12. AUSTRALIAN
5
Ang Angkan ng Wikang Filipino
Marahil ay hindi na lingid sa atin ang naging kaawa-awang kalagayan ng ating inang bayan sa
mga bansang umalipin, nambusabos at humubad sa kulturang Pilipino, dahil sa mga naranasan ng
Pilipinas na kalupitan at hindi maitatanggi na isa sa naapektuhan ay ating wika.
Kung babalikan natin ang kasaysayan ng wikang Filipino, sang-ayon nga sa kasaysayan ng Pilipinas
at kasaysayan ng wikang Filipino, Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming isla at ng iba’t ibang
etnolinggwistikong grupo. Bawat isa sa mga grupong ito ay may kani-kaniyang sariling wika.
Ayon kay Dr. Ernesto Constantino (Magracia at Santos, 1988, pahina 1) mahigit sa
limandaang (500) mga wika at wikain ang ginagamit ng mga Pilipino. Sa ganitong uri ng kaligiran,
isang imperatibong pangangailangan para sa Pilipinas ang pagkakaroon ng isang wikang
pambansang magagamit bilang instrumentong bumibigkis at simbolo ng ating kabansaan o
nasyonalidad. Gayon pa man, ang maraming wika na ito ay naging sanhi ng pandarayayuhan at
pananakop ng ilang bansa sa Pilipinas, nagkaroon ng iba’t ibang wika o mas mainam na sabihin na
mas umunlad ang ilang wika sa Pilipinas bago pa manakop ang mga kastila dahil noong 1565, may
pangkat na ng mga mandarayuhan ang dumako sa bansa sa pamamagitan ng tulay na lupa, dala-
dala ang kanilang kultura. Ang palipat-lipat na mandarayuhang Negrito ay dumako sa mga kagubatan
at kabundukan ng Luzon. Isa sa mga makapangyarihang ambag nila sa kasaysayan ng panitikan ang
mga pasalindilang anyo tulad ng mga awitin at pamahiin. Sinundan sila ng mga Indones na may mas
maunlad na kabihasnan sa nauna. Dala ang kanilang mga alamat, epiko at mga kuwentong bayan ay
naipunla nila ang pagpapakalat ng kanila ring dalawang wika. Samantala, bitbit ang kanilang sistema
ng pamamahala, wika at sistema ng pagsulat, narating ng mga Malay ang Pilipinas. Malawak ang
inabot ng pagkalat ng dala-dalang kultura ng nabanggit na tatlong pangkat. Kaya, nahihinuhang
kikilalanin sa kasaysayan na magkakaugnay at magkakahawig ang mga wikang lumaganap sa bansa
at kinikilala sa kasalukuyan. Patunay nito ang klasipikasyon ni Gleason (1961) sa mga wika ng
daigdig. Inilahad niya na ang mga wika at wikain sa Pilipinas ay kasama sa angkang Malayo-
Polinesyo na kinabibilangan nga ng mga wikaing Indonesia ( Tagalog, Visaya, Ilocano, Pampango,
Samar-Leyte, Bikol at iba pa sa Pilipinas ) at Malay.
Samantala, alam kong alam ng iba sa atin ang naging malubak na kasaysayan ng wikang
Filipino, Pilipino at tagalog, ngunit alam kaya natin kung saan at paano ito umusbong sa Pilipinas?
Pinaniniwalaang nagmula o nag-ugat sa wikang Malayo-Polinesyo at Indonesyo (Pahina 4,
Sining ng Komunikasyon) ang mga wikain sa Pilipinas.
Sang-ayon kay Wilhelm Schmedt (1889), klinasipika niya ang mga wika sa Pilipinas sa
angkang Malayo-Polynesian sakop ang mga wikang sinasalita sa Formoso hanggang New Zealand
sa Timog at Eastern Island sa Silangan hanggang Madagascar. Sang-ayon naman kanila David at
Healey 1962 ng Summer Institute of Linguistics, ayon sa kanila na ang wikain sa Pilipinas ay
nahahati sa Tatlong panahon ang malakihang paglaganap sa kapuluan ng mga wikang buhat sa
angkang Malayo-Polinesyo.
Noong 700 B.C. ang "Philippine Stock"
Noong 200 B.C. ang "Northern Family“
Noong 100 B.C "Southern Philippine Family,"
Sang-ayon naman kanila Chirino (1604) at Lorenzo Huaves Y Penduro (1784) mga
misyonaryong kastila na nagklasipika ng mga wika sa Pilipinas sa angkang Indonesyo Polenesyo
kung saan ibinigay ni Chirino ang sumunod na komento hinggil sa wikang Tagalog.
Kung tutuusin ay marami pang mga dalubwika ang nagbigay rin ng kanilang panahon upang
pag-aralan ang pinagmulan ng wika sa Pilipinas, bagamat marami pang pag-aaral ang lumabas, ay
hindi naman maikakaila na ang iilan sa mga ito ay magkakaparehas ng natuklasan na ang wika sa
7
Pilipinas ay maaaring kapangkat at nagmula sa angkan ng Indonesyo Polenesyo at Malayo-
Polinesyo. At dahil nga sa mga pagtuklas na ito ay nagkaroon na rin ng pagsulong ang wika sa
Pilipinas dahil mula 1901 hanggang sa kasalukuyan ay nagkaroon na ng klasipikasyon, tuon at batas
para sa wika sa Pilipinas at patunay nga nito ang implementasyon ng DepEd Order No. 74, s. 2009 o
ang Pagsasainstitusyon ng Edukasyong Multilingguwal na Batay sa Katutubong Wika, isinapanahon
ng Kagawaran ng Edukasyon ang talaan ng mga pangunahing wika ng Pilipinas (DepEd Order No.
16, s. 2012) na kinabibilangan ng:
Tagalog Waray
Kapampangan (Samar-Leyte)
Ilocano Tausug
Bikol Maguindanaoan
Cebuano Maranao
Hiligaynon Chabacano
Pangasinan
Ilokano Bikolano
Pampanggo Hiligaynon
Pangasinense Sebwano
Tagalog Waray (Samar-Leyte)
Kung titingnan ang pagkakaiba-iba ng mga ito batay sa Greenberg’s diversity index, tinatayang
0.855 ang diversity index ng mga WP o katumbas ng 96% diversity coverage. Ibig sabihin, sadyang
magkakaiba ang mga wikang ito at tinatayang bawat dalawang tao sa populasyon ang
makapagsasabi na mayroon silang magkaibang katutubong wikang sinasalita.
(Sanggunian: http://www.kwf.gov.ph/faq/)
8
MGA SANGGUNIAN:
1. Adaya, Jomar A. etal., (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Filipino. Malabon City: Jimczyville Publication.
2. Arabejo-Nacin, Anita et.al. (2004). Sining ng Mabisang Komunikasyon. Quezon City:
Trinitas Publishing, Inc.
3. Montera, Godfrey G. (2013). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Cebu City:Likha
Publications.
4. Manguera, Patrick Henry R. et.al (2014). Kasaysayan: Kalinangan, Diwa at Kabuluhan.
Quezon City: MERRYJO ENTERPRISES.
5. Santiago, Alfonso O. (1979). Panimulang Linggwistika. Quezon City:Rex Book Store.
6. Santiago, Alfonso O. at Tiangco, Norma G. (2003). MakabagongBalarilang Filipino. Quezon
City: Rex Book Store.
WEBSITES:
http://www.kwf.gov.ph/faq/
https://tl.wikipedia.org/wiki/Mga_wika_sa_Pilipinas
http://www.germanlipa.de/text/lipon_f.htm
http://www.slideshare.net/yhanjohn/fil12-1ang-kasaysayan-ng-wikang-filipino
http://www.slideshare.net/dawnnah/angkan-ng-wika
http://www.slideshare.net/jhengcute/kasaysayan-ng-linggwistika-1
9