You are on page 1of 7

PAG-ALAM SA MGA PONEMA AT MORPEMA

Ang isang guro dapat ay maging tiyak, mabisa at marunong magtipid ng panahon sa
pagtuturo at kailangang maalam siya sa mga katangian o kakanyahan ng mga Pilipino
at pati na rin ang wika ng pook o ang unang wika ng mga batang kanyang tinuturuan.
Sapagkat alam naman natin na ang isang bata pag maalam sa artikulasyon ng
pananalita ng kanyang unang wika ay makakatulong ito para sa pag-uugnay na
pag-aaral ng kanyang panglawang wika.Makakatulong ng malaki sa isang guro
kapag alam niya ang unang wika ng bata at naiuugnay niya adito ang panglawang
wika mg bata ay mabibigyan niya ng diin kung alinman ang kanyang mga paksang
aralin. Ang isang guro dapat ay maalam sa wika dahil makakatulong ito sa kanyang
pagtuturo lalo pag siya ay guro sa linggwistika. At kung ang kabuuan ng wika ay
hahatiin sa tatlong antas:
1. Palatunugan o Ponolohiya – tamang pagbigkas ng mga salita at tumatalakay kung
papaano nagsasalita ang isang tao.
2. Palabuuan o Morpolohiya – tungkol sa pag-aaral ng ng mga morpema ng isang
wika at ng pagsasama-sama ng mga ito upang makabuo ng mga salita.
3. Palaugnayan o Sintaksis – pag-aaral ng mga struktyur ng sentens.

Ang isang guro ay kailangang malaman kung saan-saan nagkakatulad at nagkakaiba


ang Pilipino at ang wika ng pook sa bawat antas na nabanggit. Alam naman natin na
sa bahaging nagkakatulad ang dalawang wika ay halos o mas madali ang na matitiyak
ng isang guro na walang magiging problema o suliranin ang mga mag-aaral. Subalit
sa bahaging nagkakaiba ang wika ay hindi na kailangang patunayan pa ang tiyak ang
isang guro ay makakaranas ng mga problema o suliranin sa kanyang pagtuturo.

Bilang isang guro dapat ay maging mapanuri kung siya ay nagsasagawa


ng paghahambing sa tatlong antas ng wika,
1. Kailangang niya munang suriin ang wika ng bawat pook.
2. Kailangan alamin niya muna kung anu-ano ang mga ponema ng wika ng bawat
pook
3. Dapat alamin muna niya kung papaano ang set ng mga ponema ng wikang ito ay
pinagsasama-sama upang bumuo ng morpema.
4. Dapat alamin din niya kung papaanong ang mga morpema nito ay pinagsasama-
sama upang bumuo ng iba;t-ibang pangungusap.

Mga hakbang sa pagsusuri


1. Sa pagsusuri ng isa ng wika ay karaniwang inuuna ang tungkol sa
palatunugan (ponolohiya) nito. Inaalam muna ng nagsusuri kung anu-ano ang mga
tunog na makahulugan o ponemiko sa nasabing wika.
2. Pagkatapos ay ang ikalawang antas ng pagsusuri- ang pag-alam sa mga
morpema.
PAG-ALAM SA MGA PONEMA AT MORPEMA
3. Gayundin, ang pagsusuring sintaktiko, karaniwang isinasagawa kung nasuri na
ng nagsususri ang palatunugan at palabuuan ng wika. Gayunpaman may
mga dalubwika na nagsisimula sa gramatika na sumasakop sa palabuuan
(morpolohiya) at palaugnayan (sintaksis) at paggkatapos ay saka pa lamang
tutungo sa palatunugan(ponolohiya).

Mga hakbang kung papaano nagsasagawa ng pagsusuri ang isang guro sa


palatunugan ng isang wika:
A. Unang –una dapat isagawa ng guro ay ang pagkuha ng importante. Ang
importante ay isang taong ang unang wika ay ang wikang sinusuri. Kung may isang
wikang kapwa nauunawaan ng nagsusuri at ng importante, ang pagsusuri ay
hindi gaanong magiging mahirap. Kung kapwa sila marunong ng Ingles, halimbawa,
magtatala lamang ang nagsusuri ng mga salita sa Ingles at Pagkatapos ay ipabibigay
niya sa importante ang katumbas sa wikang sinusuri. Ngunit kung walang common
language na magagamit ang nagsusuri at ang importante , makabubuting gumamit
ang una ng mga larawan o mga aktwal na bagay. Mabisa rin ang paggamit ng aksyon
para sa mga pandiwa at pang-uri.
Ang bawat salitang bibigkasin ng kanyang importante ay kailangang pakinggang
mabuti ng nagsusuri upang kanyang maitala ng maayos. Ang pagtatala ay kailangang
gamitin ng isang sistema ng transkripsyon na magbibigay ng isang simbolo sa bawat
tunog sa mga salitang bibigkasinng importante. Higit na magsimula muna sa mga
salita sa halip na sa mga parirala o pangungusap sapagkat may kahirapang
pakinggan, gayahin, at itranskribe ang mga may kahabang pananalita. Karaniwan
nang ang pagtatanungan ay nagmumula sa mga pangalan ng mga karaniwang bagay
sa paligid. Kung sanay na ang mga importante ay maaari ring magsama ang mga
pandiwa at pang-uri. Makakabuting ipabigkas ng tatlong beses sa importante ang
bawat salita. Kung may mabuting taperecorder, mabuti ring irekord ng
nagsusuri ang pagbigkas ng importante. Sinasabi nating ‘mabuting’ taperecorder
sapagkat kung hindi rin lamang makakahawig na makakahawig ng orihinal ang boses
ay makabubuti pang huwag nang irekord. Kalabisan nang sabihin pang ito ang
pagmumulan ng maling transkripsyon. At kung mali ang transkripsyon, tiyak na
magiging mali na rin ang resulta ng isasagawang pagsusuri. Habang binibigkas ang
isang salita, ipinapayo ring obserbahan ng nagsusuri ang bibig ng importante. Ang
totoo, kung magpakalagayang-loob na ang nagsusuri at ang importante, makabubuti
paring obserbahan ng una ang loob ng bibig ng huli upang matiyak ang punto ng
artikulasyon sa pagbigkas ng mga tunog na ang bibig ay nakabukas.
Ang pagtatanungan ng nagsusuri at ng importante at hindi kailangang tapusin sa
minsang paghaharap. May mga pagkakataon din na higit na magiging praktikal para
sa isang nagsusuri ang paggamit sa isang importante, lalo na sa mga bahaging siya
ay may duda. Makabubuti nang banggitin ditto na ang sistema ng mga ponema o
PAG-ALAM SA MGA PONEMA AT MORPEMA
palatunugan sa unang wika ng nagsusuri ay nagkakaroon ng impluwensya sa
kanyang isinasagawang pagsusuri; na kahit ang isang nagsusuri ay may sapat na
kaalaman sa ganitong uri ng gawain, hindi rin niya maiwasang laging maiugnay ang
kanyang unang wika sa kanyang wikang sinusuri.
1. Sa iisang ponema ay higit sa isang simbolo ang ginagamit; alalaong baga,ang mga
alopono ng isang ponema ay nagkakaroon ng kanya-kanya at magkakaibang simbolo;
2. Sa dalawang ponema ay isang simbolo lamang ang ginagamit;na ang dalawang
magkaibang ponema ay naituturing na mga alopono lamang ng isang ponema;
3. Ang isang makahulugang tunog o ponema ay hindi nabibigyan ng kaukulang
simbolo. Nangyayari ang ganito,kalimitan, sa mga ponemang wala sa palatunugan
ng wika ng nagsusuri.;
4. Ang isang simbolo ay kumakatawan sa dalawang magkasunod na ponema o
ang kabaligtaran nito. Ang /c/ ng wikang Kastila ay malamang na kilalaning
dalawang magkahiwalay na ponema ng isang Pilipino- /t/ at /s/ - sapagkat sa kanyang
wika ay wala ng ganitong uri ng tunog. Sa kabilang dako, kung isang Kastila naman
ang magsusuri sa wikang Pilipino, malamang na ang /t/ at /s/ sa mga salitang tulad
ng itsura, kotse, atb. ay tumbasan niya ng isang simbolo lamang - /c/.
B. Sa ikalawang hakbang ng pagsusuri ay hindi muna kakailanganin ang importante.
Dito ay magsasagawa ng pag-iimbentaryo ang nagsusuri sa iba’t- ibang tunog ng
kanyang sinusuring wika sa pamamagitan ng kanyang naitalang salita na binigkas ng
importante. Sa mga bahaging siya ay may duda, ang bigkas ay maari niyang
pakinggan ng paulit-ulit sa taperecorder.Sa bahaging ito pansamantalang
pagsasama-samahin ng nagsusuri ang mga tunog na pinagsususpetsahan o
pinagdududahang magkatulad o mga alopono lamang ng iisang ponema.Sa
isasagawang pagkaklasipika ay maaringmangyari na ang isang tunog ay
mapasama sa higit sa isang pangka.Subalit sa gagawing
pagpapangkat_pangkat ay kailangang maging praktikal;alalong baga’y iwasan ang
pagpapares ng mga tunog na masyadong magkalayo o magkaiba
at,sumakatwid,ay hindi maaaring maging mga alopono ng iisang
ponema.Halimbawa,sa tatlong tunog na [m] at [k] ay magkaibang ponema,kaya’t
dapat paghiwalayin.Ngunit ang[k] at [kh] ay maaring mag alopono lamang ng iisang
ponema, kaya’t magkatwirang ang mga ito’y ituring na ‘suspicious pairs’ o
pinagsususpetsahang pares.
MGA KATANGIAN PONEMA
1. Isang grupo ng magkakahawig na tunog.
2. Magkakatulad sa punto at paraan ng artikulasyon.
3. May kanya-kanyang sistema ng distribusyon.
4. Wikang pinag-uusapan
PAG-ALAM SA MGA PONEMA AT MORPEMA
Mapapansin sa binanggit na depinisyon na may mga sukatang dapat isaalang-alang
sa pagkilala ng dalawa o higit pang tunog bago maituring na ang mga ito’y alopono
lamang ng iisang ponema:
1. Ang una ay ang pagkakatulad na ponetiko o pagkakatulad ng punto at paraan ng
artikulasyon.
2. Ang ikalawa ay ang pagkakaroon ng kanya-kanyang sistema ng distribusyon na
ang ibig sabihin ay maaaring ang mga tunog ay nasa distribusyong
komplimentaryo;na kaya lamang nagkakaroon ng bahagyang pagkakaiba ay dahil sa
impluwensya ng kani-kanilang kaligiran. Ang pagsusuri ng iba’t-ibang wika sa
Pilipinas ay mapatutunayan na may mga tunog na kahit walang pagkakatulad na
ponetiko ay maaari pa ring pagsuspetsahang mga alopono lamang ng iisang ponema
dahil sa impluwensya ng Kastila at Ingles. Pansinin ang sumusunod na mga
halimbawa:
[i] - [e] [p] - [f]
[u] - [o] [d] - [r]
[l] - [r]
C. Ang ikatlong hakbang ng pagsussuri, Pagkatapos maiklasipika ang mga tunog, ay
ang pagsuri o ang pag-aaral sa distribusyon ng mga pinagsususpetsahang pares o
grupo ng mga tunog. Sunuking gumawa ng isang haka o palagay (hypothesis) tungkol
sa distribusyon ng sinusuring mga tunog. Ang haka o palagay ay maaaring mabatay
sa obserbasyon ng nagsusuri o sa pagtutulad ng kinalabasan ng mga napag-aralan
nang grupo ng mga tunog. Halimbawa kung napatunayan na ang nagsusuri na ang
[p] at[b] ay nagkokontrast o nagsasalungatan sa magkatulad na kaligiran , makatwiran
lamang na ipalagay na ang [t] at [d] nagkakasalungatan din. Masasabing na praktikal
ang ganitong palagay ,bagama’t hindi laging tumatama, kung isaalang-alang natin
ang katotohanan na ang mga ponema ng isang wika ay may likas na kakanyahan sa
pagiging sistematiko sa kanilang pagkakaugnay-ugnay. Alopono ang tawag sa bawat
isang anyo ng mga ponema. Ang bahagyang pagbabago sa anyo ng mga ponema
ay likha ng kakanyahan ng palatunugan ng wikang pinag-uusapan. Ang
pinakakaraniwang dahilan ng pagbabagu-bagong anyo ng isang ponema ay ang mga
sumusunod:
1. Ang unang katabing mga ponema sa una at sa huli. Halimbawa: ang ponemang /t/
ng Ingles ay may apat na alopono-[t], [th], [t-], [t’] – sa mga salitang stand [stænd] ,
tan [than] , sit [sit-], at water [w t r];ə
2. Ang ikalawang katabing mga ponema sa unahan at sa hulihan, bagama’t
masasabing ito’y hindi karaniwan;
3. Ang pusisyon sa pantig, sa salita, o parirala,atb.;
4. Kumbinasyon ng dalawa o higit pa sa mga nabanggit sa itaas; Masasabi nating
ang pagbabagu-bagong anyo ng isang ponema ay may kaugnayan sa asimilasyon o
iba pang kilalang pagbabagong morpoponemiko. Ang ponemang /n/ ng wikang
PAG-ALAM SA MGA PONEMA AT MORPEMA
Italyano, halimbawa, ay may mga aloponong [n] at [ŋ]. Ang huling alopono ay
masusumpungan sa salitang bianko ‘white’ [biaŋko]. Nangyayari rin ang ganito
sa Pilipino. Pansin na ang unlaping pang- ay nagkakaroon ng tatlong alomorp – {paŋ-
,pam-,pan-}- dahil sa impluwensya ng unang letra ng inuunlapiang salitang –
ugat.
Halimbawa: pangkasal, pambura, pantahanan.

Anupa’t hindi dapat kaligtaan ang pag-uukol ng panahon sa pagsusuri sa mga


nagaganap na pagbabagong morponemiko sa pagbibigay ng haka o palgay tungkol
sa mga pinagsususpetsahang pares ng mga tunog.
D. Ang ikaapat na hakbang , pagkatapos makapagbigay ng haka o palagay , ay ang
pagsubok kung tama ang haka sa pamamagitan ng paggawa ng tabulasyon na
nagpapakita ng distribusyon ng bawat tunog sanhi ng nagiging impluwensya
ng ipinalalagay na salik (factor). Sa bahaging ito’y kailangang maging maingat na
maingat ang nagsusuri upang matiyak na ang magiging resulta ay
mapananaligan.Bawat isa sa sinusuring pangkat ng mga tunog ay kailangang umayon
sa ibinibigay na palagay. Sa sandaling may tunog na matagpuan na hindi naaayon sa
ibinigay na palagay, ito’y isa nang babala upang suriing ng nagsusuri ang kanyang
palagay. Ngunit tandaan na ang isa o dalawang kataliwasan sa palagay hindi sapat
upang palitan o modipikahin ang palagay. Maaaring ang tumataliwas na tunog ang
siyang dapat siriin at baka sakaling ditto may pagkakamali, maaaring pagkakatala,
pagkakapakinig, o pagkakamali ng importante.
Kung mapatunayan na sadyang hindi maaari ang ibinigay na palagay, gumawa ng iba
at muling subukin sa pamamagitan ng ibang tabulasyon. Kung lahat ng palagay na
ibinigay ay nasisira, pansamantalang tanggapin na ang dalawang tunogna sinusuri’y
magkahiwalay at magkaibang ponema. Pansamantala, sapagkat maaaring may iba
pang salik tungkol sa kalagayang komplimentaryong dalawang tunog ang hindi pa
napag-uukulan ng pansin ng nagsusuri.
Ang unang hakbang ay ang pag-uuri-uri ng mga naitalang mga tunog ayon sa punto
at paraan ng artikulasyon at ang pagbibigay-haka sa mga mapag sususpetsahang
pares.Ang pinagsususpetsahang mga tunog na maaaring mga alopono lamang ng
iisang ponema ay magkasamang binilugan.

*Paraan ng Artikulasyon
Voiceless unaspirate stops p t k vowels
Voiced unaspirate stops b d g i u
Voiced fricatives b d e o
Voiceless groove fricative s a
Lateral l
Flap and trill r r
PAG-ALAM SA MGA PONEMA AT MORPEMA
Nasals m n n

Habang sinusuri ang nalalabi pang mga pinagsususpetsahang mga pares ng tunog
upang alamin kung ang mga iyon ay nasa distribusyong komplimentaryo o mga
alopono lamang isang ponema, lagi rin namang isaaalang-alang ang mga
ebidensya na magpapatunay na ang mga sinusuring tunog ay magkaibang
ponema. Ang isang pinakamadali at pinakapayak na paraan ay maghanap ng
‘minimal pairs’ o mga pares minimal. Gaya ng napag-aralan na natin , matitiyak natin
na ang dalawang tunog ay magkaibang ponema kapag ang mga ito ay
nagkokontrast o nagsasalungatan sa magkatulad na kaligiran. Kaya’t sa pagpili
ng mga pares minimal, ay tiyakin na ang pagkakaiba ng dalawang salita ay dahil sa
pagsasalungatan o pagkokontrast ng dalawang tunog na sinusuri at hindi dahil sa
ibang bahagi ng mga salita. Kung ibig nating malaman kung magkaibang ponema ang
[b] at [v] sa Pilipino, hindi nating maaaring kuning pares minimalang tulad ng ‘bisa’
[bi:sa?] ‘effect’ at visa [vi:sa] ‘visa’ sapagkat kung sa baybay man ay malinaw na
nagkakaiba lamang sa unang titik ang dalawang salitang ito, mapapansing
sa transkripsyong ponemiko ay hindi lamang isang ponema ang kanilang
ipinagkakaiba:
bisa /bi:sa?/
visa /vi:sa/ /bi:sa/
Mapapatunayan na hindi ang [b] at [v] ang nagbibigay ng pagkakaiba sa dalawang
halimbawang salita kundi ang [?] na matatagpuan sa bias ngunit hindi sa visa.
Subuking bigkasin ang /vi:sa/ nag /bi:sa/ at hindi rin nagbabago ang kahulugan, Ngunit
sa sandaling dagdagan ng impit na tunog -/?/- sa dulo ng salita, mapapansin na nag-
iba na ang kahulugan ng salita-/bi:sa?/ ‘effect’.
Ang mga pares minimal, kung sabagay ay may kahirapang hanapin sa isang wika,
lalo na kung ang corpus ay hindi sapat. Sa Pilipino, tulad sa Ingles, ay may kadaliang
humanap ng mga pares minimal, kung ihahalintulad sa ibang wika.
Gayunpaman, mapapatutunayan din kung minsan ay may mga pagkakataong
mahirap humanap ng mga pares minimal sa Pilipino. Ang pares minimal ay mahalaga
pag matatagpuan , ngunit tandaan na hindi ngayo’t walang makitang pares
minimal upang ipakita ang pagsasalungatan ng pinagsususpetsahang dalawang
tunog, hindi nangangahulugang ang nasabing mga tunog ay mga alopono na ng
iisang ponema.
Malayang pagpapalitan o ‘free variation’ ay isa pa ring paraan ng pag-alam kung ang
dalawang tunog ay magkaibang ponema o mga alopono lamang ng iisang ponema.
Sinasabing na kapag ang dalawang tunog ay malayang nagpapalitan , ang dalawang
tunog na ito ay matatagpuan sa magkakatulad na kaligiran. Sa unang
tingin, maipagkakamaling mga pares minimal ang dalawang salitang ito . Subalit ang
PAG-ALAM SA MGA PONEMA AT MORPEMA
dalawang salitang ito ay hindi maituturing na mga pares minimal sapagkat ang isang
pares minimal ay kailangang magkaroon ng pagkakaiba hindi lamang sa tunog kundi
gayon din sa
kahulugan.
*Tatlong kaligiran ng mga tunog
1. Kaligirang analogo (analogous environment)
2. Magkatulad na kaligiran (identical environment)
3. Kanya-kanyang kaligiran (mutually exclusive environment)

You might also like