You are on page 1of 25

ANG PAGSASALITA

NAGSASALITA (A)

KINAKAUSAP (B)

Ang MENSAHE ay maaaring


nag-uutos, nagtatanong,
nagtataka nagagalit, nagtuturo
at iba pang kaisipang nais
ipahayag ni (A).
A – “Saan ka nag-aaral?”
B – “Sa PNC.”
X
A. Pagbigkas ng mga Tunog
• Ang agham ng wika na tumatalakay sa kung
papaano nagsasalita ang isang tao ay
tinatawag na PONETIKA.
Pagbigkas ng mga Tunog

Ang pagsasalita ay mapag-aaralan ng ponetika sa tatlong pananaw o


paraan.

1. Maaaring sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga sangkap ng


pananalita na ginagamit sa pagbigkas ng mga tunog.
(ARTICULATORY)
2. Maaari ring sa pamamagitan ng pag-aaral at paglalarawan sa mga
naririnig na alon ng mga tunog. (AUDITORY)
3. Maaari ring sa pamamagitan naman ng mga alon na tunog na
nalilikha sa pagsasalita. (ACOUSTIC PHONETICS)
TATLONG SALIK UPANG MAKAPAGSALITA
ANG ISANG TAO

1. Pinanggagalingan ng lakas o enerhiya


2. Pumapalag na bagay
3. Patunugan o resonador
• Ang mga tunog o salita ay
nalilikha sa pamamagitan
ng mga sangkap ng tao
na ang pinakasadyang
gamit ay para sa pagkain,
pag-inom at paghinga.
• Pangalawang resulta
lamang ng paghinga ang
pagsasalita.
• Ang presyon na nalilikha
ng papalabas na hangin
ang pinagmumulan ng
enerhiya.
• Ito ang nagpapapalag sa
kwerdas pantinig upang
lumikha ng tunog.
• Minomodipika ito ng bibig
na siyang itinuturing na
patunugan o resonador.
• Ito rin ay pinagmumulan ng enerhiya sa
paglikha ng tunog.
*Presyon ng papalabas na hangin
• Ang mga sangkap na ginagamit sa
pagsasalita ay nasa ulo, lalamunan at dibdib.
• Ang dinaraanan ng hangin sa paghinga ay
siya ring tinatawag na VOCAL TRACT o
daanang pantinig.
MGA PRINSIPAL
NA SANGKAP
NG PANANALITA
GLOTTIS
Daanan ng hangin sa pagitan ng dalawang
kwerdas pantinig

Ito ay maaaring isarang-isara. Kapag sarado


ang Glottis, walang hanging makakaraan dito.

Kapag tayo ay nagbubuhat ng mabigat na


bagay, karaniwang isinasara natin ang glottis,
kaya’t walang hanging nakakalabas mula sa
baga.
Glottal na Pasara (Glottal
Stop)
Ito ay nalilikha sa pamamagitan ng
pagsasara ng glottis habang
nagsasalita.

Pansinin ang mga salitang bagà,


batà, dugô
Glottal na Pahinga

Inirerepresenta ng letrang ‘h’ sa Pilipino


ay maituturing na kasalungat ng glottal
na pasara sapagkat sa halip na magdiit
ang dalawang kwerdas pantinig, ang
mga ito ay naglalayo upang malayang
makaraan ang hininga.

Kung hindi pumapalag ang mga kwerdas


pantinig sa pagbigkas ng ponemang ‘h’,
ito’y maituturing na VOICELESS o
walang boses.
Pinakamahalagang katangian
ng mga kwerdas pantinig ay
ang pagiging ELASTIKO ng
mga ito.
Tatlong Posisyon ng Kwerdas Pantinig

1.Saradung-sarado
2.Nakabukas nang bahagya at banat o
may tension
3.Bukas na bukas
B. Pagkontrol sa Tono ng
Tinig
Pagtaas at pagbaba, paglaki o pagliit ng tinig.

• Mabilis na pagpalag ng kwerdas pantinig =


PAGTAAS O PAGLIIT ng tinig.

• Madalang ang pagpalag ng kwerdas pantinig


= BUMABABA O LUMALAKI ang tinig
C. Ang mga Patunugan

• Sa ating ulo, ang mga itinuturing na


patunugan ay ang BIBIG at ang BUTAS
NG ILONG.
• Ang tunog na nalilikha sa Laringhe ay
namomodipika sa pagdaraan sa bibig o
sa ilong.
• Masasabi ring ang bibig at ilong ay
nakatutulong sa pagpapahina o
pagpapalakas sa mga tunog na nalilikha
sa laringhe ayon sa pangangailangan
ng nagsasalita.
BIBIG
• Ang bibig ay may apat na parteng mahalaga
sa pagbigkas ng mga tunog.

1. Ngalangala sa itaas
2. Dila sa ibaba
3. Ngipin at labi sa unahan
4. Uvula o malambot na bahagi ng ngalangala
sa likod.
DILA
• Pangalawang tungkulin lamang ng dila ang
tungkol sa pagsasalita.

• Nabibigkas ang mga patinig sa pamamagitan


ng pagtaas at pagbaba ng alinman sa tatlong
bahagi ng dila – Harap, sentral at likod at sa
pamamagitan ng pabago-bago sa hugis ng
espasyo ng bibig na dinaraanan ng tinig.
• Dahil sa napagbabago-bago ang posisyon ng
dila ay nababago ang hugis ng patunugang
bibig. At dahil sa pagbabago-bagong ito ay
napag-iiba-iba rin natin ang uri ng mga tunog
na lumalabas sa ating bibig.

You might also like