You are on page 1of 11

SINTAKSIS

Sa kabanatang ito pag-uusapan natin ang pagsasama-sama o pag-uugnay ng mga salita


upang bumuo ng pangungusap. sa payak na payak na paraan ay talakayin ang iba’t ibang
balangkas ng mga batayang pangungusap sa Filipino at kung papaanong ang mga ito’y
napapalawak.

Kahulugan ng Pangungusap
Ang pangungusap ay isang sambitlang may patapos na himig sa dulo. Ang patapos na himig
na ito ang nagsasaad na naipahayag na ng nagsasalita ang isang diwa o kaisipang nais niyang
paabot sa kausap.

Mga halimbawa:

1. Nanay!
Ang halimbawang ito ay panawag. Naipapahayag ng sambitlang ito ang nais ng
nagsasalita na tawagin ang kanyang ina.
2. Aray!
Ang halimbawang ito ay nagsasaad ng damdamin. Sa sambitlang ito’y para na ring
sinasabi na nagsasalita ang: Nasaktan ako.
3. May sunog!
Ang ikatlo, kapag naririnig natin ang pangungusap na ito, tiyak na mauunawaan natin
ang isang bagay, maaaring bahay o gusali, o pulutong ng mga bahay o gusali, ay
nasusunog.
4. Magandang umaga po.
Bawat bating panlipunanng tulad nito ay nauunawaan na rin ng pinag-uukulan. Ang
halimbawang ito ay may kahulugang: Ikaw ay binabati ko ng magandang umaga o
sumaiyo ang isang magandang umaga.

Mga Pangungusap na may Panaguri at Paksa


May mga pangungusap na binubuo ng dalawang panlahat na sangkap: panaguri at
paksa.

1. Paksa ang bahaging pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. nasa paksa ang
pokus ng sinabi sa loob ng pangungusap. sa ating pagsusuri, ang simuno ay tinatawag
nating paksa (topic) sapagkat higit na angkop ang salitang paksa sa tunay na kahulugan
ng kinatawan nitong bahagi ng pangungusap.

Ang paksa ay maaaring tao, hayop, bagy, lugar o pangyayari na gumaganap ng kilos o
pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa.

Halimbawa:
Nag-aalaga si Inang ng mga baboy at manok.

Mayroon din namang paksa na sa kahulugan ay siyang layon ng kilos na isinasaad sa pandiwa.

Halimbawa:
Inaalagaan ni Inang ang mga baboy at manok na iyan.

Pinakain ng masarap na pagkain ng mga taganayon ang mga turista.

Sa unang halimbawa, ang paksa ay Inang. Sa kahuluagang presemantika, ito ay gumaganap ng


kilos na isinasaad sa pandiwang nag-aalaga.

Sa ikalawang halimbawa, ang paksa ay baboy at manok. Ang mga salitang ito ay layon ng kilos
na isinasaad sa pandiwang inaalagaan. Sa kahulugang presemantika, ang mga salitang ito ang
tumatanngap ng biyayang bunga ng kilos ng pandiwa. Kung ang pandiwang inaalagaan ay
gagawing nag-aalaga, ang mga salitang baboy at manok ay magiging tuwirang layon ng
pandiwa.

Sa ikatlong halimbawa, ang paksa ay ang salitang turista. Ito ay layon ng kios na isinasaad sa
pandiwang pinakain. Ang turista ang tumatanggap ng biyayang bunga ng kilos ng pandiwa.

Halimbawa:
1. Pinagpaksiwan ni Nanay ang bagong palayok.

Sa pangungusap na ito, ang palayok ay ganapan ng pagpapaksiw.

Marami pang ibang kahulugan o diwa ang ginagampanan ng paksa ng pangungusap. Tinatalakay
ito ng nang ganap sa bahaging nauukol sa pokus ng pandiwa.

2. Panaguri ang nahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon


tungkol sa paksa. Sa dating paraan ng pagbibigay-katuturan , sinasabing ang
panaguri ang nagsasabi tungkol sa simuno.
Mga Uri ng Panaguri
Mayroon tayong iba’t-ibang uri ng panaguri

1. Panaguring Pangngalan
2. Panaguring Panghalip
3. Panaguring Pang-uri
4. Panaguring Pandiwa
5. Panaguring Pang-abay
6. Panaguring Pawatas

Bawat uri ay maaaring buuin ng isa o higit pang salita o higit pang parirala.

1.Panaguring Pangngalan 2. Panaguring Panghalip

Pangungusap Pangungusap

Panaguri Paksa Panaguri Paksa

Pangngalan Panghalip

3.Panaguring Pang-uri 4.Panaguring Pandiwa

Pangungusap Pangungusap

Panaguri Paksa Panaguri Paksa


Pang-uri Pandiwa

5. Panaguring Pang-abay 6. Panaguring Pawatas

Pangungusap Pangungusap

Panaguri Paksa Panaguri Paksa

Pang-abay Pawatas

Halimbawa ng mga Uri ng Panaguri

1. Panaguring Pangngalan
a. Luntiang Rebolusyon ang paksa ng pulong.
b. Tungkol sa pagbabayad ng buwis ang editorial ngayon.

2. Panaguring Panghalip
a. SIya ang puno ng barangay.
b. Kayong mga kabalat naming an gaming inaasahan sa kilusang ito.

3. Panaguring Pang-uri
a. Malinamnam ang manggang hinog.
b. Mainam sa kalusugan ang klima sa Pilipinas.

4. Panaguring Pandiwa
a. Nagsasaka siya.
b. Nagsasaka sa mga gilid ng bundok ang mga Ifugao.

5. Panaguring Pang-abay
a. Bukas ang alis ng mga turista.
b. Ganito ang paglulutong paborito mong ulam.

6. Panaguring Pawatas
a. Magbasa (ng komiks) ang kinalillibangan ng lola.
b. Manggamot ang naging trabaho nya sa nayon.

Ang panaguring panghalip ay maaaring (a) panhalip napanao, o (b) panghalip na pamatlig.
Panghalip na panao yaoong inihahalilis sa pangngalang pantangi. Halimbawa:

Siya ang puno ng barangay.

Panghalip na pamatlig yaong panghalip na nagtuturo ng isang tao o bagay. Halimbawa:

Ito ang babuyan ni Mang Jose.

Ang panaguring pang –uri ay maaaring isang salita o isang parirala. Halimbawa:

1. Mabuti ang batang may disiplina.


2. Para sa bayan ang kanyang balak.

Ang panaguring pandiwa ay yaong ang pinakamahalagag salita ay pandiwa dahil sa impleksyon
o banghay nito ayon sa aspekto.. Halimbawa:

1. Nagtanim/Nagtatanim/Magtatanim ng gulay si Manuel.

Kayarian ng Panaguri
Ang panaguri ay maaaring buuin ng isang salita, isang parirala o isang sugnay. Ang panaguring
isang salita lamang ay maaaring pangngalan, panghalip, panaguri,pang-abay,pandiwa o pawatas,
sa sinasabing isang salita ay hindi isinasama ang mga pananda.

Ang panaguring parirala ay maaaring pariralang pang-ukol o pariralang pawatas na


gumaganap ng tungkulin ng pangngalan, pang-uri o pang-abay.

Halimbawa ng pariralang pang-ukol:

1. Hinggil sa pagpapabahay sa mahihirap ang kumprehensya kahapon.

Halimbawa ng pariralang pawatas:

1. Mag-aaral magmaneho ng awto ang aasikasuhin niya ngayong bakasyon.

Maaari ring gamiting panaguri ang sugnay. Gumaganap ang sugnay ng tungkulin ng
pangngalan.
Halimbawa ng Panaguring sugnay:
Ang sabe nya ay ipadadala raw kami sa Malaysia.

Ang mga uri ng panaguri sa itaas ay mga payak na panaguri. Payak sapagkat may iisa lamang
salita, parirala o sugnay. Kapag may dalawa o higit pang salita, parirala o sugnay na pinag-
uugnay ng pangatnig, ang panaguri ay magsisilbing tambalan.

Halimbawa ng panaguring tambalang pangngalan:


Ang inutusan ko ay si Bong at Mike.

Halimbawa ng panaguring tambalang pararila:


Hinggil sa kalusugan at tungkol sa wastong pagkain ang nilalaman ng mga artikulo.

Halimbawa ng panaguring tambalang sugnay:


Ang inuutos nya ay samahan mo kami sa sine at ipasyal mo kami sa Rizal Park.

Kayarian ng Paksa

Ang paksa ay maari ring buuin ng isang salita, isang parirala, isang sugnay. Tulad sa panaguri,
ang paksang iisahing salita ginagamitan ng isang pangngalan , panghalip, pang-uri, pang-abay,
pandiwa o pawatas.

Halimbawa ng paksang iisahing salita:


Sila ay bibigyan ng seminar tungkol sa pagplano ng pamilya.

Maari ring buuin ng pariralang pang-ukol o pariralang pawatas ang paksa.


Halimbawa ng paksang pariralang pang-ukol:
Ang para sa amin ay sa inyo na.

Haimbawa ng paksang pariralang pawatas:


Nakawiwili ang paghuni ng ibon na parang.

Halimbawa ng paksang sugnay:


Na mayaman sa likas na kayamanan ang Pilipinas ay hindi mapasusubalian.

Payak na simuno ang mga uri ng simuno sa itaas. Kapag ang simuno ay dalawao higit pang
salita, parirala o sugnay, ang simuno ay tambalan.

Halimbawa ng simunong tambalang salita:


1. Si Balagtas at si Husing Sisisw ay makatang Pilipino.
2. Kahanga-hanga ang mabait, matalino at masipag.
Halimbawa ng simunong tambalang parirala:
1.Ang hinggil sa linggwistika at sa kasaysayan ay hindi pa tinatalakay sa pulong.
2.Libangan ng kanyang maybahay ang magbasa ng mga magasing tagalog at manood ng
pelikulang Tagalog.

Halimbawa ng simunong tambalang sugnay:


1.Kung ikaw ay mag-aaral o ikaw ay magbabakasyon ngayong tag-init ay pasyahan mo na.
2.Natitiyak ni Danilo na may tao sa bahay ngunit walang tao sa bakura.

Mga Pangungusap na Walang Paksa

Sa Filipino ay may mga pangungusap na walang paksa. Nasa ibaba ang halimbawa ng mga
pangungusap na walang paksa.
1. Mga pangungusap na eksistensyal.
Ang mga pangungusap na eksistensyal ay nagpapahayag ng pagkakaroon ng isa o higit
pang tao, bagay, atb. Pinangungunahan it ng may at mayroon.
a. May mga turista ngayon sa Liliw.
b. Mayrong ganito rito.

2. Mga pangungusap na pahanga


Nagpapahayag ng damdamin ng paghanga ang ganitong pangungusap.
a. Kay ganda ng tanawin sa Pilipinas!
b. Ang tapang mo pala!

3. Mga Maiikling sambitla


Ang mga sambitlang tinutukoy ay ang mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng
matinding damdamin.
a. Ay!
b. Aray!

4. Mga pangungusap na pamanahon.


Nagsasaad ng oras o uri ng panahon ang mga ganitong pangungusap.
a. Alas-dos na.
b. Mainit ngayon.
c. Umuulan.
d. Maaga pa

5. Mga pormulasyong panlipunan.


Mga pagbati, pagbibigay-galang, atb, nakagawian na sa lipunang Pilipino.
a. Magandang Umaga po.
b. Tao po.
c. Mano po.
d. Salamat po.
Pagpapalawak ng Pangungusap
Ang panaguri at paksa ng pangungusap ay panlahat na bahagi ng pangungungusap. Ang
bawat isa sa dalawang panlahat na bahaging ito ay maaaring buuin pa ng mga maliit na bahagi.
Napapalawak ang pangungusap dahil sa mga maliliit na bahaging ito.

Ang mga pampalawak ng pangungusap ay (1) paningit, (2) Panuring (pang-uri at pang-abay),
(3) pamuno at mga kaganapan.
1. Mga paningit Bilang Pampalawak
Mga paningit o ingklitik ang tawag natin sa mga katagang isinasama sa pangungusap upang
higit na maging malinaw ang kahulugan nito.

Narito ang talaan ng ating mga paningit

 Ba
 Kasi
 kaya
 daw/raw
 din/rin
 ho
 lamang/lang
 man
 muna
 na
 naman
 nga
 pa
 pala
 po
 sana
 tuloy
 yata

Ang mga paningit ay may tiyak na pusisyon sa loob ng pangungusap. karaniwang ang paningit
ay kasunod ng unang salitang may diin sa loob ng pangungusap. Ang mga katagang ka, ko at mo
ay maaring manguna sa mga paningit. Mga paningit na panghalip naman ang tawag sa mga ito.
Narito samakatuwid, ang tuntunin sa wastong gamit ng mga paningit.
1. Unang salitang may diin + paningit
2. Unang salitang may diin + ka/ko/mo + paningit
bigyang halimbawa natin ang mga tuntuning ito:
1. Unang salitang may diin + paningit
a. Ang bata na ang tawagin mo.
b. Hindi man kayo matutuloy ay dapat kang maghanda.
2. Unang salitang may diin + ka ~ ko ~ mo + paningit
a. Bakit nga ba hindi dumating?
b. Hinintay ko naman siya ngunit talagang hindi siya dumating.
c. Alam mo ba ang dahilan ng kanyang biglang pag-alis?
Sa talaan ng mga paningit ay mapapansing may mga paningit na malayang nagkakapalitan,
tulad ng daw ~ raw ay din ~ rin.
sa kolokyal na gamit, ang daw at raw, din at rin ay malayang nagkakapalitan kahit na sa anong
kapaligiran ponemiko. Sa mga pormal na okasyon, may mga taong nagbibigay ng pagkakaiba sa
gamit ng daw at raw, din at rin. Ang daw at raw ay ginagamit kapag ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa katinig, maliban sa mga malapatinig na /w/ at /y/. Samantalang ang raw at rin ay
ginagamit naman kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig o malapatinig na /w/ o
/y/.

Narito ang mga halimbawa:


1. Malaki naman daw ang hinihingi mo kaya hindi ka niya napagbigyan.
2. Malaki naman raw ang hinihingi mo kaya hindi ka niya napagbigyan.
3. Swelduhan din daw ang ama niya.
4. Maswerte na rin naman ang batang iyon.
5. Buhay raw ang mga nakulong sa minahan.
6. Kalabaw daw ni kuya ang nawala.

Ang lamang ay pormal na anyo ng kolokyal na anyong lang.


Narito ang mga halimbawa:
1. Isasangguni po lamang namin sa tagapangulo ng komite ang hinggil sa suliranin ng mga
kasapi
2. Iabot mo lamang sa akin ang peryodiko bago ka umalis.

2. Mga panuring Bilang Pampalawak


Dalawang kategorya ng mga salita ang magagamit na panuring, ang pang-uri na panuring sa
pangngalan o panghalip at ang pang-abay na panuring sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.
Narito ang mga ilang pangungusap na nagpapakita ng pagpapalawak sa pamamagitan ng mga
pang-uri.
1. Batayang pangungusap
Ang mga mag-aaral ay iskolar.
2. Pagpapalawak sa pamamagitan ng karaniwang pang-uri
Ang matalinong mag-aaral ay iskolar.
3. Pagpapalawak sa pamamagitan ng pariralang panuring
a. Ang matalinong mag-aaral sa klase ko ay iskolar.
b. Ang matalinong mag-aaral ng kasaysayan ay iskolar.
c. Ang matalinong mag-aaral ng kasaysayan iskolar sa pamantasan.
d. Ang matalinong mag-aaral ng kasaysayan ay iskolar ng pamahalaan sa pamantasan.
e. Ang matalinong mag-aaral ng kasaysayan na magaling magtalumpati ay iskolar ng
pamahalaan sa pamantasan.
Bigyang halimbawa naman natin ang mga pampalawak na pang-abay.
1. Batayang pangungusap
 Umalis ang mag-anak.
2. Pagpapalawak sa pamamagitan ng pang-abay na pamanahon
 Umalis agad ang mag-anak
3. Pagpapalawak sa pamamagitan ng pang-abay na pamaraan
 Patalilis na umalis agad ng mag-anak.

3. Mga kaganapan ng Pandiwa Bilang Pampalawak


Ang ibat't ibang uri ng kaganapan ng pandiwa (cf, p, 175) ay mga pampalawak din ng
pangungusap. Ang apat sa mga kaganapang ito ang gumaganap na rin ng tungkulin ng pang-
abay. Ang mga ito ay:(1) kaganapang ganapan ng kilos ng pandiwa, (2) kaganapang kagamitan
sa kilos ng pandiwa, (3) kaganapang sanhi, (4) kaganapang direksyunal, (5) kaganapang
tagaganap at (6) kaganapang layon.

Bigyang halimbawa natin ang mga kaganapan ng pandiwa na ginagamit sa pagpapalawak ng


pangungusap.

1. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang ganapan ng kilos ng pandiwa.


 Nagpiknik ang mag-anak sa tabing dagat.

2. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang kagamitan sa kilos ng pandiwa.


 Sinugpo niya ang kulisap sa kanyang mga pananim sa pamamagitan ng bagong gamot na
ito.

3. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang sanhi.


 Yumaman siya dahil sa sipag at tiyaga.

4. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang direksyunal.


 Nagtanong si Baby Linda kay Ben.

5. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang tagatanggap ng kilos ng pandiwa.


 Kinagalitan ni Aling Maria ang kanyang anak.

6. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang layon.


 Namili ng mga alahas si Josefina.

7. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang tagatanggap


 Nagluto si Pining para sa mga bata.

Bakit paksa, at Di Simuno?

Katulad ng nasabi na bilang pasimulang paliwanag, higit na tinataglay ng salitang paksa ang
tunay na kahulugan ng kabahagi ng pangungusap na kinakatawan nito. Maging sa labas man ng
balarila, ang tinatawag na paksa ay yaong pinag-uusapan. Dito umiinog ang lahat ng sinabi ng
nagsasalita. Ang paksa ay siyang tema ng anumang usapan, maging maliitan man o malakihang
pag-uusap.
Sa pananaw-pansemantika, masasabi nating sa maraming maraming pagkakataon, ang
tinatawag na "subject" sa mga pangungusap na ingles ay may kahuluganng tagaganap ng kilos
na isinasaad sa pandiwa.

Sa pangungusap na I cut the wood, ang simunong I ay siyang gumaganap ng kilos sa


pandiwang cut. Ang angkop na salin ng pangungusap na ito sa Pilipino ay Sinibak ko ang kahoy.
Sa pangungusap na ito, ang paksa ay ang kahoy; ang ko, na siyang tagaganap ng kilos ng
pandiwa, ay bahagi lamang ng panaguri.
Maaaring maitutol na ang pangungusap na ingles sa itaas ay maaring tumbasan ng Nagsibak
ako ng kahoy, at dito ang simunong ako ay tagaganap ng kilos ng pandiwa. Ngunit ang
pangungusap na ito, Nagsibak ako ng kahoy, ay hindi angkop na salin ng pangungusap na Ingles
na tinatalakay. Sa pangungusap na ito, hindi tiyak ang kahulugan ng pariralang ng kahoy;
samantalang, ang pariralang ang kahoy sa saling Sinibak ko ang kahoy ay nagbibigay ng tiyak na
kahulugan. Sa ibang salita, tiniyak kung aling kahoy ang ibig sabihin.

Ayos ng Pangungusap

Katutubo sa kayarian ng pangungusap na Tagalog (batayan ng Filipino) na mauna ang


panaguri sa paksa. Mapapansing isa ito sa mga kaibhan sa kayarian ng mga pangungusap na
Tagalog sa Ingles. Sa Ingles, ang ayos ng mga bahagi ng pangungusap ay simuna-panaguri. sa
Filipino, panaguri-paksa, paksa-panaguri.

Halimbawa ng pangungusap sa Filipino:


Nag-aaral ng Filipino ang maraming banyaga sa Pilipinas.

Sa pangungusap na ito, ang panaguri ay Nag-aaral ng Filipino, at ang paksa naman ay ang
maraming banyaga sa Pilipinas. Una ang panaguri kaysa paksa. Sa isang taal na Tagalog, ganito
ang karaniwang ayos ng mga pangungusap. Kayat masasabing panaguri-paksa ang karaniwang
ayos ng mga pangungusap.

Ngunit ang ayos na ito ay maaring baguhin. Maaring sabihing Ang maraming banyaga sa
Pilipinas ay nag-aaral ng Filipino.

Sa ganitong ayos, na ang simuno ay nauuna ng panaguri, mapapansin ang pandaragdag ng ay.
Ang ay nagsisilbing pananda na nag papakilalang nauuna ang paksa kaysa panaguri. Walang ay
ang ayos ng panag-uri-paksa.

You might also like