You are on page 1of 28

PONOLOHYA

KABANATA I
PANIMULA
Ang Filipino ay tulad ng alinmang wika
sa daigdig ay binubuo ng mga tunog.
Ang Pagsasalita
Tatlong salik ang kailangan upang
makapagsalita ang tao.
1. ang pinanggalingan ng lakas o enerhya.
2. Ang kumakatal na bagay o artikulador.
3. Ang patunugan o resonador.
Bahaging Ginagamit
sa Pagsasalita
Tinatawag itong OSCAR o
anumang karaniwang ngalan ng tao.
May tawag tayo sa bawat bahagi ni
OSCAR na ginagamit sa pagsasalita.
Enerhya
Ay ang nalilikhang presyon o presyur
ng papalabas na hiningang galing sa baga na
siyang nagpapakatal sa mga babagtingang
pantinig na siyang gumaganap na
artikulador.
Ang bibig ng tao (tingnan ang
larawan ni OSCAR) ay may apat na
bahaging mahalaga sa pagbikas ng mga
tunog.
1. Dila at panga (sa ibaba)
2. Ngipin at labi (sa unahan)
3. Matigas na ngalangala (sa itaas)
4. Malambot na ngalangala (sa likod)
Ang Dila ay napapahaba, napapaikli,
napapalapad, napapa-palag, naitutukod sa
ngipin o sa ngalangala, naikukukob,
naililiyad o naiaarko ayon sa tunog na
gustong bigkasin.
Ponolohya ng Filipino
1. Mga Ponemang Segmental
• Bawat wika ay may kani-kanyang tiyak na dami o bilang
ng makabuluhang mga tunog.
• Sinasabing makabuluhan ang isang tunog kapag nag-iba
ang kahulugan ng salitang kinasasamahan nito sa
sandaling ito’y alisin o palitan.
• Ang isang makabuluhang tunog sa Filipino ay tatawagin
nating ponemang segmental o ponema.
Patinig
• Ang patinig ay itinuturing na siyang
pinakatampok o pinakaprominenteng
bahagi ng pantig.
• Walang pantig sa Filipino na walang
patinig.
A. Mga Katinig
Ang mga katinig ng Filipino ay
maiaayos ayon sa punto at paraan ng
artikulasyon at kung ang mga ito ay
binibigkas nang may tinig (m, t.) o walang
tinig (w, t.), gaya ng makikita sa tsart.
Mga Ponemang Katinig ng Filipino
PUNTO NG ARTIKULASYON
PARAAN NG
ARTIKULASYON Panlabi Pang- Pang- Pang-ngalangala Glottal
ngipin gilagid
Palatal Velar
Pasara
w, t. p t k ?
m, t. b d g
Pailong
w, t. m n ƞ
Pasutsot
w, t. s h
Pagilid
m, t. l
Pakatal
m, t. r
Malapatinig
m, t. y w
Punto ng Artikulasyon
Sa punto ng Artikulasyon ay
inilalarawan kung saang bahagi ng bibig
nagaganap ang saglit na pagpigil o pag-
abala sa papalabas na hangin sa pagbigkas
ng isang katinig.
Limang Punto ng Artikulasyon
1. Panlabi – ang ibabang labi ay dumidiit sa labing
itaas./p,b,m/
2. Pangngipin – ang dulo ng dila ay dumidiit sa loob ng
mga ngiping itaas,/t,d,n/
3. Panggilagid – ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o
dumidiit sa punong gilagid,/s,l,r/
4. (Pangngalangala) Velar – ang ibabaw ng punong dila ay
dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng ngala-
ngala./k,g,h/
5. Glottal – ang mga babagtingang pantinig ay nagdidiit o
naglalapit at hinaharang ang presyon ng papalabas na
hininga upang lumikha ng paimpit o pasutsot na
tunog./?,h/
Paraan ng Artikulasyon
Sa Paraan ng Artikulasyon naman ay
inilalarawan kung papaanong gumagana
ang ginagamit na mga sangkap sa
pagsasalita at kung paanong ang hininga ay
lumalabas sa bibig o sa ilong sa pagbikas ng
alinman sa mga ponemang katning.
Ang Paraan ng Artikulasyon sa Filipino ay
mapapangkat s anim, gaya ng sumusunod:
1. Pasara – ang daanan ng hangin ay harang na
harang. /p,t,k,?,b,d,g/.
2. Pailong – ang hangin na nahaharang dahil sa
pagtikom ng mga labi, pagtukod ng dulong dila sa
itaas ng mga ngipin, o kaya’y dahil sa pagbaba ng
velum o malambot na ngalangala ay hindi sa bibig
kundi sa ilong lumalabas. /m,n, ƞ/.
3. Pasutsot – ang hanging lumalabas ay nagdaraan sa
makipot na pagitan ng dila at ng ngalangala o
kaya’y ng mga babagtingang pantining,/s,h/.
4. Pagilid – ang hangin ay lumalabas sa mga gilid
ng dila sapagkat ang dulong dila ay nakadiit sa
punong gilagid.
5. Pakatal – ang hangin ay ilang ulit na
hinaharang at pinababayaang lumabas sa
pamamagitan ng ilang beses na pagpalag ng
dulog ng nakaarkong dila. /r/.
6. Malapatinig – kaiba sa mga katinig, dito’y
nagkakaroon ng galaw mula sa isang pusisyon
ng labi o dila patungo sa ibang pusisyon.
B. Mga Patinig
Ang mga patinig ng Filipino ay maiaayos din
sa tsart ayon naman sa kung aling bahagi ng dila
ang gumagana sa pagbikas ng isang patinig-
unahan, sentral, likod- at kung ano ang pusisyon
ng nasabing bahagi sa pagbigkas- mataas, nasa
gitna o mababa.
Mga Diptonggo
Ang mga diptonggo ng Filipino ay iw, iy, ey,
ay, aw, oy, at uy. Alin mga patinig ng sinusundan ng
malapatinig na /y/ o /w/ sa loob ng isang pantig ay
itinuturing ng isang diptonggo. Ngunit kapag ang
/y/o/w/ ay napapagitan sa dalawang patinig, ito ay
napapasama na sa sumusunod na patinig, kaya’t
hindi na maituturing na diptonggo.
Mga Klaster
Ang mga klaster o kambal na-katinig sa
Filipino ay parami nang parami dahil sa
impluwensya ng Ingles. Ang klatser ay ang
magkakabit sa dalawang magkaibang katinig
sa isang pantig.
Mga Pares Minimal
Ang pares ng salita sa na magkaiba ng
kahulugan ngunit magkatulad na
magkatulad sa bigkas maliban sa isang
ponema sa magkatulad na pusisyon ay
tinatawag na pares minimal.
Mga Ponemang Malayang Nagpapalitan
Ang mga kaibang ponemang matatagpuan sa
magkatulad na kaligiran ngunit hindi nagpapabago
sa kahulugan ng mga salita ay sinabing nasa
malayang pagpapalitan. Ang Malayang
pagpapalitan sa dalawang ponema ay karaniwang
nangyayari sa mga ponemang patinig na i at e,
gayundin sa u at o.
Ang Glottal na Pasara o Impit na Tunog

Ang bilang ng mga katinig ay naging labing-


anim sa halip na labinlima lamang dahil sa
ponemang glottal na pasara. Ito ay itinuturing na
isang ponema, kaiba sa ibang ponema, hindi ito
inirereprisinta ng titik o letra.
Mga Ponemang Suprasegmental
Napag-aralan natin na bawat wika ay may
sariling set o takdang dami ng mga ponemang
segmental. Ang Filipino ay may 21 ponemang
segmental. Napag-aralan din natin na hindi
maaring alisin o palitan ang mga segment o
ponema ng isang salita nang hindi magbabago ang
kahulugan nito
Mga Ponemang Suprasegmental
Sangkap sa pakikipagtalastasan
• Tono – Ang Tono ay taas-baba na inuukol natin sa
pagbigkas na pantig ng isang salita upang higit na maging
mabisa ang ating pakikipag-usap sa ating kapwa.
• Haba at Diin – Ang Haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas
na inuukol ng nagsasalita sa patinig ng pantig ng salita.
And Diin naman ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa
pantig ng salita.
• Antala – Ito’y ang saglit na pagtigil sa ating pagsasalita
upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig
nating ipahatid sa ating kausap.

You might also like