You are on page 1of 20

Pag Alam sa

Ponema at
Morpema
Inihanda ni:
Bb. Aimie Fe G. Ramos-Domingo
Pagbabalik-tanaw
Ponema – tawag sa makabuluhang tunog
ng isang salita.
Morpema – tawag sa makabuluhang
yunit ng salita.
Ang mga sumusunod ay mga hakbang sa
pagsusuri ng isang wika:
1. Pagkuha ng mga impormante
 Ang impormante ay isang taong ang kaniyang unang wika ang
sinusuri.
Kung ang impormante at ang nagsusuri ay may “common
language”, ang pagsusuri ay hindi gaanong mahirap.
Kung ang impormante at ang nagsusuri naman ay walang
“common language”, mas nakabubuti kung gumamit ng mga
tulong-biswal gaya ng mga larawan o aktwal na bagay kung
ibibigay o hihingin lamang ang katumbas nito sa wikang sinusuri.
Pandiwa ang hihingin ng katumbas gayundin sa pang-uri.
Ang mga sumusunod ay mga hakbang sa
pagsusuri ng isang wika:
2. Pag- iimbento sa iba’t ibang tunog na naitala
 Hinihikayat na pakinggan nang paulit-ulit ang
mga pinagsususpetsyahangtunog sa tape recorder.
 Pagsama-samahin ng pansamantala ang mga
pinagsususpetsyahang tunog o pinagdududahang
magkatulad (alopono).
 Sa pagkaklasipika, maaaring mangyari na ang
isang tunog ay mapasama sahigit isang pangkat.
Ang mga sumusunod ay mga hakbang sa
pagsusuri ng isang wika:
2. Pag- iimbento sa iba’t ibang tunog na naitala
 Sa pagkaklasipika, iwasan at huwag nang pagsamahin pa
ang mga tunog namasyado ng magkalayo; mga hindi
alopono ng iisang ponema.
Halimbawa: [m], [k], [kʰ]
 Ang [m] at [k] ay halatang hindi magkapares
(magkaibang ponema) kaya’t marapat lamang na
paghiwalayin.
 Ang [k] at [kʰ] naman ay maaaring alopono ng iisang
ponema kaya ang mgaito’y ituturing na ‘suspicious pairs’.
Balikan natin ang nakaraang talakayan kung saan naibahagi
na may katangianang ponema gaya ng isang grupo ng
magkakahawig na tunog, magkakatulad sa paraanat punto ng
artikulasyon at may kanya-kanyang sistema ng distribusyon.
Mapapansin sa ibinigay na mga katangian na bago pa man
maituring na alopono ang isang tunog,kailangang isaalang-alang
muna ang mga sukatan gaya ng pagkakatulad na ponetiko o
pagkatulad ng sa punto o paraan ng artikulasyon at
pagkakaroon ng kanya-kanyang sistema ng distribusyon.
3. Pagsuri o pag-aaral sa distribusyon ng mga
pinagsususpetsyahang pares o grupo ng mga tunog

 Mangyaring gumawa ng hypothesis o haka/palagay


tungkol sa distribusyonng sinuring mga tunog
 Ito ay maaaring nakabatay sa obsrbasyon ng nagsusuri o
di kaya’y sa pagtutulad ng mga napag-aralan nang grupo ng
mga tunog.
4. Pagsubok kung tama ba ang haka sa pamamagitan ng
paggawa ng tabulasyon

• Nagpapakita ito ng distribusyon ng bawat tunog sanhi ng


nagiging impluwensya ng ipinagpalagay na salik.
• Sa ika-apat na hakbang, marapat lamang na maging
maingat ang nagsusuri upang masigurong ang mga resulta
ay mapananaligan.
4. Pagsubok kung tama ba ang haka sa pamamagitan ng
paggawa ngtabulasyon
 Bawat isa sa sinusuring pangkat ng tunog ay kailangang umayon sa
ibinigay na palagay o hypothesis. Subalit, kung mapatunayan na hindi
maaari ang ibinigay na haka ay mangyaring gumawa ng panibagong haka
at subukan ito sa panibagong tabulasyon.
 Kung ang lahat ng haka o palagay ay sadyang nasisira, maaaring
ipagpalagay “pansamantala” na ang dalawang tunog na sinusuri ay
magkahiwalay at magkaibang ponema.
4. Pagsubok kung tama ba ang haka sa pamamagitan ng
paggawa ngtabulasyon
 Bawat isa sa sinusuring pangkat ng tunog ay kailangang umayon sa
ibinigayna palagay o hypothesis. Subalit, kung mapatunayan na hindi
maaari angibinigay na haka ay mangyaring gumawa ng panibagong haka
at subukan itosa panibagong tabulasyon.
 Kung ang lahat ng haka o palagay ay sadyang nasisira, maaaring
ipagpalagay “pansamantala” na ang dalawang tunog na sinusuri ay
magkahiwalay at magkaibang ponema.
 “Pansamantala” dahil maaaring may iba pang salik na hindi
nabigyanpansin ng nagsuri.
5. Muling pagkikita ng nagsusuri at ng impormante

 Upang makalikom pa ng mga kailangang data at upang malinaw ang mga bagay-
bagay na tanging ang impormante lamang ang makakagawa.
 Matapos maklasipika at masuri ang mga tunog, apat na tsart ang mabubuo:
1) Isang tsart ng ponemang katinig
2) Isang tsart ng ponemang patinig
3) Isang tsart ng mga prinsipal na alopono ng mga ponemang katinig
4) Isang tsart ng mga prinsipal na alopono ng mga ponemang patinig.
Samakatwid, ang pagsusuri ng ponema ng isang wika ay isang
mahabang proseso. At ayon sa mga dalubwika, walang tiyak na proseso
ang pagsusuri. Bagkus,nakabatay ito sa kakanyahan ng wikang
sinusuri. Mapagtatanto rin na kasabay ng pag-unlad ng agham at
teknolohiya ay ang pagkabuhay ng mga kagamitang pantulongsa mga
nagsususri gaya ng taperecorder. Ayon nga kay Santiago (2002),
darating angaraw na bibigkasin na lamang ng impormante ang isang
salita, parirala o pangungusap,at lalabas na ang mga ito sa makina at
makukuha na kung ano mang data ang naismalaman.
Ngunit, marapat lamang na pakatandaan na walang ibang pwedeng
pumalit sagampanin ng tao at ang makina ay tulong lamang.
Pag-alam sa Morpema

Ang pag-alam sa Morpema ay dumadaan din sa isang proseso


o mga hakbang gaya ng pag-alam sa Ponema. Madalas na
nagtitipon muna ng sapat na bilang ng mga salita ang nagsusuri
at itinatala ang mga ito. Ang tawag sa talaan o koleksyong ito ay
“Corpus”. Mula sa Corpus na ito ay pipili ang nagsusuri ng mga
pares o set ng mga salita na magiging makabuluhang
paghambingin upang paghanguan ng higit na makatwirang
palagay sa bawat bahagi na kumakatawan sa morpema.
Pag-alam sa Morpema

Ang pangunahing layunin ng nagsusuri sa kanyang


nalikom na mga salita ay pagputul-putulin ang mga ito
na kung saan ang bawat piraso o putol ay kumakatawan
sa isang morpema. Isang mabuting halimbawa ay ang
Corpus ni Gleason mula sa kanyang pagsusuri tungkol
sa pandiwa ng Ebreo na makikita sa mga sumusunod:
Corpus ni Gleason
1. /z ə kartiihuu/ - “I remembered him”
2. /z ə kartíihaa/ - “I remembered her”
3. /z ə kartíikaa/ - “I remembered thee”
4. /z ə karnúuhuu/ - “we remembered him”
5. /z ə karnúuhaa/ - “we remembered her”
6. /z ə karnúukaa/ - “we remembered thee”
7. /q ə taltiihuu/ - “I killed him”
8. /q ə talnúuhuu/ - “we killed him”
9. /z ə kaarúuhuu/ - “they remembered him”
10. /z ə kaaráthuu/ - “she remembered him”
11. /z ə kaartúunii/ - “you remembered me”
Corpus ni Gleason
12. /s ə martúuhaa/ - “you guarded him”
13. /l ə qaaxúunii/ - “they took me”
14. /zakaaróo/ - “he remembered him”
15. /zaakártii/ - “I remembered”
16. /zaakárnuu/ - “we remembered”
17. /zaakár/ - “he remembered”
18. /šoomér/ - “watchman”
19. /zookéer/ - “one who remembers”
20. /qootéel/ - “killer”
21. /z ə kartiihuu/ - “I remember him”
22. /z ə kartiihuu/ - “I will remember him”
23. /’ezkaréehuu/ - “I remember him”
Sa corpus ni Gleason, mapapansin na ang bilang 1 at
bilang 2 ay nagkakaiba sa isang bahaging binigkas --- /-
uu/ : /-aa/ na naging dahilan ng pagkakabago ng kahulugan
na makikita sa saling Ingles /- uu/ = ‘him’ : / - aa/ = ‘her’. Sa
puntong ito, maaaring ipagpalagay na ang /-uu/ at /-aa/ ay
magkaibang morpemang sumasagisag sa kasarian ng babae
at lalaki. Ngunit, kung patuloy nating susuriin ang corpus,
makikitang ang bilang 3 ay maaaring makapagpatunay na
mali ang nauna nating haka o pagpapalagay kung kaya’t
babaguhin natin ang tatanggaping yunit ng morpema ; /-
huu/ = ‘him’ , / - haa/ = ‘her’ , / - kaa/ = ‘thee’.
Kung patuloy na hihimayin ang corpus ni Gleason,
maaaring matukoy ang mga salitang-ugat gaya ng ;
 /z ə kar-/ = remembered
 /q ə tal-/ = killed
Maaari din nating masabi nang pansamantala na atin nang nabigyan ng
katumbasna morpema ang bawat salita gaya ng ;
 /-huu/ = him
 /-kaa/ = thee
 /-haa/ = her
 /-tii-/ = I
 /-nuu/ = we
 /z ə kar-/ = remembered
 /q ə tal-/ = killed
Sa patuloy pang pagsusuri, maaaring magkaroon pa ng mga
pagkakamali sa mganaunang ipanagpalagay na katumbas na
morpema ng bawat salita.
Ang pagsusuri sa mga morpema ng isang wika ay hindi
maituturing na praktikal kung hindi isasaalang-alang ang
kahulugan ng bawat morpema. Kung gayon, marapat lamang
na paglaanan ng sapat na oras ng pag-aaral ang pag-aaral sa
mga morpema dahil ang pinakamaliit na yunit o hati nito ay
may malaking dulot na pagbabago sa salita at kahulugan nito.
Sa makatuwid, mahalagang pag-aralan ang
ponema at ang morpema bilang ito ay ang
dalawang pinakamakabuluhang yunit ng isang
salita na bumubuo sa pangkalahatan ng isang
wika.

You might also like