You are on page 1of 3

NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY

Bayombong, Nueva Vizcaya

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Graduate Program

Fil. 500- Introduksiyon sa Linggwistika

Taga ulat: Bucasan, Julie J.


ORAS: 2:00 – 5:00 (tuwing Sabado)
GURO: Dongpan Crusaldo Oligario

MGA HAKBANG o PROSESO SA PAGSUSURI NG PONEMA


“Ang artikulasyon sa pagsasalita ng isang bata na kanyang natutuhan at kinagawian sa kanyang unang wika
ay nagkakaroon ng kaugnayan sa kanyang pag-aaral ng alinmang wika”

“Kailangang suriin niya ang wikang pook. Kailangang alamin niya muna kung ano-anong mga ponema ng
wika ng pook, kung papaanong ang set ng mga ponema ng wikang ito ay bumubuo ng morpema nito ay
pinagsasama-sama upang bumuo ng iba’t ibang pangungusap”.

MGA HAKBANG:
1. Pagkuha ng impormante
2. Pag-iimbentaryo sa iba’t ibang tunog/pagkaklasipika ng mga tunog
3. Pagsuri sa distribusyon ng mga pinagsususpetsahang pares o grupo ng mga tunog
4. Paggawa ng tabulasyon na nagpapakita ng distribusyon ng bawat tunog sanhi ng nagiging impluwensya
ng ipinalalagay na salik.
5. Muling pakikipagkita sa impormante para sa karagdagang data.

Paraan ng Gleason (1965)


1. Pag-uuri-uri ng mga naitalang tunog ayon sap unto ng artikulasyon. Magkakasamang bibilugan ang
pinagsususpetsahang mga tunog.
2. Pagbibigay haka sa mga pinagsususpetsahang pares.
3. Paggawa ng tabulasyon ng suri.
4. Pagbuo ng konklusyon sa mga tuno na sinuri.

Paraan ni Pike (1964)


1. Gumawa ng ng ponetikong chart batay sa corpus.
2. Pagsamahin sa bilog ang pinagsususpetsahang mga tunog.
3. Itala ang mga hindipinagsususspetsahang mga tunog.
4. Ibigay ang haka o hypothesis
5. Patunayan na ang mga pinagsususpetsahang mga tunog ay may kanya-kanyang kaligiran.
6. Magbigay ng kongklusyon batay sa resultang pagsusuri.
7. Gumawa ng ponemikong tsart.

PAG-ALAM NG MORPEMA

Ang morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Bawat
salita sa isang wika ay binubuo ng mga pantig na pinagsama-sama. Subalit hindi lahat ng pinagsama-samang
mga pantig ay makakabuo ng isang salita. May tatlong uri ng morpema: ang morpemang di-malaya (kilala
rin bilang panlapi), ang morpemang malaya (kilala rin bilang salitang ugat), at ang morpemang di-malaya na
may kasamang salitang ugat.

MGA ANYO NG MORPEMA


1. Morpemang binubuo ng isang ponema
( makabuluhang tunog )
 nakikilala ang pagkakaibang ito sa pamamagitan ng [-a]
hal. Propesora
2. Morpemang salitang - ugat (salitang payak) mga salitang walang panlapi
 ang salitang-ugat ay tinatawag ding malayang morpema dahil nakatatayo sila ng mag-isa kahit wala
silang mga panlapi
hal. bahay
bayani
kain
3.Morpemang panlapi
Mga PANLAPI:
a. -an o - han
 lalagyan ng marami sa bagay na isinasaad ng salitang-ugat
hal. aklat= aklatan, manok = manukan
 pook na ginaganapan ng kilos na isinasaad ng salitang-ugat
hal. luto = lutuan, tahi = tahian
 gantihang kilos
hal. damay = damayan, turo = turuan
 panahon ng pagganap o maramihang pagganap
hal. ani = anihan, tanim = taniman
b. -in o –hin
 nagsasaad ng aksyon o galaw
hal. kamot = kamutin , ihaw = ihawin
 relasyong isinasaad ng salitang-ugat
hal. tiya = tiyahin , ama = amahin
c. ka-
 kasama sa pangkat
hal. lahi = kalahi, baro = kabaro
 nagsasaad ng relasyon ayon sa sinasabi ng salitang-ugat
hal. kambal = kakambal, galit = kagalit
d. ka – an, han
 nagsasaad ng pinakagitna ng salitang-ugat
hal. sama = kasamaan, sulat = kasulatan
 nagsasaad ng kasukdulan ng pangyayari
hal. tindi = katindihan, bagsik = kabagsikan
e. mag-
 nagsasaad ng relasyong tinutukoy ng salitang-ugat
hal. ina = mag-ina, lolo = maglolo

f. pa-an
 nagsasaad ng ganapan ng kilos
hal. aral = paaralan, limbag = palimbagan
 nagsasaad ng paligsahan ng kilos
hal. galing = pagalingan,taas = pataasan
g. pala - an
 nagsasaad ng sistema o pamamaraan
hal. bigkas = palabigkasan, tuldik = patuldikan
h. pang-/pam-/pan-
 nagsasaad ng ukol o para sa bagay na binabanggit ng salitang-ugat
hal. bata = pambata, sahog = pansahog
i. taga-
 nagsasaad ng gawain
hal. laba = tagalaba, masid = tagamasid
 nagsasaad ito ng doon nakatira
hal. bundok = tagabundok, Baguio = taga-Baguio
j. tag-
 nagsasabi ito ng panahon
hal. lamig = taglamig, araw = tag-araw
k. ma-
 nagsasaad ng pagkakaroon ng katangian
hal. kisig = makisig, talino = matalino
 nagsasaad ng pagkamarami
hal. tao = matao, bunga = mabunga
l. maka-
 nagsasaad ng kampi o kapanalig
hal. tao = makatao, bayan = makabayan
m. mapag-
 nangangahulugang “ may ugali “
hal. usisa = mapag-usisa, biro = mapagbiro
n. pala-
 nangangahulugang “ laging ginagawa “
hal. dasal = paladasal, tawa = palatawa
MGA ALOMORP NG MORPEMA - ang katangian ng morpema na magbagong anyo dahil sa
impluwensiya ng kaligiran nito
ALOMORP- galing sa salitang Ingles na ALLOMORPH, na hinati sa salitang griyego na
ALLO ( kapara ) at MORPH ( yunit / anyo )
Pang-, Mang-, Sing- Pam-, Mam-, Sim- Pan-, Man-, Sin-
a,e,i,o,u
K,g,h,m,n,ng,w,y b,p d,l,r,s,t
Panggabi
Manggagawa
Singgaling Pambansa
Mambabatas
Sim Pandikdik
Mandamay
Sintalino

You might also like