You are on page 1of 15

NAVOTAS POLYTECHNIC COLLEGE

Bangus St., Corner Apahap St., NBBS, City of Navotas

PORTFOLIO SA
ESTRUKTURA NG WIKANG
FILIPINO

Inihanda nila: Shane S. Dela Cruz


Alona Furio
Mariel Ytac
I. MORPOLOHIYA
Nagmula sa salitang Griyego na “morph” na nangangahulugang porma at hugis at
“logia” na ang ibig sabihin ay diskurso , teorya o siyensya.

MORPEMA
Ang morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan.
Bawat salita sa isang wika ay binubuo ng mga pantig na pinagsama-sama. Subalit hindi lahat
ng pinagsama-samang mga pantig ay makakabuo ng isang salita. May tatlong uri ng morpema:
ang morpemang di-malaya (kilala rin bilang panlapi), ang morpemang malaya (kilala rin bilang
salitang ugat), at ang morpemang di-malaya na may kasamang salitang ugat.[1]

II PANIMULA O INTRODUKSYON
Ang morpolohiya ay ang sangay ng linggwistika na nag-aaral ng morpema (morpheme) o ang
pinakamaliit na yunit ng tunog na may kahuluguhan. Pinag-aaralan dito ang sistema ng
pagsasalansan ng mga morpema upang makabuo ng salita na may payak o kumplikadong
kahulugan. Ang mga morpema ay maaaring isang buong salita, panlapi, artikulo, o
metalinggwistikal na yunit ng kahulugan tulad ng intonasyon at stress o diin.
Ito ay makaagham na pag-aaral at pagsusuri sa estruktura, relasyon at kahalagahan ng
morpema sa isang wika at pagsasama-sama nito upang makabuo ng mga salita.
Nakatuon sa sistema ng pagsasalansan ng mga morpema upang makabuo ng salita na
may payak o kumplikadong kahulugan.
Ang morpolohiya ay isang disiplina ng linggwistika na namamahala sa pag-aaral ng
panloob na istraktura ng mga salita, ang mga patakaran para sa kanilang pagbuo at iba't ibang
mga paraan kung saan nauugnay ang mga ito sa iba pang mga salita ng parehong wika. Sa
puntong ito, ang term na morpolohiya ay binubuo ng dalawang mga particle o morphemes.
Ang Morphology, tulad ng iba pang mga sangay ng disiplina sa wika, ay nagsisilbing
tuklasin ang mga kalakip na mekanismo sa iba't ibang mga sistema ng wika. Sa iyong partikular
na kaso, ang panloob na istraktura at ang mga patakaran ng pagbuo ng leksikon ng bawat wika
ay isiniwalat.
Sa gayon, napansin na sa ilang mga wika ang paggamit ng morpolohiya upang isama
ang mga kumplikadong kahulugan sa isang solong salita ay mas detalyado kaysa sa iba.

Halimbawa, sa wikang Greenlandic tusaanngitsuusaartuaannarsiinnaanngivipputit ito ay isang


solong salita na nangangahulugang "hindi mo maaaring magpanggap na hindi ka nakikinig sa
lahat ng oras."
Gayundin, ang mga tambalang salita sa Ingles na nagsasama ng pandiwa at ang object nito
(tulad ng scarecrow) ay medyo bihira. Sa halip, ang mga ito ay isang pangunahing at medyo
pangkalahatang pattern sa Pranses at iba pang mga wikang Romance.

III. NILALAMAN O KABATIRAN

A. KAHULUGAN NG MORPOLOHIYA AT MORPEMA

Ang morpolohiya ay makaagham na pag-aaral ng mga morpema o makabuluhang yuni


ng mga salita. Ito ay ang pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t-ibang
morpema. Ito ay itinuturing na pinakamaliit nay unit ng isang salita na may angking kahulugan
ito ay maaring panlapi o salitang ugat.
Ang morpolohiya ay ang pag-aaral at pagsasama-sama ng mga tunog upang makabuo
ng salita. Inilalarawana sa morpolohiya ang pagkakaroon ng makabuluhang kahulugan ng
isang salita sa pamamagitan ng pinagsama-samang mga tunog.
Ito rin ay yaong isang disiplina ng linggwistika na nag-aaral ng kayarian ng mga salita.
Ang morpolohiya ay pag-aral ng mga morpema ng isang wika.ito ay sistema ng pagsasama-
sama ng mga morpema sa pagbuo ng mga salita sa isang wika.
Ang morpolohiya ay tungkol sa pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng
pagsasama-sama ng mga ito upang makabuo ng mga salita. Sa linggwistika, kilala din sa
katagang palabuuan. Ito ay pag-aaral ng istraktura ng mga salita at ng relasyon nito sa iba
pang mga salita.
Ito ay isa sa mga apat na antas ng wika kasama ang ponolohiya, sintaksis at
semantika.Nakatuon ito sa makaagham na pag-aaral ng morpema ng isang wika at kapag ito’y
pinagsama-sama ay makabubuo ng salita. (Santiago at Tiangco: 2003)
Tumutukoy sa pagbuo ng mga morpema o makabuluhang yunit ng mga salita.
(Aganan, 1999)
Kaugnay nito, tinatawag din ito na estruktura ng mga salita at ng relasyon nito sa iba
pang wika. (Paz, 2003)
Pinag-aaralan dito ang sistema ng pagsasalansan ng mga morpemaupang makabuo ng
salita na may payak o kumplikadong kahulugan
Batay sa mga kahulugan ng morpolohiya, iisa lamang ang kinahantungan nito. Ito ay
ang pag-aaral o pagsisiyasat kung paano nabubuo ang mga salita mula sa iba’t ibang morpema,
gayundin ang estruktura’t ugnayan nito sa iba pang salita.
KAHULUGAN NG MORPEMA
Kung ating mapapansin, kanina pa natin binabanggit ang katagang morpema na siyang
kaugnay ng morpolohiya.Kung ang ponolohiya ay may ponema o makabuluhang tunog, tuon
naman ng morpolohiya ang morpema. Ano nga ba ang morpema?
Ang MORPEMA ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng
kahulugan. Bawat salita sa isang wika ay binubuo ng mga pantig na pinagsama-sama. Subalit
hindi lahat ng pinagsama-samang mga pantig ay makakabuo ng isang salita. May tatlong uri ng
morpema: ang morpemang di-malaya (kilala rin bilang panlapi), ang morpemang malaya (kilala
rin bilang salitang ugat), at ang morpemang di-malaya na may kasamang salitang ugat. Ibig
sabihin ng pinakamaliit na yunit ay hindi na maaari pang mahati nang hindi nawawala ang
kahulugan nito. Ito ay maaaring isang salitang-ugat o panlapi.

B. HALIMBAWA NG MORPOLOHIYA
Ma- + tubig -----> matubig (maraming tubig)
pa + tubig -------> patubig (padaloy ng tubig)
Tubig + -an -------> tubigan (lagyan ng tubig)
Tubig + -in ------> tubigin (pinarusahn sa tubig)
Lakad + -um ------> lumalakad
Sagot + -in -------> Sinagot
Gayunpaman, may pagkakaiba-iba tungkol sa kung anong mga proseso ng
morphological ang magagamit, gaano kadalas ginagamit ito, at kung anong uri ng impormasyon
ang maaaring ma-encode sa mga prosesong ito.
Sa pangkalahatang mga termino, ang mga wika ay maaaring maiuri batay sa kanilang
mga pag-aari ng pagbubuo ng salita at paggamit ng iba't ibang mga proseso ng pagkakabit.
Samakatuwid, ang dalawang pangunahing uri ng mga wika ay nakikilala: analitiko at gawa ng
tao.
Ang nauna ay may mga pangungusap na binubuo ng buong malayang mga morphem,
kung saan ang bawat salita ay binubuo ng isang solong morpheme. Para sa kanilang bahagi,
pinapayagan ng mga synthetics ang pagsasama ng dalawa o higit pang naka-lock na mga
morphem.
Ang morpheme ay ang pinakamaliit na yunit ng kahulugan ng semantiko. Maaari itong
malaya bilang "sun" "bahay" o "oras" (mayroon silang kahulugan sa kanilang sarili); o naka-
lock, tulad ng pangmaramihang "s" o ang panlapi na "dis" (dapat silang samahan: mga parrot -
hindi pantay)
HALIMBAWA NG MORPEMA
alimbawa: makahoy = ma + kahoy = [ma] = unlapi [kahoy] = salitang ugat Ang unlaping [ma]
ay nangangahulugang marami makahoy = maraming kahoy Kaya ang salitang makahoy ay may
dalawang morpema – ang [ma] at [kahoy] dahil bawat isa sa kanila ay may sariling kahulugan.
kahoy = hindi na mahahati sa ka at hoy (wala ng kahulugan) mabahay = ma + bahay = [ma]
unlapi [bahay] salitang-ugat Ang unlaping [ma] ay nangangahulugang marami mabahay =
maraming bahay Kaya ang salitang makahoy ay may dalawang morpema – ang [ma] at [kahoy]
dahil bawat isa sa kanila ay may sariling kahulugan. bahay

C. URI, ANYO, KATANGIAN, BAHAGI AT IBA PA

- Morpolohiya na Pagkondisyon
 Mga alomorf na ang batayan ng paggamit ay hindi isang tunog sa envayronment
na morpema kundi sa iba pang morpema
 May mga salitang plural sa ingles na binubuo sa paraan ng alomorf na(-en) o
vowel na repleysiv.
Halimbawa:
Ox/oks/baka nagiging plural kapag nilalagyan nga /-en/, isang alomorf na kondisyon ng morfim
 Zero-alomorf hindi naririnig o walang manifestasyong fonolohikal tulad ng /siyp/ tupa sa
ingles na /siyp/ din maririnig kapag mga tupa ang kahulugan.

Ang Inflectional morphology ay ang pag-aaral ng mga proseso (tulad ng pagkakabit) na


nakikilala ang mga anyo ng mga salita sa ilang mga kategorya ng gramatika.
Kasama sa mga kategoryang prototypical inflection ang bilang, oras, tao, kaso, kasarian,
at iba pa. Sa pangkalahatan, gumagawa ito ng iba't ibang anyo ng parehong salita sa halip na
magkakaibang mga salita.
Bukod dito, ang mga kategorya ng inflectional ay hindi binabago ang pangunahing
kahulugan na ipinahiwatig ng isang salita o lexeme, idinagdag lamang nila ang mga pagtutukoy
dito o binibigyang diin ang ilang mga aspeto ng kahulugan nito.

URI NG MORPEMA SA WIKANG FILIPINO


1. Morpemang Ponema – Kabuuang yunit ng tunog na nagbabago ng kahulugan. Sa
pangkalahatan ang ponema o titik na /a/ ay kumakatawan sa kasariang babae.
Kung nagbabago ang kahulugan ( kasarian) dahil sa pagdagdag ng ponemang la/ o
kontradiksyon ng Io/ sa /a/, ang la/ o Io/ ay itinuturing na ponema.
Halimbawa :

Gobernador - Gobernadora
Konsehal - Konsehala
Kapitan - Kapitana
Abogado - Abogada

/K/ /M/
Daito’y kuwartak Daito’y kuwarta
Ito’y pera ko Ito’y pera mo

2. Morpemang Salitang-Ugat – Ito ay payak na anyo ng isang salita. Ito ay tintawag ding
malayang morpema sapagkat may sarili itong kahulugan at makakatyp ng mag-isa. Ito at
uri ng morpema na walang panlapi. Ito ay ang payak na anyo ng isang salita.
Halimbawa:
Bait Awit
Pera Aklat
Sayaw Sipag
Ganda Bayani
Gabi Sagot

3. Morpemang Panlapi -Ito ay uri ng morpema na idinurugtong sa salitang-ugat na


maaring makapagpabagong kahulugan ng salita ngunit hindi nakakatayong mag-isa ang
mga panlapi at kailangan idugtong sa salitang-ugat upang magkaroon ng kahulugan.
Halimbawa:
Iba - ibang pusisyon ang kinalalagyan ng panlapi sa salita kaya may iba - ibang uri din ng
panlapi ayon sa pusisyon nila sa loob ng salita.
Unlapi - kapag inilalagay sa unahan ng salita. Halimbawa : magbasa, umibig, paalis, makahuli
Gitlapi - kapag nakalagay sa loob ng salita. Halimbawa : sumayaw, lumakad, sinagot, ginawa
Hulapi - kapag nakalagay sa hulihan ng salita. Halimbawa : ibigin,sulatan, sabihan, gabihin
Kabilaan - kapag ang isang pares ng panlapi ay nakalagay sa unahan at ang isa ay NASA
hulihan ng salita. Halimbawa : mag-awitan, paalisin, kaibigan, kadalagahan
Laguhan - kapag makikita ang mga panlapi sa unahan, gitna at hulihan ng salita. Halimbawa :
magdinuguan, pagsumikapan, ipagsumigawan

ANYO NG MORPEMA
 Morpemang Pangkayarian – Ito aynakapagpapalinaw ng kahulugan ng
buongnakapagpapalinaw ng kahulugan ng buongpangungusap katulad ng: ang, si, ng,
sa,pangungusap katulad ng: ang, si, ng, sa,pero, ka, ang, ba atbp.pero, ka, ang, ba atbp
 Morpemang Pangnilalaman – Ito ay mgasalitang may tiyak na kahulugan atsalitang may
tiyak na kahulugan atnagsisilbing mahalagang salita sa loob ngnagsisilbing mahalagang
salita sa loob ngpangungusap. Hal: sipag, tiyaga, hirap atbp.pangungusap. Hal: sipag,
tiyaga, hirap atbp.

KATANGIAN NG MORPOLOHIYA
 Kadalasang kaagad binibigyan ng pansin kapag pinaguusapan ang isang wika.
 Isang katangian din ng tinatawag na salita, ang katangian na maaring bigkasin ito na
nakahiwalay sa iba pang salita.
 May mga salita sa wika ng mundo na binubuo ng higit sa isang salita tulad ng
hampaslupa, buntong hininga, kisapmata.
 Ang mga sikwens ng mga tunog na may kahulugan sa isang wika’y di pareho o,
kadalasan, walang kahulugan sa ibang wika.

BAHAGI NG MORPEMA
 Malayang morpema- ito ang mga salitang-ugat o tinatawag ding payak ang anyo o
kayarian dahil may taglay itong tiyak na kahulugan.
 Di-malayang morpema — kinakailangan pa itong ilapi sa ibang morpema upang maging
malinaw at tiyak ang kahulugan.
IV: PANGWAKAS NA GAWAIN SA BAWAT PAKSA
Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang
___________1. Sino ang nagbigay ng pahayag na “Ito ay isa sa mga apat na antas ng wika
kasama ang ponolohiya, sintaksis at semantika.Nakatuon ito sa makaagham na pag-aaral ng
morpema ng isang wika at kapag ito’y pinagsama-sama ay makabubuo ng salita.”
__________2. Sino ang nagbigay ng pahayag na ito “Tumutukoy sa pagbuo ng mga morpema o
makabuluhang yunit ng mga salita.”
_______3. Sino ang nagsambit ng pahayag na ito “Kaugnay nito, tinatawag din ito na
estruktura ng mga salita at ng relasyon nito sa iba pang wika.”
________4. Ano ang kahulugan ng salitang griyego na “Morph”?
________5. Ano naman ang kahulugan ng salitang “Logia”
________6. Ito ay ang sangay na nag-aaral ng morpema

7-10 Essay (3 Puntos)


Para sa iyong sariling hinuha ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng morpolohiya sa
bawat mag-aaral?

 Susing Kasagutan
1. Santiago at Tiangco: 2003
2. Aganan, 1999
3. Paz (2003)
4. Porma at Hugis
5. diskurso , teorya o siyensya.
6. Morpolohiya
7-10 Essay
Mahalaga ang pag-aaral nito upang malaman natin ang ibig-sabihin, uri, klasipikasyon
at kung saan at paano natin ito magagamit. mahalaga din ito upang makalaap tayo ng
maraming impormasyon sa ating mga binabasa
Panuto: Basahin ng mabuti at unawain ang mga sumusunod na tanong at bilugan ang tamang
sagot.

11. Ito ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan.


A. Morpolohiya
B. Ponema
C. Morpema
D. Ponolohiya

12. Dahil sa pagdagdag ng ponemang /a/ at /o/ nagbabago ang kahulugan (kasarian), Anong uri
ng morpema ito?
A. Morpemang salitang-ugat
B. Morpemang ponema
C. Morpemang panlapi
D. Morpolohiya

13. Ang salitang "Ganda" ay nabibilang sa uri ng anong morpema?


A. Ponema
B. Morpemang salitang-ugat
C. Morpemang ponema
D. Ponolohiya

14. Ang "ma-" at "um" ay ilang halimbawa na kung saan nagdaragdag sa salita. Ang ganitong
pagdaragdag ay nabibilang sa uri ng morpema na?
A. Morpemang panlapi
B. Morpema at ponema
C. Morpemang salitang-ugat
D. Wala sa nabanggit
15. Ano ang tatlong uri ng morpema?
A. Morpemang ponema, morpemang ponolohiya, morpemang sintaksis
B. Morpemang ponema, Morpemang salitang-ugat at Morpemang panlapi
C. Ponoma, Morpema, Diskuro
D. Ponolohiya, Morpolohiya, Sintaksis

16. Maituturing itong malayang Morpema dahil nakatatayo itong mag-isa.


A. Morpemang Panlapi
B. Morpemang salitang ugat
C. Morpema
D. Morpolohiya

17. Bahagi ng morpema na kinakailangan pa itong ilapi sa ibang morpema upang maging
malinaw at tiyak ang kahulugan.
A. Morpema
B. Di-malayang Morpema
C. Malayang Morpema
D. Morpolohiya

18. SENYORITO - SENYORITA ay nabibilang sa anong halimbawa ng pag-aaral ng


morpolohiya.
A. Morpemang Ponema
B. Morpemang Panlapi
C. Morpolohiya
D. Malayang Morpema
19. Morpemang Panlapi na nangangahulugang pagkakaroon ng katangiang taglay ng salitang
ugat.
A. Ma-
B. Um-
C. An-
D. Pag-

20. Ang morpemang Panlaping "Um-" ay nangangahulugang


A. Lugar ng pinaglalagyan
B. Pagganap sa kilos
C. Nagsasaad ng pagkakaroon
D. Pagkakaroon ng katangiang taglay ng salitang ugat

 Susing kasagutan
11. C
12. B
13. B
14. A
15. B
16. A
17. B
18. B
19. A
20. B
IV. KARAGDAGAN NA PAGLALAPAT MULA SA SARILING
OPINYON
Ang morpolohiya ay ang makaagham na pag-aaral sa mga salita. Sa morpolohiya pinag-
aaralan ng mga dalubhasang tao kung paano nabubuo ang isang salita at kung paano ito
nabibigyang ng pagpapakahulugan. Habang ang morpema naman ay ang mga salita o ang
pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan. Ang morpema na salita ay kayang
tumayo sa sarili nito, nakapagbibigay pa rin ito ng kahulugan kahit walang dinaragdag na mga
panlapi. Ang panlapi ay may tatlong uri ang unlapi, gitlapi at hulapi na kung saan maaaring
magdagdag ng (mag- , um- , in- at marami pang iba). Ang pagdaragdag na ito ay maaaring
paglalarawan o hindi naman kaya ay gawi o gawain na nagpapakita ng kilos.

Ang Morpolohiya at ang Morpema. Bilang estudyante na kinukuha ang Isang kursong
may kaugnayan sa pagtuturo o pagiging guro sa hinaharap masasabi kong napakahalaga ng
morpolohiya o pag-aaral ng mga salitang sapagkat nakakagawa ang isang tao ng mga
pangungusap na maaari nyang magamit sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Ang
morpolohiya ay ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng pagsasama-sama ng mga
ito upang makabuo ng salita. Anupa’t kung ang ponolohiya ay tungkol sa pag-aaral ng set ng
mga tunog na bumubuo ng mga salita sa isang wika, ang morpolohiya ay ang pag-aaral sa
pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t ibang morpema. Galing ang salitang morpema
sa katagang morpheme sa Ingles na kinuha naman sa salitang Griyego 'morph' ibig sabihin anyo
o yunit at 'eme' ibig sabihin kahulugan. Ang morpolohiya ay may malaking bahaging
ginagampanan sa kultura at lenggwahe ng bawat isa sa mundo kung kaya, para sa akin
nararapat lamang itong pagyamanin at ipalaganap para sa mga susunod na henerasyon.
Karagdagan kaalamanan pa mula sa aming mananaliksik na paksa na ito ay tunay na
mahihinuna at naipapakita ang tunay na relasyon ng morpolohiya at morpema sa aming
pagsaliksik sa paksa na ito ay nagulumihanan kami sa ilang mga detalye ngunit habang
naglalaon ay patuloy naming na nauunawaan kung ano ang tunay na nakapaloob sa paksa na
morpolohiya at morpema.Sapagkat salamin ng morpolohiya ang morpema, kung ating uunawain
ang morpolohiya ang pag-aaral ng maliit nay unit ng tunog o mas kilala sa tawag na morpema,
kagyat ng ating pag-aaral natutuhan natin ang iba’t-ibang mga salita o wika na nagagamitan ng
tinatawag natin na morpolohiya at morpema.
Tunay nga na napakagandang aralin ng ganitong bagay dahil natututuhan natin ang
mga salik na nakapaloob upang makabuo ng mga salita o pangungusap na ginagamitan ng
kagaya na lamang ng morpolohiya at morpema. Sapagkat ang morpolohiya ay isang bahagi ng
lingguistika na nagsusuri sa kahalagahan ng morpema ng isang wika at pagsasama-sama ng
mga ito kaya tayo ay nakakabuo ng isang salita.
Sa kabilang banda ay napakasarap aralin ng ganitong paksa sapagkat marami tayong
mga makukuha na impormasyon na makikintal sa ating isipan kagaya naming mga mananaliksik
na isang mag-aaral at magiging guro sa hinaharap na kinakailangan ay maging maalam kami
pagdating sa ganitong paksa sapagkat amin din itong ituturo sa mga kabataan sa susunod na
henerasyon. Mahalaga na ngayon palamang ay maunawaan namin ang paksa at kung para saan
ito at ano ang gamit nito dahil ito ay may mahalagang parte para sa aming mga mannaliksik na
kumuha ng kurso na pagiging guro sa medyor ng Filipino.
Napakaganda ng paksa na natalaga sa amino o at mahirap at malawak ngunit kung
lalawakan din natin an gating pang-unawa doon natin matatanto na kahit anong hirap ng paksa
kung uunawin ng lubos at magtutulungan ang bawat miyembro kagyat nito ang pagtatagumpay
sa paksa na sinusuri at pinag-aaralan naming naging mahirap ngunit nakapulot kami ng
malaking kaalamanan patungkol sa paksa na nakatalaga saamin.

PASASALAMAT

Taos puso ang aming iniaabot na pasasalamat sa mga sumusunod na indibidwal dahil sa
kanilang naging kontribusyon at walang humpay na pagsuporta upang mapagtagumpayan
naming ang pagsasaliksik sa aming paksa.
Una't higit sa lahat sa ating Poong maykapal na patuloy na gumagabay at nagbibigay
kaalaman, kalakasan at mabuting kalusugan para matapos ang proyektong pananaliksin na ito.
Pangalawa, sa aming mga magulang na walang sawang sumusuporta sa aming
pangangailangan lalong lalo na sa problemang pangpinansyal at oras na binigay sa amin upang
magawa ang aming proyekto.
Ako bilang isang lider na naatas sa pag-gawa ng isang pananaliksik patungkol sa
morpolohiya at morpema ay lubos ang aking pasasalamat sa kooperasyon na inihandog nina
Binibing Alona Furio at ni Binibining Mariel Ytac sa kanilang ipinakitang pagsunod sa mga
bagay na nakaatas sa kanila upang matapos ang pagsasaliksik na ito tunay nilang naipamalas
ang kanilang galling at buhos ng kooperasyon upang matapos ang pananaliksik na ito.
At huli salamat sa aming Propesor na si Gng. Demerin na kami ay ginabayan at binigyan ng
mga panuto na dapat sundin kung paano namin mapagtatagumpayan ang tamang pagsaliksik
para sa aming proyekto. Gayundin ang si Gng Marie karlene Abaigar na nagbigay tulong upang
kami ay malinawan sa aming paksa.
Muli maraming salamat sa mga tao na naging parte upang magkaroon ng magandang
resulta ang aming pananaliksik na isinakatuparan.
PINAGKUHAAN NG MGA IMPORMASYON
https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.slideshare.net%2Fnathalielovitos%2F
morpolohiya%3Ffbclid%3DIwAR2HXl2otkV7VnqTkBteCgItT3LTFp4glxcY9yspyKX97EiPBIJrM
kF4wso&h=AT0eVKW20TrsWt6cIx0DDVjKQfgmEJ6vIWb_vhYuEr1DwNhruQvPsNUyVtHA5C
FpvCDOUWXo7RYLd6yQjehY3pvWT6TZxckd4FzOQ-ilbpzVarD7yzhcGy6IT40c1qBhkS7xyQ
https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fpdfcoffee.com%2Ffilipino-report-10-pdf-
free.html%3Ffbclid%3DIwAR0zcds9pFW53twXuX-2jUlgguInNFB8GcySHwwE5yEe-
joXBvA5sl_ZwCg&h=AT0eVKW20TrsWt6cIx0DDVjKQfgmEJ6vIWb_vhYuEr1DwNhruQvPsNU
yVtHA5CFpvCDOUWXo7RYLd6yQjehY3pvWT6TZxckd4FzOQ-
ilbpzVarD7yzhcGy6IT40c1qBhkS7xyQ
https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fpdfslide.tips%2Fdocuments%2Fmorpolohiya
-558453f42ae02.html%3Ffbclid%3DIwAR0_l-l5Y5dkU4oZDtlAD-
g2RQ9LKNrY7J9QOB4o45alGJWiVuVzsyDbvDs&h=AT0eVKW20TrsWt6cIx0DDVjKQfgmEJ6
vIWb_vhYuEr1DwNhruQvPsNUyVtHA5CFpvCDOUWXo7RYLd6yQjehY3pvWT6TZxckd4FzOQ-
ilbpzVarD7yzhcGy6IT40c1qBhkS7xyQ
https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.slideshare.net%2Fgeli6415%2Fmorpol
ohiya-68798638%3Ffbclid%3DIwAR2KAoglTDMRF7T053Wza5PF36yYek6_yY-
pEvPAIPnrwjd10kj2r3E2gsk&h=AT0eVKW20TrsWt6cIx0DDVjKQfgmEJ6vIWb_vhYuEr1DwNh
ruQvPsNUyVtHA5CFpvCDOUWXo7RYLd6yQjehY3pvWT6TZxckd4FzOQ-
ilbpzVarD7yzhcGy6IT40c1qBhkS7xyQ
https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.scribd.com%2Fdocument%2F4279119
15%2FFinal-
Morpolohiya%3Ffbclid%3DIwAR0LZWqWhoLmeRdqcVWjKLEMe8VECJsKKWt4PpGpRamg-
b3f-
hYLGTwO62E&h=AT0eVKW20TrsWt6cIx0DDVjKQfgmEJ6vIWb_vhYuEr1DwNhruQvPsNUyVt
HA5CFpvCDOUWXo7RYLd6yQjehY3pvWT6TZxckd4FzOQ-
ilbpzVarD7yzhcGy6IT40c1qBhkS7xyQ
https://www.slideshare.net/judy93/fil-27027276
https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Ftl.teachingonestepahead.com%2Fdefinici-n-
de-
morfema%3Ffbclid%3DIwAR0O6YzJtexEajBIsMs9qzlCTl6hkJDv9aUab4jMzdhl_ooJYioSHCsF
Y2U&h=AT0eVKW20TrsWt6cIx0DDVjKQfgmEJ6vIWb_vhYuEr1DwNhruQvPsNUyVtHA5CFpv
CDOUWXo7RYLd6yQjehY3pvWT6TZxckd4FzOQ-ilbpzVarD7yzhcGy6IT40c1qBhkS7xyQ

You might also like