You are on page 1of 5

PANIMULANG

LINGWISTIKA

JHANPAUL P. BALANG I
PCED-03-201A
GNG. ROSANA BALATZAR
1. Ano ano ang uri ng pangalan ayon sa kayarian at iplawinag ng isa-isa.

Anyo o Kayarian ng Pangngalan


Ang pangngalan ay may apat na anyo o kayarian.
Payak -Pangngalan binubuo ng salitang ugat. Walang pinaghalong tambalan at mga
panlapi at ito ay nakakatayo ng mag-isa.
Maylapi -Pangngalan binubuo ng salitang ugat at panlapi. Binubuo ng ibat ibang uri ng
panlapi na nasa unahan , gitna, at hulihan.
Inuulit -Pangngalan binubuo sa pamamagitan ng pag-uulit ng unang dalawang pantig
ng salitang ugat o buong salitang ugat na maaaring mayroong o walang dagdag na
panlapi.
Tambalan -Pangngalang binubuo ng pagsasama ng dalawang magkaibang salita.
2 Uri ng Pangngalan
Pagsasama ng dalawang magkaibang salita sa pagkakaroon ng bagong kahulugan ang
salitang nabuo. a.Tambalang Ganap
b.Tambalang-Di-Ganap -Nanatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagsama-
sama.
Ang pangngalan tambalan ay maaaring dalawang salita pinag- isa o pinagdugtong ng
gitling (-)
2. Saliksikin ano ang ibat ibang palabigkasan at palatuldikan?
Ang palabigkasan o phonetics (mula sa salitang Griyego: φωνή, phōnē, "tunog,
boses") ay ang sangay ng lingguwistika (linguistics) na nag-aaral ng lahat ng mga tunog
na posibleng likhain ng tao na maririnig sa iba't ibang wika sa buong mundo. Pinag-
aaralan dito kung paano nabubuo ang pinakamaliit na yunit ng tunog, o mga ponema
(phonemes), sa pamamagitan ng pagtukoy sa punto ng artikulasyon (place of
articulation), o kung saang bahagi ng bibig nalilikha ang tunog, paraan ng artikulasyon
(manner of articulation), o ang paraan ng paglikha ng tunog katuwang ang mga bahagi
ng bibig, at ang boses (voice) o ang pagtukoy sa isang yunit ng tunog kung ginagamitan
ito ng vibration o pag-ugong ng babagtingan (vocal cords) para malikha, o hindi.
Maari pang aralin nang mas malalim ang mga katangian ng bawat yunit ng tunog sa
mga wika ng tao batay sa paraan ng paglikha nito, kalidad ng tunog ayon sa pisikal
nitong katangian, at ang kalidad ng tunog ayon sa kung paano ito natutukoy ng ating
pandinig. Sa ilalim ng palabigkasan, may mga sangay itong nakatuon ang pag-aaral sa
bawat katangiang ito ng mga tunog.

 Articulatory Phonetics- ito ang sangay ng palabigkasan na nag-aaral sa paraan ng


paglikha ng tunog. Masusing tinitignan dito kung paanong ang mga articulators sa
loob ng bibig, o ang mga organo sa loob nito (tulad ng labi, ngipin, gilagid,
lalamunan etc.), ay lumilikha ng mga tunog.
 Auditory Phonetics- ito ang sangay ng palabigkasan na nag-aaral sa mga organo ng
pandinig at utak bilang mga bahagi ng katawan na syang nakakatukoy sa mga
tunog.
 Acoustic Phonetics- ito ang sangay ng palabigkasan na nag-aaral sa mga pisikal na
katangian ng mga phonemes, ang kalidad nito bilang tunog, at ang kaibahan nito sa
iba pang mga tunog na di-likha ng tao.
Ang tuldik ay isang glipo na dinadagdag sa isang titik.
 Ang pangunahing gamit nito sa Latinong pagsulat ay upang mapalitan ang
pagbigkas o maláman ang pagkakaiba nito sa pagitan ng magkakatulad ng mga
salita. Halimbawa mula sa wikang Filipino ay ang tuldik na pahilis-kaliwa na
makikita sa buháy at gabí, na nagpapakita ng pagbilis ng bigkas.
 Sa iba pang mga sistemang alpabetiko, ang mga tuldik ay maaaring magamit sa
mga iba pang bagay. Ang mga sistema ng vowel pointing, tulad ng
sa Arabeng harakat ( ُ ‫ ـ‬,ُ‫ ـ‬,َ‫ـ‬, atbp.) at ng Ebreong niqqud ( ַ, , , , , etc.), ay
nagpapahiwatig ng mga tunog (mga patinig o tono) na hindi magagawa sa payak
na alpabeto. Ang Indic na virama ( ् atbp.) at ang Arabeng sukūn ( ‫ ) ـْـ‬naman ay
naghuhudyat sa kawalan ng patinig. Ang mga cantillation mark naman ay
nagpapahiwatig ng prosody. Ang mga iba pang gámit ay ang Sinaunang
Sirilikong titlo (  ҃  ) at ang Ebreong gershayim ( ‫) ״‬, na, respektibli, ay naghuhudyat
ng mga daglat o mga akronim, at mga Griyegong tuldik, na mga titik ng alpabeto
ay ginamit bílang mga numero. Sa Hanyu Pinying opisyal na romanisasyon ng
sistema ng mga Tsino, ang mga tuldik ay ginamit upang maghudyat sa mga tono
ng mga pantig kung saan ang mga nakamarkang patinig ay nandoon.
 Sa ortograpiya at paghahambing, ang isang titik na binago ng tuldik ay maaaring
ituring bílang isang bagong titik o isang kombinasyon ng titik at tuldik. Iba-iba ang
turing dito depende sa wika.
 Hindi tulad sa mga ibang wika, sa Filipino at Tagalog hindi hiwalay na titik ang
mga tuldik at hindi ito kasáma sa alpabeto at mga patinig lámang ang
tinutuldikan.
 Mayroong apat na uri ng tuldik sa palatuldikan ng mga wikang Filipino:
 Una, ang pahilís (΄), acute sa Ingles, na may dalawang bigkas: ang mabilís, na
mabilis ang bigkas ng salita at laging nasa hulíng pantig ng salita (hal: buháy -
alive, bukás - open) at malúmay, na marahan o mabagal ang bigkas ng salita at
laging nasa una o mga gitnang pantig (hal: búhay - life, búkas - tomorrow).
 Ikalawa, ang paiwà (`), grave sa Ingles. Ang bigkas nito ay malumì. Binibigkas
ito nang mabagal o marahan at nagtatapos na may impit. Impit ang tawag sa
biglang paghinto ng tunog tulad ng à sa talà (star). Lagi itong nasa hulíng pantig
(hal: punò - tree). Nilalagyan din ito ng tuldik na pahilís at malúmay kung higit sa
dalawa ang pantig (hal: pinúnò - leader).
 Ikatlo, ang pakupyâ (^), circumflex sa Ingles. Ang bigkas nito ay maragsâ.
Binibigkas ito nang mabilis at nagtatapos na may impit tulad ng â sa talâ (list).
 Ikaapat, ang patuldok (¨), dieresis sa Ingles. Binibigkas ito nang may schwa (ə)
at matatagpuan sa mga wikang Ilokano, Mëranaw, Kinaray-a, Kankana-ëy at iba
pa.

3. Paghambingin ang ibat ibang modelo ni Chomsky sa pangpragmatika. Hanpin


ang kalalakasan at kahinaan ng kanayng modelo.

Pabuod na Kasaysayan ng Dalawang Modelo ni Chomsky


1. SYNTACTIC STRUCTURES 1957 (STRUCTURES 1957)
2. ASPECTS OF THE HEORY OF SYNTAX 1965 (ASPECTS 1965)

Pabuod na Kasaysayan ng Dalawang Modelo ni Chomsky

Syntactic Structures taong 1957


Ito ay isang monograp na naglalarawan ng kaniyang matibay na paniniwala na
ang gramatika ay mapag-aaralan nang hiwalay sa kahulugan.
Ayon kay Chomsky, ang anyo ng wika ay yaong walang pagbabagong salik na
nagbibigay-buhay at kahalagahan sa bawat partikular na pagsasalita.
Sa pamamagitan ng kaalaman sa panloob na representasyon ng anyo, maaaring
magkaroon ng kakayahan ang isang tao sa pag-unawa at paggamit ng isang wika.
Kaya lamang nagkakaunawaan ang dalawang taong nagtatalastasan ay
sapagkat kapwa nila alam ang panloob na anyo ng wikang kanilang ginagamit.
Ang panloob na anyo ng wika ang siyang kailangang mailarawan sa isang
gramatika.
Ayon kay Chomsky, ang kaniyang modelo sa gramatika ay tulad ng isang
automation na magpapalabas (generate) ng lahat ng maaaring palabasing tamang
pangungusap sa isang partikular na wika.
Phrase-structure Transformational Generative Model - ay nilinang ni Chomsky
bilang pamalit sa gramatikang istruktural. Gayunpaman, kung titignan natin ng
malapitan ang kanyang modelo, masasabi natin na form o anyo pa rin ang pinagtutunan
ni Chomsky.
Modelong Generative-semantics - nagbibigay ng meaning o kahulugan.
4. Pag-aralan ang ibat ibang modelo ng pragmatika ayon kina Contenstino,
Manuel Viray at Gilson?
Constantino - Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at
istrukturang panggramatika.
Manuel Viray - Heart of the island
Gleason - Ayon sa kanya mayroong dalawang balangkas. Balangkas ng tunog at
kahulugan
5. Ambag ni Bloomfield, Dr,Jose Rizal, Blumetritt.

Bloomfield - isinagawa niya ang pagsusuri sa gramatika ng Tagalog


Dr. Jose Rizal - nagpasimula rin ng pag-aaral sa wika ng Pilipinas.
Blumentritt - isa sa nagpasimula sa pag-aaral sa malayo-polinesyo na pinagmulan ng
iba't ibang wika sa Pilipinas.

 Sructural Linguistics
 Logical Syntics
 Anthropological Linguistics

You might also like