You are on page 1of 110

KOMUNIKASYON SA

AKADEMIKONG FILIPINO
 Pagbibigay kahulugan sa
wikang Filipino
 isang wika
 pambansang lingua franca
 wikang pambansa
 wikang opisyal
KOMUNIKASYON SA
AKADEMIKONG FILIPINO

Pagbibigay kahulugan sa

wikang Filipino
 isang midyum
 larangan ng edukasyon
 larangan ng komunikasyon
• Pambansang Lingua franca
– kung ginagamit upang
magkaunawaan at makapag-
ugnayan ang mga nag-
uusap na may magkaibang
katutubong wika na nagmula
sa iba’t ibang probinsiya.
Wikang Pambansa
 Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV
Seksyon 6
 “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral
na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-
ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng
kongreso, dapat gawa ng mga hakbangin ang
pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
midyum na opisyal ng komunikasyon at bilang
wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.
Wikang Opisyal
 seksyon 7
 “Ukol sa mga layunin ng
komunikasyon at pagtuturo, ang mga
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino
at, hangga’t walang itinatadhana
ang batas, Ingles.”
 Ginagamait ng tao ang wika sa
kanyang pag-iisip, sa kanyang
pakikipag-ugnayan at pakikipag-
usap sa ibang tao, at maging sa
pakikipag-usap sa sarili.
Samakatwid, wika ang behikulo ng
ating ekspresyon at komunikasyon
na epektibong magagamit.
 Ang isang ispiker ng wika ay nag-
aangkin ng kakayahang
panlinggwistika o linguistic
competence dahil nasa kanyang
subconcious ang kabuuan ng
pamamaraan ng pagbuo ng salita,
pangungusap, at kumbinasyon ng
mga ito.
 Samakatuwid ang mga patern at
mga tuntunin sa pagbuo ng mga
pangungusap ang grammar ng
isang wika.
 Lahat
ng wika ay may
grammar at nahahati sa
sumusunod:
 ponolohiya
 morpolohiya
 sintaks
 semantika
Ponolohiya

patern o kumbinasyon ng

mga tunog sa loob ng isang
wika
Mga Ponemang Segmental
 ito ang mga tunog na
ginagamitan ng mga
katumbas na letra o titik
upang mabasa at mabigkas.
MGA PONEMANG SEGMENTAL
 Katinig
 ipinapakita ang mga ponemang ito
batay sa paraan ng artikulasyon at
punto ng artikulasyon
Patinig
 may limang pangunahing patinig
ang Filipino (a, e, i, o, u )
 /e/ at /i/ ; /o/ at /u/ ay mga tunog na
maaaring magkapalitan na hindi
nababago ang kahulugan.
Mga Ponemang Segmental
 Diptonggo
 pinagsamang tunog ng isang patinig
(a,e,i,o,u) at isang malapatinig (w, y)
 bahay, reyna, baliw, tuloy
 Klaster
 kambal katinig
 magkasunod na tunog katinig .
Karaniwang salitang hiram ang may
ganitong tunog.
 bruha, druga, globo
Mga Ponemang Suprasegmental

 karaniwang hindi tinutumasan ng


mga letra sa pagsulat kundi mga
simbolo lamang upang matukoy
ang paraan ng pagbigkas.
 diin
 tono, intonasyon, punto
 hinto / antala
 Alfabetong Filipino
 may 28 letra
 tulad din ng tawag sa
Ingles ang tawag sa bawat
letra, maliban sa letrang ñ
na bigkas-Kastila
SILABIKASYON
 paghahati ng mga pantig sa
wikang Filipino
 PKK eks – tra
 KPKK is – kawt
 KKPK trak
 KKPKK mag- drayb
 KPKKK a – nawns - ment
MORPOLOHIYA
 may kinalaman sa pagbuo ng
salita
 Mga Paraan ng pagbuo ng salita
 paggamit ng salitang ugat sariwa
 paglalapi napaka-
sariwa
 pag-uulit maganda-
ganda
 pagtatambal silid-aklatan
 PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO
 asimilasyon pang + bansa = pambansa
 pagpapalit ano + ano = anu-ano
 paglilipat y+in+akap = yinakap
= niyakap
 pagkakaltas bili+han = bilihan = bilhan
 pagdaragdag paalala+an = paalalahanan
 pag-aangkop hintay + ka = teka
Ano ang ponema ng Wikang
Filipino?
• Tinatawag na ponema ang
pinakamaliit na yunit ngunit
makahulugang yunit ng tunog ng
isang wika.
DALAWANG URING
PONEMA O TUNOG
1. Ponemang segmental
• -tumutukoy sa mga tunog na
may katumbas na letra sa
ortograpiyang Filipino.
• - kabilang sa mga segmental
ang katinig, patinig, diptonggo at
kambal patinig (klaster)
• 2. Ponemang suprasegmental
• -binubuo naman ng diin,
intonasyon, at hinto.
Mga ponemang katinig ng
wikang Filipino ang
sumusunod :/b/ /d/ /g/ /h/
/k/ /l/ /m/ /n/ ng/ p/ /r/ /s/
/t/ /w/ at /y/
• Kontribusyon din sa Filipino
ng iba’tibang wika at
wikain ng Pilipinas , gayon
din ng mga banyagang
wikang naging bahagi ng
kulturang Pilipino (Ing.,
Kastila, Tsino atbp.), ang
mga ponemang katinig
na /f/ /j/ /ñ/ /v/ /z/
• Nasa alpabetong Filipino
rin ang mga letrang c,x, at
q ngunit walang simbolo sa
tsart ng mga ponemang
katinig dahil may iba’ti
bang katumbas na tunog
ang bawat isa sa ibaba.
Halimbawa:

C = /s/ seremonya(mulasa ceremonia)


= /k/ kalesa (calesa ng Kastila)
= /s/ /k/ sirko (circo ng Kastila)

X = /s/ /ks/ seroks (xerox ng Ing.)


Q = /k/ keso
= /kw/ kwarter
 Sa tulong ng pares minimal
(kaligirang magkatulad sa insiyal,
gitna, at pinal na posisyon),
maipapakitang makahulugan ang
iba’t ibang ponemang katinig.
Tulad nito:

/p/ /pa.sah/ ‘pass’ /b//ba.sah/ ‘read’


/t/ /tula?/ poem /d/ /dula?) ‘drama
/?apoh/ ‘grandchild’
/pantay/ ‘equal’ /panday/ ‘blacksmith’
 Makahulugan ang mga
ponemang ambag sa Filipino ng
ibang wika at wikain kung
titingnan ang halimbawang pares
minimal na ito:

/f/ /fayfay/ (Bontok) ‘sea’


/p/ /paypay/ (Tagalog) ‘fan’
 Mga ponemang patinig ng
wikang Filipino ang /a/ e/ /i/ /o/
/u/, tulad ng makikita sa mga
pares minimal na ito:

/?abah/ ‘an interjection’


/ibah/ ‘different’
/?a.gaw/ ‘snatch’
/?a.giw/ ‘soot; cobweb’
• Ang mga diptonggo ay
tumutukoysa pinagsamang tunog
ng pantig (a,e,i,o,u ) at
malapatinig (w,y). Tulad nito:

/ay/ /ba/hay/ /gu.lay/


/iw/ /baliw/
/aw/ /dilaw/ /si.law/
/iy/ /la.biy/
• Ang mga kambal katinig (klaster)
ay tumutukoy sa magkasunod na
tunog-katinig .Maraming katinig sa
wikang Filipino dahil karaniwang
maririnig ang ganitong ponema sa
mga salitang hiram.
• Ilan ito sa mga kambal katinig ng
Filipino.
/bl/ /blu.sah/ /br/ /bru.hah/
/bw/ /bwe.nas/ /kl/ /kli.mah/
/kr/ /ma.kroh/ /kw/ /?eskwe.lah
Ang ponemang
suprasegmental ay ang mga
makahulugang yunit ng tunog
na hindi tinutumbasan ng letra
o titik sa pagsulat. Sa halip,
sumisimbolo ito ng mga
notasyong phonemic upang
matukoy ang paraan ng
pagbigkas ng mga ponemang
suprasegmental ng Wikang
Filipino ang diin, intonasyon,
Diin (stress): Ginagamit ang
simbolong tuldok [.] upang
matukoy ang pantig ng salita na
may diin.

/buhay/ ‘life’ /pa.so?/ ‘’burn’


/buhay/ ‘alive’ /paso?/ ‘flower
pot/
Intonasyon at Tono: Tumutukoy ang
intonasyon sa pagtaas o pagbaba ng
boses sa pagsasalita.

3: mataas /pataas ang tinig ; malakas,


madiin
2: normal lamang ang tinig
1: mababa at banayad ang tinig
Aalis ka mamaya (Pataas ang boses sa
katapusan;
(1) (2) (3) nagtatanong na naninigurado
kung aalis)

Aalis ka mamaya (Maaring pagalit; nag-uutos


Hinto : Tumutukoy ito sa pagtigil sa
pagsasalita. Tingnan sa ibaba kung
bakit mahalaga ang hinto sa
pagbibigay-kahulugan. (Hudyat ng
panandaliang pagtigil ang [/]. Pinal na
paghinto ang [//].

Si Ditas Magno ang kasama ko//


[Isang pahayag na nagsasabing ‘’ang
pangalan ng kasama ay Ditas
Magno’’]

Si Ditas/ Magno / ,ang kasama ko//


[Ipinapakilala sa kausap si Ditas Magno-
May tatlong anyo ng morpema sa
wikang Filipino , kabilang ang:

1. Morpemang ponemang o at a.
Matatawag na morpema ang
mga ito dahil nagpapakilala ng
pagkakaiba ng sex o kasarian sa
wikang Filipino. Tulad nito:
maestro-maestra Pepito-Pepita
abogado-abogada Lito-Lita
kusinero-kusinera Caludio-Claudia
2. Salitang-ugat. Ito ay payak
o simpleng anyong salita na
pinagmulan ng mhahabang
salita. Halimbawa:
ina sakay ganda bukas
hayop linis
husay hapon
3. Panlapi. Ito ang morpemang ikinakabit
sa salitang-ugat.
a.Unlapi –morpemang ikinakabit sa
unahan ng salitang-ugat
mag-ina (anak at ina; panlaping
makangalan)
maglinis (pawatas na anyong linis;
panlaping makadiwa)
b. Gitlapi- morpemang ikikabit sa gitna
ng salitang- ugat
sumakay, tumao binasa,kinuha
c. Hulapi- morpemang nasahulihan ng
salitang-ugat
sakayan, gandahan inahin, akuin
May dalawang uri ng morpema ang wikang Filipino
ayon sa kahulugan, kabilang ang:

1. Mga morpemang may kahulugang leksikal.


Tinatawag itong mga morpemang
pangnilalaman (content words) dahil may
kahulugan sa ganang sarili. Kabilangdito ang
pangngalan, pandiwa, pang-uri, at pang-abay.
2. Mga morpemang may kahulugang
pangkayarian. Ito ang mga morpemang walang
kahulugan sa ganang sarili, at kailangan pang
makita sa isang konteksto upang maging
makahulugan .Kabilang dito ang mga pang-
angkop, pangatnig, pang-ukol, at pananda
(ang, ng, sa, si/sina, kaykina, ninina, ay).
May iba’t ibang paraan ng pagbuo ng mga salita sa
wikang Filipino, tulad nito:

1. Pagbuo ng payak na anyo ng mga salita o salitang-


ugat:
yaman, sariwa, alaala,bakasyon, takbo, sikap

2. Paglalapi :
a. pag-uunlapi- napakayaman, kasinsariwa
b. paggigitlapi- yumaman, bumabakasyon
c. paghuhulapi- sariwain, takbuhan
d. pag-uunalapi at paghuhulapi- kayamanan,
magtakbuhan
e. pag-uunlapi, paggigitlapi, paghuhulapi:
pagsumikapan, magdinuguan
3. Pag-uulit o reduplikasyon ng salitang-ugat;
a. parsyal o di-ganap na pag-uulit: yayaman,
tatakbo
b. Buo o ganap na pag-uulit: araw-araw,sinu-
sino
c. Makahalong parsyal at buo : lilipad-lipad,
tatakbu- takbo, iisa-isa

4. Pagtatambal ng dalawang salitang-ugat:


maaring bumuo o hindi bumuo ng bagong
kahulugan ang pagtatambal.
silid-aralan
punong-kahoy
balikbayan
Pagbabagong Morpoponomiko

1. Asimilasyon: maaring maasimilia ng kasunod


na ponemang katinig ang nauunang
ponemang katinig kaya maaring mabago ang
anyo ng morpema. Totoo ito sa kaso ng mga
panlaping nagtatapos sa –ng, gaya ng
panalaping sing- na maaring magkaroon ng
allomorph na sin- o sim- , gayon din ang pang-
kapag sinusundan ang mga ito ng mga
ponemang /d,l,r,s,t/ tulad ng sindami at
pansukat (o panukat). Nagiging [sim- at pam-]
naman ang dalawang panlapi kapag mga
ponemang /b/ at /p/ ang kasunod , katulad ng
simpula at pampunas (o pamunas).
2. Pagpapalit: pansinin ang pagpapalit ng mga
ponema sa mga sumusunod na salita:

a. pag-uulit ng pantig na may tunog na---


/o/ at /e/ gustong-gusto > gustung-
gusto
babaeng-babae > babaing-babae
b. /d/ > /r/ madami > marami
lakadan > lakaran
c. /h > /n/ tawahan > tawanan
talohan > talunan
3.Paglilipat (metatesis): paglilipat ng posisyon
ng mga ponema
yinaya > niyaya yinayakap> niyayakap
linuluto > niluluto linilinis > nililinis

4. Pagkakaltas: pagkawala ng isang morpema


o ponema sa salita
magpatahi > patahi bilihan > bilhan
ipatapon > patapon putulin > putlin
5. Kumbinasyonng pagkakaltas at paglilipat
taniman > tanman > tamnan
atipan > atpan > aptan
6. Kumbinasyong pagkakaltas at pagpapalit
halikan> halkan > hagkan
tinginan >tingnan> tingni
bukasan> buksan> buksi

7. Pagdaragdag: pagsusudlong ng isa pang morpema sa


hulapi ng salita
paalalahan> paalalahanan
totoohan> totohanin

8. Pang-angkop: pinagsasama ang dalawang salita para


makabuo ng bagong salitang may nakakaltas ng morpema
upang mapaikli upang mapaikli ng bagong salita
salita
hintay + ka > teka
tingnan + mo > tamo (timo)
1. Mga Pangnilalaman
a.Pangngalan

Uri ayon sa konsepto Uri ayon sa katangian


1. Konkretong pangngalan: mga 1. pambalana: karaniwan ,o
bagay na materyal; nakikita at panlahat na pangngalan
nahahawakan sabon
paligsahan
ina, bahay nanay-nanayan
mag-ina, ina-inahan, bahay-
bahayan
2. pantangi: tiyak o tanging ta,
bagay, lugar, pangyayari.
2. Abstraktong pangngalan
tumutukoy sa mga Dr.Nelia Tria
konsepto/ideya/kaisipan,damda Close-Up
min,katangian,gawain, o Lungsod Quezon
anumang di-materyal na bagay.

tawa, awit, pag-aaral, pag-awit,


paglalaba
Uri ayon sa kayarian Uri ayon sa kailanan
1. Panlalaki 1. Isahan
senador ang bata
sastre ng puno
tandang si Gloria
hari kay Mariel

2. Pamababae 2. Dalawahan
senadora magkapatid
modista mag-ina
inahin dalawang tao
reyna

3 . Di-tiyak 3. Maramihan
mambabatas magkakapatid
mananahi mag-iina
pinuno maraming tao
tatlong lalaki
sina Nitoy
4. Walang kasarian
senado, damit, gunting,
itlog, sabon, korona,
trono
b. Panghalip : mga panghalili o pamalit
sa pangngalan
i. Mga panghalip na panao/personal
Kailanan/ Anyong Anyong Anyong
Panauhan ang/si ng/ni sa/kay
Isahan ako ko akin
ikaw,ka mo iyo
Siya niya kanya
Dalawaha kita, kata
n
Maramiha kami, tayo natin,nami atin,amin
n kayo n inyo
sila ninyo kanila
nila
ii. Panghalip pamatlig/demonstratibo

Anyong ang Anyong ng Anyong sa

Malapit sa ito, ire nito, nire dito,


nagsasalit dini/dine
a
Malapita iyan niyan diyan
kausap

Malayo a iyon niyon/noo doon


kausap n
iii. Mga Panghalip ng pananong

Isahan Dalawahan

sino sinu-sino
ano anu-ano
alin alin-alin
kanino kani-kanino
ilan ilan-ilan
saan saan-saan
c. Pang-uri : tumuturing (naglalarawan)
sa pangngalan at panghalip

i. Mga anyo ng pang-uri

Payak Maylapi Inuulit Tambalan


Wikang mabato, mataas-taas agaw-buhay
buhay/ makatao, hinay-hinay, kapus-palad
Dinamiko malakristal, kaawaawa, tiklop-tuhod,
Payat siya palabintang, Nick taus-puso,
Taong banal mapang- naNick , balat-
akit, Ronang- sibuyas,
bibigan, Rona, ningas-
binalimbing, mataas- kugon
kailangan, taas,
masayahin, malaki-laki
sistematiko
ii. Mga kaantasan ng pang-uri

1. Pahambing komparatibo:
• Magkatulad, may patas na katangian: kadugo,
magkakulay, singkisig, kasintaba, mgkasimputi,
ga/ganggamais

• Di-magkatulad
-kaysa kay..; higit na mas matangkad kay sa kay. .;
di-hamak na maputi kaysa sa/palamang (higit ang
katangian ng inihahambing sa
pinaghahambingan): lalong matalino kay…..
-pasahol (kulang ang katangian kaysa
pinaghahambingan ): di-gasinong matalino tulad
ni; di gaanong mabigat tulad ng …; di-totoong
mahirap gaya ng; di-lubhang mabilis paris ng….
2.) Moderasyon /katamtaman :mabuti-buti, medyo-maayos,
may-kainitan

3) Pasukdol(pinakadulong digri): matapang na matapang,


sakiting-sakitin, kalaki-lakihan atbp.

D .Mga Aspekto ng Pandiwa

1. perpektibo : kilos na nasimulan at tapos na


Kumain ka na ba?
2. perpektibong katatapos:
Kakain/ kakakain-kain pa
3. imperpektibo: nasimuln at ginagawa pa
Kumakain na sila
4. kuntemplatibo : gagawin pa
Kakain na sila
Mga Pokus ng Pandiwa:

1. Pokus na tagaganap (actor): ang gumaganap


ngkilos ang pokus o paksa ng pangungusap.
-mga panalapi ng pandiwa: -um,mag- atbp.
Halimbawa: Magbigay ka ng kendi sa kanila.
Kakain daw ba ng fishball si Nene?

2.Pokus ng layon (object) ng kilos:


-mgapanlapi ng pandiwa : -in-,-han, i-, pag-, -an
Halimbawa: Kakainin ba ni Nene ang fishball?
Ibigay mo sa kanila ang kending ito.
Mga Pokus ng Pandiwa:

3. Pokus sa ganapan o pinangyayarihan ng kilos


-mga panlapi ng pandiwa: -an/han
Halimbawa:Pinagtaguan nila ang kanilang
kuwarto.
Pinaglalabahan ni Aling Nita ang batya.

4. Pokus na tagatanggap (beneficiary)


-mga panlapi ng pandiwa: i-, ipag, ipa-
Halimabawa: Ikuha mo siya ng tubig.
Ipaglaba ko si Ate.
Mga Pokus ng Pandiwa:

5. Pokus sa kagamitan o instrumentong ginamit


-mga panlapi ng pandiwa: ipang-/ipan-/ipam-
Halimbawa: Ipanlinis mo ang basahang ito.
Ipamputol mo ng damo ang gunting
na iyan.

6. Pokus sa sanhi o dahilan ng kilos


-mga panlapi ng pandiwa : ika-
Halimbawa: Ikinalungkot niya ang kamatayan
ng kaibigan.
Ikatutuwa ko ang tagumpay mo.
Mga Pokus ng Pandiwa:

7. Direksyonal/pokus, o sa direksyong tinutungo ng


kilos:
-mga panlapi ng pandiwa : -an/han
Halimbwa: Puntahan natin ang lugar na sinasabi mo.
Pasyalan natin ang resort na iyon.

8. Pokus na resiprokal o sa tugunang tagaganap ng


kilos
-mga panalapi: mag- -an , masipag- -an/han
Halimbawa: Magsusulatan tayong lagi, ha!
Naghuhuntahan na naman ang mga babaing
iyon.
e. Pang-abay: karaniwang kasama ng pandiwa, pang-uri,
at isa pang pang-abay sa pangungusap.

1. enclitic/ingklitik: kataga o particle na karaniwang


makikita pagkatapos ng unang salita sa pangugnusap
Halimbawa:
Kayo raw yata ang hinahanap nila.
Pati ba naman ikaw ay hindi naniniwala sa akin?
(Iba pa: daw/raw, din/rin, pa, po, nga, sana, pala,
muna)

2. Pamanahon (sumasagot sa kailan)


Halimbawa:
Dumating sina Fe kanina/kahapon/kamakalawa.
Pagkalipas na pagkaalis nila, dumating ang kuya.
3. Panlunan (sumasagot sa saan)
Halimbawa:
Si Miss Mena ang prinsipal sa eskwelahang iyon.
Doon ka pupunta.

4. Pamaraan (nagsasabi ng paraan ng paggawa ng


kilos; sumasagot sa paano)
Halimbawa:
Lumalakad nang mabilis si Martin.
Mabilis lumakad si Martin.
5. Iba pang pang-abay:

A. (nagppahiwatig ng hinto; katumbas sa Ingles ng ‘well…’


Halimbawa: E, anong gagawin ko?
Naiinis ka na? E di, umalis ka nalang.

B. Benepaktibo
Halimbawa: Gagawin niya ito para sa ating lahat.

C. Kawsatibo
Halimbawa: Siya ang napili dahil siya ang mahusay.

D. Pangkaukulan
Halimbawa: Nag-uusap na naman sila tungkol sa pulitika.

E. Mga katagang nasa pinal na posisyon


Halimbawa: Maganda pala ang ginawa mo, a!
2. Pangkayarian
a. Mga pang-ugnay

a.1 Mga pang-angkop (linker): ginagamit sa


pagdurogtong ng panuring (modifier) sa salitang
tinuturingan

na –(ginagamit kapag nagtatapos sa katinig ang


sinusundang salita, maliban sa katinig na n)
Halimbawa: malakas na boses, kompyuter na
bago

ng – ( ginagamit kung nagtatapos sa patinig ang


salitang sinusundan)
Halimbawa: magandang babae, matalinong babae
Mga pangatnig (conjunctions): mga kataga o maliit na
salitang ginagamit sa pag-uugnay ng mga ideya
(salita, parirala, sugnay)

Pagdagdag o adisyon : gamit sa pagdaragdag ng


impormasyon.
Halimbawa: Aalis na si Tatong at si Rina.
Ako, pati/saka siya, ay aalis na.
Pagbibigay-eksepsyon: pagsasabi ng “maliban sa…”
Halimbawa: Lahat tayo, maliban sa maysakit na si
Benny ay maglilinis.
Pagbibigay-sanhi o dahilan:
Halimbawa: Di ka makasasama dahil bata ka pa.
Nanalo siya kasi talagang siya’y mahusay.
Pagbibigay-bunga o resulta:
Halimbawa: Masipag mag-aral si Marie kaya
naman naging matagumpay siya.
Pagbibigay-layunin o naisin
Halimbawa: Magtulungan tayo upang magawa natin ang
ating mga balak.

Pagbibigay-kundisyon
Halimbawa: Kapag hindi ka nagsasabi ng totoo walang,
maniniwala sa iyo.

Pasalungat o kontrast
Halimbawa: Totoo ang sinasabi mo pero bihira pa rin ang
sasang-ayon sa iyo.

Pagbibigay-kongklusyon o panghuling pananaw


Halimbawa: Mahusay ka talaga ; samakatuwid, dapat
lamang na ikaw ang first honors.
Mga pang-ukol : ginagamit upang matukoy ang paksa
o pinagbabatayan ng impormasyon.

Paksa
Tungkol / Ukol sa wika ang tatalakayin natin
ngayon.
Hinggil kay Mona Lisa ang artikulong ito.

Pinagmulan ng pananaw
Para kay Quezon, mas mabuting mala-impyerno
ang pamamalakad ng pamahalaan basta mga
Pilipino ang mamamahala rito, kaysa malalangit
na pamamahala ngunit banyaga naman ang mga
pinuno.
(ayon sa/kay, alinsunod sakay, batay kaysa)
Wastong Gamit ng mga Salita

 Sa pagsasalita at pagsulat ang


wastong paggamit ng mga salitang
karaniwan ay lubhang kailangan.
Kailangang sumusunod ito sa mga
alituntuning pang-gramatika.
Nakatutulong sa maayos, malinaw
at mabisang pagpapahayag kung
wasto ang gamit ng mga salitang
Filipino.
NG at Nang

Gamit ng NG
 Ginagamit bilang pantukoy
Halimbawa: Nag-aaral ng Espanyol si Peter.
 Ginagamit bilang pang-ukol na ang
katumbas sa Ingles ay WITH
Halimbawa: Pinalo niya ng mahabang kahoy
ang aso.
 Ginagamit bilang pang-ukol na ang
katumbas ay SA
Halimbawa: Magsisitungo ng Tagaytay ang
mga turista.
NG at Nang

Gamit ng NANG
 Ginagamit na pangatnig sa hugnayang
pangungusap bilang panimula ng katulong ng
sugnay o ugnay na di makapag-iisa
Halimbawa: Nang siya’y umalis, ako’y natutulog
pa.
 Ginamit bilang pang-abay na nagangailangan
sa
“ na” na inangkupan ng “ng” kaya’t nagiging
“nang”
Halimbawa: Nagsalita nang malumanay ang
mga guro sa Filipino.
MAY at MAYROON
Gamit ng MAY
 Ginagamit ang may kung ang sumsunod na salita ay:
-pangngalan
Halimbawa: May taong masipag.
-pandiwa
Halimbawa: May aalis na marino mamayang gabi.
-pang-uri
Halimbawa: May lumang bahay na nasunog.
-panghalip na paari
Halimbawa: May kanya-kanya tayong gawi.
-pantukoy na mga
Halimbawa: May mga magagarang damit ang mga
bagong dating mula sa Italya.
-pang-ukol na sa
Halimbawa: May sa-palos ang taong iyan.
MAY at MAYROON

Gamit ng MAYROON
 Sinusundan ng panghalip na palagyo
Halimbawa: Mayroon silang dadaluhang
pagtitipon sa susunod na araw.
 Sinusundan ng isang kataga
Halimbawa: Mayroon ding palatuntunan sa
Linggo ng Wika.
 Ginagamit sa patalinghagang kahulugan
Halimbawa: Si Don Elizalde ang mayroon sa
kanilang lugar.
KUNG at KONG

Gamit ng KUNG
 Ginagamit na pangatnig sa mga sugnay na di
makapag-iisa sa mga pangungusap na
hugnayan.
Halimbawa; Kung siya’y narito, tayo’y magiging
masaya.

Gamit ng KONG
 Buhat sa panghalip na ko ang kong at
nilalagyan lamang ng pang-angkop na ng sa
pakikiugnay na salitang sumusunod.
Hlimbawa: Ipinagtapat kong nangyari.
DIN at RIN; DAWat RAW; DOON at ROON

Gamit ng din, daw, doon


 Ginagamit kapag ang nauunang salita ay
nagtatapos sa katinig maliban sa w at y.
Halimbawa: Sumikat din ang araw.
Sumikat daw ang araw.
Sumikat doon ang araw.

Ginagamit kapag ang nauunang salita ay


nagtatapos ng patinig at ang w at y ay itinuturing
na malapatinig, samakatuwid ay siyang
ginagamit kapag ang sinusundang rin, raw, roon
ang salita ay nagtatapos sa mga titik na ito.
Halimbawa: Wala rin ang kapatid ko sa bahay.
Wala raw ang kapatid ko sa bahay.
Wala roon ang kapatid ko sa bahay.

IKA at IKA-
Gamit ng ika
 Ginagamit bilang panlapi sa bilang na isinusulat
bilang salita.
Halimbawa: ikatlong taon, ikaapat na araw
Gamit ng ika-
 Ginagamit ang ginigitlingan na “ika” bilang
panlapi kung mismong bilang ang isusulat.
Halimbawa: ika-21ng Febrero
ika-3 taon
MAKA at MAKA-
Gamit ng maka
 Ginagamit ang “maka” na walang gitling
kung pangngalang pambalana ang kasunod
na salita.
Halimbawa: Naglunsad na naman ng kilos
proteta ang mga makamasa.

Gamitng maka-
 Ginagamit ang may gitling na “maka-”
kapag sinusundan ng pangngalang
pantangi.
Halimbawa: Maka-Erap lagi na ang
pasimuno sa kilos protesta.
GAWIN at GAWAN
 Ginagamit ang mga panlapi –in/ -hin sa mga
pandiwang pokus sa layon
Halimbawa: Gawin mo ang inaakala mong
makikinabangan ang lahat.

 Ginagamit ang panlaping –an/ -han sa mga


pandiwang pokus sa direksyon
Halimbawa: Huwag mong gawan ng
masama ang kapwa mo.
Pareho rin ang gamit ng mga sumusunod:
DALHIN at DALHAN
HINGIN at HINGAN
Bottom-up (ibaba- Top-down (itaas-
pataas) pababa)
oKailangang nakikilala ang oMaaring maunawaan ang
bawat sslita sa teksto upang teksto kahit na hindi nakikilala
maunawaan ang akda. ang bawat salita sa akda

oKailangang magamit nang oKailangang magamit angmga


eksklusibo ang salita o mga palatandaan (cues) ng
palatandaan (cues) ng tunog ng kahulugan at gramatika bilang
letra upang matukoy ang mga karagdagan sa mga
di kilalang salita. palatandaang (cues) grapiko
upang matukoy ang mga di
oNangangailangan ng lubusang kilalang salita.
pagkatuto (mastery) at ng
pagkilala sa salita. oBinibigyang diin sa pagtuturo
ng pagbasa ang pangungusap,
oBinibigyang diin ang mga letra mga talata at ang akda.
, ugnayan ng letra at tunog, at
mga salita oNatatamo ang kakayahan sa
pagbasa sa pamamagitan ng
mga makabuluhang gawain sa
pagbasa, pagsulat , pakikinig at
o Ang pagbasa nang bottom-up ay text
based/text driven; ibig sabihin higit na
umaasa ang isang mambabasa, sa
mga impormayong tekstwal.

o Ang pagbasang bottom-down ay


knowledge based conceptually driven;
ibig sabihin kapag ang isang
mambabasa ay higit na nakatuon a
kung no ang alam niya upang
maunawaan ang binabasa.
Ang teoryang Iskema

o Mahalagang salik sa pagbasa ang


papel ng dating kaalaman

o Inumpisahan ni Bartlett (1932)


nilinang nina Anderson (1997) at
Rumelhart (1981) ang teoryng ito na
nagsasaad na nakaiimpluwensiya nang
malaki sa pag-unawa kung ano ang
mga alam na o hindi alam ng
mambabasa.
Mga uri ng iskema
o Content o nilalaman (tumutukoy sa mga
sistema ng tunay na katotohanan, valyus at
kombensiyong kultural)

o Formal (tinatawag ding tekstwal na iskema,


na may kaugnayan sa kaalamang retorikal
na istruktura ng teksto at ang mga genre ng
panitikan.

o Linggwistika(tinatawag ding iskema ng wika,


na tumutukoy sa istruktura ng wika,
bokabularyo, implekasyong gramatikal at
mga gamit pang-ugnay (cohesive devices).
Ang Proseso Ng Pag-unawa

o Sinasabi ng maraming pananaliksik na ang


pagbabasa ay isang kompleks na gawing
pangwika at pang-isipan na kinapapalooban
ng higit pa sa interaksyon ng mambabasa at
ng teksto.

o Ipinaliwanag ni Johnson (1983) na ito’y isang


masalimuot na gawaing nangangailangan
ng konsyus at di-konsyus na paggamit ng
mga estratehiya o kasanayan gaya ng
paglutas ng suliranin upang makabuo ng
kahulugang ninanaais ipahatig ng awtor.
Mga Paraan ng Pagpapabilis ng Pang-unawa

Mga istratehiyang pambokabularyo


 analisis na kontekstwal (pagtingin sa
ugnayan sa pagitan ng di kilalang salita at
sa konteksto nito)
 Analisis na istruktural

Mga istratehiyang pang-unawa


 Paghahanda o preparationl
 Organization strategies
 Elaboration strategies.
Mga Kasanayan sa Pag-unawa ng Tekstong
Pasulat

1. Kasanayan sa pagkuha ng pangunahin at mga


kaugnay na detalye.
2. Kasanayan sa pagbuo ng hinuha o palagay
3. Kasanayan sa pagkuha o pagdama sa istilo o tonong
ginamit ng may-akda o manunulat sa pagsulat.
4. Kasanayan sa pagbasa para makilala ang
pamaksang pangungusap.
5. Kasanayan sa pagbasa para makapagbigay ng
kongklusyon
6. Kasanayan sa pagsusuri ng mga ideyang
katotohanan at opinion
7. Kasanayan sa pagkilala sa hulwaran ng
organisasyon.
Pagbibigay-Kahulugan sa mga Salita
a. Katuturan o depinisyon Halimbawa:
Walang araw at waring uulan kaya
masasabing makulimlim ang
paligid.

Lungkot na lungkot siya kaya hindi


maitago ang kanyang
pagdadalamhati.

b. Karanasan o eksperenya Halimbawa;


Ayaw ko ng masangsang na
pabango ni Ate.
Ikinatuwa ng mga magulang niya
ang doteng ibinigay ng kanyang
nobyo.
c. Salungatan analohiya
Halimbawa:
Nakaalis na ang barkong kanilang
sinakyan nang dumaong ang
aming barko.
Masangsang:mabaho
Pagbibigay-Kahulugan sa mga Salita
d. Pahiwatig Halimbawa:
Kailangan ng sinumang bata ang
pagkalinga ng kanyang mga
magulang upang siya ay lumaking
masaya at maligaya.

Gumawa ka muna ng burador bago


ka sumulat ng pinal na papel.

e. Pagsusuri batay sa etimolohiya Halimbawa:


ng salita Talasalitaan=tala+salita+-an
Kasanayan= ka-+sanay+-an

Halimbawa:
2. Ang kolokasyon ay pagbibibgay- Kay tamis ng kanyang ngiti.
kahulugan sa isang salita o Matamis siyang mangusap.
ekspresyon na iniisip muna ang
pangunahing kahulugan bago ang Bigyang-kahulugan muna ang
“iba pang kahulugan”. “matamis na asukal”
Pagbibigay-Kahulugan sa mga Salita
3. Ang klino (cline) ay pag-iiba- Halimbawa:
Muhi/poo
iba ng kahulugan ng mga salitang
t
magkakaugnay batay sa intensidad
galit
ng mga kahulugan.
4. Ang klaster ay pagbibigay- Halimbawa:
buwisi
kahulugan sa mga magkaugnay na Pamayanant rural
mga salitang hindi kinakailangang inis
urban
magkatulad na bahagi ng Komunidad nayon
pananalita. Magagamit ito sa pag- suya
lungsod
uugnay ng mga konsepto sa baryo
content subjects tulad ng siyudad
MAKABAYAN,Agham,Sibika/Araling tradisyonal
Panlipunan, at iba pa. progresibo
makaluma
makabago
liblib
sentro
kubo
gusali
agrikultural
industriyal
Pagbibigay-Kahulugan sa mga Salita
5.Denotayon (aktuwal o Halimbawa:
kahulugang pandiksyonaryo) at Napakalikot ng batang iyan. (maliit
konotasyon (kahulugang na tao; denotibong kahulugan)
ipinapahiwatig, depende sa
konteksto ng pangungusap; maari Bata ka pa kaya di ka pa dapat
rin ang kultural na kahulugan) manligaw.(di pa matanda,denotibo)

Siya ang pinagkakatiwalaang bata


ng kongresman.(alalay,konotibo)

6. Ang pamamaraang cloze ay Halimbawa:


pagkuha ng kahulugan sa Pamayanan rural
pamamagitan ng pagpupuno ng urban
isang discourse sa tulong ng mga Komunidad nayon
pahiwatig o clue na maaring lungsod
sintaktik (batay sa anyo o baryo
kayariang estruktura ng mga salita siyudad
o pangungusap), o kaya’y tradisyonal
semantiko…… progresibo
makaluma
makabago
liblib
Pag-unawa sa Binasa
1. Ang pag-unawang literal ay pag-unawang
hindi nangngailangan ng malalim na pag-
iisip ng bumabasa dahil makikita sa
mismong teksto ang sagot sa tanong na
sumusukat ng pag-unawa.

2. Ang pag-unawang interpretatibo ay pag-


unawang nangangailangan ng paghihinuha
o matalinong paghula tungkol sa
natatagong kahulugan ng teksto sa
Ingles,katumbas ito ng “reading between
the lines or making inferences.”
Pag-unawa sa Binasa
3. Ang mapanuri o kritikal na pag-unawa ay pag-
unawang nangangailangan ng mas mataas na
kognitibong kasanayan o higit na malalim na
pag-iisip (HOTS). Sa antas na ito, ang bumabasa
ay nagbibigay-pasya sa kahalagahan ng ideya at
sa kabisaan ng paglalahad ng tekstong binasa.

4. Ang pag-unawang integratibo ay pag-unawang


nagsasanib o nag-uugnay ng mga ideyang
nabasa sa mga nakaraan upang makabuo ng
mga bagong pag-unawa at kabatiran (insight).
Ano ang Panitikan?
• Ayon sa pahayag nina Cruz at
Reyes (1984) na “isang likhang-
isip ang panitikan, isang bunga ng
pagsasanib ng imahinasyon ng
manunulat at maraming bagay
tulad ng panlabas na realidad;
kinabibilangan niyang sistema;
pangkalahatang pananaw ng
komunidad; sistema ng sining ; at
wikang ginagamit.
• Ayon naman kay Azarias sa
pagsasabing ang panitikan ay
“ pagpapahayag ng mga
damdamin ng tao tungkol sa
mga bagay-bagay sa daigidg,
sa pamumuhay, sa lipunan at
pamahalaan, at sa kaugnayan
ng kaluluwa sa Lumikha.
Ano ang Dalawang Anyo ng
Panitikan?
 tuluyan - nasusulat sa
karaniwang takbo ng pangungusap
at talataan
 Patula – may mga saknong,
taludturan, sukat (bilang ng pantig
sa bawat laludtod), tugma, ritmo o
aliw-iw
 Mga akdang tuluyan:

 Nobela- nahahati sa mga kabanata


 Maikling kuwento- maikling katha na nagsasalaysay
ng pang-araw-araw na buhay..
 Dula- pinakalayuning itanghal sa entablado
 Alamat – kuwento ng pinagmulan ng mga bagay
bagay.
 Pabula- hayop ang mga tauhan na nagbibigay aral.
 Sanaysay- nagpapahayag ng pananaw ng awtor
 Talambuhay- kasaysayan ng buhat ng isang tao
 Parabula- kathang hango sa Bibliya
 Talumpati -layuning bigkasin sa harap ng
tagapakinig.
Mga akdang patula
Tulang pasalaysay
 Epiko –tungkol sa pakikipagsapalaran , katapangan, at
kabayanihan ng pangunahing tauhan.
 Awit- taludturan na may sukat labindalawang
(12)pantig
 Korido – binubuo ng walong pantig ang bawat taludtod

Tulang liriko
 Soneto-may (14) na taludtod at ang bawat
tigalawang taludtod ay may sukat na (8) at (6) na
pantig.
 Elehiya- tula ng kalungkutan dahil sa pumanaw na
mahal sa buhay
 Oda- tula ng paghanga o pagpuri
Ano ang katangian ng Panitikang Pilipino sa iba’t
ibang yugto ng kasaysayan ng Pilipinas?
May sari-sariling katangian ang Panitikang Pilipino
sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan ng Pilipinas
 Bago Dumating ang mga Kastila
 Panhon ng Kastila
Panahon ng Propaganda
 Panahon ng Himagsikan
 Panahon ng Amerikano
Panahon ng Hapon
Panahon ng Bagong Kalayaan
 Panahon ng Aktibismo at Bagong Lipunan hanggang
kasalukuyan
Bago Dumating ang mga kastila
 pasalita ang panitikan
 alamat
 mitolohiya ( kuwento ng mga Diyos at
Diyosa)
 kuwentong bayan
 bulong ( dulang tradisyonal, isang paraan ng
panggamot)
 awit
 dulang panrelihiyon
Bago Dumating ang mga kastila
 awiting bayan
 oyayi (paghehele sa sanggol)
 soliranin (awit sa pamamangka)
 diona (awit sa kasal)
 dalit ( awit panrelihiyon ng mga Bisaya)
 kundiman ( awit ng pag-ibig)
Bago Dumating ang mga kastila
 bugtong (
 salawikain (patalinghagang pahayag
upang mangaral at magturo ng kabutihang-
asal)
 sawikain ( patula at may sukat at tugma,
pero nagpapahayag ng katotohanan at
nagpapakita ng ugali ng tao
 panunudto
 palaisipan
Bago Dumating ang mga kastila
 Epiko
 Batugan (Muslim)
 Biag ni Lam-ang (Iloko)
 Ibalon ( Bikol)
 Kumintang (Tagalog)
 Hudhud at Alim(Ifugao)
Panahon ng Kastila
• Pinalitan ng alpabetong Romano ang
dating Alibata
• Doktrina Cristiana ( kauna-unahang aklata
panrelihiyon sa bansa)
• Padre de Borja – isinalin ang kauna-
unahang nobela sa Filipino (Barlaan at
Josaphat)
• Urbana at Felisa ni Padre Modesto de
castro – naging paborito ng marami
Panahon ng Kastila
• Kantahing-bayan – nagpapahayag ng
sariling kulturang Pilipino
– Sa Libis ng Nayon (Tagalog)
– Leron, Leron Sinta ( Tagalog)
– Sarong Banggi ( Bikolano)
– Manang Biday ( Ilokano)
– Dandansoy (Bisaya)
Panahon ng Kastila
• Tulang Pasalaysay
– Awit (may labindalawang pantig (12) sa
bawat taludtod
• Florante at Laura (1838)
– Korido (tulang may walong pantig (8) sa
bawat taludtod
• Jose Dela Cruz( Huseng Sisiw)
• Francisco baltazar
• Ibong Adarna at Don Juan Teñoso
Panahon ng Kastila
• Duplo ( madulang pagtatalong patula)
• Tibag ( pagsasadula ng paghahanap nina
Maria Elena at Prinsipe Constantino ng
krus na pinagpakuan kay Kristo
• Karilyo ( dulang mga tau-tauhang karton
ang nagsisiganap at nakikita lamang ang
mga anino)
• senakulo ( dulang naglalarawan ng buhay
ni Hesus)
Panahon ng Kastila
• moro-moro ( dulang pumapaksa ng
paglalaban ng mga Kristiyano at muslim
• sarswela ( isang dulang musikal o
melodrama tungkol sa pang-araw-araw na
buhay ng mga Pilipino)
– Walang Sugat ni Severino Reyes
Panahon ng
Propaganda
• lumaganap ang diwa ng nasyonalismo
dahil sa maling pamamalakad ng mga
Kastila sa pamahalaan, pang-aapi, at
pagsamantala sa mga pilipino at marami
pang dahilan
Panahon ng
Propaganda
• Jose Rizal
– may bansag na Dimas-Alang at Laong-Laan
– naging pangunahing repormista na bumuo ng
Kilusang Propaganda
– Noli Me Tangere (pinakadakilang
dokumentong sosyal ng Pilipinas)
– El Filibusterismo ( binansagang “ebanghelyo
ng pagkamakabayang Pilipino
Panahon ng
Propaganda
• Marcelo H. del Pilar (Plaride)
• Antonio Luna (Taga-ilog)
• Graciano Lopez Jaena - unang patnugot
ng La Solidaridad (pahayagan) at sumulat
ng Fray Butod
• Mariano Ponce (Tikbalang, Naning,
Kalipulako)
• Pascual Poblete ( Ama ng Pahayagan)
Panahon ng
Himagsikan
• Nagtatag si Andres Bonifacio ng isang
samahan – (ang katipunan)
• Andres Bonifacio
– supremo ng Katipunan
– Agapito
– Bagumbayan
Panahon ng
Himagsikan
• Emilio Jacinto (Dimas-Ilaw)
– Kinilalang “Utak ng Katipunan”
• Pio Valenzuela (Madlang-Awa0
• Apolinario Mabini
– dakilang Lumpo
– Utak ng Himagsikan
Batayang Konsepto sa pag-aaral
ng Wika

You might also like